You are on page 1of 12

Ang pang-ugnay ay mga

salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang salita,
parirala, o sugnay. Ito ay may
tatlong uri, (1) pangatnig, (2)
pang-angkop at (3) pang-ukol
1.Pangatnig- Ito ang tawag sa
mga kataga o salitang nag-
uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
At, ni, o, kaya, maging, man,
sakâ, pati, dili kaya, gayundin
kung gayon datapwat,subalit,
bagkus, samantala,habang,
maliban, bagaman, kung sa
bagay, kundi, kapag, sakali,
sana, pagkat,
sapagkat,samakatuwid, sa
madaling salita,

2.Pang-angkop - Ito ay ang


mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang
tinuturingan. na -ng -g
 Tatlong Pang-angkop:
a. na Ito ay iniaangkop sa
mga salitang nagtatapos sa
katinig tulad ng b, k, p, at
iba pa.
Halimbawa: kapatid na
babae marangal na pag-
uugali
b. –ng Ito ang ginagamit
kapag ang kaangkupan ay
nagtatapos sa patinig.
Ikinakabit ito sa unang
salita.
Halimbawa:
 masayang nakiupo 
nakangusong mukha
c. –g Ito ay ikinakabit sa mga
salitang nagtatapos sa titik
n sa magkasunod na
salitang naglalarawan at
inilalarawan. Halimbawa:
 butihin manugang=
butihing manugang
 bayan magiliw= bayang
magiliw
3.Pang-ukol - Ito ang tawag sa
salita o katagang nag-uugnay
sa isang pangngalan sa iba
pang salita sa pangungusap.
Narito ang mga kataga o
pariralang malimit na gamitin
sa pang-ukol. ng sa ni/nina
kay/kina laban sa/kay para
sa/kay ayon sa/kay ukol sa/kay
tungkol sa/kay hinggil sa/ kay
alinsunod sa/kay
Halimbawa:
 Ang totoo, para sa sarili
lang niya ang iniuuwing
pagkain ng ama

You might also like