You are on page 1of 29

2nd.sem pagsasalin part 1 p.

1-20

Pangkalahatang ideya:

Naranasan mo na bang makipag-usap sa isang taong kakaiba ang wika sa wikang gamit
mo? Kung oo ang sagot mo, anong karanasan ang masasabi mo? Dito pumapasok ang
kasanayan natin sa pagsasalingwika. Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga
salita o mensahe sa malapit nakatumbas na diwa gamit ang ibang wika, isang gawang binubuo
ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gaya ding
mensahe sa ibang wika.

Ang modyul na ito ang magiging gabay mo upang matuklasan ang mga batayang kaalaman
sa pagsasalin,kahalagahan ng pagsasalin at mga katangian ng tagapagsalin. Magbibigay ang
modyul na ito sayo ng sapat na kaalaman sa depinisyon ng pagsasalin ayon sa iba’t ibang otor
na makakatulong para sa mas malaliman pang pagtalakay sa pagsasalin sa mga susunod pang
mga paksa.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito ,ikaw ay inaasahang:

1.Natutunan ang mga pangunahing batayan sa pagsasaling-wika.


2.Nasasabi ang mga katangian ng isang tapapagsalin.
3.Napahahalagahan ang kahalagahan ng pagsasaling-wika.
4.Natutukoy ang mga patibong sa pagsasalin.

Kagamitan ng Kurso:

Paksa 1

KAHALAGAHAN NG WIKA

Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon at napakahalaga nito para sa


pakikipagtalastasan dahil kung wala nito, wala tayong maigagamit na kasangkapan para sa
pakikipag-usap sa kapwa nating tao

Wala ang tinatawag na media at entertainment kapag wala ang wika. Kung wala nito,
papaano mapapahayag nang nasa likod ng media at entertainment ang ibig sabihin nila kung
lahat ay nakatahimik? Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan
ng balita. Ito rin ay ginagamit para sa mga teleserye o mga pelikula na tinatanaw natin,
bagaman sa aspeto ng pelikula, mayroong tinatawag na mga silent films noong unang panahon.

Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito, naging


malawak ang ating kaalaman. Sa pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino) naging lalong
nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito.

Ang wika ay isa sa mga importanteng kasangkapan na bumubuo ng partikular na bansa.


Ang bawat bansa ay may kani-kanilang wika na ginagamit. Ang wika rin ang dahilan kung bakit
nagkakaisa-isa ang mga miyembro sa lipunan o ang mga naninirahan sa isang bansa.
WIKA

Ang wika ayon kay Gleason ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng tao na kabilang sa
isang kultura.

Paksa 2

PAGSASALIN

1. Ang pagsasalin ay ang gawain ng pagpapaunawa ng


mga kahulugan ng panitik (teksto,hal. exotropia ) at ng
kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na tinatawag
na salinwika – na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa
ibang wika. Tinatawag na pinagmumulang teksto(source language/text) ang panitik
na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang
wika(target language). Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang teksto.
2. Isinasaisip sa pagsasalin wika ang mga limitasyon na
kabilang ang diwa (konteksto) hal.paano ba sinabi ang isang
mensahe?pagalit ba?pabiro ba?, ang patakarang
pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at
gawi ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain
3. (kawikaan o idyoma). Isang karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak
na paraan ng pakikipaugnayan ang bawat dalawang (ang literal na salin o pagtutumbas
ng salita-sa-bawat-salita); at ang pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa
pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng
pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at kawikaan.hal. break a leg- mabali
sana binti mo.

Puno ang pagsasalin wika ng mga kaipala (o posibilidad) ng pag-apaw ng


mga wikain at paraan ng paggamit mula sa isang wika patungo sa isa,
sapagkat kapwa wika ay nakasalalay sa
nag-iisang utak ng tagapagsalin (o tagapagsalinwika).Madaling makasanhi ang pag-apaw na ito
ng mga pinaghalong wika (ang mga haybrid) katulad ng "Prangles" (Pranses-Ingles),
"Espanggles" (Kastila-Ingles), "Pogles" (Polaka-Ingles), "Portunyol" (Portuges-Kastila o
Portuges-Espanyol), “Taglish” (Tagalog-Ingles), at “Englog” (Ingles-Tagalog).

⮚ Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang


nasa likod ng mga pahayag na berbal. (Theodore Savory, 1968)

⮚ Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal." - Gregory Rabassa (isang


boteng tubig)
⮚ "Ang pagsasalin ay isang pagtataksil? (Di lahat naisasalin gaya ng
ponolohiya, morpolohiya atbp.)
⮚ Ang Pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na
natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, una'y sa kahulugan at
pangalawa'y sa estilo. (Eugene Nida, 1964)
⮚ Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa malapit na
katumbas na diwa gamit ang ibang wika. (Griarte, 2014)
⮚ Ang pagsasalin ay isang gawang binubuo ng pagtatangkang palitan ang
isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gaya ding mensahe sa ibang wika.
(Peter Newmark, 1988)
Dagdag:
⮚ Ang pagsasalin ay imperikal na kaalaman. (Danas)

⮚ Utilitarian ang pagsasalin

Paksa 3

Kahalagahan ng Pagsasalin

Ano ang kahalagahan ng pagsasalin?Bakit kailangang magsalin? Kung pagbabalikan natin


ang kasaysayan, makikita natin ang mahalagang bahaging ginagampanan ng pagsasalin kahit
noon pa mang unang panahon gaya ng sinabi ni Ramos sa kanyang artikulong Pagsasalin
Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pambansa (1998). Ayon kay Ramos: Bago pa man
dumating ang mga tagakanluran, sigurado nang umiiral sa kapuluan impormal na pagsasalin sa
oral na komunikasyon. Mahalaga rin siguro ito sa kanilang kabuhayan tulad ng
barter system o pagpapalitan ng mga kalakal hindi lamang sa pagitan ng
mga katutubo kundi sa mga taga-ibang bayan sa silangan, tulad ng mga
Tsino na napadpad sa kapuluan ng Pilipinas.
Nang dumating naman ang mga Kastila, kinakailangan ang pagsasalin
para sa dalawang layunin –
(1) ang pananakop at
(2) ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Sa aklat ni Venuti (1998) ay kanyang sinabi sa pamamagitan ng kanyang paliwanag na
batay kay Rafael (1998) ay ganito ang isinaad: ang mananampalataya na tumatanggap sa
Diyos na Kristiyano ay nagpapasakop din sa Haring Kastila na banal na itinalaga, lalo na
sapagkat iniuugnay ng mga misyonero ang pampulitikang pagpapasakop ditto sa lupa sa
kaligtasan sa kabilang buhay. Kaya, ayon pa rin kay Ramos. ‘’Bilang bahagi ng layuning
mapalaganap sa bansa ang Kristiyanismo,
isinalin ng mga misyonaryong
Kastila sa Tagalog (at iba pang wika sa bansa) ang mga
aklat-dasalan, katekismo, awit pansimbahan, sermon,
pagsasanay sa mga Gawain pangkabanalan.’’ Sa pamamagitan
ng pagsasalin ay naitanim ng mga mananakop na kastila sa isip
at damdamin ng kanilang sinakop ang kanilang mga ideolohiya,
paniniwala at pananampalataya.
Ayon pa kay Santiago (1994): ‘’ Batay sa kanilang karanasan (mga Kastila) sa timog at
Hilagang Amerika, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
pamamagitan ng mga wika ng mga katutubo.’’ Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila
ayon na rin sa huli ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa pagsasalingwika sa
Pilipinas. Mula sa mga nabanggit, makikita ang kahalagahan ng pagsasalin, sa ugnayang
pangkomersyo sa dalawa o mahigit pang bansa, sa pagpapairal ng kapangyarihan at
kamulatang parelihiyon. Bukod pa sa mga kahalagahang ito,
may malaking
bahaging ginagampanan ang pagsasalin sa paglilipat at palitan
ng kultura’t kaalaman sa buong mundo. Sabi ni Almario sa kanyang artikulong
Pagsulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin: ‘’Kung ang pagkaimbento ng papel ay
nagpakahalaga sa lansakan at matagalang pang-iimbak ng matatayog na karunungan at
dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang nagging mabisang kasangkapan sa pagkakalat
at pagtanggap ng mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.’’
Isang halimbawa na ng dakilang panitikang naipamana dahil sa
pagsasalin ang epikong Odyssey ni Homer na sinasabing
pinakamatandang nakaulat na salin. Ang mga karunungang
isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang mga
dakilang Griyego ay naipamana rin sa daigdig dahil sa
pagsasalin. Mula pa rin sa artikulong huling binanggit ay sinabi ni Almario na
‘’Kasangkapan ang pagsasalin upang ganap na makinabang ang isang bansa o pook sa mga
impluwensiyang mula sa isang sentro o sulong na kultura’’. Ibinigay niyang halimbawa ditto ang
pagsagap at pakikinabang ng mga kulturang Latin at Arabe sa kulturang Griyego sa
pamamagitan ng salin.

Ang sariling kulturang Pilipino ay sumagap at nakinabang din sa mga kultura ng mga
kolonisador nito sa pamamagitan ng mga salin. Ayon kay Ramos: Sa mga kolonisador nito, ang
mga Kastila ang may pinakamalaking impluwensiya sa bansa lalo na sa basehan ng unang
wikang pambansa natin, ang Tagalog.’’ Nalaman natin ang mga batayang aralin sa
kristiyanismo sa pamamagitan ng Doctrina Christiana en la lengua Espanola at mula sa iba
Nagkaroon tayo ng kaalaman
pang mga salin tungkol sa simbahan o eklesyastik.
sa pulitika dahil sa mga salin na pampulitika at nilalaman at
layunin. Kabilang ditto ang Huling Pahimakas na salin ni Andres
Bonifacio ng Mi Ultimo ni Jose Rizal. Kung noong panahon ng
pananakop ng mga kastila ay krus o relihiyon ang naging isa sa
pangunahing kasangkapan na pananakop ng mga kastila; ayon kay
Santiago (1994) ‘’noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o
edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.’’ Ipinaliwanag pa
niya sa panahon ito nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang
lansakan ang iba’t ibang uri ng genre ng panitikan at naging
masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa lalo na ng mga akdang klasika.
Ang pakikipag-ugnayan intelektwal ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nagging liberal ang iba’t
ibang anyo at uri ng karunungan mula sa kanluran.’’

Mahalaga din ang pagsasalin upang madaling maunawaan, matutuhan at sa gayon ay


mapakinabangan ng masang Pilipino ang mga bagong teknolohiya mula sa mga dayuhan. Ito
ay mapatutunayan ng karanasan ni Teo Antonio, isang manunulat at tagasalin sa Technology at
Livehood Resource Center, na kanyang inilahad sa artikulong Pagsasalin ng Kaalaman
Panteknolohiya (1995). Sa artikulong ito ay kanyang sinabi: ‘’Pinatunayan ng maraming
tagasubaybay na mamamayan na dumagsa sa pagbili ng mga babasahin gabay sa kaalamang
panteknolohiya na sila ay natuto, nakinabang at nagamit sa kanilang pag-unlad ang mga
babasahin naisalin.’’

Hindi rin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagsulong o pagyabong ng


wikang pambansa o sa intelektwalisasyon nito. Mula sa artikulo ni Fortunato na pinamagatang
Pagsasalin: Instrumento sa Intelektwalisasyon ng Filipino {1991} ay kanyang sinabi:

Napakahalaga ng pagsasalingwika upang mailapat ang mga


‘naimbak’na karunungang nasa mga aklat na nasusulat sa Ingles
at iba pang intelektwalisadong wika. Tumutulong din ang
pagsasalin na magkaroon ng mga bagong impormasyong cultural
ang mga iskolar na babasa ng salin. Ang pag-introdyus ng mga bagong
konseptong produkto ng pagsasalin ay nakatutulong sa intelektwalisasyon. Yumayaman ang
kultura ng Filipino sa pagdaragdag ng mga bagong leksikon. Sa ganitong paraan napapayaman
ang wikang Filipino at nabubuo ang kultura ng syensya at mga asignaturang abstrak sa
pamamagitan ng behikulong ginagamit.
Mula pa rin sa artikulong ito, inilahad na mayroon itinuturing na
mahahalagang larangan na ginagamitan ng diskursong
intelektwal at elegante at nangangailangan ng mataas na
kasanayang pangawika lalo na sa pagbasa at pagsulat. Ang mga
ito ay edukasyon (lalo na sa hayskul at unibersidad) mas media ,
siyensya at teknolohiya , gobyerno, batas hukuman, komersyo at
industriya, propesyong pangmedisina, abogasya, at literature. Ang
mahalagang larangan ito ang dapat na gamitan ng intelektwalisadong Filipino na naghahangad
na makaganap na dominanteng midyum sa lahat ng larangan ng paggamit nito at makatugon sa
mga pangangailangan komunikasyon tulad ng kasapatan ng Ingles, at gaya ng siniping
pahayag sa itaas,makikita ang mahalagang bahaging ginagampanan ng pagsasalin sa gawaing
intelektwalisasayon

Bilang pagwawakas,mainam na malaman natin ang sinabi ni Theodore H. Savory (1959)


tungkol sa unibersal na gawain ng pagsasalin .Ganito ang kanyang sinabi na isinalin ni
G.Almario “ Sa lahat ng dako, isinagawa ang mga salin alang-alang sa mga
dalisay na layunin utilitaryo at walang ibang nasa ang tagasalin maliban sa
pag-aalis ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika sa
manunulat at sa mambabasa .”
Kahalagahan ng Pagsasaling Wika

Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ni


Kristiyanismo sa ating bansa.
Nang dumating ang mga Kastila dito, sinikap
nilang pag- aralan ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila
sa wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng
Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang
pananampalataya.  

Malaki rin ang tungkuling ginampanan ng pagsasaling-wika sa pagtatamo ng kalayaan ng


Ang mga propagandista na palibhasa'y aral sa wikang
ating bansa.
Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya't ang kanilang mga
akda ay kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa
Pilipinas upang lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at
kaisipan.  
Maging noong panahon ng Hapon ay ginamit din ang pagsasaling-wika
sapagkat ang malaman at makabuluhang mga dokumento ng
Hukbalahap ay nakasulat sa Ingles.  
Inaliw ng mga dulang salin mula sa mga bantog na dula ng
daigdig ang mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Nagamit nang
panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na naghahari sa
mamamayan.  Ngayon, tayo ay nahaharap sa panibagong pakikibaka.
Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya.  Kung
nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding
sumulong ang ating wika, agham at teknolohiya. Kinakailangang
maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito.
Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling
nauunawaang ng mga Filipino ang mga aklat, pamplet, papel
pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa
agham at teknolohiya.
Narito ang ilang mga panimulang patnubay sa pagsasaling-wika ng Drupal sa Filipino.
Habang tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya ng mas tiyak na mga patnubay
upang mapahusay ang pagsalin ng Drupal sa Filipino. Mahalaga rin na alamin ang estilo ng
pagsasaling-wikang proyekto. Tandaang gumamit ng konserbatibo at pormal na Filipino.Isalin
ang mga salita at teknolohiyang pang-internet at pigilin muna ang sarili sa paggamit ng mga
katumbas na salita sa Ingles.

Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa


Tagalog. Kung mayroon, gamitin ito.Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga
pinaka-malalawak na wika ng Pilipinas gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray,
Kapampangan, Northern Bicolano, Chavacano, Pangasinense, Southern Bicolano, Maranao ,
Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula
sa iba pang wika ng Pilipinas.

Kung walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika


ng Pilipinas, maari mong itranslitereyt ang salita mula sa ingles
papuntang Tagalog (halimbawa: account -> akawnt, computer -> kompyuter).
Tandaang ang pagta-translitereyt ay papuntang Tagalog at hindi Filipino, dahil ang Filipino ay
may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na hindi ginagamit sa pagtatranslitereyt.Kung
talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga
terminolohiya at salita, gamitin ang Ingles na salita. (halimbawa: internet)

Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga katumbas na salita, subukang makipag-ugnay sa


departamento ng iyong wika mula sa mga pinagpipitaganang pamantasan sa iyong bansa o sa
isang kawanihan na nangangalaga ng iyong wika. Huwag matakot na gamitin o ipakilala ang
Tandaan, nang ipinakilala ang
mga bagong salita kung ito ay maging saligan.
salitang "mouse" (pang-kamay na aparato upang makipag-ugnay
sa isang kompyuter), ang salita ay kinutya at pinagtawanan.
Paksa 4

Mga Katangian ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay


magiging mapanganib. Kailangan-kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastong
paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa. Subalit hindi pa rin
garantiya ang mga iyan upang siya’y makapagsalin nang maayos, lalo na kung ang isasalin ay
mga malikhaing uri ng akda. Kailangan pa rin dito ang sapat na kakayahan sa pampanitikang
paraan ng pagpapahayag.

2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang
higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
Halimbawa: Ang isang gurong hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging
kasinghusay na tagapagsalin ng akdang tungkol sa Biology kaysa gurong nagtuturo nito.

3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang
Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang
Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At dahil sa pagkakaiba ng kultura
ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may
mga pagkakataong hindi maisalin nang maayos ang isang bahagi ng
materyal na Ingles. Ang dahilan ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil
sa ang Filipino ay mahinang klase ng wika.

(Mula sa aklat na Pagbasa, Pagsulat @ Pananaliksik: Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino 2,


Antas Tersyarya nina Rolando A. Bernales, et al., Karapatang-ari 2014)

Pag-unawa sa Paksa:

I.Punan ng tamang sagot ang bawat patlang.

Maaring maisagawa ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtutumbas sa


1.________________nasa likod ng mga pahayag na berbal. (Theodore Savory, 1968)
Napakahalaga ng pagsasaling wika upang mailapat ang mga ‘naimbak’na karunungang nasa
mga aklat na nasusulat sa Ingles at iba pang 2. ____________________ wika.
Ang wika ayon kay Gleason ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang 3.________________upang magamit sa pakikipagtalastasan ng tao na
kabilang sa isang kultura.
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa 4. ____________ ng mga taong likas na gumagamit nito.
Ayon sa aklat ni Santiago ang tatlong katangian dapat taglayin ng nagsasalin ayon kina Nida
at Savory ay ang :
5)________________________________.6_____________________7.__________________

Isa sa katangian ng tagasalin ang dapat may 8.______________________sa dalawang wikang


kasangkot sa pagsasalin.
Ayon kay 9.__________________ ‘’noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon
sa pamamagitan ng wikang Ingles.’’ Ipinaliwanag pa niya sa panahon ito nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang iba’t ibang uri ng genre ng panitikan at naging
masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa lalo na ng mga akdang klasiko
Sa pagsasaling wika isinasaisip ang mga 10._________________ na kabilang
ang diwa (konteksto), ang patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang
pamamaraan at gawi ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o
idyoma).
‘’Kung ang pagkaimbento ng papel ay napakahalaga sa lansakan at matagalang pang-iimbak
ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang 11._________________ naman ang
naging mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang pamana ng
sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.’’
12. ‘’Kasangkapan ang _________________upang ganap na makinabang ang isang bansa o
pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro o sulong na kultura’’.

Gawain Tungo sa Pagkatuto

A.Paano mo isasalin sa wikang Ingles ang mga salita/pahayag na ito? Isulat sa papel lahat ng
posibleng sagot

1.Welcome

2.Are you still in love with your boyfriend/girlfriend?

3.Congratulations! You’re hired!

4.Ouch! You hit my calf.

5.I am pleased to meet your mum!

6.greenhorn

7.table

8.bill

9.school

10.book

B.Panuto: Pagtapat-tapatin ang wikang Ingles sa salin nito sa Filipino. Titik lamang ng
pinakawastong sagot ang isulat sa patlang.

HANAY A HANAY B
___11. Good morning! a.Ikinalulugod kong makita ka!
___12. Thank you very much. b. Magandang umaga
___13. How are you? c. Hanggang sa muling pagkikita
___14. What is your name? d. Maraming salamat
___15. What can I do for you? e. Aalis na ako.
___16. Till we meet again. f. Kumusta ka na?
___17. I am pleased to see you. g. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?
___18. I hope you remember me. h. Maganda ka.
___19. I’ll be going now. i. Sana ay maalala mo ako.
___20. You are beautiful. j. Ano ang pangalan mo?

C. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga salitang Ingles ay angkop na katumbas/salin ng
salitang Filipino at ekis (x) kung hindi.

21. tagumpay
(___victory, ___success, ___triumph )

22. talino
(___ wisdom, ___knowledge, ___ignorance )

23. halaga
(___cost, ___price, ___worth )

24. kaibigan
(___friend, ___companion, ___enemy )

25. kayamanan
(___wealth, ___abundance, ___poverty )

D. Panuto: Isalin sa Filipino ang mga sumusunod:

26.How would rate the trust you have for health care providers to act in your interest?

27.Very high-

28.High -

29.Medium

30.Low -

31.Very low-

32.How would you describe the process of getting a consultation?


33.Very difficult

34.Difficult

35.Fair

36.Easy

37.Very easy

E.Panuto: Punan ng angkop na titik ang bawat hanay upang mabuo ang wastong salin ng mga
parirala sa bawat bilang.

38. lahing kayumanggi bro_n r_c_


39. malinaw na pananalita cle_r s_ee_h
40. taunang ulat a_n u_l r_po_t
41. lubos na kaalaman c _ m p _ _t e k n _ w l _ d _ e
42. bansang malakas po_erf_l n_t_on

F. Panuto: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa Filipino.
Titik lamang ang isulat bago ang bilang.

____43.Sing softly
a. Umawit nang malambot c. Umawit nang mahina
b. Kumanta nang malambot d. Wala sa nabanggit

____44.Sleep soundly
a. Matulog nang mahimbing c. Matulog nang maingay
b. Matulog nang matunog d. Lahat ng nabanggit

____45.Take a bath
a. Kumuha ng paliguan c. Maligo
b. Kuhain ang banyo d. Wala sa nabanggit

____46.Sleep tight
a. Matulog nang mabuti c. Matulog nang mahigpit
b. Matulog sa masikip d. Wala sa nabanggit

____47.Fall in line.
a. Mahulog ka sa linya c. Pumila nang maayos
b. Hulog sa linya d. Lahat ng nabanggit

Mga Website
1.Maestro Valle Rey (July 24, 2019), Kahalagahan ng Wika, Philippine News. Mula sa
https://philnews.ph/2019/07/24/kahalagahan-ng-wika/

2.Pagsasalin Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

3.Shane Tuazon (July 1, 2014), Kahulugan ng Pagsasalin, Prezi. Mula sa


https://prezi.com/ia70xlv4zjr3/kahulugan-ng-pagsasalin/

4.Darren Joernal (April 2, 2015), Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin. Mula sa
https://darrenjoernal.tumblr.com/post/115277419434/mga-katangiang-dapat-taglayin-ng-isang-ta
gasalinPosted by: darrenjoernal on 2 April 2015

5.Hannibal Villamin Luna (Nobyembre 19, 2017), Pagsasalin ng Wika – Worksheets. Mula sa
https://www.scribd.com/document/364835841/PAGSASALING-WIKA-WORKSHEETS-doc

Yunit 2- KAALAMANG PANGWIKA

Pangkalahatang ideya:

May nagsasabing ang wika ay isang pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga makahulugang tunog upang makabuo ng mga
salita at makabuo ng pangungusap .Itinituring din ang wika bilang isang sistema ng mga
arbitraryong simbolong napagkaisahang gamitin ng isang pangkat ng mga tao.Hindi lubos ang
paggamit natin ng wika kung wala tayong sapat na kaalamang panggramatika sa wikang ating
pinag-aaralan o ginagamit.
Magbibigay ang modyul na ito sa iyo ng wastong kaalaman hinggil sa wastong gamit ng mga
salita,kaalamang panggramatika pokus sa morpolohiya,ponolohiya,mga tuldik,ponemang
segmental at suprasegmental. Mahalaga ring matutunan ang wastong gamit ng gitling dahil
nakakapagpaiba ito ng kahulugan ng isang salita. Ang mga paksang ito ay nakapaloob sa
modyul na ito. Ito ang magiging kasangkapan mo upang mapahusay mo ang iyong kakayanan
sa tamang pagsusulat at magiging gabay sa pag-unawa sa ating wika.Nilalaman din nito ang
tayutay na kailangan mong maunawaan ang mga nakatagong kahulugan upang magamit mo ng
wasto sa pagsasalin

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito ,ikaw ay inaasahang:

1.Natutunan ang kaalamang panggramatika,morpolohiya,gamit ng gitling at ponolohiya.


2.Natutukoy ang wastong gamit ng salita sa pangungusap.
3.Makapag-aanalisa ng mga pangungusap na may maling gamit ng salita.
4.Nakapagbibigay ng mga salitang may konotasyon at denotasyong kahulugan.

Kagamitan ng Kurso:

Paksa 5

MGA BATAYANG KAALAMANG PANGWIKA

Kahulugan at Katangian ng Wika

Ang wika ay isang pantaong komunikasyon na maaring pasalita o pasulat.Halos 90


bahagdan ng komunikasyon ng tao ay isinasagawa sa pamamagitan ng
wika.Nagpapatunay lamang na tayo ay
nakapakikinig,nakapagsasalita,nakapagbabasa at
nakapagsusulat sa tulong ng wika.-Datapwat di lamang wika ang nagagamit
bilang midyum ng komunikasyon ng tao.Kayat sinasabing mayroon tayong
komunikasyong sinasalita at di-sinasalita.-Sa komunikasyong sinasalita,ang
pangunahing instrumento ay wika.-Sa di-sinasalita ang ginagamit ay maaring senyas
,tunog,kilos o galaw ng katawan ,ekspresyon ng mukha,ilaw at usok.-Ilang halimbawa ng mga
senyas at ilaw ay ang mga ilaw at mga senyas pantrapiko o traffic signs.-Tunog naman ay ang
kampana,silbato,sirena ng mga pulis,ambulansya at bumbero
Paksa 6

Papel ng Wika sa Pagkatuto

Lahat ng taong may kakayahang magsalita ay kusang natututo ng sariling wika. Bawat bata
ay natututong magsalita sa pamamagitan ng pakikinig at panggagaya sa mga taong nakapaligid
sa kanya. Mahalaga ang kasanayan sa pakikinig sa pagkatuto ng pagsasalita.-kaya
sinumang tao ang isinilang na bingi ay tiyak na hindi
makapagsasalita kahit na kumpleto at maayos ang mga sangkap
ng bibig na gamit sa pagsasalita.-habang lumalaki ang bata natututo siyang
pumili at gayahin ang mga tunog ng wikang ginagamit ng mga taong nasa kanyang paligid.
Hanggang sa matutuhan niyang iugnay ang mga salitang kanyang nasasabi sa mga bagay
,ideya at galaw sa kangyang kapaligiran.Sa panimula,karaniwan isa lamang wika ang natutuhan
ng tao at ito ay ang kanyang unang wika.-ang unang wika ay ang wikang kanyang kinamulatang
sinasalita ng mga taong nasa kanyang paligid na kanyang napapakinggan at ginagaya. =
Tagalog ang unang wika ng isang bata na nagmula sa pamilyang Tagalog,Ilocano ng batang
Ilocano,Waray ng batang taga Samar-Leyte.atb.Alinmang wikang natutuhan pagkatapos ng
unang wika ay tinuturing na pangalawang wika ng isang tao.

Gaano Kahalaga sa Tao ang Pagkatuto ng Wika?

Sa pamamagitan ng wika,nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapaligiran na ginagamit ang


ating mga kasanayan sa pakikinig,pagsasalita,pagbabasa at pagsulat.-Wika ang pangunahing
midyum ng komunikasyong pasalita at pasulat na siyang mahalagang daan tungo sa pagiging
literado ng isang tao.-Nakapakikining tayo sa isang talumpati o usapan,nakapagbabasa ng mga
aklat at nakapagsusulat ng ibat ibang uri ng katha dahil mayroon tayong wikang ginagamit.Sa
pagbasa natin ng mga aklat maraming kaalaman tayong natatamo kayat lumalawak ang saklaw
ng ating kaisipan.Wika rin ang nagsisilbing tulay ng kaunlarang pang-agham at panteknolohiya
gayon din ng mga pamanang pangkultura. -Dumako tayo sa larangan ng edukasyon,na ang
pangunahing sangkap ay ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto ng
mga mag-aaral.

Sa Pilipinas pinaiiral pa rin hanggang ngayon ang Patakarang Bilinggwal sa


lahat ng antas ng edukasyon elementarya,sekundarya at
tersyarya. -Ito ay ang na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak
na asignatura sa layuning masanay ang mga Pilipinong mag-aaral sa paggamit ng naturang
dalawang wika.Mula noong taong 1974,itinuro na sa ingles ang mga asignaturang
English,Science and Health at Mathematics at sa Filipino naman Asal,Musika,Sining at
Edukasyong Pangkatawan.-Bunga ng implementasyon ng Patakarang Bilinggwal inaasahang
ang mga mag-aaral na Pilipino ay magiging mahusay sa pagpapahayag sa wikang Filipino at
Ingles. Alalaong baga may kakayahan siyang magsalita,magbasa at magsulat sa alinman sa
dalawang dalawang wikang nabanggit,kailanman at saanman.

Paksa 7

Tagalog,Pilipino o Filipino?
Tagalog- katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas.

Pilipino naging unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)1.) may 20 letra2.)
binubuo ng Tagalog, Bernakular, at Kastila

Filipino kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino,
at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles1.) may 28 letra2.) binubuo ng
Ang Wikang Filipino
Bernakular, Kastila, Ingles, Chinese,at iba pang hiram na wika
ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon: Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino Dapat payabungin at
pagyamanin pa saligsa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa
ibapang wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin
angPamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang:

1. midyum ng opisyal na komunikasyon


2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.

Paksa 8
Kaalamang Panggramatika

1.Balarila -tumutukoy sa pag-aaral sa anyo at uri ng mga salita at tamang kaugnayan ng mga
salita sa isang pahayag upang makabuo ng isang malinaw na kaisipan.Binubuo ng
phonology,morphology,syntaxis at semantics
1. Ponolohiya (Phonology)-pag-aaral ng mga tunog.
1.1 Ponemang malayang nagpapalitan (allophone) hal. (e,i ) at (o,u) (r,d)
1.2 Ponemang segmental- tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra.
Hal . Katinig at patinig
1.3 Ponemang Suprasegmental-hindi mga letra kundi simbulo.
Hal. Diin o stress,tono o punto at hinto.

1.3.1.Diin o stress/Tuldik

1.tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita
halimbawa: gandá, tagál

tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa
hulíng patinig
halimbawa: gábe, bayábas
tuldík pahilís: tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng
wastong diin sa unang pantig
halimbawa: para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa
mangguguló

2.tuldík paiwâ: tuldik (`) sa mga salitáng may diing malumi at inilalagay sa ibabaw ng hulíng
patinig ng salita
halimbawa: lumà, suyò, yumì

3. tuldík pakupyâ: tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na


nása dulo ng salita
halimbawa: ngatâ, ngitî, tukô

1.Malumay-walang tuldik,nagtatapos sa kat.o pat./ hangin

Sukli-maragsa

2.Mabilis-nagtatapos sa kat.o pat / hangin

3.Malumi-nagtatapos sa patinig/sa glottal stop o impit na tunog

4. Maragsa-nagtatapos sa patinig/ sa glottal stop o impit na tunog


Hal. tubo-sugarcane
tubo-profit
tubo-pipe

TONO
Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagkabigkas ng pantig ng isang salita upang higit na
maging mabisa ang pakikipag-usap natin sa ating kapwa.
Ang pagsasalita ay tulad ng musika na may tono, may bahaging mababa, katamtaman, mataas
na mataas na tono.

Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang pagdududa o pagtatanong ay karaniwang inihuhudyat


ng tandang pananong (?)

HABA
Tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig na salita.

DIIN
Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.Ang tono, haba at diin sa pagbigkas ng isang
salita ay karaniwang magkakasama sama sa isang pantig nito.

Halimbawa:
Kapag binibigkas natin ang salitang "halaman" ang tono, haba at diin ay sama-sama sa pantig
na -la-. Sa ibang salita, ang pantig na -la- ay malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang pantig
na -ha- at -man-. Gayundin ang bigkas ng -a- sa -la- ay higit na mahaba.

Sa Filipino, ay higit na mahalaga ang haba kaysa diin at tono.

Halimbawa:

Maganda ako kanina.?!

Ang salitang "kasama" - sa Ingles ay companion. Malumanay ang salitang ito, na ang diin ay
nasa huling pantig, ibig sabihin ang patinig na /a/ sa pantig na -sa- ay higit na mahaba ang
bigkas. Kaysa sa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at -ma.

Subukang alisin ang haba ng patinig sa pantig na -sa- at mababago ang kahulugan ng salita,
hindi na companion kundi tenant sa Ingles.

/kasa.ma/ = "companion"- (Ang haba ng bigkas ay inihuhudyat ng tuldok (.))


Iba pang halimbawa:

/magnana.kaw/ = thief
/magna.nakaw/ = will go stealing

Dahil sa ibinibigay na pagpapahaba sa bigkas sa alinman sa tatlong /a/ sa salita, nagiiba-iba


ang kahulugan.

ANTALA
Ito ay ang saglit na pagtigil ng sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig nating ipabatid sa ating kausap.

Halimbawa:
Sa pangungusap na, Hindi puti, na ang ibig sabihin sa Ingles ay, It's not white.
Ngunit kung lalagyan natn ng antala ang pagitan ng hindi at puti kaya't magiging ganito ang
pangungusap; Hindi, puti, makikita natin ang mababaliktad ang kahulugan ng pangungusap na
magiging, No it's not white.

Ang Morpolohiya at ang Morpema

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama


ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng
set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang
morpolohiya ay ang
pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na


kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang
salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na
yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang
kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang
panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang
salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng
salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y
“maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay
hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig
lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng
pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.

Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait,
ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi
nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha
sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa
baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang


pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1.Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga


morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan
sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa
sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo,
dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga
kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga
pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:
Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter
Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo
Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami
Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2.Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga


morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa
isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga
salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit
sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay
at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang
salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang
mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,
Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng


Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo
o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1.Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na


nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit
malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang
propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong
pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng
kahulugang “kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora
ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a}


Senyora - {senyor} at {-a}
Plantsadora - {plantsador} at {-a}
Kargadora - {kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may
morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo
lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na
ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing
morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din
sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}


kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2.Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga


salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet


pagod tuwa pula liit taas
basa laro aral kain sulat

3.Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi
ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping
{um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa
pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit.
Tulad ng mga sumusunod:

mag-ina - {mag-} at {ina}


maganda - {ma-} at {ganda}
magbasa - {mag-} at {basa}
bumasa - {-um-} at {basa}
aklatan - {-an} at {aklat}
pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}

Pagbabagong morpoponemiko

1. asimilasyong parsyal
2. asimilasyong ganap

pang-pan- d,l,r,s,t
Pang-pam- p, b

b.pagpapalit- ponema hal. Anu-ano-ano-ano


c.pagkakaltas-ponema- hal.dalhan bilhan

Paglilipat o metatesis-nagaganap kapag nagpapalitan ng posisyon ang dalawang ponema sa


loob ng isang salita.Madalas mangyari ito kung ang salitang ugat na nag-
Sisimula sa ponemang katinig na /l/,/r/ at /y/ ay nilalagyan ng gitlaping in.
Hal

Semantik makati ang kanyang dila


Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika.Ito rin ay pag-aaral, kung
paano ang isang salita masusuri at mabibigyan ng
pagpapakahulugan. Saklaw rin nito ang pag-aaral na may kaugnayan sa relasyon o
ugnayan ng mga salita sa isang pangungusap.Ito rin ay isang pag-aaral kung paano
nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.

Konotasyon/implied

● Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intensyon o


motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala
o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad.
● Malalim ang kahulugan ng salita.

Denotasyon/Literal

● Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga


termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita. Madalas din itong
tawaging “dictionary meaning” na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang
kahulugan. Ibig sabihin ang kahulugan nito ay matatagpuan sa mga talatinigan o
diksyunaryo. Tinatawag din itong “core meaning” ni G. Porter G. Perrin, isang dalubwika,
sapagkat may paniniyak at walang pasubali:kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan
ng mga tao.
● Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Sintaksis-pag-aaral ng mga tuntunin kung paano inaayos ang mga salita sa loob ng
pangungusap.Dahil sa sintaks ang padron ngpangungusap ay natatanggap dahil tama ang
gramar.
Hal. The boy rode the horse.

Paksa 9

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Hindi maikakaila na karamihan sa mga Pinoy ay mas bihasa sa paggamit ng mga kataga sa
Ingles kaysa sa mga katagang Filipino o Tagalog. Marami sa atin ay nahihirapan sa wastong
paggamit ng mga salita.
Para mapabilis ang pagtukoy kung ano nga ba ang dapat gamitin, isa sa mabisang paraan
ay pag-aralang mabuti ang mga bahagi ng pananalita. Mayroong walong bahagi ng pananalita
at bawat isa ay may layunin.

Kung alam na natin ang mga bahagi ng pananalita, mas mapapadali ang ating pag-intindi sa
mga wastong paggamit ng ibang mga salita. Katulad na lamang ng “ng at nang”.

Isa ka rin ba sa mga madalas nagdadalawang-isip kung saan sa kanila ang dapat gamitin sa
pangungusap?

Narito ang mga kaibahan at wastong paggamit ng “ng at nang” sa pangungusap.

NG

1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.


Mga Halimbawa:
Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak niya.
Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig para sa mga bata.

2. Ginagamit ang “ng” sa mga pangngalan.


Mga Halimbawa:
Pumunta ng paaralan ang guro.
Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.

3. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.


Mga Halimbawa:
Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.
Ang silid-aralan ng mga bata ay ibinaha.

4. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.


Mga Halimbawa:
Bumili ng magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.
Kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.
5. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-aaral niya sa ikaapat na baitang.
Inalis ng matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

NANG

1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit


Mga halimbawa:
Takbo nang takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman niya.
Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay nang bigay sa
ibang tao.
2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si Jose sa bahay nila.
Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni Alysa.)
Hayaan mo na na kunin niya yung mga gamit niya. (Hayaan mo nang kunin niya yung mga
gamit niya.”

3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.


Mga Halimbawa:
Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
Umalis ka nang maaga upang iyong maabutan ang tatay mo sa bahay.

Iba pang Gamit

NG at NANG
NG-1.bilang pantukoy (of ) paanan ng mesa
2.bilang pang-ukol (with ) pinalo niya ng mahabang kahoy
3. bilang pang-ukol na katumbas ng SA
Magsisitungo ng/sa Maynila ang mga bata.
4.W-Question:What,who,when,whose?
Hal.Kumuha siya ng pera sa cabinet.Anong kinuha?

*Nagdala siya ng kape (pangngalan kape)sa kusina.Sino ang nagdala?

When?(days and time)


*Sabado ng umaga
*alas tres ng hapon

Whose? (Ownership)
Luto na ang tenga ng baboy.
5. superlative –hari ng,ubod ng,saksakan ng

NANG
1.Katumbas ng NOON
2.Paraan kung paano ginawa ang kilos
3. Sa pagitan ng dalawang pandiwang inuulit
4.H- Question How,How much?
*Tumawa nang malakas. How?
*Naaasar ako mabiro lang nang konti. How much?

Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-):

1.Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.


Araw-araw dala-dalawa isa-isa sari-sarili
Apat-apat Sali-saliwa pulang-pula balu-baluktot
Anu-ano sinu-sino bagung-bago bahay-bahayan

2.Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig
na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
Mang-ulo pang-alis tag-araw pang-ulan
Mag-asawa pag-aaruga pag-asa may-ari

3.Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.


Pamatay ng insekto - pamatay-insekto
Kahoy sa gubat - kahoy-gubat
Humigit at kumulong - humigit-kumulong
Lakad at takbo - lakad-takbo
Bahay na aliwan - bahay-aliwan
Dalagang tagabukid - dalagang-bukid

4.Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal
Maka-Johnson maka-Pilipino mag-Sprite
Taga-Baguio mag-Corona taga-Luzon
Mag-Ford taga-Tubod mag-Pasay

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat
sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Mag-Johnson magjo-Johnson
Mag-Corona magko-Corona
Mag-Ford magfo-Ford
Mag-Sprite mag-i-Sprite
Mag-Zonrox magzo-Zonrox

5.Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.


Ika-3 n.h. ika-20 pahina ika-9 na buwan
Ika-10 ng umaga ika-3 rebisyon ika-25 na anibersaryo

6.kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.


Isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
Tatlong-kanim (3/6)

7.kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.


Gloria Santos-Reyes Perlita Orosa-Banzon
Conchita Ramos-Cruz Marilou Vicente-Cabili

8.Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya


Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pag-
bigkas ng mga salita.

Paksa 10

TAYUTAY
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Mga Uri Ng Tayutay

1. Pagtutulad (Ingles: Simile)


Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit
ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng
atbp.
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)


Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Si Jon ay lumalakad na babae.
Malakas na lalaki si Ken.

3. Pagsasatao (Ingles: Personification)

Ang mga damo ay sumasayaw.


Tumatawa ng malakas ang mga puno.

4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)


Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.

5. Pag-uyam(Ingles: Sarcasm/Irony)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.
Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.

6. Paglipat-wika o transferred epithets


Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.
Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon.
Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.

7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)


Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila
Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.

8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)


Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
O Pag-ibig, nasaan ka na?
Galit, layuan mo ako magpakailanman.
9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)
Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin?
Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na
mga problema natin?

10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)


Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
Igalang dapat ang mga maputing buhok.
Mas magiting ang panulat kaysa espada.

11. Pagdaramdam (Ingles: Exclamatory)


Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin
Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig pero ngayon, sa tuwing
nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot.

12. Tambisan(Ingles: Antithesis)


Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na
lalo ang mga salita.
Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.

13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)


Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
Maingay ang aw-aw ng aso kong si Iggy.

14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)


Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang
ginagamit sa isang pangungusap.
Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
Masipag maglaba ang mga magulang ko.

15. Pagtanggi(Ingles: Litotes)

16. Salantunay(Ingles: Paradox)


Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na
animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.

.Pag-unawa sa Paksa

I.Isulat ang salitang nagpamali sa pangungusap kung wala itong mali isulat sa guhit ang
salitang”walang mali”.

__________1.Mag-coke tayo sa kantina mamaya.


__________2.Makikita sa sala ang iba’t -ibang uri ng pigurin.
__________3.Kanta ng kanta ang mga bisita habang naghihintay ng inumin.
__________4.Isara mo ang pintuan para hindi makapasok ang hangin.
__________5.Siya daw ang bahala sa meryenda mamaya.
__________6.Kautusang Panglungsod ang nais n’yong buwagin.
__________7.Bawal magtapon ng basura dito.
__________8.Huwag ninyo akong subukan.
__________9.Malaking paru-paro ang nakita ko sa bukid.
__________10.Kumain ng mabilis ang mga pasahero ng bus.
__________11.Dalagang-bukid ang madalas makikita sa mga nayon o probinsya.
__________12.Ng panahon ng Hapon ipinagamit sa mga Pilipino ang wikang dayuhan.
__________13.Mag-alis tayo ng sapin sa paa ng hindi marumihan ang sahig.
__________14.Hindi ko mabuhat ang hagdanan.
__________15.Ikasampu ng umaga ang alis ko bukas.

II. Alin sa mga sumusunod ang may napahalong maling baybay o ispeling ng salita.Isulat sa
guhit ang salitang mali ang baybay kung mayroon.

___________1.ala-ala,magpinsan,dati-rati
___________2.panrelihiyon,pangkargador,kuro
___________3.bwitre,pyano,klaster
___________4.pag-asa,mapayat,tripulante
___________5.pansabong,panggisa,panlasa

III.Piliin ang pinakamalapit na kahulugan/salin ng mga salitang banyaga.Bilugan ang tamang


sagot.

1. exasperate- magpagalit,makapagod,mapabilis
2.Embezzle- lumustay,paglustay,pagkalustay
3.inaugural- pampasinaya,pasinayaan,magtalaga
4.stupendous- kalokohan,kahanga-hanga,kapilyuhan
5.Sour graping- pagkukunyaring ayaw sa gusto,pagkukunyaring gusto sa ayaw
6.Circular letter- palibot-sulat,liham-paikot,sirkular na sulat
7.thereby- malapit lang,sa gayong paraan, kung ganito
8.quicksand- disyerto,kumunoy,madulas na buhangin
9. Executive order-kautusang tagapagpaganap, batas pang-ehekutibo,pang-ehekutibong atas
10.Epoch- pinakamataas,kapanahunan,gusali

IV.Sabihin kung malumay,malumi,maragsa o mabilis ang mga sumusunod:Isulat sa tapat ng


salita ang sagot.

1.piko(hopscotch)
2.piko (pick axe)
3.balat (skin)
4.balat (birthmark)
5.baga(ember)
6.baga (lungs)
7.suso (snail)
8.suso (breast)
9.binti (calf)
10.basura

V. Sabihin kung ang kahulugan ay konotasyon (implied) o denotasyon o literal


1. Lantang gulay ang naramdaman ni Lita nang marinig ang balita.
2. Masikip na ang kanyang pantalon.
3. May ahas sa ating samahan.
4. Nakatayo ang buwaya sa kanto.
5.Baluktot na ang buto ng matandang naglalakad.

VI. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A.Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "umungol na ang alingawngaw ay abot


hanggang kalagitnaan ng bayan"
a.sobrang tindi ng sakit na nararamdaman
b.sobrang tindi ng ligaya na nararamdaman
c.sobrang tindi ang galit na nararamdaman
d.sobrang tindi ng kalungkutan na nararamdaman

B.Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "Nalalaglag po ang dahon sa kaniyang


kapanahunan."
a.May katapusan ang lahat ng bagay
b.Dumarating ang taglagas sa tamang panahon
c.Hudyat ito ng pagbabagong buhay

C.Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "Kapit sa patalim."


a.Nais niyang makalamang sa kapwa
b.Ayaw niyang gumamit ng dahas ngunit hinihingi ng pagkakataon
c.Nais niyang ipagtanggol ang sarili
d.Ayaw niyang masaktan kaya nagdadala siya ng patalim

Website

1.Igurion ( Oktubre 23, 2014), Kahalagahan ng Pagsasaling Wika. Mula sa


http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=5650:kahalagahan-ng-

2.Yenbehold (Setyembre 9, 2012), Wika at Panitikan. Mula sa


https://pdfslide.tips/documents/batayang-kaalaman-sa-wika-at-komunikasyon.html

3.Yenbehold (Setyembre 9, 2012), Ang Morpolohiya at ang Morpema. Mula sa


http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/ang-morpolohiya-at-ang-morpema.html

4.Proyeko sa Asignaturang Filipino (Disyembre 17, 2014), Ang Tono, Haba, Diin, Antala. Mula
sa http://proyektosasignaturangfilipino.blogspot.com/2014/12/ang-tono-haba-diin-at-antala.html

5.Tagalog Lang (2002), Mga Tuldik. Mula sa (https://www.tagaloglang.com/mga-tuldik/

6.Maestro Valle Rey (Hunyo 27, 2019), Tayutay – Mga Iba’t-ibang Uri at Halimbawa ng Uri,
Philippine News. Mula sa https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawa/
7.Prezi (2020), Denotasyon. Mula sa
https://prezi.com/chd4cfefslsk/semantika-wastong-gamit-ng-mga-salita-at-ang-pagpapahulugan/
?frame=ef1ea4d079fd4c02b0cd2e4f6378c4b8b8345cc3

You might also like