You are on page 1of 4

PAARALAN YAPANG NATIONAL HIGH SCHOOL BAITANG/ANTAS Grade-11

GURO JAYPE L DALIT ASIGNATURA Komunikasyon at


Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino 11
PETSA/ORAS NOBYEMBRE /1:00-PM 2:00 PM MARKAHAN Ikalawa
07,2023

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYAN Nauunawaan ang mga konsepto,elementong kultural,kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang
G PANGNILALA- Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
MAN
B. PAMANTAYAN Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
SA PAGGANAP bansa.
C. Mga Kasanayan sa Naipaliliwanag ang kakayahang diskorsal
Pagkatuto •Natutukoy kung ano ang mga panandang kohestyonng gramatikal naginamit sa
Isulat ang code ng bawat komunikasyon
kasanayan •Nagagamit ang mga panandang kohestyong gramatikal sa pagpapaliwanag at pagbibigay
halimbawa sa mga tiyak na sitwasyong komunikatibo sa lipunan (F11WG-IIf-88)
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang salitang ginamit da talakayan(F11PT-lle-87)
II. NILALAMAN
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa Modyul 6 Pahina 1 – 10
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Projector, laptop, mga biswal na pantulong, pentel pen
Panturo

III. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral sa nakaraang A. Pampanimulang Gawain:
aralin at/o pagsisimula ng 1. Panalangin
bagong aralin. 2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pagbibigay ng alituntunin sa loob ng silid

B. Pagbabalik-aral
Bilang pagbabalik-aral sa nakaraang leksyon, susubukin ng guro ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang Sanaysay?
2. Ano ang kahalagahan ng sanaysay?
3. Ano ang mga bahagi ng sanaysay?
C. Pangkatang Gawain:
Ang napiling secretary ng bawat grupo ang magsusulat ng sagot sa kartolina. Ang lider naman
ang lider ang magpapaliwanag sa harap.

1.Ano ang napansin sa larawan?


2.Sa paanong paraan sila nakikipag usap?

B. Paghahabi sa layunin ng Ibahagi sa mga mag-aaral ang mga aralin na dapat nilang matutunan.
aralin. 1.Naipaliliwanag ang kakayahang diskorsal
2.Natutukoy kung ano ang mga panandang kohestyonng gramatikal naginamit sa
komunikasyon
3.Nagagamit ang mga panandang kohestyong gramatikal sa pagpapaliwanag at pagbibigay
halimbawa sa mga tiyak na sitwasyong komunikatibo sa lipunan
Pambungad na tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa pakikipag usap?

C. Pag-uugnay ng mga SALITA MO, MAGDURUGTONG AKO!


halimbawa sa bagong aralin. Panuto:Magbibigay ang guro ng mga salita,pagkatapos ay tatawag siya ng ilang mag-
aaral na bubuo ng mga pangungusap mula rito.
SALITA MO, MAGDURUGTONG AKO!
1.Ulam
2.Anak
3.Evacuation Area
4.Si Alvin
5.Si nanay at tatay
Mula sa mga salita na idinurugtong ninyo,napansin ba ninyo na mas naging buo ang
diwa ng bawat isang salita?

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Ano kaya ang tawag sa paraan na pagbabahagi o kakayahan na mayroon tayo sa pagbuo ng
bagong kasanayan #1 mga makabuluhang pangungusap gamit ang mga salita?

Ano ang kakayahang diskorsal?


Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap
at palitan ng kuro” (2010).
Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawang Uri: Kakayahang Tekstuwal at Kakayahang retorikal
Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-
unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal,
transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.
Sa kabilang banda, ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang
indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain an iba’t
ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.

E. Pagtalakay ng bagong Mahalagang Sangkap sa Paglikha ng mga Pahayag: Kaugnayan at Kaisahan


konsepto at paglalahad ng Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga
bagong kasanayan #2 pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat. Tingnan ang halimbawa:
A: Ang kalat naman dito!
B: Aayusin ko lang ang mga libro.
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong
paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (halimbawa: siya, sila, ito) bilang
panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga, panuring,
at kumplemento upang pahabain ang mga pangungusap. Gayundin, maaari ding pagtambalin
ang mga payak na pangungusap o sugnay.
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain: (5 minuto)
Kabihasaan(Tungo sa
Formative Assessment ) Maaring gumamit ng iba’t ibang dayalekto tagalog, ilokano, Bisaya , at iba pa.
Unang Pangkat:
Bumuo ng isang role na nagpapakita ng kakayahang retorikal

Ikalawang Pangkat:
Bumuo ng isang maikling role play na nagpapakita ng kakayahang tekstuwal.
Rubrik o Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:
Nilalaman Puntos
Orihinalidad 20
Presentasyon 50
Kaugnayan 30
Kabuuan 100 puntos

G. Paglalapat ng aralin sa Ano ang kahalagahan ng kakayahang diskorsal sa ating pang araw-araw na buhay?
pang-araw-araw na buhay Dapat bang paniwalaan agad ang ating mga naririnig o napapanood sa telebisyon at
nababasa sa internet? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin 1. Ano ang kahulugan ng diskorsal?


2. Anu-ano ang dalawang-uri ng kakayahang diskorsal?

I. Pagtataya ng Aralin RETORIKAL TEKSTUWAL: Isulat ang R Kung ito ay kakayahang retorikal at T naman kung
kakayahang Tekstuwal.
1. Si Jose ay mabilis na umalis sa abandonadong bahay ng makita niya ang
nakasulat na "no tresspassing"
2. Ang mga bata ay aktibong nakikinig at sumasagot sa kanilang guro sa oras ng
klase.
3. Siya ay nakapagsulat ng kanyang reaksyon sa kaniyang nabasang akda.
4. Mabilis natapos ng empleyado ang kaniyang trabaho sa tulong ng mga bilin sa
kanya ng kaniyang amo.
5. Maayos na nasagot ni Miya ang mahirap na tanong sa kanya dahil siya ay
nakikinig ng mabuti sa nagsasalita.

- Manaliksik ng mga patalastas na halimbawa ng persuweysib na napapanood mo sa


telebisyon at Isulat sa isang malinis na papel .

J. Karagdagang gawain para Basahain ang paraan sa pagpapahaba ng pangungusap sa pahina 11 ng inyong modyul.
sa takdang aralin
at remediation.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong baa ng
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
sulosyunan sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni : Jaype Dalit

You might also like