You are on page 1of 3

Banghay – Aralin sa Filipino

Baitang 9

November 23, 2016


I. Mga Layunin

 Nakikilala ang mga pagpapakahulugang semantika.


 Napahahalagahan ang pagpapakahulugang semantika sa isang paglalahad.
 Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga dimensiyon ng pagbibigay kahulugan
sa isang salita.

II. Paksang-aralin
Paksa: Semantika
Genre: Gramatika at Retorika
Sanggunian: Panitikang Asyano, pp. 202 -203
Kagamitan: aklat, biswal aid
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang
pahayag.

III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
 Panalangin/pagbati
 Pagtala ng mga lumiban
 Balik-aral
Ano ang parabula?
 Pagganyak
Balikan ang parabulang Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan, bakit kaya
sinasabing ang parabula ay natatangi sa iba pang akdang pampanitikan?

B. Paglalahad
Basahin at pansinin ang pangungusap.

Ang ama ay hiligi ng tahanan.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang napansin mo sa pangungusap?


2. Paano ang ito binibigyang-kahulugan?

Ilahad ang paksa tungkol sa pagpapakahulugang semantika at mga dimensiyon nito

C. Pagtatalakay

Semantika ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o


wika.
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa
literal na kahulugan nito.
D. Pagbubuo
Paano nakatutulong ang pagpapakahulugang semantika sa paglalahad ng mga
pangungusap?

E. Paglalapat
Pangkatang gawain
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga bagay na nasa talaan sa paraang
pagpapakahulugang semantika.
Literal Metaporikal
1. ilaw
2. ulap
3. tinik
4. bulaklak
5. bituin

Pamantayan

Gramatika – 30%

Kaangkupan – 30%

Kalinisan – 15%

Kooperasyon – 25%

Kabuuan – 100%

IV. Ebalwasyon
Isulat ang M kung ang pangungusap ay may pagpapakahulugang metaporikal at L naman kung
Literal. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng diyos ang aking
panalangin.
2. Kahit bata pa lamang ay marami na siyang alam sa buhay.
3. Bato na ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang naranasan sa buhay.
4. Ang kanyang anak ay mabait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.
5. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.

Mga Sagot:
1. M
2. L
3. M
4. M
5. L

V. Takdang – Aralin

Sumulat ng isang paglalahad tungkol sa isang karaniwang bagay na maaaring pagkunan ng


magandang aral o mahahalagang kaisipan.

Pamantayan

Nilalaman – 50%
Kawastuhan/Kaangkupan – 30%
Kalinisan- 20%
Kabuuan – 100%

You might also like