You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

Malasusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Baitang 11

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; (F11PN-la-85)

2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga nabasang mga sitwasyong

(F11PN-la-86)

3. Nakabubuo ng maikling pagsasadula na kakikitaan ng iba’t ibang uri ng wika.

II. Paksang Aralin: Konseptong Pangwika

Lunsaran: Dekalogo ng Wikang Filipino (ni Jose Ladera Santos)

Sanggunian: April L. Echiverri. Komunikasyon at Pananaliksik sa WIka at Kulturang


Pilipino. Regional Office 10, Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City
9000

Kagamitan: Laptop, Module , charts, feltipen

III. Pamaraan

A. Kaalaman

Magandang Umaga sa lahat!


Kumusta naman kayo sa araw na ito?

Pamilyar ba sainyo ang facebook? Sino sa inyo ang


kalimitang gumagamit nito?
Ano ba ang mayroon sa facebook?
Gumagamit din ba kayo ng mga facebook reactions?
Gumagamit din ba kayo ng mga emoticons?

Lahat ba ng na nailahad sa facebook ay ating


naiintindihan?

Minsa oo pero minsan din hindi, di ba?


May mga wika na ginagamit sa facebook na siyang
dahilan na hindi natin masyadong maintindihan ang nais
ipahiwatig ng akda.

Kaya ngayon, mayroon akong ipapakitang mga salita rito


galling sa post sa facebook na siyang bibigyan ninyo ng
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

kahulugan.
Kung sino yung gustong sumagot, itaas lang ang kanang
kamay.
Maliwanag ba, klas?
Handa na ba ang lahat?

B. Proseso

1. Pagbasa sa akda

Kaugnay sa ating ginawa kanina, mayroon tayong


babasahing tula. Ito ay pinamagatang “Dekalogo ng
Wikang Filipino ni Jose Ladera Santos.

Kilala niyo ba kung sino siya?


Sino ang nakakakilala sa kanya?

Magaling!

Makinig nang mabuti dahil mayroon akong mga


katanungan pagkatapos nating mabasa ang akda.

DEKALOGO NG WIKANG FILIPINO


JOSE LADERAS SANTOS
Punong komisyoner(2011)

I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyanng Diyos ng
kani-kaniyang wika na pagkakakilanlan.

II.
Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod pa sa paghiram ng mgabanyagang wika.

III.
Ang pambansang wika ng pilipinas ay
FILIPINO
.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon(1878-1944) ang Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino
ay katuparan ngpangarap na wikang panlahat.

IV.
Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinayayaman at pinatatag ng lahat ngwikang ginagamit sa
Pilipinas.

V.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang wika ay psuo at kaluluwa ng bansa para sa ganap na pagkakakilanlan.Nakapaloob ito sa


Pambansang Awita, Panunumpa sa watawat at sa lahat ng sagisagng kalayaan at kasarinlan.

VI.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pag aaralan, gamitin, pangalagaan, mahalin at igalangang Wikang
Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit sa lahat ngkatutubong wika at mga wikang
ginagamit sa Pilipinas.

VII.
Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal at paggalaang sasarili. Tumiyak ito
upang igalang din ang kapuwa. Taglay ng lahat ng katutubong wikaang kagitingan, dugo at buhay ng
mga bayani at ng iba pang dakilang anak ng bansa.

VIII.
Malaya na gumamit at pagyamanin ng iba pang wikang gustong matutunan. Sapagkatuto ng iba ay
lalo pang dapatdapat pakamahalinang mga kinagisnang wika.Ano mang wikang hindi katutubo sa
Pilipinas ay wikang hiram. Hindi matatanggapbilang ating pagkakakilanlan at hindi rin maaangkin na
sariling atin.

IX.
Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nananaginip sa Wikang Filipino o wikangkinagisnan.

X.
Ang bawat pagsasalita ay pagsusulat gamit ang wika ay pagdiriwang at pasasalamatsa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang dakilang biyaya sa sangkatauhan

C. Pag-unawa

1. Pagpapahalaga

Ngayon, batay sa binasa nating akda, mayroon


akong mga katanungan na susubok sa inyo kung
talaga bang naintindihan ninyo ang akdang ating
binasa.

1. Ano sa tingin mo ang pangunahing pinag-


uusapan sa akda?

2. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?


Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?

3. Gaano kahalaga saiyo ang pagkakaroon ng


wika?

4. Maaaari ka bang magbigay ng sariling


pagpapakahulugan sa wika?

5. Paano lubos na nakatutulong ang wika sa


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

ating pang-araw-araw na pamumuhay?

6. Paano mo ipapaliwanag ang linyang “Ang


wika ang puso at kaluluwa ng bansa”?

7. Magbigay ng halimbawa na nagpapakita


na ang wika ay isa sa pinakamahalagang
sangkap sa pamumuhay ng isang tao?

2. Pagtatalakay sa Balarila
KONSEPTONG PANGWIKA

Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay Sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao tinutukoy na Sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang
wika. Sa nabanggit na depinasyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop
ay mayroon ding paraan sa komunikasyon, hindi tinatawag na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang
wikang tinutukoy sa pagtatalakay na ito ay ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa
tao.

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa


pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang idudulot sa mag-aaral
na matutuhan ang wika upang makapaghanapbuhay, makapamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.

Gleason (1961) Sapiro (Sapiro sa Ruzol (2014:15) Hemphill (Hemphill sa Ruzol


(2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang lakas at Ang wika ay isang masistemang
balangkas ng mga sinasalitang makataong pamamaraan ng kabuuan ng mga sagisag na
tunog na pinili at isinaayos sa paghahatid ng mga kaisipan, sinasalita o binibigkas na
paraang arbitraryo na ginagamit sa damdamin at hangarin sa pinagkaisahan o kinaugalian ng
pakikipagkomunikasyon ng mga pamamagitan ng isang kusang- isang pangkat ng mga tao, at sa
taong kabilang sa isang kultura. loob na kaparaanang lumikha ng pamamagitan nito’y
tunog. nagkakaugnay, nagkaka-unawaan
at nagkakaisa ang mga tao.

WIKANG PANTURO

Ang wikang Pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.


Gagamtin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang
mabilis nap ag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad.
Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong
Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nilinang ito na dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. DApat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.

WIKANG OPISYAL

Tinatawag na Wikang Opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng
Saligang batas 1987 na:

“Ukol sa mga layunin ng komukiasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay


Filipino at hangga’t walang itinadhana ang abats, Ingles”

Tinanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin
sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t wlaang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles
sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

2.a. Pagtatasa/ Maikling Pagsusulit

Bumuo ng larawan ng iyong puso na naglalarawan ng dapat mong


pahalagahan ang mga konseptong pangwika. Ilahad din kung paano mo ito
mapangalagaan.

ANG NILALAMAN NG AKING PUSO MGA PARAAN UPANG MAPANGALAGAAN


ITO

Mga dapat kong pahalagahan sa


mga konseptong pangwika
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

D. Produkto
Bilang panukat kung lubos niyo talagang naintindihan
ang paksang aralin, mayroon na naman tayong bagong
gawain.
Magkakaroon lamang tayo ng dalawang pangkat.
Bawat pangkat ay gagawa ng isang maikling
pagsasadula na kakikitaan ng iba’t ibang wika at
pagpapahalaga nito.
Maliwanag ba, klas?
Upang mas malinaw kung ano ang detalye sa paggawa
nito, tingnan natin ang GRASPS.
GRASPS
Goal (Layon) Ang inyong gol ay gagawa kayo ng sarili ninyong maikling pagsasadula na
Mga Pamantayan
1. Malikhaing daloy ngkakikitaan
kuwento sang iba’t ibang wika at pagpapahalaga nito. 30%
Roles (Tungkulin)
pagsasadula Dependi sa kung ano ang kagustuhan o napagkasunduan ng mga nagsipaglahok.
Audience Ilahad ito
2. Kaangkupan at wastong paggamitsa guro at mga kaklase.
ng wika. 30%
(Tagamasid/Tagapakinig
3. Kahusayan sa pagganap at kalinawan ng 20%
) mga salita sa pagsasadula
Situation (Konteksto)
1. Wastong Paligsahan
gamit ng wika, sa maikling
Kooperasyon at pagbuo at pagganap ng maikling20%pagsasadula.
Product (Awtput)
Katahimikan Pagsasadula
Standard (Batayan sa Huhusgahan ang inyong presentasyon gamit ang mga sumusunod
100% na
Pagmamarka) pamantayan:
a. Malikhaing daloy ng kuwento sa pagsasadula 30%
b. Kaangkupan at wastong paggamit ng wika 30%
c. Kahusayan sa pagganap at kalinawan ng mga salita sa pagsasadula 20% IV.
d. Wastong gamit ng wika, Kooperasyon at Katahimikan 20%
100%
Takdang Aralin

Pag-aralan ang Konseptong Pangwika mula sa modyul ni Norhanah D. Macalanggan –


Pambaya. Sagutin ang paunang gawain nito at isulat ang sagot sa kwadernong Filipino.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ROVIE G. SAZ EMELDA G. CROMBIE


Filipino 11 titser School Head

You might also like