You are on page 1of 3

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,

maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Pang-angkop

Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang


maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o
u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan
ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.


Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

Pang-ukol

Pang-ukol

Ang pang-ukol o preposition sa wikang Ingles ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,


panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap.

Pang-ukol ang ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay
lagging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip

Pangatnig

Ano ang pangatnig?

Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala
sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob
ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at
langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :


1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang


kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.


(kung, kapag, pag)

Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.

You might also like