You are on page 1of 15

Pagpapalawak

ng Pangungusap

Mark Laurence J. Fano, LPT

ALLPPT.com _ Free PowerPoint Templates, Diagrams and Charts


Mga Layunin

Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa


pagpapalawak ng pangungusap
Mga Paraan sa Pagpapalawak
ng Pangungusap

• Pagdaragdag ng Paningit o Inglitik


• Paggamit ng Panuring
• Pagsasama ng pamuno sa Pangngalan
• Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala
Pagdaragdag ng Paningit
o Ingklitik
Isinasama ito sa pangungusap
upang mas malinaw ang mensah
eng nais iparating
Mga Halimbawa ng Ingklitik
man naman kaya kasi
yata sana tuloy nang
ba pa muna pala
na daw/raw din/rin Lamang/
lang
Paggamit ng mga
Panuring
Dalawang Kategorya ng Panuring
1. Pang-uri na panuring Pangngalan.
at Panghalip
2. Pang-abay na panuring sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay
Halimbawa
Batayang Pangungusap
Ang Great Wall of China ay simbolo ng
Dinastiyang Ming.
Pagpapalawak gamit ang Pang-uri
Ang makasaysayang Great Wall of China
ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
Halimbawa
Batayang Pangungusap
Ang mga mamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng
pamahalaan.

Pagpapalawak gamit ang Pang-abay at Pang-uri


Ang mga mamayan ay masigabong nagbunyi sa
pagbagsak ng sakim na pamahalaan.
Pagsasama ng pamuno sa
Pangngalan
Pamuno-pangngalan o pariralang
pangngalang tutmutukoy sa
ibang katawagan para sa isa pang
pangngalan
Halimbawa:
Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas,
ay nanawagang huwag gumamit ng
droga.
Paglalagay ng mga
Kaugnay na Parirala
Kaugnay na Parirala- mga dagdag
na salita na idinurugtong sa
pangungusap o mga parirala na
may parehong kahulugan sa nauna
ng parirala.
Mga dagdag na salita na idinurogtong sa pangungusap

Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall.


Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken
fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-
lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita
namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store.
Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw
ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan.
Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen
lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos. Mga
dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap
Mga pariralang may parehong kahulugan

Nakalulungkot limiin na sa araw na iyon ay


nailibing ang matataas na pangarap o dili kaya’y
kasama ng umalimbukay na alikabok ang mga
ambisyong matagal nang naikintal sa isipan.
Subalit darating ang tamang panahon na tahasang
malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay, ang
kahulugan ng paghihintay sa mga nakatakda, at
ang kahalagahan ng pag- inog ng mundo na
tiyak na daratal pagdating ng araw.
Gawain
Palawakin ang mga sumusunod na
pangungusap.
1. Si Ana ay nanggalaling sa mahirap na
pamilya.
2. Ang mundo ay naging saksi sa
pangyayaring ito.
3. Ang Pilipinas ay nagdurusa.
Mga sanggunian
Llano, M. (2016). Pagpapalawak ng pangungusap. Nakuha
noong Abril 4, 2019, sa
https://www.slideshare.net/cli4d/pagpapalawak-ng-
pangungusap-67838040?from_action=save.
Santos, L.K. (2001). Makabagong bararilang Fipino. Rex
Bookstore: Quezon City.
Dayag, A. (2016). Pinagyamang Pluma 10. Phoenix
Publishing: Manila.
Vitug, N. (2013). Pagpapalawak ng pangungusap. Nakuha
noong Abril 5, 2019, sa https://prezi.com/cr2djsi-
rny1/pagpapalawak-ng-pangungusap/.

You might also like