You are on page 1of 15

Pangangalap ng Datos

May dalawang uri na mapaghahanguan ng


mga datos na magagamit sa pananaliksik
1. Pangunahing Datos. Ang mga datos na matatagpuan dito ay
nagmumula sa tuwirang pinaggagalingan ng impormasyon na
maaaring indibidwal na tao, iba’t – ibang organisasyon pribado man o
pampubliko.
2. Sekundaryang Datos. Tumutukoy ito sa mga datos na mula sa
mga aklat, diksyunaryo, ensayklopidya, almanac, tesis, disertasyon,
manuskrito at mga artikulo ng mababasa sa mga pahayagan at
magasin.
Interbyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan

Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskurso ng dalawang


tao o ng isang pangkat at isang indibidwal – ang una’y
interbyuwer at ang ikalawa’y interbyuwi.
Ang interbyu ay maaring itinatakda – ang petsa, araw, oras at
lugar – at maaring namang hindi depende sa abeylabiliti ng
dalawang panig. Itinatakda man o hindi, masusi ang
ginagawang paghahanda bago ganapin ang interbyu.
Pagpili ng Interbyuwi

Ang mga ispesipik na katangiang dapat taglayin ng isang taong


iinterbyuwin, kung gayon, ay ang mga sumusunod.
● May malawak na kaalaman. May sapat ba siyang kaalaman sa paksa
ng pananaliksik? May awtoriti ba siya upang magbigay ng mga
hinihinging datos o impormasyon?
● Relayabol. Maaaring maibigay ng interbyuwi ang mga impormasyong
kailangan ngunit kalimitan, hindi lahat ng impormasyon ay angkop sa
ginagawang pananaliksik.
Mga Hakbangin sa Pormal na Interbyu

a. Bago Mag-interbyu
● Tiyakin muna ang layunin ng interbyu.
● Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay.
● Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at
oras ng interbyuwi.
b. Sa Takdang Oras
1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang
lugar.
2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay.
3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.
c. Sa Oras ng Pag-uusap
1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong
na sinasagot lamang ng oo at hindi.
2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu.
3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng inetrbyuwi.
4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit
umiwas din sa paglihis sa paksa ng interbyu.
5. Makinig nang mabuti.
6. Itala ang mga kinakailangan na mahahalagang kaalaman sa dikapansin-pansin na
paraan.
7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.
8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu.
d. Pagkatapos ng Pag-uusap
1. Huwag pabigla-bigla sa pagtapos ng interbyu.
2. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong naitala.
3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon.
4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi
ng interbyuwi, makipagkita o makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa
gayo’y maliwanagan at nang maiwasang mamis-quote ang interbyuwi.
5. Hangga’t maaari, bigyan ang interbyuwi ng kopya ng transkip ng
interbyu o ng awtput ng interbyu.
Ang Sarbey-Kwestyoneyr

Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o talatanungan ay listahan ng


mga planado at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa,
naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente at
inihanda para sagutan ng maraming respondente.
Ang kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na kapag nasagutan nang
maayos ng kailangang bilang ng piniling respondente ay magbibigay ng
mga impormasyong kailangan upang makumpleto ang isang
pananaliksik.(Calderon at Gonzales, 1993).
Mga Adbentahe at Disadbentahe ng
Kwestyoneyr
Mga Adbentahe:
1. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.
2. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.
3. Ang mga sagot ng mga respondente ay madaling itabyuleyt.
4. Ang mga sagot ng respondente ay malaya.
5. Maaaring magbigay ng mga kumpidensyal na impormasyon ang mga
respondente.
6. Maaaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa oras na
gusto nila.
7. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.
Mga Disadbentahe:
1. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat
o mga ilitereyt.
2. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang
respondente ang kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala
o follow-up ng mananaliksik.
3. Maaaring magbigay ng mga maling impormasyon ang respondente,
sinasadya man o hindi.
4. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem
sa kwestyoneyr.
5. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan sa
kwestyoneyr.
6. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga
respondente at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.
Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr
1. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa mananaliksik, layunin
ng pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at akyureyt na sagot ng
mga respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa
mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti,
pagsasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente
ng kooperasyon.
2. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
3. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
4. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
5. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
6. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.
7. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
8. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na
sagot o mga nakahihiyang impormasyon.
9. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
10. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang.
Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
11. Panatilihing anonimus ang mga respondente.
Pagkuha ng mga Datos

1. Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos .


2. Direktang sipi.
3. Paggamit ng elipsis
4. Sinopsis
6. Parapreys
7. Abstrak.
8. Sintesis.

You might also like