You are on page 1of 10

Ang Sarbey

Ang sarbey ay isang malawakang paraan


sa pagkuha ng mga datos o impormasyon
sa isang deskriptibong pananaliksik.
Madalas itong gamitin sa pagsusuri ng
kalagayan ng lipunan, politika at
edukasyon.
IBA’T IBANG URI NG SARBEY
1. Pampublikong Sarbey- layunin nitong alamin ang
ugali, paniniwala o opinyon ng isang publiko.
2. Panlipunang Sarbey – layunin nitong mangalap ng
mga datos at impormasyon tungo sa pagplano at
pagpapatupad ng mga konstraktibong programa o
pryektong pakikinabangan ng lipunan.
3. Pamkomunidad na Sarbey- layunin
nitong mangalap ng impormasyon
bilang batayan sa pagpaplano.
4. Pampaaralang Sarbey – isinasagawa
upang imbestigahan ang ilang particular
na aspeto o problema sa edukasyon.
5. Edukasyonal na Sarbey – layunin nitong
makapangalap ng mga datos na kailangan sa Pagsulat
ng papel- pampananaliksik bilang isa sa
pangangailangan ng isang kurso o digri.
6. Analisis ng Trabaho – layunin ng sarbey na ito ay
makapangalap ng mga datos hinggil sa mga
pangangailangan ng trabaho o oportunidad.
ANG KWESTYONER
• Ayon kay Good (1963), ang kwestyoner ay
talatanungan ng listahan ng mga planado at
pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na
paksa, naglalaman ng mga espasyong
pagsasagutan ng mga respondante.
MGA ADBENTAHE NG KWESTYONER
1. Ang kwestyoner ay madaling gawin.
2. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.
3. Ang mga sagot ng mga repondente ay madaling itabyulet.
4. Ang mga sagot ng respondent ay Malaya.
5. Maaring magbigay ng mga kompidensyal na impormasyon.
6. Maaring sagutan ng mga respondent ang kwestyoner.
7. Higit na akyuret ang mga sagot ng respondent.
MGA DISADBENTAHE NG KWESTYONER
1. Hindi ito maaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat.
2. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang
respondent.
3. Maaaring magbiagay ng maling impormasyon.
4. Maaring hindi sagutan o masagutan.
5. Maaaring hindi maintindihan ng respondent ang ilang katanungan sa
kwestyoner.
6. Maaaring maging napakalimitado ng mga pagpipiliang-sagot ng mga
respondent.
MGA TAGUBILIN SA PAGGAWA NG
KWESTYONER
1. Simulan ito sa talatang magpapakilala sa mananaliksik.
2. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
3. Tiyaking tama ang grammar ng lahat ng pahayag.
4. Iwasan ang mga may- pagkiling ng katanungan.
5. Itala ang lahat ng mga posibleng sagot.
6. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
7. Tiyakin nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng
pananaliksik.
8. Iwasan ang mga tanong na nangangailangan ng
kompidensyal na sagot.
9. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga
mahihirap na tanong.
10. Isayos ang espasyong gagamitin.
11. Panatiling anonimus ang mga respondent.

You might also like