You are on page 1of 2

__________________________

__________________________
__________________________

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Ang Plaster ni Bong

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga kaklase
at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo, Bong?”, tanong ni Annie. “Plaster yan, hindi ba?
Naku, nabalian ka ng buto!” ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran “Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa
braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.
Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang sagot ni Bong. “Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng
ilang buwan.”, sabi ni Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan. Tumahimik ang lahat ng dumating si
Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.
“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang
kamay niya ay naka-plaster.”

Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento? Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

________1. Bong ________ 2. Annie ______ 3. Tito ________4. Emy ________ 5. Gng. Santos

a. pagbibigay pag-asa b. pagbibigay paalala c. pag-aalala d. pagtataka e. pagsisisi

Isulat ang iyong palagay sa mga sumusunod na katanungan.


1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
___________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?
___________________________________________________________________________________________________________
3. Paano kaya ipapakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang kamay niya ay naka-plaster?
___________________________________________________________________________________________________________

Basahin ang kuwento sa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Ang Alamat ng Langaw

Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon at may basura. Ang mga tao
ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi sila marunong maglinis ng kanilang mga bakuran. Ang mga bata
ay laging marurumi at hindi marunong maligo. Ngunit walang gumagawa ng hakbang para luminis ang lugar.
Kuntento lamang ang mga tao sa kanilang buhay hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga tao.
Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng kanilang mga kababayan.
Iniutos ng hari na magkaroon ng mga grupo ng tao na mag-iikot araw at gabi upang magbantay. Doon nila
nakita ang higanteng si Angaw.
“Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ” narinig pa nila itong sinabi ni Angaw habang nag-
iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga mamamayan sa hari. Dahil doon, ipinagutos ng hari na
magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng mga tao mula sa bayang ito. Nagtaka sila kung anong nangyari kay Angaw. Sa kanilang
paghahanap, nakita nilang ito’y namatay na sa gutom dahil wala nang makaing maruruming tao. Inihagis nila ang bangkay nito sa
isang malalim na bangin kung saan nila itinapon ang mga basura ng kanilang bayan. Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala ang
bangkay ni Amok at nagkarooon ng maraming lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw upang maalala ang
higanteng si Angaw. Tinabunan nila ang basura ng lupa at nawala ang mga langaw na lumilipad-lipad.
Magmula noon ay hindi na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa kanilang lugar at mga katawan. Ayaw na nilang
bumalik ang mga langaw sa kanilang lugar.

1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?


___________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?
___________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit gustong-gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?
___________________________________________________________________________________________________________
4. Ano ang ginawa ng mga tao upang mapuksa ang higante?
___________________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang kanilang natagpuan sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay ng higante?
___________________________________________________________________________________________________________

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bilang 1 hanggang 4.


______ Naglinis ng pamayanan at katawan ang mga tao.
______ Kinain ng higante ang mga taong marurumi.
______ Pinabayaan ng mga mamamayan na maging marumi ang kanilang mga sarili at ang kanilang bayan.
______ Natagpuan nila ang mga insektong lumilipad-lipad sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay ng higante.
Tungkol saan ang paksa ng bawat talata? Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Maraming kayong magagamit sa paglilinis ng bahay. Una na dito ang sabong panglaba. Ginagamit ito sa paglalaba at sa pag-alis
ng dumi sa mga gamit. Maari ring gamitin ang suka sa pagtanggal ng mantsa.
a. Ang suka ay mabisang pangtanggal ng mantsa.
b. Ginagamit ang sabon sa paglalaba.
c. Ang suka at sabong panglaba ay mabisang panlinis.

2. Ang langaw ay isang insektong hindi nakakatuwa dahil marami itong sakit na dinadala. Kumakapit ang mikrobyo sa mga paa nito
sa tuwing dadapo ito sa basura. Ang mikrobyo naman ay nalilipat sa pagkain kapag dumapo na ang langaw. Maaaring magkasakit
ang taong makakakain ng pagkaing dinapuan ng langaw.
a. Nakakakuha ng mga sakit sa langaw.
b. Maliit lang na insekto ang langaw.
c. MIkrobyo ang dahilan ng sakit.

You might also like