You are on page 1of 2

Ang Pang-angkop (Ligatures)

Pang-angkop - ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang


maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito
ay maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang
mga katagang na, ng at g.

Tatlong pang-angkop sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa mga katinig (consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang
kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim – bangin = malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga


patinig (vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan = malayang isipan
2. malaki – bahay = malaking bahay
3. buo – buo = buong-buo
4. madamo – hardin = madamong hardin
5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig


na n
Halimbawa:
1. aliwan – pambata = aliwang pambata
2. balon – malalim = balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan

5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental


Mataas na bahay ang kanyang inakyat.
Masayang naglalaro ang mga mag aaral
Isang masunuring bata si lita
Likas na matalino si axel
May kapatid na mabait si rose

1.Si Ana ay nakasuot ng maluwag na pantalon.


2.Si Jose ay nakatira sa bahay na bato.
Pang-angkop
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap
upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop
upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e,
i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang
naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik
na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang
ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.


Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

You might also like