You are on page 1of 7

MGA KASANAYAN SA

EPEKTIBONG PAGSASALITA:
BATAYAN SA PAGLINANG
NG KASANAYAN SA
KOMUNIKASYON
KAHULUGAN NG PAGSASALITA
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag
ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang
nagsasalita at ang kinakausap
LAYUNIN NG EPEKTIBONG
PAGSASALITA
 Magbigay kaalaman-Ang adhikain ng pagsasalita ay magpabatid o
magbigay ng impormasyon. (ideya,saloobin,damdamin)
 Manlibang-May mga pagkakataong ang mga tagapagpakinig ay
naliligayahan sa mga sinasabi ng tagapagsalita ay nakakalibang dahil
sa malakas niyang “sense og humor”.
MAHALAGA ANG PAGSASALITA
DAHIL:
 naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng
nagsasalita
 nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
 nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
 naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan
sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga
patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
PAANO NAGIGING MABISA ANG
PAGSASALITA?
•Kaalaman - kailangang may sapat kang kaalaman
hinggil sa iba’t ibang bagay. •Kasanayan - ang
pagsasalita ay isang kasanayang maaring linangin.
•Tiwala sa Sarili - ang isang taong walang tiwala sa
sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
NG ISANG TAGAPAGSALITA
•Sensiridad – magkapakatotoo sa iyong sinasabi.
•Adaptabilidad – kaya niyang iakma sa edad, interes o kalagayan ng tao
ang mensaheng ibabahagi. Mahusay makiramdam sa mga tagapakinig
kung nauunawaan ba siya o hindi.
•Interes – mahusay na nakakapa ang ineteres ng kanyang kausap.
•Mahusay makinig – kinakailangan ang mahusay na pakikinig nang sa
gayon ay maunawaan mo ang kanilang sinasabi at masasabi mo nang
mahusay ang nais mo.
KASANGKAPAN SA PAGSASALITA
a. Tinig - Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita.
b. Bigkas - Kailangan malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
c. Tindig - Dapat tumindig nang maginhawa at maluwag ang nagsasalita.
d. Kumpas - Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood
o robot.
e. Kilos - Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring
gumalaw.

You might also like