You are on page 1of 1

Eti, Merachell Jane S.

2nd Year Filipino B


MC Fil 108 ( Introduksiyon sa Pagsasalin )
Gawain 2

1. Ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng pagsasalin.


 Kahulugan

Ayon kay C. Rabin , 1958:

“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat,
ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang
umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay E. Nida, 1959/1966

“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na


natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan,
at ikalawa’y batay sa istilo.

 Ang pagsasalin ay ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na


wika.
 Ito’y isang proseso kung saan inililipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o
mensaheng nakasaad sa wikag isasalin.
 Naglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng
mensahe ng simulang wika, una’y sa kahulugan at sa pangalawa’y estilo.

 Kahalagahan
 Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.
 Pagbibigay – liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.
 Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao.
 Higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan ng kanilang interaksyon.

Bakit nga ba mahalaga ang pagsasalin? Alam nating lahat na napakalaki ng


ginagampanan ng pagsasalin dahil ito ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng
pagkakaintindihan sa dalawang magkaibang wika. Ayon kay Ramos, kahit noon pa mang unang
panahon ay nagkakaroon na ng pagsasalin sa oral na komunikasyon. Mahalaga ito noon lalo na
pagdating sa kabuhayan tulad ng barter system o pagpapalitan ng mga kalakal hindi lamang sa
mga katutubo kundi sa mga taga – ibang bayan sa silangan, tulad ng mga tsino na napadpad sa
kapuluan ng Pilipinas. Kaya’t napakahalaga ng pagsasalin dahil ito ang nagsisilbing daan para sa
paguunawaan.

2. Ipaliwanag kung paano nakaaapekto sa komunikasyon ang pagsasalin.

Malaki ang epekto ng pagsasalin sa pakikipagkomunikasyon, isa sa mga epekto nito ay


isa ito sa mga nagiging daan upang magkaroon ng pagkakaunawaan lalo na sa dalawang
magkaibang wika. Ito ang tumatayong tulay upang mas maintindihan ng bawat isa ang
mensaheng ipinapahayag. Bukod dito’y nagkakaroon din ng kaalaman ang bawat
magkabilang panig sa bagong wika. Mahalaga ang pgsasalin dahil ito rin ang nagbibigay
linaw sa kahulugan ng isang salita na may magkaibang ibig sabihin sa dalawang wika.
Iniiwas nito ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan at pagkakaintindihan.

You might also like