You are on page 1of 7

I.

MGA LAYUNIN
 Nauunawaan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa sino, paano,kailan,
saan, at bakit nangyari ang gawaing pangkomunikasyon;
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko; at
 Nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba’t ibang kontekstong sosyolingguwistiko.
II. PAKSANG-ARALIN
Kasanayang Sosyolingguwistiko

SANGGUNIAN
Taylan, D. et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Cantillo, M.L. et al. 2015. Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa ika-11 baitang. Quezon City:St. Bernadette Publishing House Corp.

MGA KAGAMITAN
 activity sheets
 mga larawan
 powerpoint presentation

III. Pamamaraan

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral

A. Pang-araw-araw ng Gawain

1. Pagdarasal
Magsitayo tayo at magdasal. (Magdarasal ang lahat.)

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin po, Gng Santisteban.

3. Pagtetsek ng Atendans
Sino ang lumiban ngayong araw na ito? Ang lumiban ngayon ay si/sina…

B. Pagganyak
(Estratehiyang Syneptic)

Ngayon araw na ito, aking papangkatin ang klase


sa tatlo.
Bawat pangkat ay mabibigyan ng sitwasyon na
kanilang gagayahin.

Bibigyan ko lamang kayo ng dalawang minuto.


Nauunawaan ang inyong gawain.
Opo!
Larawan 1.
Larawan 2.

Larawan 3:

[Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang


itanghal ang nabunot na larawan]

Magaling!

Katanungan:
1. Ano-anong usapan ang makikita sa bawat
sitwasyon?
Ang usapang nabuo ay tungkol sa usapan ng
Magaling! isang lola at kanyang apo.

Ano pa?
Naipakita rin ang usapan sa pagitan ng isang
Tama! aplikante at may-ari ng kompaniya.

Ano pa?
Naipakita rin ang usapan sa pagitan ng isang
magkapatid na nag-aaway.
Magaling!
2. Paano nagbabago ang pananalita ayon sa
kanilang kausap? Nagbabago ang pananalita batay sa edad,
kultura at edukasyon nito.
Magaling!

3. Nakakaapekto ba sa kanilang pag-uusap ang


edad, kultura at edukasyon nito? Ipaliwanang. Opo. Ang edad ay nakakaapekto sa usapan
upang maipakita ang paggalang. Gaya ng
usapan isang lola at kanyang apo.

Ang kultura naman ay nakakaapekto sa


usapan sapagkat nakabatay ito sa
kinagisnang kultura. May mga nagsasalita ng
mabilis at may nagsasalit ng pabalang.

Nakakaapekto ang edukasyon sa pag-uusap


sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop
na salita. Kadalasan sa kapag mataas ang
pinag-aralan ng isang tao, iniiwasan niya ang
paggamit ng mga balbal na salita.
Magaling!

D. Presentasyon

Lahat ng inyong sinabi ay tama. Ang mga ito ay may


kaugnayan sa ating aralin ngayon na pinamagatang
Kakayahang Sosyolingguwistiko.

E. Pagtalakay

Ang Kakayahang Sosyolingguwistiko ay ang


kakayahang gamitin ang wika nang may angkop na
panlipunang pagpapakahulugan para sa tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng pormal o impormal na
wika.

Una muna nating talakayin ang paggamit ng pormal


na wika. Ang antas na ito ay ginagamit sa pakikipag-
ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad.

Halimbawa:
. “Magandang araw po!”
“ Kumusta po kayo?”

Sino ang makapagbibigay ng sariling halimbawa ng


paggamit ng pormal na wika?
“Ano ang maitutulong ko?”
“Sino po ang kailangan niyo?”
Mahusay!

Maliban sa paggamit ng pormal na wika, naipapakita


rin ang kasanayang sosyolingguwistiko sa
pamamagitan ng paggamit ng impormal na wika.
Ang antas na ito ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan
sa ating mga kaibigan at kapareho sa estado.

Halimbawa:
“Hanep?” Ang gara ng damit na nakita ko”
“ Hello bes, musta ka na?”
Sino ang makapagbibigay ng sariling halimbawa ng
paggamit ng impormal na wika? “Ang ganda ng tsikot na binili nila.”
“Ewan ko sayo?”
Mahusay! “Siya ba ‘yong utol mo?”

Modelong SPEAKING ni Dell Hymes(1974) ay


mahalagang salik ng lingguwistikong interaksyon:

S- Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o


ugnayan? Kailan ito nangyari?

P- Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?

E- Ends: Ano ang pakay,layunin, at inaasahang bunga


ng pag-uusap?

A- Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-


uusap?(pormal o di-pormal na pag-uusap)

K- Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o


pabiro?

I- Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng


pananalita? (pasalita o pasulat)

N- Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-


uusap at ano ang reaksiyon dito ng mga kalahok?
Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o
nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri,lahi,
kasarian, edad at iba pang salik?

G- Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o material na


ginagamit( halimbawa: Interbyu, panitikan, liham,
pasalaysay, palarawan, paliwanag,pangangatwiran ba?

Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang


pagkilala o pag-alam sa mga pagbabago sa wika at
pag- aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at
sitwasyon gaya ng:

a. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon –


maaaring maging pormal o impormal ang pananalita
depende kung sino ang kinakausap;

b. ugnayan ng mga tagapagsalita- may


pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga
magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang mga biruan
at pahiwatigan na hindi mauunawaan ng hindi
kabilang sa kanilang grupo;

c. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa


isang pangkat- gumagamit ng lokal na wika at /o
diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan
ng tagapagsalita;

d. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan-


tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita sa
harap ng guro, magulan at iba pang nakatatanda at
may awtoridad.

F. Paglalahat
1. Ano ang kakayahang sosyolingguwistiko?

Ang Kakayahang Sosyolingguwistiko ay


ang kakayahang gamitin ang wika nang may
angkop na panlipunang pagpapakahulugan
para sa tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng pormal o
2. Bakit kailangan matutuhan ang kakayahang ito? impormal na wika.

Kailangang matutuhan ang kakayahang ito


upang malaman at maunawaan kung paano
nagsasalita ang isang tao sa isang
sitwasyong na kabilang siya.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ng SPEAKING ni


Dell Hymes? Ipaliwanag. Mahalagang pag-aralan ang SPEAKING ni
Dell Hymes upang tulungan ang tao na
matukoy sa pagleleybel ng mga component
ng interaksyong lingguwistika. Hind lamang
matutuhan ang bokabularyo at gramatika,
bagkus ang konteksto ng mga salita sa kung
paano ginamit ito.

Mahalagang pag-aralan ang SPEAKING ni

IV. EBALWASYON
A. Gamit ang graphic organizer na Tic-Tac-Toe, bumuo ng angkop na pahayag para sa
kinakausap na nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyong nasa ibaba.
Sitwasyon: Panghihikayat na sumali sa organisasyong nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.
Guro: Magulang: Kaibigan:

Empleyado ng paaralan: Kapatid: Bagong kakilala:

Kapuwa mag –aaral Nakatatandang kapitbahay: Estranghero:

Gamitin ang sumusunod na rubric:


Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
Naibibigay ang mensaheng nais iparating.
Angkop ang mga salitang ginamit ayon sa
sitwasyon at sa tauhang nagsasalita
Naiintindihan ng mambabasa ang mga salitang
ginamit
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-masyadong mahusay
1 – Di-mahusay

C. Lagyan ng tsek () ang kahon kung sang-ayon ka sa mga sumusunod na pahayag at ekis
() naman kung hindi. Ipaliwanag sa isa o dalawang pangungusap ang iyong dahilan.

 Sang-ayon 1. Hindi lamang pagsunod sa gramatika ang mahalaga sa komunikasyon.


 Hindi Sang- ______________________________________________________________________
ayon ______________________________________________________________________
2. Iisa lamang ang anyo ng wikang Filipino.
 Sang-ayon ______________________________________________________________________
 Hindi Sang- ______________________________________________________________________
ayon 3. Sa pamamagitan ng kakayahang sosyolingguwistiko sa komunikasyon,
naisasaalang-alang ang kausap at sitwasyong kinapapalooban.
 Sang-ayon ______________________________________________________________________
 Hindi Sang- ______________________________________________________________________
ayon 4. Indikasyon ng buhay na wika ang pagbabago-bago at pag-iiba-iba nito sa iba’t ibang
tagapagsalita.
______________________________________________________________________
 Sang-ayon ______________________________________________________________________
 Hindi Sang-
ayon

C. Lagyan ng pahayag ang bawat kwadro ng sosyo-cool komiks.

V. KASUNDUAN

Dumalo Tayo at Makinig. Dumalo sa isa sa mga seminar, palatuntunan, kumperensiya, o pagtitipon sa
inyong paaralan o komunidad, o manood ng isang talkshow sa telebisyon. Himayin ang naging pag-
uusap gamit ang modelong SPEAKING ni Hymes. Gamitin ang pormat sa ibaba:

Pamagat ng Seminar/Palatuntunan/Kumperensiya/Pagtitipon/Talk show:

Gabay Tala
S – Setting and Scene

P – Participants

E – Ends
A – Act Sequence

K – Key

I – Instrumentalities

N – Norms

G – Genre

Gumawa ng sariling pagtatasa sa ginawang pagsusuri. Gamit ang sumusunod na rubric:


Pokus/Organisasyon Komento
 Nauunawaan ang gabay na pinatutunayan ng
mga naibigay na tala
 Mahusay na naipaliliwanag ang bawat bahagi Puntos ____/40
Suporta/Estilo Komento
 Sapat ang mga ibinigay na detalye
 Maayos at mabisa ang paggamit ng wika Puntos ____/30
Mekaniks Komento
 Nakasusunod sa itinakdang pormat
 Walang kamaliang tipograpikal Puntos ____/30
KABUUAN Puntos ____/100

SANGGUNIAN
Taylan, D. et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Cantillo, M.L. et al. 2015. Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa ika-11 baitang. Quezon City:St. Bernadette Publishing House Corp.

You might also like