You are on page 1of 2

Anong mensahe ang nais iparating ng mag-aaral sa kanyang tagapakinig?

-Ang mensaheng ipinaparating ng mag-aaral sa kanyang tagapakinig ay kung gaano ka


importante ng wikang Filipino sa atin at kung paano ito ipinagtanggol ng ating mga bayani ang
wikang Filipino. At ang pagpapatuloy ng pagkakaroon ng assignaturang Filipino sa Kolehiyo. Ang
pagtanggol natin sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay isa lamang patunay na tayo ay
mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang wika na siyang naging
parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino. At higit na lalalim ang
talakayan sa silid-aralan kung ang wikang pambansa ang gagamitin sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura sa mga mag-aaral lalo na ngayong napanatili ang Filipino sa kolehiyo.

Epektibo ba ang pagbibigay ng mensahe ng mag-aaral sa kanyang  tagapakinig? Sa paanong


paraan?

Epektibo ang pagbibigay niya ng mensahe sa kanyang tagapakinig dahil malinaw ang kanyang
pananalita at mayroon din syang malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay. Mahusay rin
ang kaniyang paggamit ng kumpas na ayon sa damdamin na kanyang gustong ipinapahiwatig.
at mayroon din syang kasanayan sa pagtatalumpati. Itong lahat na naaking na banggit ang
instrumento na kung saan nailalahad ng niya ang kanyang paniniwala sa isang isyu. Ito rin ay
isang madaling paraan upang ang mga ideya at paniniwala ay naibabahagi sa mga tagapakinig.

Naaayon ba ang ekspresyon ng kanyang mukha at kumpas ng kamay sa nais niyang iparating sa
tagapakinig?

Oo, naayon ang kaniyang ekspresyon ng kanyang mukha at kumpas ng kanyang kamay na nais
niyang iparating sa tagapakinig dahil Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita
sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.  Ito rin
ay isang madaling paraan upang ang mga ideya at paniniwala ay naibabahagi sa mga
tagapakinig. Mahalaga ang pagtatalumpati sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalahad niya
ang kaniyang paniniwala sa isang bagay at naibabahagi ang kaniyang isapan sa iba. Dahil dito ay
nagagawa niyang palawakin ang kaalaman patungkol sa kanyang paksang tinatalakay at
nakakalikom ng dagdag na supporta at tulong upang maibahagi ang kaalaman.

Gaano kahalaga ang galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay sa


pagbibigay ng mensahe sa ibang tao?
Mahalaga ang galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay sa pagbibigay ng
mensahe sa ibang tao dahil ang mga ideya at mga damdamin ay ipinahahayag hindi lamang sa
pamamagitan ng boses kundi sa pamamagitan din ng pagkumpas at ekspresyon ng mukha. Ang
hindi paggamit ng mabuti sa mga ito ay makapagbibigay ng impresyon ng kawalang-interes sa
bahagi ng nagsasalita. Subalit kapag angkop na pinagsama ang mga paraang ito ng
pakikipagtalastasan, lalong nagiging mabisa ang pagpapahayag. Kahit na sa pakikipag-usap mo
sa telepono, kung gagamit ka ng angkop na pagkumpas at ekspresyon ng mukha, mas madaling
maihahatid ng iyong boses ang kahalagahan ng iyong mensahe at maging ang personal mong
nadarama hinggil sa iyong sinasabi. 

quiz3
#1: Edukasyon upang makaahon sa kahirapan, kabataan ang pag-asa ng bayan.
#2: Paano mapapataas ang sahod ng mga manggagawa at masiduradong may karapatan sila.
#3: Pagsikap at pagtutulangan sa isa't isa upang makaahon sa kahirapan.

You might also like