You are on page 1of 17

Palakang Kabkab

kumakalabukab,
kaka-kalabukab
pa lamang,
kumakalabukab
na naman
KAYARIAN NG SALITA
1. PAYAK – binubuo ng salitang-
ugat lamang

Halimbawa: araw
ganda
laro
2. INUULIT –inuulit ang
kabuuan nito o ang isa o higit
pang pantig nito.
Dalawang uri ng pag-uulit:
2.1 pag-uulit na ganap – inuulit
ang salitang-ugat
halimbawa: araw-araw
sama-sama
2.2 pag-uulit na di-ganap – inuulit
lamang ang bahagi ng salita
Halimbawa:
Salitang-ugat Pag-uulit
kanta  kakanta
baligtad  bali-baligtad
sulat  susulat
3. MAYLAPI-
Ito ay mga salitang binubuo
ng salitang-ugat na may
kasamang isa o higit pang
panlapi.
Paglalapi
Tumutukoy sa pagbuo ng salita sa papapagitan
ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.
Nagkakaroon ng iba’t ibang
anyo at kahulugan sa
pamamagitan ng paglalagay
ng iba’t ibang panlapi.
Halimbawa:
Panlapi + s.u  salitang maylapi
um- + ikot  umikot
-um- + sama  sumama
-hin + sabi  sabihin
Tatlong Uri ng Panlapi

Halimbawa:
Um + awit = umawit

Mag + sama = magsama

i- + sukat = isukat
3.2 Gitlapi  isinisingit (unahang
katinig at kasunod na patinig)
 nagagamit lamang ito kung
ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
katinig.
Halimbawa:
-um- + dalaw = dumalaw
-in- + sabi = sinabi
3.3 Hulapi ikinakabit sa hulihan
ng salitang-ugat.
-in at -an
hinuhulapi sa
-in + gamot = gamotin mga salitang
nagtatapos sa
katinig at impit
na tunog o tunog
glottal na
-an + kamay = kamayan itinuturing din
na isang
pomenang
katinig
-hin + sabi = sabihin -hin at -han
hinuhulapi sa
mga salitang
nagtatapos sa
-han + sama = samahan patinig
4. Tambalan– dalawang salitang
pinagsasama para
makabuo ng isang salita.
Dalawang uri ng Tambalan:

a.) Mga tambalang ganap


b.) Mga tambalang di-ganap
4.1 Mga tambalang ganap
--ang dalawang salitang
pinagtambal ay nagkakaroon ng
ikatlong kahulugang iba.
Halimbawa:
Bahag + hari  bahaghari
Patay + gutom  patay-gutom
Hampas+ lupa  hampaslupa
4.2 Mga tambalang di-ganap
Pinagsamang dalawang salita na
nananatili ang kahulugan.

Halimbawa:
bahay-kubo
(ang ‘bahay’ ay tirahan ng tao at ang ‘kubo’ ay
maliit na bahay)
balik-bayan
PAGTATAYA
Tukuyuin ang kayarian ng mga sumusunod na salita. Isulat
ang Payak kung ang salita ay payak,Maylapi kung maylapi,
Inuulit kung inuulit at Tambalan kung tambalan.
______1. hampaslupa ______11. busilak
______2. ina ______12. kayamanan
______3. kapitbahay ______13. masaya
______4. bahaghari ______14. tumubo
______5. pasang-krus ______15. iba-iba
______6. kahirapan ______16. paa
______7. kayang-kaya ______17. buto't balat
______8. araw-araw ______18. susulat
______9. ginto ______19. buhay
______10. babae ______20. dalagangbukid
PAGTATAYA
Tukuyuin ang kayarian ng mga sumusunod na salita. Isulat
ang Payak kung ang salita ay payak,Maylapi kung maylapi,
Inuulit kung inuulit at Tambalan kung tambalan.

Tambalan 1. hampaslupa Maylapi 11. busilak


Payak 2. ina Maylapi 12. kayamanan
Tambalan 3. kapitbahay Maylapi 13. masaya
Tambalan 4. bahaghari Maylapi 14. tumubo
Tambalan 5.pasang-krus Inuulit 15. iba-iba
Maylapi 6. kahirapan Payak 16. paa
Inuulit 7. kayang-kaya Tambalan 17. buto't balat
Inuulit 8. araw-araw Inuulit 18. susulat
Payak 9. ginto Payak 19. buhay
Payak 10. babae Tambalan 20. dalagangbukid

You might also like