You are on page 1of 8

Paaralan: Cotmon National High School Antas: GRADE 9

Guro: Christine L. Nasol Markahan: Ikatlong Markahan


Oras ng turo: 7:30 – 8:30. 8:30 – 9:30 at 1:45- 2:45
Asignatura: FILIPINO

Petsa ng Turo: M a r s o 1 3 , 2 0 2 4
DAILY LESSON LOG
I. LAYUNIN
1. Nabibigyang kahulugan ang dalawang uri ng paghahambing batay
sa sariling pagkaunawa.
2. Nakikibahagi ng malalim na pang-unawa sa wastong gamit ng mga
Layunin matatalinghagang pahayag sa konteksto ng paghahambing ng dalawang
uri.
3. Makabuo ng mga halimbawa at paliwanag na nagpapakita ng
kanilang kaalaman sa wastong paggamit ng mga matatalinhagang
pahayag sa
paghahambing ng dalawang uri.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikang ng Kanlurang Asya
A. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa
Pagganap napiling mga akdang pampanitikang Asyano
B. Mga Kasanayan sa Nagagamit ng wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag.
Pagtuturo
II. NILALAMAN
Aralin 1.4
A. Panitikan: Rama at Sita
Isang kabanata sa Epikong Hindu-Mula sa India
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
B. Gramatika/Retorika: Uri ng Paghahambing (Magkatulad at Di-Magkatulad)
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan
III. KAGAMITANG PANTURO
Modyul ng Guro:
A. Gabay ng Guro
B. Kagamitang Pang mag- Modyul pahina blg: 182-189
aaral
C. Karagdagang Kagamitan Power point, Aklat at tsart

IV. PROSESO Anotasyon


Panimulang Gawain:
• Panalangin
• Pagbati
A. Balik-Aral sa nakaraang • Atendans
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin Pagbabalik Aral:

Gabay na tanong:
1. Ano ang epiko na ating napag-usapan?
Layunin sa araw na ito:
1. Nabibigyang kahulugan ang dalawang uri ng
paghahambing batay sa sariling
pagkaunawa.
B. Paghahabi sa layunin ng 2. Nakikibahagi ng malalim na pang-unawa sa
aralin wastong gamit ng mga matatalinghagang
pahayag sa konteksto ng paghahambing ng
dalawang uri.
3. Makabuo ng mga halimbawa at paliwanag na
nagpapakita ng kanilang kaalaman sa wastong
paggamit ng mga matatalinhagang pahayag sa
paghahambing ng dalawang uri.
C. Pag-uugnay ng mga Gawain 1 (Inquiry-Based): Spot the Differences

Panuto: : Hanapin sa dalawang larawan ang pagkakaiba


nito.

halimbawa sa bagong
aralin

Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang nakita n’yong pagkakaiba?


2. Ano-ano ang pagkakapareho na mayroon sa
larawan?

D. Pagtalakay ng bagong Malayang Talakayan KRA 1 Objective


konsepto at paglalahad Uri ng Paghahambing #4 Displayed
ng bagong kasanayan #1 proficient use of
Pahambing o Komparatibo Mother Tongue,
Ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang Filipino and
antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, English to
at iba pa. Facilitate teaching
May dalawang uri ang kaantasang pahambing: and learning.

1. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito


kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka,
magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at
mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad,
hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha.
ka-nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa
Malaysia.
Magka - nangangahulugan din ng kaisahan o
pagkakatulad.
Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang
India at Singapore.
Sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat
ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.

2. Paghahambing na Di- Magkatulad kung


nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o
pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap

a. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian


ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.
Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang
ganitong uri ng paghahambing.

Lalo- nangangahulugan ng pagdaragdag o


pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito
ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung
ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa
kung ngalang bagay / pangyayari.

Di-gasino- tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri


o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa
mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad,
para o paris na sinusundan ng panandang ni.

Di-gaano- tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa


mga hambingang bagay lamang ginagamit.

Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o


pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong
pamalit sa di-gasino at di-gaano.

b. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian


ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:

Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging


kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang
pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan,
kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang
kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

c. Modernisasyon o katamtaman. Naipakikita ito sa


may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may
na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamamagitan
ng mapanlaping kabilang ka-han.

Halimbawa:
Ang bata ay medyo mahusay sa pagpinta.

Iba pang halimbawa:

1. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang


ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.
2. Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
3. Magkamukha lamang ng kultura ang India
at Singapore.
4. Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa
mga Hindu.
5. Lalong maunlad ang bansang Singapore
kaysa India.
Susi ng Pagwawasto:

1. PM
2. HPL
3. PM
4. HPL
5. HPL
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2

Gawain 2: Bell Rush

Panuto: Paunahan sa pagtakbo sa unahan upang


mapatunog ang bell at sabihin ang titik L kung ang
paghahambing sa pangungusap ay palamang. Sabihin
titik S kung ito ay pasahol.

1. Ang panahon sa Mayo ay


higit namainit kaysa panahon sa Disyembre. L
2. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng
presyo nito noong isang buwan. S
F. Paglinang sa Kabihasaan 3. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli
(Tungo sa Formative kaysa biyahe sa barko. L
Assessment) 4. Ang pelikulang napanood ko ay mas
nakatatakot sapelikulang Insidious. L
5. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na
gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya.
S

Susi ng Pagwawasto:
1. L
2. S
3. L
4. L
5. S
Paano nyo makikita ang paghahambing sa pang araw-
G. Paglalapat ng aralin sa araw nyong pamumuhay?
pang-araw-araw na
buhay Sa inyong palagay ito ba ay isang halimbawa ng
hambingang pasahol o palamang?
H. Paglalahat ng Aralin Gawain 3: Paunahan!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga


pangungusap at piliin ang sa dalawang letra ang iyong
kasagutan, isulat ito sa iyong kwaderno.

Ang pagsasanay natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng


nakaraang pagsasanay.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
Parehong maganda sina Ana at Niña.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-
magkatulad Ang magkaibigan ay
magkasingtangkad.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
Higit na maraming mag-aaral ang dumalo sa programa
ngayon kaysa nakalipas na taon.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
Kapwa matulungin ang magkapatid na Rona at Rino.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-

magkatulad Susi ng pagwawasto:

1. B
2. A
3. A
4. B
5. A
Gawain 4: Pagsusulit!

Panuto: Basahin at unawing mabuti ang mga katanungan.


Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

1. Si Rina ay kasinggaling ni Rose sa pagsayaw.


a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
2. Di-hamak na maganda ang bahay niya kaysa bahay
ni Mang Anton.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
3. Si Niño ay di-gasinong masipag na gaya ni Lando.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
a. Pagtataya ng Aralin 4. Si Allan ay masipag mag-aral tulad ni Mark.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad
5. Lalong mahirap ang buhay dito sa siyudad kung
ihahambing ito sa buhay namin sa probinsiya.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na Di-magkatulad

Susi ng pagwawasto:
1. A
2. B
3. B
4. A
5. B

Takdang-aralin
1. Karagdagang gawain
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasan
para sa takdang-aralin at
sa pag-aaral noong pandemya at ngayong face-to-face na
remediation ang klase. Gumamit ng mga paghahambing sa pangungusap.
V. PAGNINILAY
Sampaguit
Rosal Cattleya Gumamela Everlasting
a
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking Punongguro at
Superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Proficiency Level (PL)

Inihanda ni:

You might also like