You are on page 1of 8

FILIPINO

PT’S
1, 2 & 3
“ANG IMPORMASYON AT WIKA AY
MAHALAGA SA BANSA”
Andrei Fernan Estoce

Mahalaga ang wika dahil ito ang dahilan upang magkaisa ang mga tao , umunlad at makamit ang
Kalayaan. Ang wika ay pasalita man o pasulat , ay ito ang pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon na ginagamit natin sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Malayo ang mararating ko gamit ang wika at komunikasyon dahil
ito ay magagamit ko sa aking pang-araw-araw na pamumuhay sa pakikipag-usap sa ibang tao gamit ang
wika na aking natutunan. Ang wika ay nakatutulong sa atin upang malaman kung saan nakabilang ang
isang tao ayon sa kanyang wika, kagaya na lamang ng wikang Bisaya malalaman mo agad ang kanilang
pagkakakilanlan dahil sa kanilang wika na sinasalita dahil ang kanilang mga salita na ginagamit ay
maraming Y, ang karamihan na Bisaya na makakasalamuha mo sa siyudad ay nanggagaling sa
Mindanao. Meron kaming kakalase na Bisaya siya ay nanggaling sa Mindanao sa probinsiya ng Surigao,
kami ay nahihirapan makipag-usap sa kanya kasi hindi namin siya maintindihan kasi iba ang dayalekto na
kanyang ginagamit , hindi pa siya masyadong marunong mag salita ng Cebuano kaya kapag kami ay
nakikipag-uusap sa kanya ay palaging may hadlang sa aming komunikasyon. Pero nakikita naman namin
na sinusubukan niya ang kanyang makakaya para matuto at makipag-usap siya sa amin, kaya naman pa
minsan-minsan ay tinuturuan namin siya ng mga salitang Cebuano at mga salita na hindi niya
masyadong naiintindihan katulad nalang ng mga malalalim na salita ng Cebuano. Noong nagbigay ang
aming guro ng proyekto para sa amin ay nakasama ko siya sa iisang grupo, marami siyang ideya para sa
aming proyekto pero nahihirapan siya ipahayag sa amin ang gusto niyang ipahayag dahil nahihirapan pa
talaga siya mag salita ng Cebuano sa huli ay tumahimik na lamng siya at sinulat na lamang sa kanyang
papel ang ideya niya para sa aming proyekto sa ganitong paraan na ipapahayag niya ang kanyang
damdamin at kaisipan. Ngayon ay nakakaintindi na siya ng Cebuano kaya kapag kami ay merong mga
biro ay tumatawa na siya kasi naiintindihan na niya ang mga ito. Marami talagang tao na nahihirapan sa
umpisa lalo na kapag ikaw ay bago palamang makipag salamuha o bago pa lamang sa komunidad na ito
mahihirapan ka talaga kaya namn pag meron tayong tao na makasalamuha nakatulad ng aking kaklase
ay dapat natin silang tulungan malay mo sa sususnod sila din ang makaktulong sa atin, ang pagtulong
natin sa kanila ay nakakabawas ng pasanin na bitbit nila , Bukod dito ang pagtulong sa kapwa ay
nagbibigay sa atin ng kaganapan bilang tao at kasiyahan sapagkat nakikita natin na mayroong kabuluhan
ang mga kilos na ating ginagawa . Ngayon ay hindi parin siya masyadong marunong mag salta ng
Cebuano nasa proseso parin siya ng pag-aaral ng salitang Cebuano, siya ay gumagawa pa rin ng
pagbabago sa kanyang buhay at kahit na ito ay mabagal ay ginagawa pa rin niya ang kanyang makakaya
para siya ay matuto. Kaya mahalaga talaga ang wika at komunikasyon sa ating lahat dahil ito ang
nagsisilbing daan sa pagkaka-unawaan.
Jhuliann Estrera

Ang wika ay ang kakayahang gumawa at umunawa ng parehong pasalita at nakasulat na mga
salita. Ang komunikasyon ay tinukoy bilang ang pagbibigay, pagtanggap o pagpapalitan ng impormasyon,
opinyon o ideya upang ang mensahe ay lubos na maunawaan ng lahat ng kasangkot. Ang mahusay na
mga kasanayan sa komunikasyon ay mahalaga upang payagan ang iba at ang iyong sarili na maunawaan
ang impormasyon nang mas tumpak at mabilis. Tinutulungan tayo ng wika na ipahayag ang ating mga
damdamin at kaisipan, ito ay natatangi sa ating mga species dahil ito ay isang paraan upang maipahayag
ang mga natatanging ideya at kaugalian sa loob ng iba't ibang kultura at lipunan. Sa pamamagitan ng
pag-aaral ng wikang banyaga, mauunawaan mo ang mga ideya at kaisipang maaaring iba sa iyong
sariling kultura. Ang wika ay isang kasangkapan ng komunikasyon. Ang pag-unawa sa wika, na tinutukoy
din bilang receptive language, ay kung ano ang naiintindihan ng isang tao kapag ang iba ay nakikipag-
usap sa kanila. Maaari silang magkaroon ng kahirapan sa pag-unawa sa isang hanay ng mga lugar ng
wika, kabilang ang mga konsepto at bokabularyo, mga salitang tanong at mga tagubilin. Ang
komunikasyon ay isang proseso ng paglilipat ng mga mensahe. Ang komunikasyon ay ang paraan ng
pagpapalitan ng impormasyon o mensahe ng dalawang tao o isang grupo. Masasabi mong ang wika ay
isang kasangkapan habang ang komunikasyon ay ang proseso ng paggamit ng kasangkapang iyon.
Nakatuon ang wika sa mga salita, simbolo o senyales habang ang komunikasyon ay nakasentro sa
mensahe. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na umaasa sa verbal o non-verbal code upang
maglipat ng impormasyon. Ang komunikasyon ay isang paraan ng pagpapalitan ng mga mensahe o
impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, na nakatuon sa mensahe. Ang linggwistika ay
nababahala sa kalikasan ng wika at komunikasyon. Tinatalakay nito ang parehong pag-aaral ng mga
partikular na wika, at ang paghahanap para sa mga pangkalahatang katangian na karaniwan sa lahat ng
mga wika o malalaking grupo ng mga wika. Ang edukasyon sa wika, ang proseso at kasanayan ng
pagtuturo ng pangalawa o banyagang wika, ay pangunahing sangay ng inilapat na linggwistika, ngunit
maaaring maging isang interdisiplinaryong larangan. Ang edukasyong pangkomunikasyon ay isang
pangkalahatang terminong ginamit upang sumaklaw sa dalawang magkakaugnay na larangan ng
pananaliksik komunikasyong pang-instruksyon at edukasyon sa komunikasyon. Ang komunikasyon sa
pagtuturo ay nakatuon sa mga koneksyon sa pagitan ng komunikasyon at pag-aaral, tulad ng kung paano
nagsasalita at kumikilos ang mga instruktor kapag nagtuturo, at kung paano tumugon ang mga mag-
aaral. Tinutukoy ng mga tagapakinig ang mga boses nang mas tumpak kapag naiintindihan nila ang
wikang sinasalita. Ang katalinuhan ng wika ay nagsasangkot ng kakayahang umunawa at gumamit ng
sinasalita at nakasulat na wika. Maaaring kabilang dito ang epektibong pagpapahayag ng iyong sarili sa
pamamagitan ng pananalita o nakasulat na salita pati na rin ang pagpapakita ng pasilidad para sa pag-
aaral ng mga banyagang wika. At ang Communications ay impormasyong nakalap mula sa mga
komunikasyon ng mga indibidwal, kabilang ang mga pag-uusap sa telepono, mga text message at iba't
ibang uri ng online na pakikipag-ugnayan. Ang mga taong may kahirapan sa komunikasyon ay maaaring
may kaunti o walang pananalita o pananalita na mahirap unawain, nahihirapan sa pagsasabi o pagbuo
ng mga salita o pangungusap. nahihirapang unawain ang sinasabi ng ibang tao. Ang wika ay isang
nakabalangkas na sistema ng komunikasyon. Ang istruktura ng isang wika ay ang gramatika nito at ang
mga libreng bahagi ay ang bokabularyo nito. Ang mga wika ay ang pangunahing paraan ng
komunikasyon ng mga tao, at maaaring maihatid sa pamamagitan ng pananalita, tanda, o pagsulat. Ang
komunikasyon ay karaniwang tinukoy bilang ang paghahatid ng impormasyon. Ang termino ay maaari
ding tumukoy sa mensaheng ipinarating o sa larangan ng pagtatanong na pinag-aaralan ang mga
naturang transmisyon. Maraming hindi pagkakasundo tungkol sa tiyak na kahulugan nito. May mga
listahan ng wika at komunikasyon upang mapabuti ang aming mga kasanayan upang palawakin ang
iyong propesyonal na kakayahan at payagan kang gampanan nang maayos ang iyong trabaho. Maaari
kang makakuha at pagbutihin ang mga kasanayan sa edukasyon at karanasan. Kung mas advanced ka sa
pagganap ng ilang mga kasanayan, mas malamang na ikaw ay makakuha o umunlad sa isang trabaho.
Lyka May I. Obligado

Malayo ang mararating ko at makakaya kung abutin gamit ang kaalaman ko sa wika at
komunikasyon dahil ako ay taga isla ng siargao sa probinsiya ng Surigao del Norte. Iba ang ginagamit
namin na dayalekto sa isla, at ito ay ang wikang Bisaya. Ako ay naninirahan sa isla ng labing anim na taon
at iisang dayalekto lang ang ginagamit na pang salita. Natuto ako ng wikang tagalog noong ika-tatlong
baiting at wikang Ingles naman noong ika-limang baiting na ako. Noong labing-isang taong gulang palang
ako ay pumunta na ang aking mga kapatid sa Cebu para mag-aral ng kolehiyo at doon sila nanirahan sa
kapatid ng aming ina nakapag-asawa ng taga Cebu. Kapag nag-uusap kami ng ate ko sa telepono ay
sinasabi niya sa akin na nahihirapan siyang makipag-usap sa mga tao dahil hindi naman niya nakagisnan
ang lingguwaheng Cebuano. Kaya naman siya ay nahihirapang ipaliwanag ang kanyang nararamdaman
sa mga tao sa paligid niya, pero noong nagtagal na siya doon sa Cebu ay natuto rin siya ng kanilang wika.
Nang dumating na ang bakasyon ay umuwi ang aking mga kapatid sa isla para makapagbakasyon,
paminsan-minsan kapag kami ay nag-uusap nakakalimutan nilang gamitin ang aming lingguwahe kaya
naman di kami nagkakaintindihan kasi hindi naman ako nakakaintindi ng Cebuano, at kung tinatanong ko
siya kung ano sa Bisaya ang wika na kanyang sinasalita ay tinuturuan niya naman ako kaya medyo
naiintindihan ko na ang mga salitang kanyang pinapahiwatig sa akin. Noong akoy ika labing- dalawang
taong gulang ay pumunta kami ng Cebu para sa araw ng pagtatapos ng aking kapatid. Merong apat na
anak ang kapatid ng aking ina kapag sila ay kumakausap sa akin ay naiintindihan ko sila ng kaunti kasi
may alam na naman akong mga lingguwaheng Cebuano pero hindi pa gaano kalayo ang aking natutunan
kasi madadaling salita lang naman ang naituro sa akin ng aking mga kapatid kaya meron talaga kaming
mga hadlang sa komunikasyon. Kapag ako naman ang sumasagot sa kanilang mga tanong ay palagi
talagang may hadlang sa aming komunikasyon kasi hindi naman ako masyadong maayos magsalita ng
Cebuano kasi hindi pa naman malayo ang aking natutunan sa kanilang lingguwahe. Nang ako ay
tumuntong sa edad na labing-anim ay napag desisyonan ng aking mga magulang na doon nalang ako
Cebu papaaralin para matuto ako ng maaga ng Cebuano na linggwahi at di mahirapan makipag-usap sa
mga tao kasi doon din naman ako papaaralin ng kolehiyo, maraming nagatataka sa amin bakit doon na
ako mag-aaral sa cebu ng senior high school di pa naman ako kolehiyo, bakit hindi nalang sa kolehiyo
katulad ng mga kapatid ko na nakapagtapos na. Pero ang totoo niyan ay pinaaga lang ako pinaaral sa
cebu para madali lang ako makapag adjust sa siyudad at sa pamamaran nila sa pag tuturo sa mga bata.
Nahirapan talaga ako sa umpisa ngunit sa tulong ng aking mga kapatid at ka klase ay unti-unti na rin
akong natuto sa pagsasalita nang Cebuano. Kaya nama mahalaga talaga ang wika sa pang araw-araw
dahil ito ang nagsisilbing daan para magkainitindihan ang bawat isa.
Sarah A.Tan

Gaano kalayo ang makakaya mong abutin gamit ang kaalaman sa wika at komunikasyon? Ang
tunay ng wika ay isang/iba't-ibang kultura ng mga tao. Tsaka ito din ang nakakatulong sa mga tao sa
henerasyon ito ngayon.Upang hindi sila magkaroon ng problema sa isa't-isa. Ang komunikasyon naman
ay ito nagbigay ng mga importansya sa mga social media at iba pa.Tapos meron din kahalagahan ang
wika at komunikasyon ito ay pagitindi ng mga kultura,iba't- ibang linguahe at iba pang kahalagahan sa
mga wika at komunikasyon. Pagkatapos nagiging kahalagahan ito dahil binibigay nila ng pansin ang
pagkatuto nila sa sarili bilang Pilipino at naisip din nila na magkaroon ng importansya ang mga kahulugan
ng wika at komunikasyon.Naging importansya ito sa ating mundo dahil nag komunikasyon tayo sa iba't-
ibang lugar at sa cellphone katulad ng OFW.Para maka komunikasyon sila at makapagkita lang sila sa
kanilang mga mahal nila sa buhay.Bilang pagkaka- roon ng wika at komunikasyon sa ating bansa ginawa
nila ng paraan upang matuto sila kung paano magsalita,kultura,pagtra- baho at iba pa. Ginawa din ito sa
mga Pilipino dahil gusto nila malaman na hindi dapat kalimutan yung mga tradisyon o mga kultura sa
ating bansa.Ito din ang nakapagpatulong sa ating sarili at sa mahal sa buhay dahil binigay din nila ng
pansin ang wika at komunikasyon sa ating sarili at sa mga iba't-ibang tao o lugar. Makakaya namin
abutin ang paggamit ng wika at komunikasyon para marami pa tayong malalaman kung paano gamitin o
paggawa ng pangungusap ang mga ito. Ipinaalam muna sa mga tao ngayong henerasyon ng dapat
huwag ninyo gagawin kalokohan itong wika at komunikasyon dahil ito lang ang importante sa ating
bansa at maipakita din natin sa kanila na kaya pala sa mga Pilipino na magsalita ng kahit anong
linguahe.At maiunawa din nila na hindi mahirap ang pagsalita ng iba't-ibang wika.Katulad ng pagaaral ng
linguahe sa kahit anong bansa ang maiapply mo dahil nagsakripisyo sila upang matupad ang pagsasalita
nila ng maayos at maitindihan yung mga wika nila. At sana huwag din nilang sasamain ang pagsalita ng
iba't-ibang uri ng wika dahil hindi makakatulong sa mga tao at makasira lang kayo ng respeto sa ating
bansa.Upang maiwasan nila ay dapat huwag niyo i masama o magcommento sa social media kahit ano
dahil hindi yan makakatulong sa ating bansa.Ang Filipino ng wikang pambansa natin ay nagpapatuloy ng
pinauunlad sa anyo,estraktura,at sa pinaggagamitang larangan pagbasa at pagsulat.Ito ay ginagampanan
ng wika ang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan.Kinakailangan din natin
malaman ang wika talaga dahil ito ang nagbibigay ng lakas,pagsisipag at iba pang kinakailangan. Ang
mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos at maari ring
makahikayat ng paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandang pangako upang
makuha ang panig ng mga tagatanggap ng mensahe.Ito rin ay nakakatulong sa pagbuo,pag-
unlad,pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng isipan,damdamin at
saloobin.At ang sining naman ay pinapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng
wika na may kaayusan at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig,pagsulat,pagbasa at
pagsasalita.
ANG ATING WIKA
AY ANG INSTRUMENTO NG
PAGKAKAISA

WIKANG PAMBANSA
ITO AY NAGBIBIGAY
KAHALAGAHAN

KOMUNIKASYON
AY KAHALAGAHAN SA
KAPALIGIRAN

ANG ATING WIKA


ANG WIKANG KINAGISNAN
BIGYANG HALAGA

You might also like