You are on page 1of 2

Anyo ng Morpema

            May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo
o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1.      Morpemang ponema.  Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking
faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at
propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng
ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng
dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

            Doktora          -           {doktor} at {-a}


            Senyora                      -           {senyor} at {-a}
            Plantsadora   -           {plantsador} at {-a}
            Kargadora     -           {kargador} at {-a}
            Senadora        -           {senador} at {-a}      
          
            Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may
morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo
lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit
ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang
{-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae.
Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

            bombero        -           na hindi {bomber} at  {-o} o {-a}


            kusinero        -           na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
            abugado        -           na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
            Lito                 -           na hindi {lit} at {-o} o {-a}
            Mario             -           na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2.      Morpemang salitang-ugat (su).  Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga
salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

            tao                   silya                druga             payong                       jet


            pagod             tuwa               pula                liit                   taas
            basa                laro                 aral                 kain                sulat

3.      Morpemang Panlapi.  Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay
may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-}
ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang
{um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:
          
            mag-ina          -           {mag-} at {ina}
            maganda        -           {ma-} at {ganda}
            magbasa                    -           {mag-} at {basa}
            bumasa                      -           {-um-} at {basa}
            aklatan                       -           {-an} at {aklat}
            pagsumikapan         -           {pag-, -um-, -an} at {sikap}

You might also like