You are on page 1of 2

PANGALAN: Joe Bryan E.

Bellen KURSO at PANGKAT: BSBA MM 1-4

Yunit 1- Wika at Pagsasaling Wika

Maaaring magsaliksik, ngunit ilakip ang mga sangguniang ginamit.


1. Ano ang kahalagahan ng wika?
Ang wika ay tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng ideya, inpormasyon, kaalaman,
kabatiran, kaisipan, karunungan, lohika, mensahe, opinion, pananaw sa paraang pasalita o
pasulat. Ito ay nagmula sa wikang Latin na lengua na ang ibig sabihin sa wikang tagalog ay
dila. Maraming iba’t ibang uri ng wika ayon sa bansang gumagamit nito. Mahalagang bahagi
ng kultura ay ang pagkakaroon ng sariling wika. Bilang bahagi ng kultura, ang wika ay
nagsisilbing kaban ng mga karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang
kasaysayan. Sa pamamagitan nito, mas nakikilala ang bayang kanyang kinabibilangan at mas
nagiging madali para sa isang tao na angkinin at ipagmalaki ang kulturang kanyang
nauunawaan at kinamulatan. Ang bawat henerasyon ay may kulturang pinahahalagahan
ayon sa kanilang wika.

2. Mga Depinisyon ng Wika.


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng
mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang
mga wika at mga diyalekto.

3. Ano ang kahulugan ng Pagsasalin?


Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga impormasyon mula sa isang wika
patungo sa ibang wika ng hindi nababago ang kahulugan nito.
4. Kahalagahan ng Pagsasalin.

Ang hakbang na pagsasalin ng wika ay maituturing na mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito,


mas nauunawaan ng mga tao ang isang bagay. Halimbawa, kung ikaw ay hindi marunong
umunawa ng salitang Japanese, makatutulong ma mayroong saling wika upang maintindihan
natin ang mga pahayag nila. Bukod dito, ang pagsasaling wika rin ay daan upang umunlad ang
isang wika. Mas madali at mabilis ang mga pananaliksik at mananatiling buhay ang wika na
siyang isinalin. Naipahahayag din ng mabuti ng isang tao ang kanyang damdamin sa
pamamagitan ng pagsasaling wika.

5. Ano ang mga katangian ng isang tagapagsalin?


Upang maging isang epektibong tagasalin (translator) marapat na ito ay may:

- sapat na kaalaman sa dalawang wikang ginagamit sa pagsalin

- sapat na kakayahan sa pampanitikang paraaan ng pagpapahayag

- sapat na kaalaman sa paksang isasalin

- sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

- sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin

You might also like