You are on page 1of 5

I.

Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay:


A. Nakasusulat o nakabubuo ng isang malikhaing katha na nasa 3 o 4 na talata.
B. Naisa-alang-alang ang mga elemento ng masining na pagsulat sa kathang mabubuo.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Malikhaing Pagsulat
Sanggunian: http://gladyegimena.blogspot.com/2008/02/malikhaing-pagsulat-ang-
sampung.html
Malikhaing Pagsulat
Mga Kagamitan:Powerpoint presentation, larawan
III. Pamamaraan:
Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo tayong lahat para sa panalangin (Tatayo ang mga mag-aaral)
2. Pagtatala ng mga Lumiban
Tatayo ang kalihim at sasabihin sa guro ang
mga lumiban sa klase.)

B. Pagganyak
Papangkat ang mga mag-aaral ng tatlong
grupo. Pipili ng isang larawan ang bawat
grupo at bigyang-kahulugan o ilarawan ang
napiling larawan.
Larawan 1:

Larawan ng pagsikat ng araw.


Ano ang masasabi nyo sa larawan? Ang pagsikat ng araw ay maituturing na
simbolo ng pag-asa. Kapag ikaw ay
nalulumbay, masdan lamang ang pagsikat ng
araw.

Larawan 2:

bula Ang bula ay maituturing na pagbabago sa


iyong buhay na para itong bula na mawawala
kapag hindi mo inaalagaan ang iyong buhay
at binawalewa lamang ito.

Larawan 3:

punongkahoy

Punongkahoy ay parang buhay. Kapag


Larawan 1, 2, 3. inaalagaan ay yumayabong at lumalaki sa
kabilang dako kapag pinabayaan ay hindi
lalaki at mamamatay.
Parang ganito ang isang malikhaing
pagsulat, kailangan ng akmang salita,
imahinasyon, upang makabuo at
makasimula ng isang magandang kwento.

C. Intoduksyon
Gaya ng nabanggit kanina, ang tatalakayin
natin ngayon ay tungkol sa malikhaing
pagsulat.
D. Pagtalakay sa Paksa
Ano ang malikhaing pagsulat?

Ang malikhaing pagsulat ay ginagamitan ng


imahinasyon upang gumanda ang magiging
resulta ng akda
Tama!

Ano ang mga dulog o approach na maaring


gamitin sa pagsulat ng maikling katha o
nobela? Maaaring gamitin ang magic realism,
dekunstraksyon o kaya namam metafiction at
post-modernism.

Ano ang magic realism?


Ang genra ng temang MAGIC REALISM ay
nag-ugat sa Latin Amerika. Sa ganitong
paraan, ang magical realism ay malapit na
kaugnay ng Katolisismo na naniniwala sa
mga milagro at mga di-maipaliwanag na mga
pangyayari sa tunay na buhay.
Kung kaya’t ang magic realism ay genre ng
panitikan na tumutukoy sa mga pantasyang
bagay na itinuturing hindi lamang posible
bagkus ay isang realidad.
Mahusay!
Ano ang teoryang dekunstraksyon?

Sinasabi ng teoryang dekonstruksyon na ang


akda ay hindi maaring isilid. Ang isang akda
ay hindi masasaklawan o matatakdaan
sapagkat ang kahulugan ay nagbabago o di-
pemanente.

Ano ang metafiction?


Ang metafiction ay isang literaring kagamitan
sa paggawa ng sariling katha sa pamamagitan
ng imahinasyon kaysa katotohanan.
Magaling!

Ang mga dulog na nabanggit ay isang


epektibong paraan ng pagsulat ng isang
maikling katha.

Alamin natin ang mga elemento ng istorya .


Ang elemento ng istorya ay may siyam:
disturbance, balance, protagonist o bida,
plan, sub-story, obstacle, complications,
crisis, climax at resolution.

Ano ang disturbance?


Ang disturbance ay ang probemang
kinakaharap ng pangunahing tauhan at itoy
maaaring makikita sa simula, gitna o kaya’y
bago maganap ang pagrereveal ng major
conflict sa kwento.

Ano ang balance?


Two contrasting or opposing forces. Show the
positive and the negative sides. Binary
opposition. Mabuti laban sa masama. Sa
pamamagitan ng balance, nabibigyan ng
kuwento at struggle ang bida o kontrabida.
Tama!

Ano ang protagonist?


Ito ang main character, instrumento ng
manunulat sa kanyang aspirasyon. Bibigyan
ng mga problema na lulutasin. Bibigyan ng
pagsubok na mapagtatagumpayan.

Tama!

Ano ang plan?


Ano ang aspirasyon ng manunulat sa
katauhan ng bida na hahadlangan ng
antagonist? O kaya naman ano ang plano
niyang maging takbo ng kwento.

Ano ang sub-story?


Ito ay kadalasang nakikita bilang mga
kadahilanan kung bakit ang isang tauhan ay
may aspirasyon o gustong mangyari. 
Nagsisilbi rin itong back story o pagbibigay
ng katarungan sa ugali’t gustong gawin ng
mga tauhan.
Ano ang obstacle?
Maaaring physical, emotional, o mystic
forces. 
Physical forces, hinarangan ng isang
malaking tao ang tauhan kaya’t hindi
nakadaan sa kalsada at hindi nakapunta sa
dapat puntahan. 
Emotional forces, gustong magmahal ng
tauhan pero natatakot kaya’t tumandang
dalaga.
Mystic Forces– may halong kababalaghan o
misteryo.

Ano ang complications?


Ito ang sanhi at bunga ng mga desisyon ng
tauhan. Anuman ang desisyon ng tauhan ay
kailangang may sanhi at bunga, mabuti man o
masamang pangyayari.

Ano ang crisis? It forces change. May isang malaking


pagbabago o major turning point sa buhay ng
tauhan. 

Ano ang climax? Pinakamadulang bahagi at pinakamagandang


bahagi ng akda.

Tama! Ang kasukdulan ay ang


kapapanabikang bahagi ng kwento.

Ano ang resolution?


Mapagtatagumpayan ng bida ang kailangan
niyang mapagtagumpayan. 
Mapagtatagumpayan ng manunulat ang
kanyang aspirasyon sa pamamagitan ng
tagumpay na natamo ng bidang tauhan.

E. Aplikasyon
Tukuyin kung magic realism, metafiction o
dekunstraksyon ang mga sumusunod na
sitwasyon.
Sitwasyon 1:
Nilisan ni Ama ang aming tahanan noong
ako ay bata pa, pagkalipas ng sampung taon
ay muli itong bumalik. Tatanggapin ba ito ni
ina? Dekunstraksyon
Sitwasyon 2:
Lumaki si Allan sa kalye, namamalimos,
namumulot sa basura at kung minsan ay
nagpupunas ng mga sasakyan, tila suntok sa
buwan na siya ay makapagtatapos ng pag-
aaral ngunitpagkatapos ng labinlimang taon
ay isa na siyang ganap na guro. Magic realism
Sitwasyon 3:
Maagang natulog si Jonathan, pagkagising
niya ay laking gulat niya sapagkat sa
kanyang harapan ay pagkaputi-puti ng
paligid at tila siya ay nasa paraiso. May mga
kakaibang nilalang siyang nakikita gaya ng
mga lumilipad na nilalang na may
pagkaganda-gandang mgapakpak, mga Metafiction
diwata, alitaptap, sirena at syokoy.

F. Paglalahat
Ano ang natutunan natin sa araw na ito?

Natutuhan ko po na sa pagsulat ng malikhain


na may mga dulog na ginagamit. Mayroon din
siyam na elemento ng istorya.

Ang pagsulat po ay ginagamitan ng


imahinasyon upang makabuo ng isang
malikhaing katha.
Magaling!

IV. Ebalwasyon
Pangkatin ang mga mag-aaral ng may
apat o limang miyembro at pasulatin ng
isang malikhaing katha na may 3 o 4 na
talata lamang. Gamitin ang mga
elemento ng istorya.
V. Kasunduan
Magbasa ng isang maikling kwento at
alamin ang elemento ng istorya, maging
ang dulog na ginamit sa kwento. Isulat
sa isang buong papel.

Sanggunian: http://gladyegimena.blogspot.com/2008/02/malikhaing-pagsulat-ang-
sampung.html
Malikhaing Pagsulat

You might also like