Professional Documents
Culture Documents
Ang Panitikan sa
Panahon ng mga
Katutubo: ALAMAT
Panimulang Panalangin sa Klase
2
Mga Layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga
talinghaga, eupimistiko o masining na
pahayag ginamit sa tula, balagtasan, alamat,
maikling kuwento, epiko ayon sa: -
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
2. Nakikinig nang may pag-unawa upang
mailahad ang layunin ng napakinggan,
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari
3. Naisusulat ang talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas
SUBUKIN
I. Basahing at unawaing mabuti ang
sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
6
1. Dito inilalahad ang magiging resolusyon
ng kuwento.
a. suliranin c. tungalian
b. katapusan d.kakalasan
7
2. Inilalahad ang problemang haharapin
ng pangunahing tauhan.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
8
3. Anong uri ng pang –abay ang nagsasaad
kung kailan naganap ginaganap o gaganapin
ang kilos ang isang pangyayari o kilos?
a. Pamilang c. Pamanahon
b. Panlunan d. Pamaraan
9
4. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
10
5. Dito inilalahad ang pakikitunggali o
pakikisapagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin.
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d.tunggalian
11
BALIKAN
Panuto: Tukuyin kung salawikain, sawikain, kasabihan,
ang mga pahayag sa sumusunod na larawan.
TUKLASIN
Gawain 1: Pansinin mo ang mga larawan na nasa ibaba. Alam mo ba
angpinagmulan nito? Batay sa dati mong kaalaman, naririnig, nababasa,
o napapanood, magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa maaring
pinagmulan ng mga nalarawan.
13
Mga Tanong
1. Magbigay ng maaring maging paksa ng alamat.
____________________________________________________
2. Makatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang
pinagmulan ng mga bagay? Paano?
_____________________________________________________
3. Masasalamin ba sa mga paksa ng alamat ang pagiging Pilipino ?
Patunayan.
_____________________________________________________
14
GAWAIN 2
MGA POKUS NA TANONG
16
2. “ Ang baboy na ito ay inaalay sa kanilang
bathala upang mapawi ang galit”
17
3. “ Sinabi ng matanda na sukluban siya
18
4. “Nang malapit nang mabuwal ang
punongkahoy ay kumidlat nang ubod
talim”
19
5. Dinaanan ng salot na balang ang palayan
ni Kunto.
20
UNAWAIN
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang
Alamat mula sa Pulo ng Luzon (Benguet)
21
ALAMAT NG GINTO
(Alamat ng Baguio)
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan
ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya
ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik .
Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay
nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong
panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
22
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa.
Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan
at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi
pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo
ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa
gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya
mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
23
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang
nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa
nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang
ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos
ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos
upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman
ay naghanda ng masasarap na pagkain.
24
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung
ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan.
Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang
pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi
na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa
kanilang nakita. Sila’y natakot.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak
magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa
inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo
ang lahat ng aking ipagbilin.
25
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang
inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay
hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay
maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na
huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang
kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa
matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang
punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat
hanggang sa kaliit-liitang dahon.
26
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang
lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay
pumitas ng dahoon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati
nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang
punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na
maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin
maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin
ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
27
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha
ng mga sibat.
Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang
mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-
talim.
Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan
ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa
inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong
pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa
inyong mga puso.
28
Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa
tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay
nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa
Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
29
Pang-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat katanungan.
Itala ang iyong kasagutan sa nakalaang patlang.
30
2. Paano magdudulot ng kapahamakan
ang kasakiman at inggit? Tama ba ang ginawa
at inasal ng mga tao sa kuwento?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
31
4 . Sa iyong palagay , makatarungan ba sa mga
taga-Suyuk ang parusang iginawad ng matanda sa kanila?
Pangatwiranan ito sa tulong ng dayagram.
Makatarungan ba
sa mga taga-Suyuk HINDI
OO
ang parusang
iginawad ng
matanda sa
kanila ?
KONGKLUSYON
32
5. Isa-isahin ang kaugalian ng mga Igorot na
binanggit sa alamat na dapat nang itigil at dapat pang
ipagpatuloy.Ipaliwanag.
33
Gawain 1: Isalaysay muli ang alamat batay
sa sumusunod na bahagi.
PAKSA
34
ALAM MO BA?
A. Ang salitang Alamat ay panumbas sa legend ng Ingles.
Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin
na legendus, na ang kahulugan ay upang mabasa.
35
C. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa
tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang
halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga
bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga
pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa
pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagayat iba pa.
36
E. May tatlong bahagi ang alamat.Simula:
37
2. Gitna: Binubuo ang Gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan sasarili , sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kaniyangipinaglalaban.
38
3. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan .
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan.
At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging
resolusyonng kuwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
39
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
40
Matatalinghagang Salita
41
Ang matalinghagang salita ay mga salitang may
malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng
tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing
patnubay na dapat gawin sa buhay. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na
may sukat at tugma.
Mga Halimbawa:
- Balat sibuyas – sinsitibo
- Isang kahig-isang tuka- naghihirap
- Alog na ang baba- matanda na
42
Pagsasanay 1
43
HANAY A HANAY B
1. May bulsa sa balat a. mag-uumaga
2. Hulog ng Langit b. kuripot
3. Ilaw ng tahanan c. sinungaling
4. Busilak ang Kalooban d. biyaya
5. Mala adonis na e. mahirap
pangangatawan f. ina
6. Anak pawis
g. makisig
7. Naglulubid ng buhangin
h. mabuti
8. Bukang liwayway
44
HANAY A HANAY B
9. Itaga mo sa bato i. maganda
10. Dalisay j. ipinangako
11. Nagsusunog ng kilay k. kaibigan
46
Gawain 1
Panuto: Balikan ang alamat na binasa. Kopyahin ang mga salitang may salungguhit ang
kaisipan na nais nitong ipahatid sa sagutang papel.
PAMAGAT
Kaisipan na
Matalinghagang
Salita KAISIPAN nais ipabatid
_____________ ____________
Matalinghagang Kaisipan na
Salita KAISIPAN nais ipabatid
____________ ____________
Matalinghagang Kaisipan na
Salita KAISIPAN nais ipabatid
____________ ____________
47
Pagsasanay 3
Panuto: Gumawa ng hugot o pick-up lines na
ginagamitan ng matatalinghagang salita.
3 5
1 ________
________
_______ ________
________
_______ 2 4 ________
________
_______ ________ ________ ________
________
_______ ________ ________
________ ________
________ ________
48
MGA POKUS NA TANONG
50
Isagawa
Panuto: Gumawa ng limang hugot o pick-up lines na
gagamitan ng matalinghagang salita.
1. _________ 2. _________ 3. _________ 4. ________ 5. _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
51
MGA PAMANTAYAN
a. Nilalaman 15
b. May orihinalidad 15
c. Organisasyon ng ideya 10
52
TAYAHIN
Batid kong marami ka nang impormasyong nalaman tungkol sa ating aralin.
Ngayon naman subukin natin ang iyong mga natutuhan.
Paunto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng wastong
sagot.
a. tauhan c. suliranin
b. tagpuan d. katapusan
53
2. Anong element ng alamat matatagpuan ang bahaging ito? Isang araw ay
nagpunta si Kunto sa gubat upang mamana. Nakakita siya ng uwak na
nakatayo sa landa na kanyang tinalunton.
a. tauhan c. suliranin
b. tagpuan d. katapusan
a. suliranin c. kakalasan
b. katapusan d. kasukdulan
54
4. Bahagi ng alamat na binubuo ng kakalasan at katapusan.
a. wakas c. gitna
b. simula d. tunggalian
a. tunggalian c. katapusan
b. kasukdulan d. tagpuan
55
7. Ito ang tawag sa pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o
punongkahoy, ng bulaklak at iba pang bagay.
a. alamat c. mitolohiya
b. epiko d. bugtong
a. mapang-api c. mapanukso
b. mapang-imbot d. mapagmalabis
56
9. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap.
a. nalito c. naguluhan
b. nag-alinlangan d. nag-atubili
a. namamasid c. mapagmataas
b. nababakas d. matapobre
57
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang inyong mga kaalaman sa unang bahagi ng araling ito,
susubukan natin ang talas ng inyong isip. Ibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang salita na nasa ibaba at gamitin sa pangungusap.
58
Maraming
salamat!
59