You are on page 1of 3

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Basic Education Department


Pampanga Campus
S.Y. 2021-2022

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

KWARTER: Una LINGGO:IKA-PITO (OCT. 25-30, 2021) ARAW: Una

I. LAYUNIN  Nakikilala ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng


sariling pananaw.

 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng


sariling pananaw.
II. PAKSA  Pagalam sa kahulugan ng Retorikal na Pang-ugnay
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma 9 ni Alma M. Dayag
B. Kagamitang Retorikal na Pang-ugnay
Instruksyunal
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Magandang umaga saiyo.
nakaraang aralin
at/o pagsisimula Para saating balik-aral. Ating sagutin ang sumusunod:
ng bagong aralin 1. Itala ang mga hakbang sa pagdedebate

Sagutin ang katanungan sa iyong kwaderno.


B. Paghahabi sa Narito ang mga layunin natin para sa araw na ito.
layunin ng aralin 1. Nakikilala ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng
sariling pananaw.

2. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng


sariling pananaw.
C. Pag-uugnay ng Sa pamamagitan ng dalawang puso isulat ang naitalang
mga halimbawa kahulugan ng retorikal at pang-ugnay at isulat ito sa iyong
sa bagong aralin kwaderno.

D. Pagtalakay ng Ang retorikal na pang ugnay ay tumutukoy sa iba't ibang bahagi


bagong konsepto ng pagpapahayag na nagpapakita ng ugnayan ng mga
at paglalahad ng pangungusap o bahagi ng isang tekso. Kinakatawan ang pang
bagong ugnay sa mga pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Isang
kasanayan #1 salitang nag uugnay o nagkokonekta sa dalawang
pangungusap, sugnay, parirala, at salita upang makabuo ng
isang diwa.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng


dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang


pangngalan sa iba pang salita

E. Pagtalakay ng May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga


bagong sumusunod:
konsepto at
paglalahad ng
bagong 1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at
kasanayan #2 salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-
angkop.

Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang


salita ay natatapos s katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng
nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita ng panuring.

Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita


at nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
2. Pang-ukol- nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o
panghalip Halimbawa:

Para sa, Ukol sa, Laban sa, Alinsunod sa, Labag sa, ayon sa, ukol
kay/kina at para kay/kina.
3. Pangatnig- nag-uugnay sa isang salita o kaisipan sa isa pang
salita o kaisipan sa isa pang pangungusap.
Pamukod-upang itangi ang isa sa isa pang bagay.

Paninsay o pasalungat- ginagamit kung ito’y sumasalungat


Hal. Subalit, datapwat, bagamat

Panubali o panlinaw- nagsasaad ng pasakali.


Pananhi- tumutugon sa tanong na bakit.

Hal. Sapagkat, dahil sa at palibahasa.

F. Paglinang sa Gaano kahalagang malaman ang mga salitang inilalagay


Kabihasnan upang makabuo ng pangungusap? Ipaliwanag.
G. Paglalapat ng Ano ang pinaka layunin ng Retorikal na Pang-ugnay?
aralin sa pang-
araw-araw na
buhay
H. Paglalahat ng
aralin
I. Pagtataya ng Bumuo nag tig-tatatlong pangungusap gamit ang Pang-
aralin angkop, Pang-ukol at Pangatnig. Bilugan ang ginamit na salita
sa mga nabanggit. Isulat ang kasagutan sa iyong kwaderno.
J. Karagdagang Alamin at itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
aralin para sa Dulaang Pilipino at isulat ito sa iyong kwaderno (10 puntos).
takdangaralin at
remediation
Prepared/Submitted by: Reviewed by: Approved by:

SHEENA B. DIZON MS. MARIA LOURDES DIAZ MS. MARIA LOURDES DIAZ
Teacher, Filipino 9 Principal Principal

August 17, 2021 August 31, 2021 August 31, 2021

You might also like