You are on page 1of 7

MGA PANANDA

PANANDA
➡ ito ay nagpapakilala o
nagsisilbing tanda ng gamit
na pambalarila ng isang
salita o, sa loob ng
pangungusap.
1)Pantukoy(article/determiner)
➡ ay ang katagang laging nangunguna
sa pangngalan o panghalip na
ginagamit na simuno o kagaganapang
pansimuno o panaguri o alinman sa
dalawa.
2)Pangawing o Pangawil(linking o
copulative)
➡ salitang nagkakawil ng paksa
o simuno (subject) at panaguri
(predicate).
MGA HALIMBAWA NG MGA SALITANG PANANDA
1) ANG/ANG MGA - ginagamit sa pantukoy ng isang
pangngalan na ginagamit bilang simuno ng simuno sa
pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami
ang tinutukoy.
2) SA/PARA SA- ang sa ay ginagamit bilang isang
panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng
pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung
sinasamahan ng salitang para.
3) SI/SINA - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao.
Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina para sa
dalawahan o maramihan.
4) NG/NG MGA - ginagamit bilang pananda sa
pangngalang ginagamit sa layon ng pandiwa,
panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
5) KAY/KINA - ito ay ang mga pananda ng
pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at
panuring. Ang kay ay isahan at ang kina ay
maramihan.
6) AY - isang pang-angkop o panandang
pagbabaligtad na binabaligtad ang pangungusap
mula sa payak na panaguriang pangungusap.
MGA PANANDA NA GINAGAMIT SA
PAGPAPAHIWATIG NG KILOS
1) SA/PARA SA - ang sa ay ginagamit bilang isang
panandang ganapan kung saan naganap ang kilos
ng pandiwa.
2) NG/NG MGA - ginagamit bilang pananda sa
pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa,
panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
3) AY - isang pang-angkop o panandang
pagbabaligtad na binabaligtad ang pangungusap
mula sa payak na panaguriang pangungusap.
Karaniwang makikita ang ay sa di-pangkaraniwang
ayos ng pangungusap.

You might also like