You are on page 1of 18

PAGSASALIN NG MEMBER’S REQUEST FORM NG GOVERNMENT SERVICE

INSURANCE SYSTEM (GSIS): AMBAG SA PAGPAPATAG NG WIKANG

FILIPINO BILANG OPISYAL NA WIKA NG

PAMAHALAAN

Isinulat nina:

Antona, Mizpah Grace

Javier, Marielle Kristine

Laplana, Mark Reniel

Tiamson, Honeylyn
PANIMULA

Noon pa man ang pagsasalin ay may malaki ng kontribusyon sa pag-papaunlad at

pagpapakalat ng mga kaalaman na kailangan ng mga tao, sa kasaysayan ng pagsasalin, kung

ating babalikan makikita rito ang mga personalidad na nagsimula ng pagsasalin na

magpahanggang sa ngayon ay nagagamit at nagiging tulay upang ang bawat isa ay

magkaunawaan at higit sa lahat ay mapalawak ang kaalaman ng bawat isa. Sa kasaysayan ng

pagsasalin si Andronicus ang kinikilalang unang tagasalin, siya ang nagsalin ng Odyssey ni

Homer sa anyong patula (240B.C). Sinundan ito nila Naevius, Ennius Cicero at Catulus. Sa

paglipas ng mga taon ay dumami ang mga tagasaling-wika na nagdulot ng malaking pag-

unlad sa mga bansang Europa at Arabya. May isang pangkat na umabot sa Bagdad at isinalin

nila sa Arabiko ang mga isinulat nila Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates at iba pa, kaya

naman ang Bagdad ay nakilala bilang isang paaralan ng pagsasaling wika. Ang sinasabing

pinakataluktok ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng Bibliya. Ang kinikilala

ng pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin Luther (1483-1646). Ang mga ito

ay nasundan pa at halos lahat ng mga naisasalin ay mga akdang pampanitikan, Sa paglipas ng

panahon ay may mga nagpatuloy ng gawaing pagsasalin at may ilang mga manunulat na rin

angsumulat ng mga akda patungkol sa pagsasalin. Noong 1792 ay binigyang diin ni

Alexander Tytler sa kanyang aklat na “Essay on the Principles of Translation” ang tatlong

panuntunan. Una, Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa;

Ikalawa, Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang akdang tulad ng sa orihinal. Ikatlo,

Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas” ng pananalitang tulad ng sa

orihinal upang hangga’tmaaari ay magparang orihinal.

Para naman kay Matthew Arnolds, ang salin ay kinakailangang magtaglay ng bisang

katulad ng sa orihinal na sumasalungat naman sa paniniwala ni F.W Newman. Sa pagsasalin


ng mga Akdang Klasika ay may dalawang pangkat ng tagapagsaling-wika mula sa wikang

Griyego patungo sa wikang Ingles. Ang Hellenizers o makaluma at Modernizers o makabago.

Para sa mga Hellenizers layunin nila na maging matapat sa pagsasalin dahil sa paghahangad

na mapanatili nila ang paraan ng paghahayag. Ito ay salungat naman sa paniniwala ng mga

makabago dahil sinasabi nila na ang salin ay dapat nahubadan na ng katangian at idyoma at

nabihisan na ng kakanyahan ng wikang pinagsalinan.

Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng awtor kung

ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Ngunit, sa kabila ng mga

magkakasalungat paniniwala ay may lumitaw na opinion na ito ay ang paniniwalang hindi

makatwirang piloting ipasok sa wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang

isinasalin. Samantala, may ilan ring pangkat o institusyong nagsasagawa ng mga proyektong

pagpapaunlad ng wikang pambansa, ito ay ang NCCA (National Commission on Culture and

Arts) at PETA (Philippine Educational Theatre Association).

Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga karatula ng iba’tibang

departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para sa kasunduang panlabas,

Saligang Batas at iba pa. Sa mga nagdaang taon hindi na lamang mga akdang pampanitikan

ang isinasalin maging ang mga dokumentong papeles na ginagamit sa pamahaalaan ay

sinusubukan na rin isalin. Kaya naman ang gawaing pagsasalin ay masasabing kailangan ng

halos lahat ng larangan,

Lalo na sa ating bansa na ang ikalawang lenggwahe ay Ingles na marami sa atin ang

hirap pagdating dito, dahil sa kakapusan sa buhay ay marami ang hindi nakakapagtapos ng

pag-aaral kaya naman ang kakayahan sa pag-sasalita at pag-unawa sa Ingles ay isang

malaking hamon sa kanila, Kung minsan ay kahit ang mga propesyonal ay hirap pa rin kaya

naman sa tulong ng pagsasalin ay na padadali ang trabaho at mas nagkakaunawan.


Halimbawa ay guro sa na nagtuturo ng asignaturang Ingles na may pagkakaton na ginagamit

nila ang salin sa wikang Filipino ng isang partikular na salita upang mag maunawaan ng mga

mag-aaral na kanyang tinuturuan.

Mahalaga na nauunawan ng lahat ang nilalaman ng isang papel o dokumento upang

nang sa gayon ay tama ang kanilang maibigay na tugon at maiwasan ang mga komplikadong

sitwasyon. Sa mga nakalipas na taon ay may mga dokumento at papel na ng pamahalaan ang

naisalin sa wikang Filipino. Kaya naman ang mga mananaliksik ay nais na makagawa ng

isang salin ng mga piling pormularyo ng GSIS bilang ambag sa pagpapatatag ng wikang

Filipino bilang pambansang wika ng pamahalaan.

Ang pag-aaral na aming isasagawa ay naglalayon mapunan ang mga nakikita naming

pagkukulang sa mga pag-aaral na nabanggit. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang pag-

aaral na ito ay alinsunod sa inilunsad na pamantayan ng Komisyon sa Wikang Pambansa

(KWF) at sa Batayang Pagsasalin ni G. Virgilio Almario

Kaligiran Ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsasalin ng piling pormularyo mula sa ahensyang

GSIS at naglalayon na mapunan ang pangangailangan ng tao sa pag-unawa at pagkakaintindi

sa pormularyo pinupunan. Dahil nakakitaan ng mga mananaliksik ang kakulangan sa mga

pormularyo na nasawikang Filipino. Ang mananaliksik ay umisip ng paksang sumasaklaw sa

paggamit ng wikang Filipino. Matutulungan nito ang maraming nais din na magsalin at

magiging batayan ito ng mga mananaliksik sa hinaharap.


Batayang Teoretrikal

Sa papanaliksik na ito ang mananaliksik ay sumangguni sa tatlong uri ng pagsasalin ni John

Dryden. Ang Metaphrase, Paraphrase at Imitation. Sa Metaphrase, literal at kinokopya ang

bawat salita. Sa Paraphrase naman ay binibigyan ng kagayang pagpapakahulugan ang isang

talata. At sa Imitation naman ay mas may Kalayaan ang tagapagsalin. Isa pa sa mga

sangunian ng mananaliksik ang Interlingual Translation ni Roman Jakobson kung saan ang

tamang paraan ng pagsasalin mula sa isang wika patungo sa iba. Na sinang-ayunan ni

Bassnette at Lefevere dadag pa rito ang sinabi nila na tuwing nagsasalin ng isang teksto ay

kadikit ng kultura ng sinasalin.

Batayang Konseptuwal

Para sa Batayang Konseptuwal, gumamit ang mananaliksik ng INPUT-PROCESS-

OUTPUT (IPO) model. Makikita sa Input ng batayan ang demograpikong profayl, reyt ng

pagsagot ng respondente, at ang kanilang antas ng pagkaintindi. Sa ikalawang bahagi

makikita kung paano makukuha ang datos. Sa dulong bahagi ng batayan ay gagawa ang

mananaliksik ng isang proposal sa nasabing ahensya nanag sa gayong maging makabuluhan

pa ang pag-aaral na ito. .


Anu- ano ang demograpikong
profayl ng mga respondent ayon
sa mga sumusunod:

1.1 Edad
Proposed
1.2 Antas ng Translated
PAGPAPASAGOT
Pinagaralan Forms ng
NG
GSIS
PORMULARYO SA
Ano ang reyt ng mga
MGA
repondente sa pagsagot ng RESPONDENTE
nakasalin at hindi nakasalin na
PAGPAPASAGOT
pormularyo; NG
TALATANUNGAN
1.1 Oras
PAGSUSURI SA
1.2 Kawastuhan
MGA SAGOT NG
RESPONDENTE

Ano ang antas ng


pagkakaintindi ng respondente
sa nakasalin at hindi nakasalin
na pormularyo?

FEEDBACK
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang mga sumusunod:

1. Anu- ano ang demograpikong profayl ng mga respondent ayon sa mga sumusunod:

1.1 Kasarian

1.2 Antas ng Pinag-aralan

2. Anu-ano ang reyt ng mga repondente sa pagsagot ng nakasalin at hindi nakasalin na

pormularyo;

2.1 Oras

2.2 Kawastuhan

3. Ano ang antas ng pagkakaintindi ng respondent sa nakasalin at hindi nakasalin na

pormularyo?

4. Meron bang makabuluhang pagkakaiba sa Reyt ng Oras / Kawastuhan at sa kasarian /

Antas ng Pinag-aralan?

5. Meron bang makabuluhang pagkakaiba sa Reyt ng Oras / Kawastuhan at saAntas ng

pagkakaintindi?

Hinuha

Walang makabuluhang pagkakaiba ang bisa ng pormularyong Member’s Request Form

ng Government Insurance Service System (GSIS) na nasa wikang Ingles at ang nakasalin sa

wikang Filipino.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa tagatugon –magiging kapaki-pakinabang upang matukoy ang kahalagahan ng pagsasalin

ng pormolaryong sulatin. Makatutulong din upang lubos na maunawaan at masagutan ng mga

tagatugon ang mga katanungan sa pormolaryong sulatin.

Sa mga ahensya ng gobyerno –makatutulong ito upang matugunan ang pangangailangan at

maging mabisang instrumento upang mapadali sa mamamayan.

Sa mga mananaliksik –mapagtanto na ang kanilang isinasagawang pananaliksik ay

makatutulong sa kanila upang mapalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa wikang Filipino

at pagsasalin na sa kalauna’y magagamit ng husto bilang mga magiging guro ng asignaturang

Filipino sa hinaharap.

Sa mga susunod na mananaliksik- ang pananaliksik na ito ay maaring maging hanguan ng

mga mahahalagang impormasyon na may mga kaugnayan sa mga isinasagawang pag-aaral.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makapagsalin at makabuo ng pormularyo

mula sa Government Service Insurance System (GSIS) partikular na sa “GSIS Member’s

Request form” na nasa Wikang Ingles tungo sa Wikang Filipino. Ang napiling respondente

ng pananaliksik na ito ay ang mga empleyado ng gobyerno ng Lungsod ng Santa Rosa,

Laguna.
KABANATA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa Rebyu ng Kaugnay na Literatura makikita ang mga pag-aaral na may kinilaman

sa pag-aaral na nabanggit. Ang mga mananaliksik ay naghalugad sa internet ng mga kaugnay

na pananaliksik sa local man o banyaga.

BANYAGANG PAG AARAL

Mahalaga ang teknikal na pagsasalin sa mga industriyang gumagamit ng teknikal na

salita. Pinatunayan ito ng Clear Words Translation sa kanilang pagpapakahulugan sa

pagsasaling teknikal, ito ay mahirap na trabaho na kailangan ng malawakang pagkakaintindi

sa mga salita at kahulugan ng mga ito. Kinakailangan rin ito ng mga kumpanya para

magpalawak sa ibang bansa dahil kailangan nila isalin ang lahat ng salitang nasa produkto

nila.

Sabi ni Wang Zheng sa kanyang pananaliksik na “Translation Strategies for Science

and Technology” na ang pangunahin kailangan isaalang alang sa pagsasalin ay ang

nilalaman. Dahil ito ay dapat maisalin ng tama. Kung tutuusin nga naman, delikado ang isang

pagkakamali sa sinalin na teksto. Magiging mali na ang kahulugan ng buong teksto pag naiba

ang kahulugan ng salira o mali ang pagkakasalin. Kailangan maging maingat ng taga-salin sa

pagpili at pagsasalin ng mga salita, dahil maaring iba ang kahulugan nito.

Sa pagsisiyasat sa at pananaliksik ni Uliana Ristikartano ay hindi mabisa ang MT o

Machine Translation na ginagamit ng karamihan. Madalas ang mga gumawa ng mga ito ay

kulang sa kaalaman sa mga wika. Dahil dito madalas mali ang sagot na nakukuha ng mga tao
kapag sila ay gumagamit ng MT o Machine Translation. Dito mo masasabi na ang mga salita

lamang ang kayang isalin ng mga ito pero ang diwa ay hindi.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay Catford sa Choliludin may mga uri ng pagsasalin, Una na dito ang Extent na

nahati sa dalawa Full at Partial. Sa Full ang pagsasalin ay kabuuan, halimbawa ay buong

libro, o buong talata. Pero sa Partial ay mayroon lamang na parte ng isang teksto ang isinalin.

Ikalawa ang Lebel na nahati ulit sa dalawang bahagi ang Total at Restricted. Sa Total ay

nagsasalin kasama ang leksikal at gramatika habang sa Restricted ay halos ponolohiya

lamang ang isinasalin. Ang ikatlo ay ang Rank, kung saan tinitingnan kung anong order ng

Rank sa gramatika ang gagamitin sa pagsasalin.

Ang pagasasalin din ay dapat nababatay sa kultura ng target mong mambabasa . Ito ay

nasabi sa “Translation Theories Explained” ni Christiane Nord. Nasabi rin sa libro na ito na

ang pagsasalin ng teksto ay dapat inaangkop sa iba’t ibang sitwasyon. Sabi niya rin na di

madali ang pumili ng estratihiya sa pagsasalin dahil kalakip nito ang impormasyon ng iyong

isasalin.

Sabi naman ni Mona Baker, kailangan gumamit ang isang tagasalin ng mga salitang

ginagamit ng nakararami. Pangalawa ay dapat gumamit ang tagasalin ng mga salitang neutral

o di kaya naman ay wala halos kalakip na damdamin


LOKAL NA PAG-AARAL

Sa paghalugad sa internet, may nakita ang mananaliksik na pag-aaral sa pagsasalin teknikal,

ngunit mas maraming pananaliksik ang nakatuon sa pampanitikang salin.

Bagaman sa katagalan naman ay may nahanap ang mga mananaliksik nap ag-aaral.

Una na rito ang disertasyong “Estilo ng Pagsasalin sa Wikang Filipino ng mga Teksbuk sa

araling Makabayan” ni Ester Torres-Rada ng San Beda (2013) na tumatalakay sa iba’t ibang

estilo ng pagsasalin ng isang teksbuk. Inilahad rin ni Torres-Rada na magkakaiba ang estilo

ng pagsasalin dahil sa iba’t ibang paniniwala ng mga organisasyon (at mga tagapagsalin)

hinggil dito.

Pagpapalawig sa sambit ni Torres-Radan ang pananaliksik ni Raquel Sison noong

2014 na “ Ang pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga” hinggil sa ilang

problemang kanilang naingkwentro sa ginawang proyekto. Dito niya ibinahagi ang paggawa

ng Machine Translation ng isang grupo sa DLSU. Sa pananaliksik na ito nabanggit ni Sison

na mababa ang tingin ng mga tao sa isang taga-salin dahil kaya naman ito gawin ng

kompyuter o tinatawag na Machine Translation, dito nga nabuo ang katagang “I-Google

Translate mo na lang” na kahit wala naman ito sa wastong gamit ng semantika o kahit pa

mali mali ang mga gamit ng salita.

Sa pagpapalagay ni Torres-Radan ang saling teknikal ay nakabatay sa politikang

yakap ng mga awtor. Sumang-ayon dito si Sison. Aniya, kung bakit walang standard sa

pagsasalin teknikal ay sa kadahilananang wala naman talagang teknikal; malikhain din itong

maituturing. Kahit na teknikal, ang katotohanang nilalakipan ng damdamin ang buong

proseso, ang hindi maikakaila pangunahing ebidensiyang malikhain nga ito. Dagdag pa, ang

mga tagasalin ay nagpapaliwanag ng mga kahulugan, terminolohiya, at iba pang tumbasan


nang batay sa kulturang Filipino. Dahil dito kung bakit maituturing na malikhain ang

pagsasaling-teknikal.

Samantala, sa “Pagsasaling-wika sa Ekonomiks at Kalakalan” ni Tereso Tullao, Jr.

ipinaliwanag ang masalimuot na proseso ng pagsasaling-teknikal mula Ingles tungong

Filipino partikular sa usapin ng Ekonomiks. Wangis ito sa pag-aaral ni Ma. Laine Vergara ng

Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas, "Mga Tala sa Pagbuo ng Glosaryo

ng mga Termino para sa Physical Therapy, na naglahad naman ng tila kaparehong proseso sa

pagbuo ng talasalitaang teknikal, Ingles-Filipino.

Ang mga pag-aaral na nabanggit sa bahaging ito ay pare-parehong bumabanggit sa

isyu ng estandardisasyon.

Pangalawa, komon ang kanilang mga dinalumat na proseso ng paglikha. Magkakaiba

man ng estilo ang mga tagasalin ay magkakapareho pa rin sila ng metodo.

Paliwanag ni Vergara hinggil sa proyektong glosaryo, tuwiran siyang nanghiram ng

mga kataga sa Ingles at Espanyol, saka binaybay sa Filipino. Para naman masukat ang

pagiging ‘katanggap-tanggap’ ng salin ay nagpasagot siya ng talatanungan sa mga guro ng

Physical Therapy. Ang kwantitatibong resulta nito’y inanalisa niya sa pag-aaral saka

ginuhitan ng kongklusyon

Di nalalayo ang pamamaraan ni Tullao sa pagsasalin na ginawa ni Vergara. Una na

rito ay gumamit ng episyenteng pagbabaybay sa Wikang Ingles at Wikang Espanyol,

Sumunod, ay ang paglikha ng maugnaying salita at ng eksaktong kahulugan. At ang huli, ay

paghanap ng angkop na salitang Filipino na kasingkahulugan sa Wikang Ingles.


LOKAL NA LITERATURA

Sa akda na isinulat ni Gng. Zenaida Vera Cruz -Manuel na tungkol sa accounting at

tumatalakay sa isang uri ng paraan sa pag-nenegosyo na sa Ingles ay tinatawag na

Merchandising Business o pagbili ng mga produkto na handang ipagbenta sa mas malaking

halaga. Sila ang mga tinatawag na merchandiser, Ang merchandiser ay may dalawang uri una

ay ang retailer at wholesaler, ang pagkakaiba ng dalawa ay nakabase sa dami ng mga

produktong kanilang ipinagbibili. Kung susuriin ang laman ng buong akda ay mapapansin na

ang awtor ay gumamit ng mga salitang madaling maiintindihan ng lahat.Ang teksto ay

malinaw na naipapaliwana at naipararating sa mga mambabasa ang impormasyon na

kinakailangan malaman ng mambabasa.

Ayon nga kay_________ kinakailangan ng wika na magbigay ng panlipunang realidad upang

masuri nito ang karanasan batay sa iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Panlipunang realidad ito

ang kadalasang nalilimutan ng marami ang realidad na hindi lahat ng tao pare-pareho ang

antas ng kaalaman higit sa lahat ay antas ng pamumuhay, Ang mga tao ay hindi

magkakatulad ng pamumuhay, may mga taong namumuhay sa marangyang buhay at may tao

rin namang namumuhay sa kahirapan dito pa lamang ay makikita na ang kaibahan ng mga

salitang kanilang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa pagsulat ng mga teksto na

karaniwang ang mambabasa ay mula sa ibat ibang uri ng lipunan mahalaga na ang mga

salitang gagamitin ay angkop at madaling mauunawaan ng mga mambabasa, lalo na kung ang

mga madalas na gagamit ay ang mga taong magmumula sa ibat ibang antas ng lipunan.
SINTESIS

Ang mga nakalap na kaugnay na literatura at pag-aaral ay makakatulong sa mga

mananaliksik sa pagbuo ng tesis na ito.

Kagaya ng marami pang pagsasalin, ang gagawing pagsasalin ng pormularyo ay

gagamitan din ng pagiging malikhain sa konteksto ng isasalin, ito ay may pagkonsidera sa

edad ng mga nakuha ng nasabing pormularyo. Bilang isang taga-salin lagi dapat isaalang

alang kung sino ang babasa nito, dito na papasok ang pagiging malikhain ng tagasalin sa

pagkonsidera ng lalim at babaw ng salitang gagamitin na nakadepende sa edad ng uunawa

rito. Sa pagsasaling teknikal, hindi lamang laman ang isinasalin pati na rin sa kultura ng

mambabasa. Naging mahalaga sa buhay ng tao ang pagsasalin dahil naging daan upang

maunawaan ng marami ang impormasyon mula sa ibang lenggwahe.


KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga pamamaraang ginamit, mga

kasangkapan at hakbang na kinailangan sa pangangalap ng datos, mga pamantayan sa pagpili

ng mga tagatugon, paglalarawan, dami ng bilang ng mga tagatugon at estatistikang ginamit sa

pagsusuri, pag-aanalisa at pagpapakahulugan ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Upang bigyang linaw ang datos hinggil sa paksang pinag-aaralan, ang mga

mananaliksik ay gumamit ng “Mixed na Method “na pamamaraan.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng disenyong ito upang matukoy ang kinalabasan

ng mga nakalap na datos. Una, ang pamamaraang Kwalitatibo ay ginamit para sa

pangangalap ng panayam sa nagbigay bisa sa salin, at ang pamamaraang Kwantitatibo naman

para sa pangangalap ng datos gamit ang talatangungan. Ito ay pinili upang makatugon sa

pagtukoy ng kabisaan ng pormularyong nasa wikang Ingles at ang pormularyong isinalin sa

wikang Filipino. Ito rin ay tutugon sa antas ng pagkakaintindi ng mga respondente sa

nakasalin at hindi nakasalin na pormularyo. Ito ay naglayong makakalap ng mga

impormasyon at mga datos na kinakailangan ng mga mananaliksik sa pagsagawa ng pag-aaral

na magsisilbing gabay upang makabuo ng wasto at epektibong rekomendasyon at

konklusyon.
Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang kabisaan ng pormularyong

naisalin sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga respondente na

empleyado ng gobyerno ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna upang maihayag ang kanilang

sariling ideya hinggil sa pagsasa-Filipino ng pormularyo ng ahensya ng GSIS.

Populasyon at PagpilingTagatugon

Upang makakuha ng impormasyon at datos na kinakailangan ang mga mananaliksik,

gumamit ng Homogenous Purposive Sampling na kung saan ang pagpili ng respondente ay

may iisang batayan at identipikasyon. Ang mga respondente ay may kabuuang populasyon na

(30) na mga empleyado ng gobyerno partikular na sa Public Employment Service Office

(PESO) sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang ginamit ng pamamaraan ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay ang

pagpupunan ng mga nakasalin at hindi nakasalin na pormularyo at pagpapasagot ng mga

kwetyuner. Ang kwestyuner ay binubuo ng labinglimang (15) katanungan na ibibigay sa mga

respondente upang makapagbigay ng mga kaniya-kaniyang mga opinion. Ang unang bahagi

ay naglalaman ng demograpikong propayl ng mga respondente. At ang pangalawang bahagi

ay naglalaman ng reyt ng mga respondente sa oras at kawastuhan sa pagsagot ng

pormularyong nakasalin at hindi nakasalin. Kasama pa rito ang antas ng pagkakaintindi ng

mga respondente sa nakasalin at hindi nakasalin na pormularyo. Gumamit ang mga


mananaliksik ng Likert Scale na kaparaanan ng pagtatanong upang mapagtuunan ng mga

mananaliksik ang mga pahayag ng mga respondente.

Upang makabuo ng isang tiyak at tumpak na datos, ang mga mananaliksik, ang talatanungan

ay binigyang balidasyon ng mga guro, istatistisyan, at mga propesyunal.

INTERBAL MARKA BERBAL NA SIMBULO

INTERPRETASYON
4.21-5.00 5 Lubos na sumasang-ayon LS
3.41-4.20 4 Sumasang-ayon S
2.61-3.40 3 Hindi gaanong sumasang-ayon HGS
1.81-2.60 2 Hindi sumasang-ayon HS
1.00-1.80 1 Lubos na Hindi sumasang-ayon LHS

Paglikom ng mga Datos

Ang pamamaraan ng mga mananaliksik ay nagsimula sa pagsasalin ng pormularyo at

sa pagbuo ng talatanungan na nakaugnay sa paksa, ito ay isinaayos at nirebisa upang

maiwasto ang kamalian at matiyak ang kaangkupan. Sa ikalawang hakbang, ang paghingi ng

pahintulot sa punong tagapangasiwa ng partikular na departamento ng Public Employment

Service Office (PESO) ng Lungsod ng Santa Rosa upang maisakatuparan ang maayos na

komunikasyon at partisipasyon ng mga respondente sa nasabing saliksik. Agad na susuriin

ang datos gamit ang mga istatistikal na pamamaraan upang makabuo ng sapat na konklusyon

at ito ay sasailalim muli sa ilang mga rebisyon at pagwawasto mula sa mga dalubhasa upang

matiyak ang kalidad at balidasyon ng nasabing pananaliksik.


Istatistikal na Pagsusuri sa Datos

(KASALUKUYANG NAGHAHANAP ANG MGA MANANALIKSIK NG ISANG

STATISTICIAN UPANG GUMABAY SA PAGBIBIGAY NG ISTATISTIKAL NA

PORMULA NA ANGKOP SA NASABING PANANALIKSIK)

You might also like