Professional Documents
Culture Documents
Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga kaklase at
unti-unting naglapitan sa kanya.
“Anong nangyari sa iyo, Bong?”, tanong ni Annie.
“Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto!” ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran
“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya.
Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang sagot ni Bong.
“Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy habang inaalalayan si
Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos nilang
magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.
“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang
ang kamay niya ay naka-plaster.”
Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento? Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
d. pagtataka e. pagsisisi
1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon at may basura. Ang mga tao ay
masasayang namumuhay sana ngunit hindi sila marunong maglinis ng kanilang mga bakuran. Ang mga
bata ay laging marurumi at hindi marunong maligo. Ngunit walang gumagawa ng hakbang para luminis
ang lugar. Kuntento lamang ang mga tao sa kanilang buhay hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga
tao.
Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng kanilang mga kababayan.
Iniutos ng hari na magkaroon ng mga grupo ng tao na mag-iikot araw at gabi upang magbantay. Doon
nila nakita ang higanteng si Angaw. “Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ”
narinig pa nila itong sinabi ni Angaw habang nag-iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga
mamamayan sa hari. Dahil doon, ipinagutos ng hari na magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng
kanilang bayan. Tinuruan din nila ang mga batang maglinis ng katawan. Bumango at luminis ang bayan.
Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito. Nagtaka sila kung anong nangyari kay Angaw. Sa
kanilang paghahanap, nakita nilang ito’y namatay na sa gutom dahil wala nang makaing maruruming
tao. Inihagis nila ang bangkay nito sa isang malalim na bangin kung saan nila itinapon ang mga basura ng
kanilang bayan. Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala ang bangkay ni Amok at nagkarooon ng maraming
lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw upang maalala ang higanteng si Angaw.
Tinabunan nila ang basura ng lupa at nawala ang mga langaw na lumilipad-lipad. Magmula noon ay hindi
na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa kanilang lugar at mga katawan. Ayaw na nilang
bumalik ang mga langaw sa kanilang lugar.
1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ano ang kanilang natagpuan sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay ng higante?
______________________________________________________________________
______Naglinis ng pamayanan at katawan ang mga tao. _______Kinain ng higante ang mga taong
marurumi. ______Pinabayaan ng mga mamamayan na maging marumi ang kanilang mga sarili at ang
kanilang bayan. ___ Natagpuan nila ang mga insektong lumilipad-lipad sa bangin kung saan nila itinapon
ang bangkay ng higante.
Tungkol saan ang paksa ng bawat talata? Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Maraming kayong magagamit sa paglilinis ng bahay. Una na dito ang sabong panglaba. Ginagamit ito
sa paglalaba at sa pag-alis ng dumi sa mga gamit. Maari ring gamitin ang suka sa pagtanggal ng mantsa.
a. Ang suka ay mabisang pangtanggal ng mantsa. b. Ginagamit ang sabon sa paglalaba. c. Ang suka at
sabong panglaba ay mabisang panlinis.
2. Ang langaw ay isang insektong hindi nakakatuwa dahil marami itong sakit na dinadala. Kumakapit ang
mikrobyo sa mga paa nito sa tuwing dadapo ito sa basura. Ang mikrobyo naman ay nalilipat sa pagkain
kapag dumapo na ang langaw. Maaaring magkasakit ang taong makakakain ng pagkaing dinapuan ng
langaw. a. Nakakakuha ng mga sakit sa langaw. b. Maliit lang na insekto ang langaw. c. MIkrobyo ang
dahilan ng sakit.