You are on page 1of 2

Pangalan: Tanguan, Mark Lester J.

Petsa: April 16, 2022


Seksyon: Uu1 Iskedyul: TH 08:30am – 10:00am

Kahalagahan ng Pagsasalin

Panuto: Basahin ang papel na naka-attach dito. Sagutin ang tanong na,
Bakit kailangan magsalin ang Pilipinas ng iba't ibang teksto mula sa iba't ibang disiplina?
Ilagay ang inyong sagot sa isang MS Word o WPS File.

Ang pagsasalin o pagsasalinwika ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga


kahulugan ng panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na
tinatawag na salinwika – na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika.
Tinatawag na pinagmulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang
wika ay tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag na
puntiryang teksto.

Ngayon, para biglang linaw kung bakit napakahalaga ang pagsasalin o magsalin
ang Pilipinas ng iba’t-ibang teksto sa ibang disiplina, isa sa mga mahahalagang rason ay
ang pagpapaunawa sa nasabing teksto at ang kinalabasang salinwika. Hindi lamang sa
aspeto ng ating bansa kung bakit mahalaga ang pagsasalin sapagkat, mahalaga din ito para
bigyang solusyon at diin ang mga kalituhan sa iba’t-ibang salita na ginagamit ng mga tao.
Importanteng magsalin ang Pilipinas ng wika sa iba’t-ibang disiplina para ipalaganap ang
kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda, ito rin ay pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at
kutura ng ibang bansa o panahon. Dahil sa pagsasalinwika ng Pilipinas ito rin ay
nakakatulong sa pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao, bukod pa diyan, higit na nagkakaunawaan at
nagkakadamahan ng ating interaksyon.

Sa pagsasaling-wika sa Pilipinas, ang tanggapang maituturing na nangunguna at


kinikilala sa larangang ito ay ang Komisyong sa Wikang Filipino na sadyang itinatag ng
pamahalaan upang siyang mangalaga sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang
pambansa. Ang pagsasalin ay nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang
lugar. Sa pagsasalin ng teksto nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba’t ibang lengguwahe.
Mahalaga sa pagsasalin na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan
upang malaman ang wastong gamit ng wika at balarila ng teksto. Kailangan din ito upang
maunawaan ang mga salita na ginamit sa panahon kung kailan nagawa ang akda.
Isang napakalawak at napakalaking oportunidad ang pagsasalinwika sa kahit ano
mang aspeto ng ating buhay maging sa larangan ng akademya dahil nga marami itomg
maidudulot na kaalaman. At sa wakas, tumatanaw ito sa tunay na wikang pambansang
kumikilala sa pag-iral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas at mga wika sa mundo tungo sa
pagkilala sa ating pagkabansa. Nagsisilbi itong representasyon ng ating pagiging Pilipino.

You might also like