You are on page 1of 12

ISTRUKTURA NG

WIKANG FILIPINO
Ulat ni: Samantha L. Policarpio
MGA
SALITANG
PANGKAYARIAN
Mga Pang-ugnay
• Pang-ukol- ay nag-uugnay sa pangngalan o panghalip
sa ibang mga salita sa pangungusap. Ang pang-ukol
ay maaaring isang salita o higit pa.
 
1. Pang-ukol na isang salita- halos “sa” lamang ang
siyang ginagamit na pang-ukol na isang salita.
Ginagamit din kung minsan ang “ng”.
2. Pariralang pang-ukol- sinusundan ng pangngalan o
panghalip.
Pangatnig
- ay nag-uugnay ng kapwa
salita, parirala at sugnay. Ang
pangatnig ay maaaring
panimbang, paninsay, panubali,
pamukod, pananhi, panglinaw,
at panapos.
Pangatnig na panimbang
- tinatawag na panimbang ang pangatnig
na ginagamit kapag ang dalawang salita,
parirala o sugnay na pinag-uugnay ay
magkasing-halaga o magkatimbang.
Kabilang sa mga ito ang at, saka, at at
saka.
Pangatnig na paninsay
- ito’y karaniwang ginagamit sa mga
pangungusap na tambalan na ang unang
sugnay ay sinasalungat ng ikalawa o ang
ikalawa ng una. Kabilang sa mga ito ang
ngunit, subalit, bagaman.
Pangatnig na panubali
- ito ay nag-uugnay ng mga
kaisipang pasumala o may
pasubali. Ilan sa mga ito ang
kapag at kung.
Pangatnig na pamukod
- ito’y nagbubukod ng dalawa o
higit pang tao o bagay na
binibigyang linaw. Ito ay ang o
at ni.
Pangatnig na pananhi
- ginagamit ang pangatnig na
ito kapag ang diwang iniuugnay
ay isang pangangatwiran o
isang kadahilanan ng
binabanggit sa inuugnayan. Ito
ay ang dahil at sapagkat.
Pangatnig na panlinaw
- nag-uugnay sa isang kaisipang
nagpapaliwanag sa ibang mga
bagay na binabanggit o
binanggit na. Halimbawa nito
ang samakatwid at kung
gayon.
Pangatnig na panapos
- kapag ang diwang iniuugnay
ay nagsasaad ng kawakasan.
Halimbawa nito ang sa wakas
at sa lahat ng ito.
Mga Pananda
•Ito ay mga katagang ginagamit
bilang pananda ng sinusundang
salita o mga salita.
•Ang mga ito ay ang/si, ng/ni,
sa/kay, at ang mga anyong
maramihan ng mga ito.

You might also like