You are on page 1of 10

Balangkas Ng Filipino Kurikulum

Para Sa Mga Paaralan Sa Komunidad


Mahalaga ang pag-aaral ng Filipino, ang ating pambansang wika. Nililinang nito ang isang buo at ganap
na Filipinong kapaki - pakinabang sa lipunan at sa mga komunidad na kanyang paglilingkuran.

Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang sa mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, ang
mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral tungo sa pagsisilbi sa bayan
upang ito’y maging malaya, maunlad, makatarungan at payapa. Sa maraming pagkakataon sa ating
kasaysayan, napatunayan ang kapangyarihan ng pluma bilang instrumento ng pagbabago at naging
mahalagang bahagi ng ating kultura na sumasagisag ng mga mithiin ng mamamayan, tulad ng mga
sinulat nila Rizal, Bonifacio, MH del Pilar Gregoria de Jesus, Francisco Balagtas at Amado Hernandez at
iba pang dakilang manunulat ng bansa.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika at panitikang Filipino, sinisikap nating mabawi ang kasanayang
ipinagkait at ipinagkakait ng mga kolonyalistang Amerikano sa pamamagitan ng paggamit ng Ingles
bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan at unibersidad ng bansa, at bilang opisyal na midyum ng
komunikasyon ng pamahalaan.

Ayon kay Dr Maceda (1993) sa kanyang akdang “Wikang Pambansa: Pagpapalaya kay Bighani”

Sa mga taong bayang nagtamo pa rin ng tunay na pagsasarili, napakahalaga ng pambansang


wika sa pagbuklod ng mga mamamayan at pagpapatatag ng kanilang damdamin ng
pagkabansa. Sapagkat sa pambansang wika nasusulat ang talambuhay ng isang lahi,
nagkakaroon ng kolektibong gunita. Ayon nga sa isang makata, ang sambayanan ay sinlakas
lamang ng kanilang kolektibong gunita. Ang ating gunita — at ang imahinasyong pinasisiklab
nito — ang nagbibigay ng ating identidad at dangal bilang mga Pilipino.

Mga Prinsipyong Gumagabay sa Wikang Filipino

Ano ang mga prinsipyong gumagabay sa pag-aaral natin ng pambansang wika? Ayon kay Ernesto
Constantino, may pitong mahahalagang konsepto ng wikang Filipino:

1. Ang wikang pambansa ay dapat isang natural na wika na nabuo o nadebelop sa aktwal na
paggamit o pagsasalita ng mismong wika ng mga tagapagsalita nito. Hindi ito wikang ginawa o
sadyang binago o “pinuro” ng ilang tao, tulad ng Pilipino. Lalong hindi ito isang banyagang wika,
tulad ng Inggles. Ang wikang Filipino ay isang natural na wika na aktwal na ginagamit ng halos
lahat ng mga Pilipino bilang linggwa prangka sa halos lahat ng parte ng bansa. Dahil sa
katangian ng Filipino bilang natural na wika, madali itong palaganapin.

2. Ang wikang pambansa ay dapat isang buhay na wika at ginagamit ng mga taong nabubuhay sa
kasalukuyan, at hindi ng mga tao noong mga nakaraang panahon. Halimbawa ang wikang
Filipino ay hindi tulad ng wika na ginagamit ni Balagtas. Para magpatuloy na buhay ang wikang
Filipino, hindi dapat palitan ang anumang salitang aktwal na ginagamit ngayon sa wikang ito ng

1
isang matanda o patay ng salita, kahit na ito’y isang katutubong salita at kahit ng iyong salitang
ginagamit na gustong palitan ay isang hiram na salita. Kung ano ang salitang ginagamit sa wikang
ito siya rin ang salitang dapat gamitin sa wikang pambansa.

3. Ang wikang pambansa ay dapat isang demokratikong wika. Demokratiko ang wikang Filipino
dahil bilang lingwa prangka ito’y nagmula at dinebelop at patuloy na dinedebelop ng mga
Pilipino sa buong Plipinas, at hindi ng mga Pilipino sa isang rehiyon lang o sa isang etnikong
grupo lang. hindi rin ito wikang dinebelop ng ibang tao sa ibang bansa. Sa ibang salita, sama-
sama ang mga Pilipino sa pagdebelop ng wikang Filipino.

4. Ang wikang pambansa ay dapat isang eglitaryan na wika, o wika ng pagpapantay-pantay. Ito’y
ginagamit ng lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, edukado at di-edukado. Dahil ang wikang
ito’y pag-aari ng lahat ng mga Pilipino, hindi ito ituturing ng sinumang Pilipino na “banyagang”
wika o wika ng iba at hindi sa kaniya. Pantay-pantay ang papel at responsibilidad ng mga Pilipino
sa pagdebelop ng wikang ito.

5. Ang wikang pambansa ay dapat isang dinamikong wika---handa itong magbago sa anumang oras
na kailangan magbago para maganap nito ang kanyang tungkulin bilang isang natural at buhay
na wika. Halimbawa, mey mga tunog at salita na pumapasok at patuloy na pumapasok sa
wikang Filipino, kasama na ang mga banyagang salita, dahil sa mga pangangailangan ng mga
gumagamit nito. Sa kabilang dako mey mga salita ring napalitan o nawala dahil hindi na
kailangan o kaya’y hindi na gustong gamitin ang mga salitang ito.

6. Ang wikang pambansa ay wika ng pagkakaisa. Halimbawa, sa isang bansa na mey ilan o
maraming wika, kung isa sa mga ito ang pipiliing wikang pambansa, malamang na tutulan ito ng
mga tagapagsalita ng mga ibang wika… Sa kabilang dako kung ang wika ng ginamit na sa buong
bansa ng mga iba’t ibang grupo bilang lingwa prangka ang piniling wikang pambansa, mas
madaling tanggapin ito bilang wikang pambansa. Malamang na hiindi magtatagal at ituturing na
rin ng lahat ng mga mamayan na sa kanilang lahat ang wikang pambansa ay magsisilbing tunay
na wika ng pambansang pagkakaisa.

7. Ang wikang pambansa ay dapat gumanap ng lahat ng mga tungkulin ng isang wikang pambansa,
lalo na bilang midyum ng upisyal na komunikasyon at wikang panturo sa ating edukasyon. Ang
bagay na ito’y napakahalaga para ang Filipino ay ituring at magsilbing tunay na ito’y
napakahalaga para ang Filipino ay ituring at magsilbing tunay na wikang pambansa, at hindi
manatiling isang “token” o kunwaring wikang pambansa. Ang wikang Filipino nayon ay “de
facto” at “de jure” na wikang pambansa ng Pilipinas: “de facto” dahil ginagamit na ito sa buong
bansa bilang lingwa prangka: “de jure” dahil iisang probisyon sa ating konstitusyon ang
nagdedeklara na Filipino ang ating wikang pambansa.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang komunikatibo ng mga mag-aaral. Sa


pamamagitan ng pambansang wika, madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan,
damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng
mensahe.

2
Layunin ng asignatura na masanay ang mga mag-aaral sa lahat ng tipo ng proseso ng komunikasyon:
pagsusulat, pagpapahayag, pagiging ispiker, pakikipanayam, paggawa ng sining-biswal, pangkulturang
pagtatanghal, paggawa ng bidyo, pagtetext ng mahahalagang impormasyon, paggawa ng blog at mga
electronic na mensahe at iba pang kasanayan na makakatulong sa pagmumulat, pag-oorganisa at
pagpapakilos ng mamamayan.

Layunin din ng asignatura ang pag-aaral sa panitikang naglalaman ng kultura at kasaysayan ng bansa.
Ang panitikang ito ay sumasalamin sa tunay na kalagayan at mga minimithi ng mamamayan. Sa
pamamagitan ng mga tula, awit, maikling kwento, sanaysay at iba pang uri ng panitikan, mas nakikilala
natin ang ating pagiging Pilipino at ang direksyon na dapat nating tahakin.

Mahalaga ang pag-aaral ng wika at panitikang Filipino upang mahasa ang mga mag-aaral sa mahalagang
papel nila sa bansa at sa mga komunidad na kinabibilangan. Inaasahan natin na magiging edukador o
community development worker ang kabataan at aktibong lalahok sa kilusan para sa mapagpalayang
edukasyon laban sa bulok na kulturang neoliberal na ipinapataw ng imperyalismo.

BAITANG CORE VALUE LAYUNIN LEARNING OUTCOMES


1
1. Nagagamit ng mga mag-aaral Nailalarawan o naipapakilala ang
ang mga kasanayang pasalita at di- sarili at ang komunidad na
pasalitang paraan ng kinabibilangan
pagpapahayag upang mailarawan
ang kalagayan ng pamilya sa Aktibong nakakapakinig at
1.PAGPAPAHAL kinabibilangang komunidad. nasusunod ang mga batayang
AGA SA BUHAY instruksyon
2. Nakakamit ng mga mag-aaral
ang mga kasanayan sa pagbasa at Nakakapagbasa ng simpleng mga
2.PAGKILALA/RE pagsulat upang makapagbahagi ng salita at pangungusap
SPETO SA karanasan at kultura ng pamilya
KAPWA O IBA- mula sa komunidad na Nakakasulat ng kanyang pangalan
kinabibilangan at batayang impormasyon tungkol
Pagtukoy ng sarili bilang batang sa sarili.
Pilipino na nabibilang sa pangkat
3.PAGPAPAHAL etniko at panlipunang uri at sektor Nakakapagsabi ng nararamdaman
AGA SA sa loob ng pamilya, komunidad at
rehiyon
PAMILYA SA
2 LOOB NG Nakakapagtula ng mga tulang
1. Natutukoy ng mga mag-aaral pambata; nakakaawit ng mga
KOMUNIDAD
ang pangunahing diwa sa awiting pambata
tekstong binasa at
napakinggan at naiuugnay ito Nakakasalaysay hinggil sa
sa pamumuhay ng sariling kalagayan ng komunidad
4.ANTI-
pamilya at kalagayan ng
KONSYUMERIS
kinabibilangang komunidad. Naiguguhit ang mapa ng
MO
komunidad
2. Nagagamit ang mga
kasanayang pasalita at di- Nakakagawa ng mga tahas

3
pasalitang paraan ng kaugnay sa pagtatanim o
Pagtukoy ng sarili pagpapahayag upang agrikultura ayon sa instruction ng
bilang batang maibahagi ang kabuhayan ng teacher o ng mag-aaral
Pilipino na pamilya at kalagayan ng
nabibilang sa kinabibilangang komunidad. Naipapahayag at nailalarawan ang
pambansang
lupang ninuno at kung bakit
minorya at
panlipunang uri
kailangang linangin ang lupa
at sektor sa loob
3 ng pamilya, 1. Napalalawak ng mga mag- Naisasalaysay ang kalagayan ng
komunidad at aaral ang kaalaman at mga magsasaka , mga
rehiyon kasanayan sa wika upang manggagawa at iba pang sector na
maunawaan ang mga nasa komunidad
tunggalian at krisis na
kinakaharap ng komunidad na Nakakapag – role play batay sa
kinabibilangan. isang sitwasyon o isang isyu,
halimbawa kalagayan ng mga
2. Nagagamit ang mga kaalaman magsasaka
at kasanayan sa wika upang
maipahayag ang mga Nakakasulat ng mga simpleng
tunggalian at krisis na pangungusap at talata hinggil sa
kinakaharap ng komunidad na kalagayan ng komunidad.
kinabibilangan.
Gumagamit ng diksiyonaryo at
ensiklopedya upang sumangguni
ng impormasyon para mas
malinang ang pagbabasa at
pagsusulat

4 1. Naipamamalas ng mga mag- Naisasadula (Role Play) ang


aaral ang mga kasanayan sa Karapatan ng mga Magsasaka,
pagsulat at Manggagawa, Pambansang
5.ANTI- pakikipagtalastasan sa Minorya, Kabataan at Kababaihan
PYUDAL/ANTI- pagpapahayag ng mga
MACHISMO/AN batayang karapatang Naisasalaysay ang mga balitang
TI-PATRIYARKAL nararapat matamasa ng bata napanood sa tv o napakinggan sa
batay sa kanyang edad. radio at nakakapahayag ng sariling
opinion hinggil dito
2. Nasusuri ang mga pahayag na
6.PAGPAPAHAL napakinggan at tekstong Nakakasagot ng mga forms;
AGA SA nabasa tungkol sa mga
ANAKPAWIS AT batayang karapatang Nakakapagsulat ng iba’t ibang
SA PAGGAWA panlipunan klase ng sulat (pangkaibigan,
paanyaya, pasalamat, atbp)
Pag-alam sa
pang- Nakakapanayam ang mga
ekonomiyang matatanda upang magsiyasat
kalagayan ng hinggil sa kasaysayan ng kanilang
mga uri at sektor
komunidad at naibabahagi sa

4
sa komunidad, klase ang resulta ng panayam o
rehiyon, at bansa nailalagay ito sa news bulletin ng
at pagbaliktanaw paaralan
sa kasaysayan ng
pakikibakang
Nakakagawa ng poster hinggil sa
Pilipino.
karapatan ng kabataan sa
edukasyon
5
1. Nasusuri ang mga lokal at Nakakagawa ng proyektong
pambansang tekstong Research and Documentation
pampanitikan batay sa hinggil sa isyung panlipunan tulad
kaugnayan nito sa umiiral na ng militarisasyon, HRVs, women’s
kalagayang panlipunan. rights, climate justice, Plunder,
graft & corruption, at organic
2. Naipamamalas ng mga mag- farming.
aaral ang kakayahang
komunikatibo sa pag-alam ng Naipapakete sa popular na porma
kalagayan, problema at krisis ang nakalap na datos; halimbawa
ng lipunang kinabibilangan. • poster, brochure, o
primer,
• news bulletin
• komiks
• radio ad o newspaper ad,
• maikling dula-tula;
• blog sa internet

Nakakapagsalita sa radio o sa rally


6
Naipamamalas ang tatas sa Nakakapangatwiran hinggil sa
kasanayang komunikatibo at isyung kinakaharap sa
7 organisadong pagtukoy ng bawat pamamagitan ng debate
KONGKRETONG kasapi ng pangkat sa
PAGSUSURI SA pagbabalangkas ng suliranin at Nakakagawa ng pamahayag
KONGKRETONG pagbubuo ng posibleng solusyon hinggil sa isyung kinakaharap ng
KALAGAYAN - komunidad;
PPS
Nakakapagsulat ng petition letter

Nakakagawa ng affidavit o
sinumpaang salaysay hinggil sa
8 PAGKILALA AT isang pangyayari.
PAGPAPAHALAG
A SA WIKANG Naibabahagi ang kasaysayan ng
PAMBANSA kanyang komunidad o tribong
kinabibilangan.

Nakakapagturo ng Kasaysayan ng

5
9 ANTI- Pilipinas at iba pang tema kaugnay
MANANAKOP/ sa mga isyung kinakaharap ng
MAKA- mamamayan
SOBERANYA/M
AKABAYAN Nakakapagtanghal ng tula ni
Amado V. Hernandez, Francisco
Pagkilala sa Balagtas, Andres Bonifacio at iba
papel at pang dakilang makatang Pilipino
kalagayan ng
mga uri at sektor
sa pagbabago at
7 Ang mga inaasahang tunguhin o
pagtataguyod ng
sariling outcome ng pag-aaral na ito ay Nakakagawa ng tula, dagli o
pamayanan at nakatuon sa pag-eequip sa mga maikling kwento
lipunan mag-aaral ng kapaki-pakinabang
na kakayahang umunawa at Nakakapagsulat ng akda para sa
baguhin ang kanyang sarili at ang school paper (editorial o feature
lipunan. Magiging epektibo siya article)
nito kapag taglay ng bawat mag-
aaral ang mga kompetensing Nakakapagbigay ng guidance sa
pangkognito, apektibo at asal na mas mababang grado hinggil sa
magbibigay sa kanila ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga
kakayahan upang: pananim

1.Mamuhay at magtrabaho ng Nakakapagitna (mediate) sa mga


may buong pusong paglilingkod conflict sa pagitan ng mga mag-
aaral;
2.Linangin ang kanilang mga
potensyal Nakakapangatwiran at nakakapag-
debate hinggil sa mga
3.Gumawa ng mga pasyang pambansang isyu
mapanuri at batay sa kongkretong
kalagayan Nakakapagsalita sa rally, sa radio o
sa TV
4.Kumilos nang masigla at
masigasig nang may pagkukusang Nakikipag-usap at
umako ng mga resposnsibilidad naidedemonstreyt sa mga taga-
komunidad hinggil sa repormang
5.Maging kapaki-pakinabang sa agraryo at mga pamamaraan ng
lipunan nang mapabuti ang sayantipikong pagtatanim at
kanilang pamumuhay at kanilang paghahayupan.
lipunan
Nakakapagtanghal ng mga tula o
awiting makabayan nila Francisco
Balagtas, Amado Hernandez, atbp
dakilang manunulat mula sa Asia.
8 Ang mga mag-aaral ay tinatayang Nakakapaglunsad ng mga
magkakaroon ng mga sumusunod pagsisiyasat (social investigation)
10 na transpormasyong hinggil sa maiinit na isyu ng

6
PAGPAPAHALAG makatutulong upang sila ay komunidad at napapakete ang
A SA maging mahusay na mag-aaral at resulta ng pagsisiyasat sa
PAGBABAGO membro ng komunidad: pamamagitan ng:
• Hubugin ang sariling pananaw
sa mundo sa pamamagitan ng • Report (sinulat o audio-
pagbibigay halaga sa pag-aaral visual),
• Mulat na makipagsalamuha at • Manifesto o statement
11 makipagkapwa tao nang may • Poster
PAGPAPAHALAG pagpapahalaga sa damdamin • Pagsasalita sa radio, tv o
A SA ng iba at nakikiisa sa rally
KASAYSAYAN • Mapanuring tingnan ang • Pakikipag-usap sa mga
kalagayan ng lipunan at opisyal/kinatawan ng
lumahok sa pagkakamit ng deped
mahahalagang pagbabago sa
12 PAGKILALA sarili at lipunan Nakakaharap sa mga sundalo o
SA MGA • Malikhaing mailapat ang kinatawan ng gobyerno upang
KILUSAN AT teoryang natutunan sa aktwal maipahayag ang saloobin ng mga
SAMA-SAMANG na paggampan ng mga mag- mag-aaral
PAGKILOS aaral ng kanilang tungkulin at
gawain sa paaralan maging sa Nakakasulat o nakakapagpahayag
Pag-alam at lipunan ng simpleng project proposal para
pagkilala sa sa pagpapalitaw ng pinansya.
mayamang
kasaysayan ng
pakikibaka at Nakakagawa ng reflection paper
kolektibong hinggil sa mga makabayang
pagkilos ng panitikan mula sa Latina Amerika,
mamamayan sa Europe atbp panig ng mundo.
bansa, asya at
9 daigdig
Inaasahang magagap at Nakakapagpadaloy (facilitate) ng
maintindihan ng mga mag-aaral mga pagpupulong, worksyap,
ang konsepto tungkol sa kanyang program, at pagsasanay
komunidad at paglilingkod sa
komunidad na may kapaki- Nakakapagtala ng minutes;
pakinabang sa lipunan. Ang mga
sumusunod na transpormasyon na Nakakasulat ng sinumpaang
nakapaloob sa isang taon: salaysay o fact sheet
a.Hubugin ang paninindigang
makauri hinggil sa kasalukuyang Nakakagawa ng porma ng
kalagayan ng kanyang komunidad kontrata, memorandum of
at ng lipunan; agreement,

b.Naipamamalas ang kanyang Nakakapaglunsad ng pananaliksik


pagkamalikhain at may at nakakagawa ng output hinggil
syantepikong pananaw tungkol sa sa nasaliksik, halimbawa:
isyu ng lipunan;
- Written o audio visual report

7
c.Nagagagap ang paggampan sa - Pamahayag o statement
mga tungkulin at gawain na may - Pagsasalita sa radio, sa tv o
kolektibong pagkilos sa loob at sa rally
labas ng paaralan; - Press Release

d.Naipamamalas ng mga magaaral Nakakapag-negotiate tulad ng


ang mga tungkulin ng tao sa Pakikipag-usap sa mga
lipunan; at opisyal/kinatawan ng deped
(negotiation)
e.Nakikiisa sa mga gawaing
pangkomunidad batay sa kanyang Naipapahayag sa mga taga-
natutunan komunidad kung anong ibig
sabihin ng mga batas, polisiya,
Pag-alam at pagkilala sa mayamang regulasyon, at mga pamamalakad
kasaysayan ng pakikibaka at ng gobyerno
kolektibong pagkilos ng
mamamayan sa bansa, asya at Nakakasulat o nakakapagpahayag
daigdig
ng simpleng project proposal para
sa resource generation (cash or in
kind)

Nakakapag-organisa ng mga
cultural program sa komunidad

Nakakagawa ng reflection paper


hinggil sa Noli Me Tangere ni Jose
Rizal

10 12 Naipamamalas ng mag–aaral ang Nakakapagbigay o


KOLEKTIBONG pag–unawa sa kahalagahan ng uri nakakapagpadaloy ng Edukasyon
PAMUMUNO at komunidad na kinabibilangan hinggil sa kasaysayan at mga
tungo sa pagpapaunlad ng sariling batayang problema ng Pilipinas at
13 SISTEMANG kakayahan sa pagganap ng ang solusyon nito
KOMITE tungkulin/responsibilidad bilang
mamamayan ng bansa Nakakagawa ng reflection paper
14 hinggil sa nobelang El
DEMOKRASYAN Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
G MAY
DISIPLINA SA Nakakapamuno o nakakalahok sa
ORGANISASYON kilusan o kampanyang masa

Pagsapi at Nakakapagpadaloy ng mga


pakikilahok sa pagpupulong
pambansang
demokratikong
Nakakabigay ng malinaw na
organisasyon;
instruction kung anong dapat
Paghasa at gawin (halimbawa sa agrikultura)

8
paglinang ng Nakakapagsalita sa pagtitipon
mga kaalaman at (halimbawa sa rally, press
kasanayan sa conference, negosasyon);
balangkas ng
kolektibong
Nakakaharap sa mga sundalo o
pagkilos at
pagpupunyagi ng
kinatawan ng gobyerno upang
organisasyon maipahayag ang saloobin ng mga
mag-aaral (negotiation)

Nakakapagbigay ng payo sa
nakababatang mag-aaral hinggil sa
disiplina,

Nakakagawa ng blog sa internet


para maipahayag ang mga
relevant issues

Mga Dapat Matutuhan (Learning Areas) sa Filipino

A. Batayang Kasanayan Pangkomunikasyon (Basic Communication Skills)

1. Aktibong Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbabasa
4. Pagsusulat
5. Pagtatanghal
6. Filling out forms

B. Epektibong Kasanayan Pangkomunikasyon (Effective Communication Skills

1. Pananaliksik at Dokumentasyon (Research and Documentation)


2. Panlipunang Pagsusuri at Dokumentasyon (Social Investigation and Documentation);
mission report
3. Pakikipanayam
4. Pagpapadaloy ng Pulong (Facilitation) o programa
5. Pagdedebate (Debate)
6. Pakikipagnegosasyon (Table negotiation)mediating in matters of conflict
7. Pagsasalita sa publiko (Public speaking)
8. Broadcasting (radio o tv)
9. Pagtatanghal
10. Resource generation (either monetary or non-monetary)/ Proposal writing

9
11. Documentation (minutas, report, affidavit, data fact sheets, notices, memorandum of
agreement, waiver)
12. Statement writing; manifesto; petition
13. Pagsusulat ng balita (news writing); features, editorial, press release,)
14. Paggawa ng mga sulat (business, friendly, aplikasyon sa trabaho, petition)

C. Panitikan (Pagbabasa, Pagsusulat, Pag-aaral ng panitikan)


1. Maikling kwento
2. Kwentong pambata
3. Dagli
4. Sanaysay
5. Tula (oyayi, korido, awit, balagtasan, haiku, tanaga, tanka, salawikain, bugtong, duplo)
6. Dula (dula-tula); paggawa ng iskrip ng dula
7. Alamat, Epiko, kwentong bayan
8. Awit (lyrics)
9. Nobela
10. Book review/ film review / literary critique
11. Panalangin
12. Biography
13. Autobiography
14. Diary / Journal

D. Kasanayang digital
1. Paggawa ng blog
2. Pag-upload ng mga akda, dokumentasyon, pananaliksik, at iba pang literatura
3. Paggawa ng power point, brochure,

10

You might also like