You are on page 1of 7

“Agyu” (Epiko ng Ilianon)

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap.
1. Sinundan ng mga Moro si Agyu upang paslangin.
Sagot: ___________________________
2.Si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.
Sagot: ___________________________
3.Hindi tumigil ang pag-atake ng mga kalaban sa sambayanan ni Agyu.
Sagot: ___________________________
4.Nahihinuha na niya na maghahari na ang kapayapaan.
Sagot: ___________________________
5. Narinig ni Lono ang isang malakas na boses na nagsasabing
tanggapin ni Mungan ang imortalidad.
Sagot: ___________________________
Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung tinalakay sa akdang “Agyu” ang pahayag sa
bawat bilang at ekis(X) kung hindi.
____1. Iniwasan ni Agyu ang pakikipaglaban sa mga Moro kaya umalis sila sa
Ayuman at nagtungo sa Ilian.
____2. Natalo sina Agyu sa mga Moro at tinanggap nila ang pagkatalo sa mga ito.
____3. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon
ito ng ketong.
____4. Humingi ng pahintulot si Tanagyaw sa ama na payagan na siyang lumaban sa
mga kaaway.
____5. Masyadong bata pa si Tanagyaw kaya hindi siya pinahintulutang lumaban sa
mga kaaway
____6. Tinanggihan ni Agyu ang pagpapakasal ni Tanagyaw sa anak na
babae ni Buy-anon ng pinunong kalaban.
____7. Sumang-ayon si Agyu na pakasalan ni Tanagyaw si Paniguan, na
anak ng datu na Baklayon.
____8. Mantanda na si Agyu kaya hindi na niya kayang ipagtanggol ang
kaniyang nasasakupan.
____9. Ginamit ni Tanagyaw ang gintong tungkod na ipinamana ni Agyu
sa pakikipaglaban sa mga kaaaway.
____10. Isinalin na ni Agyu kay Tanagyaw ang Sunglawon upang
pamahalaan ang kanilang bayan na may hustisiya.
Tagpuan
• Isa sa mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan.
Bukod sa lunan o lugar na pinangyarihan ng salaysay
kaugnay rin dito ang panahon o klima. Sa pamamagitan
ng tagpuan, malalaman kung ang pangyayari ay may
kontekstong pangkasaysayan o nagaganap sa
kasalukuyan. Sinasabing nakadepende ang ugali ng
tauhan ayon sa panahon at kapaligirang kinabibilangan
niya.
Magbigay ng hinuha batay sa mga ideya o pangyayari
sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa.

1. Kung hindi umalis ng Ilian sina Agyu, ano ang


posibleng mangyari sa kanila?
2. Lagi na lamang lumilipat ng lugar ang sambahayan ni
Agyu.
3. Matangda na si Agyu at hindi na niya kaya pang
ipangtanggol ang kaniyang sambahayan.

You might also like