You are on page 1of 3

Filipino Reviewer

●Ano ang clining o pagkiklino?

● Pa
n g-

Ugnay
Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang
pangalan ito ay nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o
pangungusap Ang Pang-ugnay ay tumutukoy sa mga salita na
nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit o bahagi sa isang
pangungusap. Ito ay may tatlong uri gaya ng:
Pangatnig Pang-angkop Pang-ukol Pangatnig
Ito ay ang mga salita na nag-uugnay sa dalawa o mga salita, parirala o
sugnay sa isang pangungusap.
Halimbawa ng mga pangatnig:
at,pati,nang,bago,habang,upang,sakali,kaya,kung,gayon

Halimbawang pangungusap (naka-italiko ang pangatnig):


Magbanat ka ng buto upang umunulad ang buhay ng pamilya mo.
Pumunta sila sa mall at namili ng mga ihahanda sa kaniyang blow out.
Pang-angkop
Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa salitang
tinuturingan nito.
Dalawang halimbawa ng pang-angkop:
na,ng
Halimbawang pangungusap:

 Isa siyang mapagmahal na ama.


 Lagi siyang pumipili ng masarap na kainan dito.
 Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
 Hindi ka na makakakita ng masunuring bata sa ngayon.
Pang-ukol
Ito ay ang mga salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang
salita sa pangungusap.
Halimbawa:
ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para, sa/kay, alinsunod
sa/kay, hinggil sa/kay, tungkol sa/kay
Halimbawang pangungusap:
Alinsunod sa batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil tapos na
ang 10 taon.
Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking pamilya.
Mitolohiya
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng
mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga
kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang
mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas
na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng
hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa
alamat at kuwentong-bayan.

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga


Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga
sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos
na sina Zeus, Aphrodite, Athena,at ibga pa.
Pangangatwiran, Proposisyon at Argumento
Pangangatwiran - Ang pangangatwiran (Ingles: justification[1])
ay isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay
magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap
ang katotohanang iyon sa nakikinig o bumabasa. Ang isang
nangangatwiran ay dapat magtaglay ng sapat na kaalaman
tungkol sa paksang pinangangatwiran. Kailangang ang katwiran
ay nakabatay sa katotohanan upang ito ay makahikayat at
makaakit nang hindi namimilit.
Proposisyon - Ito ay ang paksang pinagdedebatehan.Ito ay isang
pangungusap na naglalayong patunayan ng panig ng sang-ayon
sa pamamagitan nang mga argumento.
Argumento - Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto
na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa
tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang
kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat
upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang
ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang
gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga
literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

You might also like