You are on page 1of 15

Retorikal na Pang-ugnay

1.Pang-angkop-ito ay mga katagang nag-


uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ito ang nagpapadulas sa
pagbigkas ng mga pariralang
pinaggagamitan.
• Dalawang uri ng pang-angkop
-Ang pang-angkop na na ay ginagamit
kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Halimbawa: Mapagmahal na hari
• Kapag ang unang salita naman ay
nagtatapos sa titik n tinatanggal o
kinakaltas ang n at ikinakabit ito sa
unang salita.
Halimbawa: huwarang pinuno
-Ang pang-angkop na –ng ay
ginagamit kung ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito
sa unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
2. Pang-ukol- ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang
malimit na gamiting pang-ukol.
osa
ong oayon sa/ kay
okay/ kina ohinggil sa/kay
oalinsunod sa/ kay oukol sa/kay
olaban sa/ kay opara sa/kay
otungkol sa/ kay
3. Pangatnig- mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, o sugnay.
oPangatnig na pandagdag o panimbang: Nagsasaad ng
pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.
Halimbawa: at, pati, saka, anupa’t

oPangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o


paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni, maging
oPangatnig na Panulad- ginagamit sa mga pariralang
magkatugon na ginagamit sa pagtutulad ng mga inihahambing
na ideya o kaisipan sa pangungusap. Ang mga salitang
ginagamit dito ay kung ano…siya rin, kung paano…gayon
din, kung saan…doon din, kung sino…siya rin, at kung
alin…iyon din.
oPagbibigay Sanhi o dahilan: Nag-uugnay ng mga lipon
ng salitang nagbibigay-katuwiran o nagsasabi ng
kadahilanan
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa

oPangatnig na Panlinaw- ginagamit sa pagbibigay-linaw


o diin sa ideya o kaisipan ng pangungusap. Madalas
ginagamit ang mga salitang samakatuwid, kaya, at kung
gayon sa uring ito.
oPangatnig na Panapos- ginagamit sa pagsasaad ng layon,
pagbabala ng wakas o pagbibigay ng pangkalahatang
ideya o kaisipan sa pagtatapos ng pangungusap. Ilan sa
mga halimbawa nito ay upang, nang, at sa wakas, at sa
lahat ng ito.
oTumakbo nang mabilis.
oTakbo nang takbo.
oPaglalahad ng Bunga o Resulta: Nagsasaad ng
kinalabasan o kinahinatnan.
Halimbawa: bunga, kaya, kaya naman
oPagbibigay ng Kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o
pasubali.
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
oPagsasaad ng Kontrast o Pagsalungat: Nagsasaad ng
pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama’t
Salungguhitan ang mga pang-ugnay na
ginamit sa bawat pangungusap.
May mga pangungusap na higit sa isa ang
pang-ugnay. Tukuyin kung ito’y pang-angkop,
pang-ukol, at pangatnig.

1. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang


kanyang mga naging pasiya.
2. Ang lahat ng ating ginagawa ay
dapat nakatuon para sa kabutihan ng
ating kapwa at bansa.
3. Ang matapat na pinuno ay mahal ng
taumbayan.
4. Ang matiwasay na pamumuhay ay hangad ng
Lahat.
5. Ang pusong maunawain ay maadaling
makapagpatawad.
6. Bagaman mayaman ay nagawa niyang
makisalamuha sa mga simpleng tao.
7. Dahil sa sipag at tiyaga’y umunlad siya sa
buhay.

8. Maging maingat sa Lahat ng iniisip at


ginagawa upang hindi makapanakit ng
damdamin ng iba.
9. Mahirap maging kaibigan ang mga taong
sinungaling at mapaggawa ng kwento kaya
mag-ingat sa pagpili ng kaibigan.

10. Maraming magagandang oportunidad ang


naghihintay sa isang matalinong mamamayan.

You might also like