You are on page 1of 13

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINESS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION AND TECHNOLOGY
APOKON,TAGUM CITY

FL. 111 INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA AND


FL. 112 PANIMULANG LINGGWISTIKA

In Partial Fulfillment of Requirements


of the Degree of Bachelor in Secondary
Education Major in Filipino

Submitted by:
Alexis Kae Galvadores
Jestoni Lagulos
Maricar Candylou Cano
Renna Flor Arado
Ronnalyn Tagobader
Shindelyn Grace Naquila

Submitted to:
MR. JOHN LERRY D. MISA
FL. 111 AND FL. 112
TEACHER

JANUARY 2022
FL. 111

INTRODUKSYON
SA PAG-AARAL
NG WIKA
NAME & SECTION: KENT ROVIC CASIRO, 1SF
LE 2: REPLEKSYONG PAPEL (FL. 111)

PARAAN NG PAGTUTURO NG WIKA

Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan,


ugnayan at mabuting pagsasamahan. Kung wala ang wika, paano kaya
magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong
ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang
tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas,
drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring
likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng
ito, kailangan ng tao ang wika. Bilang isang magiging guro mahalaga ang
pagtuturo ng wika upang mas lalo ko pang mabigyang pansin ang mga bagay
na dapat kung matutuhan ukol dito. Maraming paraan upang makapagturo
ng wika at lahat ng iyon ay dapat bigyang pansin at pahalagahan. Upang sa
pagluturo ay magiging epektibo ako.

Ang wastong paggamit ng kasanayang ito ay makadudulot ng kabutihan


o kasamaan sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral. Maging ang paraan
ng guro sa mga salita, kaangkupan ng mga salita at mga pangungusap ay
nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng kasiyahan o kasabikan o kawalan ng
gana sa pakikinig. Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o
orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa
paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan,
pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa
larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang
panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Ang pagsasalita ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat taglayin


ng isang tao sapagkat ito ang pangunahing pamamaraan ng pagpapahiwatig,
paglalahad at pagpapahayag ng personal na kaisipan o saloobin. Pangalawa
na lamang ang sulat, napakalaking kalamangan parin ang pagsasalita bilang
isang instrumento ng komunikasyon sa maraming mga pagkakataon. Wika
pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon. Ang iba't ibang paraan ng wika at ang
pagtuturo nito ay napakahalaga sa lahat ng antas upang hindi lang tayo mag
fofocus sa isa kung hindi sa maraming paraan ng pagtuturo upang mas
maging maganda at maging epiktibo ito.
NAME & SECTION: RONNALYN TAGOBADER, 1SF
LE 2: REPLEKSYONG PAPEL (FL. 111)

Ang pagtuturo ng Wika


(Repleksyon)

Ang pagtuturoay isang paraan upang maibahagi o maibigay ang


kaalaman na nararapat malaman ng isang inbidwal. Pagdating sa larangan ng
wika lahat ng tao ay may kanya kanyang kapasidad upang matuto rito. Ang
iba ay natututo sa paraan ng pakikinig ang iba naman ay sa paraan ng
pagbabasa sa libro upang maging pamilyar sa mga salita. Marami rin ang
proseso o paraan ng pagtuturo sa wika na nabuo ng mga ekspertong unit
kahit ano man ang paraan ng pagkatuto o pagtuturo ng wika, ang mahalaga
ay nakukuha ng maayos kung paano bigkasin o sabihin ang bawat salita sa
isang wika.

Sa mga talakayan s alarangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o


Ingles man, palagi nang naka sentro ang usapan sa mga guro ng wika kung
paano sila nagtuturo. Hindi matututo ang isang indibidwal kung walang
magtuturo kung paano gawin ang isang bagay. Bilang isang guro sa hinaharap
malaking tulong ang paksang ito upang matulungan ko ang aking mga
estudyante lalo na sa asignaturang aking kinuha. Ang paksang “Pagtuturo ng
Wika” ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo ng mismong wika sa mga estud
yante. Ang paksang ito ay tungkol rin sa kung paano bumuo ng isang
pangungusap gamit ang wika at kung paano gamitin ang wika. Bilang isang
guro ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating mga
paaralan ay ang pagunawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa
paaralan, patina ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang unawa
kung paano natutuhan ang wika, una o pangalawang wika man, at ang mga
proseso sa pagkatuto nito.

Ang wika ay naka ugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat
na kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang
magiging matatas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa
kapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang naihantad ang
mga mag-aaral sa iba't-ibang makatotohanang gawain upang "iparanas" sa
kanila ang tunay na gamit ng wika.

NAME & SECTION: JESTONI LAGULOS, 1SF


LE 2: REPLEKSYONG PAPEL (FL. 111)

PARAAN NG PAGTUTRO NG WIKA


Iba’t ibang bansa ay may kanya kanyang wika o lenggwahe na ginagamit


sa pangaraw-araw nilang pakikipagkumoniksayon sa iba’t-ibang tao. Wika ang
siyang nagsisilbing vehikulo upang maipahayag natin sa ibang tao ang ating
damdamin, kaisipin, idea sa mga bagay bagay. Pati narin sa pagbibigay halaga at
pagbabahagi natin sa ating kultura at paniniwala. Na siyang wika ang nagbibigay
tulay upang maibahagi natin ito sa ibang tao at ng mas lalo nating maintindihan
ang bawat isa. Ito ay isa sa isaang daang rason kung bakit dapat natin
pangalagaan at bigyan ng improtansya o halaga ang ating wika.

Ngayon ibabahagi ko ang aking repleksyon ukol sa paraan ng pagtuturo


ng wika. Ang bansang pilipinas ay binobuo ng iba’t ibang tribu, personalidad,
paniniwala, at kultura na sinusunod. Ito ang mga kadahilanan kung bakit ang
bansang pilipinas ay may lagpas isang daang wika. Ngayon dumako nman tayo
sa puno’t dulo ng repleksyon ito at iyon ang mga paraan sa pagtuturo ng wika.
Maraming paraan upang ituro ang ating wika. Mga paaraang mas magbibigay ng
daan upang mas lalong maintindihan, na ito ay mai saisip , maisapuso. Ito ay
itinuturo sa iba’t ibang paraan dahil sa kadahilanang ang iba’t ibang tao ay may
kanikanilang paraan upang maintindihan at maunawaan ang kanilang wika.

Maaring ito ay sa pamamagitan ng paraan ng paglilipat baybay na


nililinang sa mga mag-aaral ang bokabularyo at tuntunin ng wika sa tulong ng
pagsasalin. Direktang pamamaraanna karaniwang binubuo ng tanungan at
sagutan na kadalasan ay ukol sa kaganapan sa silid-aralan. Pabasang
pamamaraan na ginagamit ang pagpapbasa bilang paraan upang matuto ng
wika ang mga mag-aaral, kasabay ng pag-aaral ng mga istrukturang gramatikal
namatatagpuan sa mga teksto ng babasahin. Audiolingualism na kung saan
gumagamit ng mga tape recorder, pelikula, slides at iba pang biswal upang mas
mapadali ang paagkatuto ng wika. Sa toto lang marami pang paaraan ng
paguturo ng wika ngunit kaunti lang ang aking maibabahi dahil baka mas alalo
pang humaba ang repleksyon kung ito. Kaya dapat nating isipin na kung may
kagustuhan tayong pag-aralan ang iba’t-ibang wika sa ating bansa maari na
dahil sa ngayon marami ng paraan upang matutunan natin ang iba pang wika sa
ating bansa. Sa pamamagitan na ating pagkatuto sa kanilang wika
masmapapadali na para sa atin na maintindihan ang kanilang gusting ipahayag
na damdamin at kaisipan.
NAME & SECTION: LOVELY MAE BEJEC, 1SF
LE 2: REPLEKSYONG PAPEL (FL. 111)

“PARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA”


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Sa araling ‘Paraan ng Pagtuturo ng
Wika’ ay marami akong natutunan. Iilan na dito ang mga pamamaraan ng
pagtuturo ng wika sa iba’t ibang sitwasyon at dahilan katulad ng Paglilipat-
Baybay, Direktang Pamamaraan, Pabasang Pamamaraan, Audiolingualism,
Kognitiv, Oral – Sitwasyonal, Comprehension-Based, at Comprehension-Based.

Sa araling ito, aking nalaman at napagtanto na ang lahat ng pamamaraan


na naibanggit ay mahalaga sa pagtuturo ng wika at wala naman palang
pinagkaiba ang mga pamamaraan at gawi ng pagtuturo ng wikang Filipino sa
pagtuturo ng wikang Ingles at gayundin sa pagtuturo at pagpapakadalubhasa sa
pag-aaral ng kahit anong wikang higit pa sa sinusong wika. At ang isang guro ay
dapat isipin at isaalang-alang ang kakayahan ng isang mag-aaral at isaalang-
alang ang sitwasyon sa paggamit nito. Kung ito ba ay tama o eksakto sa
kanilang abilidad, naaayon ba ito sa kanilang interes, ito ba ang dapat na
pamamaraan na gamitin sa naturang sitwasyon. Mahalaga rin na alam ng isang
guro kung ano ang kanyang layunin sa pagtuturo wika upang maitawid ang
pagtuturo papunta sa kasanayan.Ang guro ay may mahalagang papel para sa
kabataan o ang nais matuto ng wika sapagkat sa pagtuturo ng wika, ang isang
guro ay dapat gumamit ng epiktibong teknik, pamamaraan o metodolihiya
upang mailipat ang pagkatuto sa wikang ninanais matutunan ng mga mag-aaral.

Wika ang nagsisilbing tulay para sa komunikasyon. Ito ang ating ginagamit
upang magkakaunawaan at ang ating daan upang makapagbigay at tumanggap
ng mensahe. Para sa akin ang mga pamamaraan sa pagturo ng wika ay isang
mahalagang instrumento upang mas madali nating matutunan, pahalagahan at
mahalin ang ating sariling wika at dapat natin itong gamitin sa pag-unlad ng
pagtuturo ng ating sariling wika.
NAME & SECTION: ALEXIS KAE GALVADORES, 1SF
LE 2: REPLEKSYONG PAPEL (FL. 111)

“PARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA”


Ano nga ba ang natutunan ko pinakamahalagang natutunan ko


patungkol paggamit ng wika sa ating lipunan? Ang
pinakamahalagang natutuhan ko tungkol sa gamit ng wika sa
lipunan Ay ang paraan ng paggamit at gamit nito. Mahalaga ito
sapagkat isa itong paraan upang maipahayag natin ang ating sarili
at magbigay direskyon, panuto sa iba. Magagamit din natin ito sa
pakikipagtalastasan at komunikasyon paraang maiintintindihan ng
mga taonga ting nakakasalamuha. May mga paraan ng paggamit
natin ng wika sa lipunan, kaya’t Malaya nating maipaparating ang
gusto nating maiparating sa iba kung alam natin ang kahalagahan
ng paggamit natin ng wika sa lipunan. Pwede itong panghihikayat
sa iba, pagpapahayag ng ating damdamin sa ibang tao,
pakikipagtalastasan, pagtalinghaga at iba pang paraan na pwedeng
pwede natin gamitin sa ating lipunan. Huwag mahiyang makipag
ugnayan o makipag kapwa sa mga tao kapag may gusto kang
malaman.

Palagi nating tandaan na gamitin natin ito sa paraang


maayos,marespeto at maiintindihan ng mga tao sa ating lipunan.
Tangkilikin ang sariling atin at huwag ikahiyang gumamit ng ating
wikang kinasanayan sa mabuting paraan, upang tuluyang umunlad
ang ating wika at bansa. Huwag ito gamitin sa paraang hindi
maganda.Ito lamang po ang aking masasabi patungkol sa aking
pinakamahalagang natutuhan sa araw na ito.

FL. 112

PANIMULANG
LINGWISTIKA
NAME & SECTION: KENT ROVIC CASIRO, 1SF
LE 2: KRITIKAL NA REPLEKSYONG PAPEL (FL. 112)

TRANSKRIPSYON

Ang transkripsyon ay unang nabuo kaysa palatuldikan. Nilikha ng mga


dalubwika sa Europa ang transkripsyon kung ilang dantaon na ang
nakakaraan, noong mga panahon usong-uso ang pag-uuri-uri o pagpapangkat-
pangkat sa mga wika sa daigdig. Nilikha nila ang transkripsyon upang maitala
nila ng maayos ang mga salita o pangungusap na kanilang naririnig sa mga
importante sa mga wikang kanilang sinusuri. Hindi nila magamit ang
ortograpiya o Sistema ng pagsulat na ginagamit sa isang particular na wikang
kanilang sinusuri sapagkat bukod sa iba't ibang Sistema ng pagsulat ang
ginagamit, karaniwan na ang ispeling ng isang salita, kung Sistema ng Romano
ang ginagamit, ay hindi matapat na naglalarawan ng aktwal na bigkas nito.

Ang topic na ito ay labis kung nagustuhan, dahil ngayon kulang nalaman
na ang transkripsyon pala ay katulad lang ng palatuldukan, ito pala ay
ginagamit bilang isang patnubay kung paano bibigkasin nang wasto ang mga
salita sa isang wika. Lahat ng natutunan ko dito ay makabuluhan dahil
nakakuha ako ng kaalaman na aking magagamit.

Sa transkripsyon ito ay naglalakip ng dalawang uri ang ponemiko at


ponetiko. Sa dalawang ito natutuhan ko rin na ang lahat ng makabuluhang
tunog sa isang wika ito pala ay binibigyang ng kaukulang simbolo. At sa
ponetiko naman na ang mga tunog na naririnig ng nagsusuring mga linggwist,
makahulugan man o hindi, ito parin ay itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong
ito hindi lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri
ay makahulugan na. Ayon nga kay Gloria V. Milano “Ang linggwistika ay
makaagham na pag-aaral ng wika. Maituturing na isang bahagi ng liwanagang
linggwistika na magsisilbing patnubay sa pag-unawa sa mga masalimuot at
kahanga-hangang kapangyarihan ng wika.
NAME & SECTION: RONNALYN TAGOBADER, 1SF
LE 2: KRITIKAL NA REPLEKSYONG PAPEL (FL. 112)

Klaster, Kanya-Kanyang Kaligiran, Distribusyong Komplimentaryo, Magkakatulad na Kaligiran

Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa
isapang salita ng partikular na wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha"at
"bahay" ay bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon,ang
ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita.Nakakabuo ng ibang
kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito. Ang Ponema ay may dalawang uri ang ponemang
segemental at ponemang suprasegmental. Kabilang sa ponemang segemental ang Klaster. Kanya kanyang
kaligiran, distribusyong komplimetaryo at magkakatulad na kaligiran.

Ang Klaster ay magkakasunod na katinig sa isang pantig, maaaring Makita ang klister sa inisyal,
midyal, at pinal na pantig na salita. Isa sa mga halimbawa ng klister ay ang mga salitang blusa(inisyal),
sombrero(midyal), at ark(pinal). Ukol sa mga klister na ang huling katinig ay /y/ at /w/, masasabing
magkakaroon ito ng variant o pagkakaiba sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa
pagitan ng dalawang katinig. Halimbawa nito ay ang salitang (kwento = kuwento, sweldo= suweldo).
Mapapasin na kapag ang isang klister ay nagkakaroon ng singit na patinig, nagkakaroon na ng dalawang
pantig kaya ito ay hindo na maituturing na klister. Sa ng naman ay hindi ito masasabing klister sapagkat
ito ay kumakatawan ngbisang tunog lamang, na makikita sa mga salitang tulad ng ngayon at ngiti. Ang
kaligiran ng [t] at [tʰ] sa mga salitang top at stop ay hindi magkatulad. Ang [t], gaya ng nabanggit na sa una
ay hindi maaaring ipalit sa [tʰ] nang hindi susunod sa anyo nito. Gayundin man, ang [tʰ] ay hindi maaaring
ipalit sa [t] nang hindi susunod sa anyo nitong huli. Sa ibang salita, ang [t] at [tʰ] sa Ingles, bilang mga
alopono ng isang ponema, ay may kanya-kanyang lugar o kaligiran; na ang [t] ay hindi maaaring
matagpuan sa kinalalagyan o kaligiran ng [tʰ]. Ibig sabihin ang mga alopono ay may kanya kanyang
kaligiran sa pagbuo o pagbigkas ng mga salita. Sa Distribusyong komplementaryo naman Ang dalawang
tunog na [t] at [tʰ] sa mga salitang top [tʰap] at stop [stap] ay may kanya-kanyang kaligirang katatagpuan.

Ang [t] ay ma pusisyong midyal, samantalang ang [th] ay nasa pusisyong inisyal. Sa gayong
kalagayan, sinasabi nating ang [t] at [tʰ] ay nasa distribusyong komplimentaryo. Kailanman, ang mga
tunog na nasa distribusyong komplimentaryo ay hindi nagkokontrast sapagkat ang mga ito, gaya ng
nabanggit na, ay hindi matatagpuan sa magkatulad na kaligiran. Sa wikang Kastila, ang [s] ay natatagpuan
sa pagitan ng mga patinig samantalang ang [z] ay hindi kailanman. Kapag sinuri natin ang distribusyon ng
mga tunog na [s] at [z] sa wikang Kastila ay mapatutunayan nating kailanman ay hindi matatagpuan ang
mga ito sa magkatulad na kaligiran, samakatwid ay nasa distribusyong komplimentaryo. Samantala, hindi
ganito ang kalagayan ng dalawang tunog na ito sa Ingles sapagkat ang mga ito ay natatagpuan sa
magkatulad na kaligiran. Kung matatagpuan ang mga tunog na [s] at [z] sa magkatulad na kaligiran, hindi
natin masasabing ang mga ito ay may kanya-kanyang kaligiran. At sapagkat nagkokontrast ang mga ito
kapag nalagay sa magkatulad na kaligiran, makapagbibigay tayo ng kongklusyon na ang mga ito ay
magkaibang ponema.

Sa aking sariling palagay ang ponema ay napakahalagang bagay sa komunikasyon na magagamit


sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao. Ito rin ang bumubuo sa istruktura ng wikang Filipino at
dahil dito ang ponema ay makabuluhang yunit ng tunog na nakapagbabago ng kahulugan halimbawa
kapag ang tunog ay pinagsasama-sama ay nakakapagbuo ng salita. Sa madaling salita, ang ponema ay
binibigkas depende sa gamit dahil kahit ito ay mày magkaparehong baybay mayroon itong magkaibang
kahulugan depende sa diin at bilis o bagal nang pagbigkas. Mahalaga itong malaman upang magamit natin
ito ng tama sa pakikipagkomunikasyon. Ito ang aking pahayag tungkol sa paksang nakatalaga sa akin
NAME & SECTION: JESTONI LAGULOS, 1SF
LE 2: KRITIKAL NA REPLEKSYONG PAPEL (FL. 112)

PONOLOHIYA, PONEMIKA, PONETIKA AT TATLONG URI NG PAGSASALITA

Ang ponolohiya ay pag-aaral ng mga tunog ng ating wika. Ayon kay Ki, Ang
ponolohiya ay ang pag-aaral sa mga parisan ng mga tunog na nagaganap sa loob ng isang
partikular na wika. Bukod dito, ang ilang mga dalubwika ay nakokonekta ng mga ponetika
sa loob ng pag-aaralan ng ponolohiya. Dagdag pa nito, Ito rin ang pangunahing gingamit sa
lundayang panligguwistika o pondasyon na ginagamit ng ating wika. na kung saan
nakasaad dito ang kahulugan kung bakit nangyayari ang iba’t-ibang pagbibigkas ng mga
salita kaugnay sa kanilang gamit o sa mga nilalarawan nito. Sa ponolohiya, pinag-aaralan
ang mga tunog, ang mga pamamaraan ng kanilang pagbuo at ang mga kadahilanan kung
saan maaari silang magbago. Ang konsepto ng isang ponema ay ginagamit dito upang
maiugnay ang abstract at kongkretong pagkakakilanlan ng parehong katotohanan ng
katotohanan. Ito ay ponolohiya na makakatulong matukoy kung ano ang nakasalalay sa
pagbuo ng isang partikular na ponema.

Ayon kay Munro, ang ponetika ay agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas
ng mga salita at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao. Dagdag pa ni Sullera,
Ito ay “agham ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas o pagbigkas sa mg ito”.
Mapapansing sa pag-aaral ng palatunugan ay dadaan tayo sa tinging pahapaw na
pagtalakay sa palabigkasan, ang Glottal na pasara o glottal stop ang magsisilbing
tagapagpaliwanag ng palatuldikan. Ang pangunahing gawain ng ponetika ay pag-aralan
ang sistema ng mga abstract na yunit ng pagsasalita sa isang partikular na wika, ang
kanilang pakikipag-ugnay at mga pagbabago sa ilalim ng impluwensya ng iba't ibang mga
posisyon ng ponetika. Ang ponemika naman ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba't
ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita. Ayon kay Santiago (2003),
malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog kung nagawa nitong baguhin ang
kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.

Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng tao na maihayag ang kanyang ideya


paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap. Kapag ang mga salita ng isang wika ay binubuo ng mga pantig mahalaga
na ilagay ang pangunahing pagdiriin sa tamang pantig. Ang pagsasalita naman ay binubuo
ng tatlo na salik, ang Tatlong salik na ito mahalaga sa pagsasalita una ang Artikulador,
pangalawa resonador, at pangatlo ay ang Enerhiya Apat na bahaging mahalaga sa
pagbigkas ng mga tunog Dila at panga sa ibaba Ngipin at labi sa unahan Matigas na
ngalangala sa itaas Malambot na ngalangala sa likod Ayon kay Alfonso O. Dahil sa mga
salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kaniyang kilos at pasya.
Kamangmangan o ignorance -o kakulangan ng impormasyon dagdag na kaalaman at
pagsangguni sa mga taong mas bihasa sa ganitong bagay.Makikita rin ang kasanayan sa
pagsasalita ng isang tao kungnagpamalas ito ng matatag na damdamin malawak na
kaisipan at kasanayan sawika retorika at balarila (Macaraig, 2000). Sa ilang wika
nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nagpapalit ng tono.
NAME & SECTION: LOVELY MAE BEJEC, 1SF
LE 2: KRITIKAL NA REPLEKSYONG PAPEL (FL. 112)

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang ponema na tumutukoy sa mga makabuluhang tunog ng isang wika ay


may dalawang uri, isa na dito ang ponemang suprasegmental. Ang ponemang
suprasegmental ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw ang
pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap. Ngunit ano nga ba ang
kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental?

Ang Ponemang Suprasegmental ay may apat na uri, ang tono (pitch) na


tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig, ang Haba (length) na
tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig, ang Antala (juncture) na
tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensahe, at ang panghuli ay ang Diin (stress o
emphasis) na tumutukoy sa lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay
makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita.Angpaggamit ng
ponemang suprasegmental ay nakatutulong upang maisakatuparan ang
pagpapahayag ng may linaw at wastong damdamin sapagkat ito ay isang
makahulugang tunog. Madaling matukoy ng nakikinig ang mensahe o saloobin na
nais ipabatid ng tagapagsalita. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng
tagapagdala at tagataggap ng mensahe. Sa pamamagitan din ng paggamit ng
ponemang suprasegmental aymadali nating matukoy ang estado ng emosyon ng
nagpapahayag. Madali nating natutukoy ang kahulugan sa pakikipagtalastasan,
layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita.

Para sa akin, kung wala ang ponemang suprasegmental o ang uri nito
katulad ng tono, haba, antala, at diin, hindi pa rin tayo magkakaintindihan. Hindi
natin mauunawaan ang nais ipabatid ng ating wika. Ayon pa nga kay Santiago at
Tiangco, ‘sa pamamagitan ng Ponemang Suprasegmental nagiging higit na mabisa
ang ating pakikipagtalasan.’ Hindi mabubuo ang isang wika kung wala ang
ponemang suprasegmental. Sa karagdagan, aking napagtanto na talaga namang
ang malilit na bagay ay mahalaga sapagkat, sa ponemang suprasegmental kahit
ang maliit ng pagbabago ng diin, haba, antala o tono ng isang salita o
pangungusap, ito ay may bagong kahulugan o nais ipabatid. Kahit sa maliit na
pagbabago, ito may may malaking epekto sa kahulugan ng isang salita. Kaya
mahalagang atin itong malaman at pag-aralan upang mangibabaw sa atin ang
pagkakaintindihan.
NAME & SECTION: ALEXIS KAE GALVADORES, 1SF
LE 2: KRITIKAL NA REPLEKSYONG PAPEL (FL. 112)

PONEMA

Ano ba ang ponema? Ano ba ang mga uri nito? Yan lamang ang mga
halimbawang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan.

Ayon sapagsasakilsikng making grupo ang ponema ay napakahalagang bagay


sakomunikasyon na magagamit sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao.
Ito rinang bumubuo sa istruktura ng wikang Filipino at dahil dito ang ponema
aymakabuluhang yunit ng tunog na nakapagbabago ng kahulugan halimbawa
kapag angtunog ay pinagsasama-sama ay nakakapagbuo ng salita. Sa madaling
salita, ang ponemaay binibigkas depende sa gamit dahil kahit ito ay mày
magkaparehong baybay mayroonitong magkaibang kahulugan depende sa diin at
bilis o bagal nang pagbigkas. Mahalagaitong malaman upang magamit natin ito ng
tama sa pakikipagkomunikasyon.

Nadagdagan rin ang aking kaalaman nito lalo na nang iniulat ito ng aking
mga ka grupo na ang ponema raw ay mayroong dalawang uri. Una ang
PonemangSegmental na ibigsabihin binubuo ito ng diptonggo na ang patinig na
sinundan ngmalapatinig na "y" o "w", klaster na magkasunod na katinig sa iisang
patinig, paresminimal na magkahawig ang tunog kapag binibigkas ang salita at
ponemang malayangnagpapalitan ibig sabhin nagapalitan ang mga ponema ngunit
hindi nagbabago angkahulugan. Ang ikalawang uri naman ay ponemang
suprasegmental na alinsunod sa uring diin, haba, antala at paraan ng pagbigkas.
Ang tono at pagtaas at pagbaba ng ating sapagbigkas ng pang ng isang salita. Ang
diin naman ay ang haba ng pagbigkas na inuukolsa pang ng isang salita. Ang
antala naman ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upanglalong maging malinaw at
mabisa ang kaisipang ipinapahayag halimabawa kapag nakitaang (/) kailangan
mong huminto saglit tulad ng pangungusap na ito Si John Thaddeus / at si Jomar,
Ako/ si Mark Thonelle.

Ito ang aking mga natutunan at naging reaksyon sa kalikasan at istruktura


ng wikang flipino na siyang aking pinamagatang "Ang kahalagahan ng
Ponema".Nagpapasalamat rin ako dahil mas nalinawan pa ang aking kaisipan
tungkol sa pa-aaral ng ponema na maibabahagi ko itong karunungan na nalaman
ko sa iba at magagamit ko pa ito ng tama sa pakikipagkomunikasyon sa pang-
araw-araw.

You might also like