You are on page 1of 4

Las Piñas City National

Paaralan Senior High School- Baitang 11


Doña Josefa Campus

Komunikasyon at
Guro Louie C. del Mundo Asignatura pananaliksik sa wika
at kulturang Pilipino

DETAILED
Lesson Log Petsa at Oras September 26, 2018
(Pang-araw- Semestre Ikalawang Semestre
ng Pagtuturo (MIYERKULES)
araw na Tala
sa Pagtuturo)

Ikatlong Araw
A. BILANG NG SESYON  ABM 11-Capitalist (8:00-9:00 A.M)
B. KLASE
 ICT 11-Zukerberg (9:20-10:20 A.M)

I. LAYUNIN
 Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at
C. Pamantayang
kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
Pangnilalaman paggamit ng wika dito
 Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng
D. Pamantayang Pagganap wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
 Naaalala ang tinalakay hinggil sa uri ng di-berbal na komunikasyon alinsunod sa
kakayahang estratedyik
E. Kasanayang
 Natututukoy ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko
Pampagkatuto
 Natutukoy ang mga kagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino

F. Detalyadong Kasanayang Kakayahang PangKomunikatibo ng mga Pilipino (KAKAYAHANG PRAGMATIKO)


Pampagkatuto

II. NILALAMAN
Dayag, A. (2017). Pinagyamang pluma: Komunikasyon at pananaliksik sa wika at
KAGAMITANG PANTURO kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House.

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay
WALA
ng guro
2. Mga pahina sa Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
kagamitang pang- pp. 112-116
mag-aaral / teksbuk F11WG- IIf – 88
3. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
4. Iba pang Kagamitang
Panturo laptop ,telebisyon, whiteboard and white board marker at libro,

A. Pang araw-araw na gawain


bago mag simula ang klase
1. Pag-darasal
2. Pag-kuha ng Bago mag simula ang klase, ang guro ay mag sisimula sa pag-darasal na pangungunahan ng
isang mag-aaral, pag katapos nito ang tagasulat sa klase ay aalamin kung sino ang wala sa
impormasyon kung ang
loob ng silid aralan, at ang hule ay ipapaayos ang upuan sa mga bata, pupulutin ang kalat,
mag-aaral ay wala sa buburahin ang lahat ng nakasulat sa pisara at itatago ang mga kuwaderno na walang
klase kaugnay sa asignatura.
3. Pag-aayos ng mga
klima sa loob ng silid
aralan
B. Balik-aral sa nakaraang Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral hinggil sa mga sumusunod:
aralin at/o pagsisimula ng 1. Maari niyo bang iugnay ang mga sumusunod na salita hinggil sa tinalakay natin kahapon:
bagong aralin  KAKAYANG ESTRATEDYIK
 BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral upang makuha niya ang layunin ng kakayahang
pragmatiko.
1. Naranasan mo na ba magtampo sa iyong kaibigan?
C. Paghahabi sa layunin ng
2. Paano mo ito ipinahatid sa kanya?
aralin 3. Nakakasakay kaba sa biruan? Paano mo nalaman na biro lang ang sabi ng kausap mo?
4. Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anomang pagkakataon sa iyong buhay-magaaral?
Paano mo ito ginawa?
Hindi lamang sa kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng pangungusap nakabatay ang
D. Pag-uugnay ng mga kakayahan ng isang tao sa pakikipagtalastasan,mahalaga rin matutuhan ang kasanayan sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa
halimbawa sa bagong mga biro, at pagpapadaloy sa mga usapan, samakatuwid kailangan matukoy ng isang tao
aralin ang maraming kahulugan na maaring dalhin ng isang pahayag batay sa iab’t ibang
sitwasyon.
Ano ang kakayahang pragmatiko? Ayon kina Lightbown at Sapada (2006), ang pragmatiko
ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang
maipahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.
KADIKIT NG KAKAYAHANG PRAGMATIKO AY ANG SPEECH ACT
Para sa Pilosopo sa wika na si J.L. Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay
hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi
PAGGAWA NG MGA GAMIT ANG MGA SALITA O SPEECH ACT” Halimbawa nito ay
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako etc..
MAY TATLONG SANGKAP ANG SPEECH ACT
SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA
illocutionary force sadya o intensiyonal na pakiusap, utos, pangako
papel
locutionary anyong lingguwistiko patanong, pasalaysay
perlocutionary epekto sa tagapakinig pagtugon sa hiling,
pagbibigay sa atensiyon
Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage pragmatics (Bardovi-
Harlig 1999; sipi kay Lightbown at Sapada 2006) ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi
taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang
kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech
act.
MGA KAGAWIANG PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO (Maggay 2002)
1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagtatama o pagpupuntirya.
E. Pagtalakay ng Bagong
a. pahaging-isang mensaheng sinasadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa
Konsepto at Paglalahad ng
paligid.
mga Bagong Kasanayan
b. padaplis-isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya
kinauukulan.
2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang taong nasa
paligid at nakaririnig ng usapan.
a. parinig-malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na
kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
b. pasaring-ang berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang
mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunawari ay labas sa usapan.
3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama
a. paramdam-isang mensaheng ipanaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan
ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga
kasangkasapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos at iba pa.
b. papansin-isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang
naipapahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos,
sobra-sobrang pangungulit at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.
4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na nag dating sa nakaririnig ay napatataman siya.
a. sagasaan-pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang
tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan :”Dahan-dahan at
baka makasagasa ka”
b. paandaran-mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at
kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”
Magkakaroon ng grupo at sila ay naatasan na mag bigay ng halimbawa na sitwasyon na
F. Paglinang sa Kabihasaan kung saan naisasagawa ang tatlong sangkap ng speech act.
(tungo sa Formative 1. illocutionary force
Assessment) 2. locutionary
3. perlocutionary
G. Paglalapat ng aralin sa Bakit natin kailangan isaalang-alang ang tatlong sangkap ng speech act at mga kagawiang
pang-araw-araw na buhay pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
Ang guro ay mag bibigay ng iba’t ibang teknikal na termino hango sa talakayanat ito ay pag-
uugnayin ng mga mag-aaral upang makabuo ng isang wastong paglalahat.
1. Kakayahang pragmatiko
H. Paglalahat ng Aralin 2. Uri o sangkap ng speech act
3. mga dapat isaalang-alang sa ng mga Pilipino sa nakagawiang pangkomunikasyon
alinsunod sa kakayahang pragmatiko

I. Magbigay ng maikling sagot hinggil sa mga sumusunod na tanong


1. Ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang pragmatik?
2. Sa anong sitwasyon nagagamit ang kakayahang ito?
I. Pagtataya ng Aralin 3. Sa pakikipagtalastasan, bakit mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nag sasalita?
4. Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang upang maunawaan ng tagatanggap ang
mensahe ng tagapaghatid nito? Ipaliwanag ang mga ito.
I. Manood ng iba’t ibang pelikula na alamin ang iba’t ibang nakagawiang
pangkomunikasyon ng mga Pilipino, gamitin ang tsart sa ibaba.
J. Karagdagang gawain para Nakagawiang Kahulugan Titulo ng pelikula at Paliwanag kung
kakayahang linya ng karakter sa bakit?
sa takdang-aralin at pangkomunikasyon pelikula
remedyasyon ayon kay Maggay
(2002)

KOMENTARYO:
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remedyasyon
C. Nakatulong ba ang _____ Oo _______Hindi
mga gawaing
remedyasyon?
(Lagyan ng tsek)
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nakaagapay sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na
kailangan pa ng remedyasyon
F. Alin sa aking mga istratehiya
sa pagtuturo ang naging ____ Experiment _____ Role Play _____Collaborative Learning
epektibo? Bakit ito naging _____ Differentiated Instruction _____ Lecture _____ Discovery
epektibo? (Lagyan ng tsek
Bakit? ______________________________________ Complete IMs
kung aplikable)
G. Anu-anong mga suliranin na ____ Bullying sa pagitan ng mga mag-aaral
aking kinaharap ang ____ Atityud ng mga mag-aaral
____ Makulay na mga kagamitang panturo
maaaring tulungang
____ Kawalan ng modernong kagamitang panturo
solusyunan ng aking (technology equipment)
superbisor at/o punungguro? ____ Kawalan ng laboratoryo (Science/Computer/Internet)
H. Anu-anong mga inobasyon o ____ Localized videos
lokal na materyales ang aking ____ Paglikha ng big books mula sa pananaw ng lokalidad
ginamit o natuklasan na ____ Pagreresiklo ng mga plastik para sa kontemporaryong
sining
maaari kong ibahagi sa ibang
____ Paglikha ng komposisyong musika
guro?

Inihanda ni: Ipinasa kay: Pinagtibay ni:


Mr. Louie C. del Mundo RONALD ARANETA IGNACIO L. SON, Jr.
TEACHER 1 MASTER TEACHER 1 Punongguro II
SHS Coordinator

You might also like