You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of Naga, Cebu
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
Filipino sa Piling Larang 12 Akad
ANG WIKA

Unang Linggo
I. Layunin:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.

Paunang Gawain: 1.0


A. Ibigay ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon na
nakasulat sa iba’t ibang dayalekto.

B. Panuto: Sagutin ang mga tanong:

1. Paano mo nasagot ang gawain sa itaas?


2. Anong bahagi ng pakikipagtalastasan ang ginamit mo upang maibigay mo ang
iyong sagot? Ito rin ay ginagamit mo sa pakikipag-usap sa inyong mga kaklase,
pagsagot sa tanong ng guro o pagbibigay ng iyong mga opinyon. (Ang tinutukoy sa
tanong na ito ay WIKA.)
3. Ano nga ba ang wika?
4. Saan nagmula ang wika?
5. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao?
WIKA

napakahalagang behikulo na ginagamit sa


tunog, simbolo,
pakikipag-usap at
instrument ng
tuntunin
pagpaparating ng mensahe
komunikasyon
Ang Wika

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na


binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Kasangkapan ang wika
upang aipahayag ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang kaniyang mga
karanasan, at maipadama ang kaniyang araramdaman. Bawat bansa ay may sariling
wikang magbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika
nasasalamanin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.

Mga Kahalagahan ng Wika


Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng
kultura ng bawat gruo\po ng tao. Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. Walang saysay ang
sangkatauhan, kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng kultura at/o paraan
ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakalan,wlang pagbabahagi ng mga tuklas
at imbesnyon, walang palitan ng talino at kaalaman, walang diplomatikong
pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at walang pagtutulingan sa paglinang ng
siyensya at teknolohiya. Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang
maunlad at masiglang sangkatauhan na bukas sa pakikipagsunduan sa isa’t –isa.

Mga Kalikasan ng Wika

1. Ang wika ay may sistemang balangkas. Binubuo ito ng mga makabuluhang


tunog o ponema na nakakalikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama
sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga
parirala at talata.
2. Ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng
mga grupo para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Gawain 1.1:

Sagutin mo!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang Wika?


2. Gaano kahalaga ang wika sa buhay ng mga tao?

Gawain 1.2:
Panuto: Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan mo sa araling ito.

Mga Natutuhan sa Aralin

Pagtataya 1.0
A. Ibigay ang iyong sariling opinyon. (5 points each)

1. Ano ang maaaring mangyari kung sakiling mawala ang wika?

2. Sa iyong palagay, paano mo magagamit ng tama ang wika?

3. Paano nakatutulong ang wika sa iyong pag-aaral?

B. Isulat ang TAMA kung makatotohan ang pahayag at HINDI naman di


makatotohanan.

______1. Ang wika ay arbitaryo


______2. Ito ay hindi nagagamit sa pagpapaunlad ng bansa.
______3. Ito ay nagsisislbing tulay ng unawaan ng iba’t-ibang grupo ng taong may
kani- kanyang wikang ginagamit
______4. Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang
sangkatauhan na bukas sa pakikipagsunduan sa isa’t –isa.
______5. Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang
hiraman ng kultura at/o paraan ng pamumuhay.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of Naga, Cebu
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK


Filipino: Wikang Pambansa at Wikang Opisyal

(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.

Paunang Gawain: 2.0


A. Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang wika?


2. Bakit ito mahalaga?

Pagmasdang mabuti ang mapa ng ating bansa.

Tingnan ang mapa. Pare-pareho ba ang kultura ng mga taong nakatira sa ating
bansa? Pare-pareho ba ang pinagmulan ng mga taong nakatira sa iba’t-ibang lugar
sa ating bansa? Pare-pareho ba ang salitang kanilang ginagamit? Paano
magkakaintindihan ang mga tao kung may iba’t-ibang wika silang ginagamit?

Pagtatalakay
Ano ang Wikang Filipino?

Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mgaa di-katutubong wika at ebolusyon ng
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at paraa sa mga paksa
ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Bakit Wikang Filipino ang Wikang Pambansa?

Sa Konstitusyon ng 1973 sinabi na ang Kongreso ay magsasagawa ng mga


hakbang upang makabuo ng pambansang wika na tatawaging Filipino. Sa ikalawang
hati ng panunungulan ni Pangulong Ferdinand Marcos nabago ang kanyang mga
programa at patakaran patungkol sa wika. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng
Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959 na tawaging Pilipino ang Wikang
Pambansa.
Pinakamalaking prosyento sa bansang Pilipinas ang gumagamit ng wikang
Tagalog. Sa 1973 Constitution sinasabi na na ang wikang pambansa ay Filipino until
1987. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maintindihan ang mga dahilan
kung bakit Filipino ang napiling wikang pambansa malalaman ang mga katangian ng
wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto at matuloy ang
kaugnayan at kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Ayon kay Mendillo hindi rin basta-basta ang pagpapalit ng P. Unang dahilan sa
ating suliranin ay may kinalaman sa sistema ng ating edukasyon. Ito rin ang dahilan
kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang Wikang Filipino at panatilihing buhay ang
kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga ibat-ibang identidad.
Ipinakilala ang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas noong ika-30 ng
Disyembre 1937 sa pamamagitan ng Executive Order ng Pangulong Quezon. Noon at
may dahilan kung bakit ito ginawang F.

Alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184 sa pamamagitan ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ni Pang. Quezon ang Wikang Pambansa na
batay saa Tagalog. Naging batayan ang Taagalog dahil:

 Ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.


Bakit Wikang Filipino ang Wikang Opisyal?

Ipinagtibay at itinadhana sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay


magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 04, 1940.

Gawain Blg. 2.1


Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Paano naging Filipino ang Wikang Pambansa?

2. Ano ang isa sa mga Wikang Opisyal ng Pilipinas?

3. Ano ang kaugnayan ng Tagalog sa Wikang Pambansa?


4. Ipaliwanag kung paano naging Wikang Pambansa at isa sa mga Wikang Opisyal
ang Filipino?

Pagtataya 2.0

Ibigay ang iyong sariling opinyon. (5 puntos bawat bilang)

1. Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa at Wikang Opisyal


sa ating bansa? Bakit?

2. Paano naging Filipino ang Wikang Pambansa?

3. Bakit Tagalog ang naging saligan o batayan ng Wikang Pambansa?

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of Naga, Cebu
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK


Wikang Pampagtuturo

I. Layunin:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.

Gawain Blg. 3.0


Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Saan kadalasang makikitaa ang pangyayari na nasa larawan?
2. Paano nagkakaintindihan ang guro at ang kanyang mga mag-aaral?
3. Anong wika ang kailangang gamitin upang mas madaling maunawaan ng
mga mag-aaral ang itinuturo ng guro?

Wikang Filipino Bilang Wikang Panturo!


Ayon sa paniniwala ni Vivencio Jose, wikang Filipino ang dapat na gamiting midyum sa
pagtuturo sapagkat masmadaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang kanilang
nauunawaan ang gagamitin ng guro sa pagtuturo. Sinasabi rin na, wikang Filipino ang Lingua
Franca ng ating bansa. Ngunit magmula nang ipatupad ang K-12 Program ng pamahalaan,
tila nag-iba ang ihip ng hangin at ginawang Mother Tongue ang midyum na gagamitin sa
Gawain Blg. 3.1
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Wikang Pampagtuturo?


2. Paano nakakatulong sa mga guro at mag-aaral ang Wikang Pampagtuturo?
3. Paano naging Wikang Pampagtuturo ang Wikang Filipino?

Pagtataya 3.0
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Bilang isang mag-aaral gaano kahalaga ang pagkakaroon ng Wikang
Pampagtuturo?

2. Sa iyong palagay, tama ba na ang Wikang Pampagtuturo ay ang Wikang


Filipino? Bakit?

3. Paano kaya mapapaunlad ng Wikang Pampagtuturo ang kalidad ng


edukasyon
sa ating bansa?

4. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng unang wika o Mother Tongue Based


Language (MTBL) bilang wikang panturo mula sa Kindergarten hanggang
baitang III batay sa K-12 Basic Education Program? Bakit?

You might also like