Professional Documents
Culture Documents
Sa
tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na
kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko.
Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa
pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang
pagkit pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may
ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib.
Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian
at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang
Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga
Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang
bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila
sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang
sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang
sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw.
Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang
malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni
Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay
Tanagyaw.