You are on page 1of 1

Name: Jaypee R.

Villantes Professor: Imelda Josue


Section: 1-B

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Modyul 1- Ang pagtataguyod sa Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at lagpas pa

Takdang Gawain.

1. Ipaliwanag ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng Wikang Pambansa


 Ang wika ay isang sistema ng kumunikasyon na ginagamit ng mga tao.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaiisipan.
 Ang katangian ng wika bilang isang mabisa at epektibong paraan ng pakikipag-
usap sa kapwa o pakikipag komunikasyon ay isa itong paraan ng
komunikasyong karaniwang meron ang isang lugar dahil ito’y bahagi ng kultura
at pamumuhay ng bawat tao.
 Ang Wikang Pambansa ay ating kayamanan dahil ito ay nagbibigay ng daan
para sa pagkakaisa ng bawat mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa
iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Mahalaga ito at kinakailangan din ng isang
bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
ng bawat mamamayan.

2. Nakatulong o nakakatulong ba ito sa iyo bilang isang mag-aaral. Sa paanong


paraan?
 Opo, nakakatulong ito sa akin sa pag-aaral dahil ito ang ginagamit ko sa pang
araw-araw na pakikipag usap o pakikipagtalastasan kahit marunong ako
gumamit ng wikang ingles at ito ay isang mahalagang salik ng komunikasyon.

3. Marapat bang baguhin ang Wikang Pambansa? Bakit?


 Hindi, dahil ipinanganak tayo na ganito ang wika kaya dapat natin itong
ipagmalaki at dalhin kung saan man tayo mag punta. Wag natin itong ikahiya o
itago sapagkat ang wika ang siyang nagbubuklod sa ating mga adhikain.

You might also like