You are on page 1of 1

SALAMIN NG MINDANAO

MINDANAO
AGYU

Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at


Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga
Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni
Agyu. Sa kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977),
ang Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol
sa búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumano ay epikong-
bayan ng mga Manobo at may sanga ito na tinatawag na Tulalangan at
hinggil naman sa bayaning si Tulalang.

Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu,


angkan, at mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o
Nelendangan. Nagsisimula ito sa pagdating ng isang malupit na
kaaway o mananakop kayâ kailangang tumakas ng komunidad ni Agyu.
May episodyo tungkol kay Mungan, asawa ng kapatid ni Agyu na si
Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan at nagpasiyang magpaiwan.
Ngunit pinagaling siyá ng mga naawang diwata at tinuruan pa kung
paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu. May episodyo din sa
mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena, gayundin sa
anak niyáng si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking bangka,
ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo,
narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari
si Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà.

Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa


Nalandangan. Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña
(1972), inilarawan ang isang malaki’t madugong labanan nang lusubin
ng mga kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-
Nalandangan dahil sa kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa
pakikidigma. Ang isang katangi-tangi sa Olaging na ito ay ang
paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng Nalandangan at sa
malaking bahay ni Agyu.

You might also like