You are on page 1of 2

Glemar T.

Banteles BSED-FIL3A FILI 112

1. Ano ang diwa ng asiganturang “Mga Natatanging Diskurso ng Wika at


Panitikan”?
Bilang isang mag-aaral sa Filipino ang pagbibigay pagpapahalaga para sa ating
wika ay napakahalaga upang ating mas maintindihan ang bawat alituntunin hingil
sa wika at panitikan kung ano ang estruktura nito. Mahalaga na ating pag-aralan
nang sa ganon ay ating malaman na maayroong konektado sa isa’t-isa. Ang
asignaturang mga natatanging diskurso ng wika at panitikan ay malaking parte
sa pag-aaral sa asignaturang Filipino sapagkat may diwa itong ipamalas at
ipabatid sa ating ang ibat-ibang sangkap tungkol sa argumento ng paglalahad ng
ideya at pangungusap. Na kung saan ating malaman ang pakikipagtalastasan sa
mga impormasyon hingil sa wika at panitikan. kaya itoy mahalagang pag-aralan
natin tungo sa mabisang pagkatuto bilang pagpapakadalubhasa sa asignaturang
Filipino. At maliban dyan mayroon ding itong diwa sa pagkatuto tungo sa
makabagong guro sa hinharap bilang isang guro itoy may malking tulong bilang
maging isang epektibong guro sa inaharap kaya ang mga paksa ng asignaturang
ito ay napakahalagang pag-araalan dahil itoy magsilbing gabay para sa
mabisang guro sa hinaharap.

2. Bakit hindi mabuwag ang wika at panitikan?

Sa aking pagkakaalam ang wika at panitikan ay isang napakahalagang


aspekto sa pag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang dalawang salita na ito ay
magsilbing malaking parte sa ating buhay bilang isang Filipino may iba’t-ibang
wika at panitikan tayo at dahil dyang naging matatag at nagkakaisa tayo dahil sa
wikang kinagisnan at panitikang ating nalalaman.
Bakit hindi maabuwag ang wika at panitikan, sa madaling salita hindi sila
dapat magbuwag sapagkat ang bawat isa ay konektado parehong pinag-aralan
at parehong may ideyang kaisipan hingil sa nakaraan at kasalukuyan. Hindi
dapat sila magbuwag sapagkat sa pamamagitan ng wika at panitikan ating
maipamalas ang ating pagsulat at pagbasa ng mga nataatanging panitikan sa
ating pagkakakilanlan. Ang wikang siyang gabay para maiwasto at malaman ang
ibat-ibang displina sa tamang mga bantas , mga ponema at tamang paggamit ng
pangungunsap.
Kaya ating pakatandaan na kinakailanagan na ang wika at panitikan ay
magsama sapagkat pareho silang hinuhubog ang ating pagka Filipino
iminumungkahi at pagpapakadalubhasa sa asignaturang ito. Sa huli bigyan natin
nag halaga at isaisip ang lahat ng mga bagay na ating matutunan saw ikat at
panitikan dahil sila ay konektado sa bawat isa.
3. Ano ang kinalaman ng diskurso sa wika at panitikan?

Ang wika at panitikan ay isang palaisipan para sa pagpapakadalubhasa


natin sa wikang Filipino at malaman ang bawat kultura sa ating bansa. Malaki
ang tungkulin ng wika at panitikan sapagkat kanilang binigyan diin ang bawat
ideya at mga argumento hingil sa ating nakaraan at kasalukuyang pag-aaral.
Sa aking sariling pagpapaaliwag ay Malaki ang kinalaman ng diskurso sa
wika at panitikan alam naman natin na ang diskuros ay itoy patungkol sa
pagpapahayag ng mga ideya at pagbibigay sapalaran sa mga wika at panitikan
kaya Malaki ang kinalaman ng wikat panitikan dahil aating magamit at malaman
ang mga palatuntunin tungkol sa konsepto at konteksto. Sa diskurso sa wika at
panitikan ay Malaki ang inpluwensiya nito tungo sa ating pakatuto sa
asignaturangf ito. Ang bawat paksa ay huhubog sa ating kaisipan ang ang wika
at panikan ay may malaking epekto sa aating pag-aaral sa asignaturang ito.
Samakatuwid, napakahalaga ng bawat isa dahil ang diskurso sa wika at panitkan
ay ipamalas at ipabatid sa atin ang pagpapaunawa sa bawat paksa , bibigyan
diin ang kakayahan pasulat man o pasalita at marami pang iba na siyang daan
para sa ating pagkatuto sa wika at panitika.
Kaya sa puntong ito, ating tangkilikin na Malaki at may kinalaman ang
diskurso sa wika at panitikan dahil ito ang ideyang kasangkot sa paghubog ng
ating pagpapakadalubhasa sa Filipino, bilang isang guro sa hinaharap kailangan
natin na pag-aaralan ng husto ang asignaturang ito dahil ating magamit ang
pagpapabatid ng ideya , saloobin at paniniwala ng may pag-aaral sa pagbibigay
kahulugan ng may kautusan at pagpupunyagi.

You might also like