You are on page 1of 11

Pangkat 1

Abalos, Jeramie J. Matabang, Mary May B.


Celzo, Carla V. Quinto, Rodilio C.
De Guzman, Jolina C. Rosario, Althea M.
Hessan, John Paulo R. Solomon, Lauren Joy F.
Lucas, Marinella J. Ventura, May Ann E.

G. JEFERSON A. AUSTRIA
Instruktor, FIL 105

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 1


Tekstong Babasahín 1: Mga Lingguwistik na Ilusyon sa Pilipinas
Awtor: Ernesto A. Constantino
Sanggunian: Constantino, P. C. & Atienza, M. M. (2016). Mga piling diskurso sa wika
at lipunan. University of the Philippines Press. Mga pahina 179-186.

I. Pangkalahatang Ideya ng Teksto


Nakasentro ang sanaysay ni Ernesto A. Constantino sa paglalahad ng mga ilusyon
tungkol sa ating wikang pambansa at wikang panturo. Kasabay ng paglilinaw sa
mga ito, ipinaliwanag ng may-akda na higit sa ano pa mang wika, wikang Filipino
lamang ang may kakayahang magbigay sa atin ng tunay na pagkakaisa, edukasyon,
kaunlaran at kalayaan. Hinihimok din ng sanaysay na gawing maka-Filipino ang
sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Upang tugunan ang pangangailangang ito,
kinakailangan ng lubos na pagkilala at pagtanggap sa wikang pambansa bilang
mabisang instrumento sa komunikasyon at pagtuturo.

II. Linang-Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan/kasingkahulugan ng mga salitang natagpuan sa teksto at
gamitin ang mga ito sa pangungusap.
a. ilusyon - tumutukoy ang salitang ito sa pagiging hindi makatotohanan ng isang
bagay; maling pagpapakahulugan o paniniwala; panlilinlang sa damdamin ng
isang tao.
b. dalisay - nangangahulugang busilak, puro, malinis o walang katulad. Ito ay
karaniwang ginagamit upang ilarawan ang isang taong taos-pusong
gumagawa ng kabutihan sa kaniyang kapuwa.
c. tsobinismo (chauvinism) - tumutukoy sa agresibo at eksaheradong patriotismo.
d. lingguwistik - may kinalaman sa wika o lingguwistika (isang maagham na pag-
aaral o pagsusuri ng wika).
e. rebolusyonaryo - tumutukoy sa isang bagay na may isang malaking biglaang
epekto sa lipunan o sa ilang aspekto ng buhay ng tao.

III. Kritikal na Pagsagot sa mga Tanong

a. Ano-ano ang lingguwistik na ilusyon tungkol sa wikang pambansa ang tinukoy


ng may-akda? Paano ito napabulaanan? Ilahad ang sagot sa talahanayan.

Mga Lingguwistik na Ilusyon Pagpapabulaanan


Hindi nadedebelop ang wikang Maraming bansa ang nagplanong
pambansa. dumebelop ng kanilang mga wikang
pambansa hango sa isang patay na
wika (Fellman 1794). Sa katunayan,

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 1


maging ang Pilipinas ay sumubok na
dumebelop ng isang wikang komon
para sa ating bayan. Dahil sa interes sa
pagdebelop ng wikang panlahat,
naitatag ang disiplinang tinatawag na
“sosyolingguwistiks”, isang patunay na
walang katotohanan ang unang
ilusyon.
Papatayin ng wikang pambansa Ang wikang pambansa ay
ang mga katutubong wika sa pangalawang wika lamang ng
Pilipinas kapag ito’y nadebelop na. nakararami. Hindi nito nilalayong
patayin ang mga katutubong wika sa
Pilipinas. Sa halip, ito ay madalas na
ginagamit sa mga inter-etnik na
komunikasyon upang magkaroon ng
pagkakaunawaan ang mga pag-uusap
na kinasasangkutan ng magkaibang
katutubong wika.
Hindi maaaring dumebelop ng May mga natural na wika batay o
isang wikang pambansa batay sa nagdebelop mula sa dalawa o higit
higit sa isang wika. pang wika. Isang halimbawa nito ang
wikang Chabakano. Nakabatay naman
sa maraming mga wika ang ating
Lingua Franca na tinatawag na
“Filipino”.
Dapat maging “puro” ang wikang Ang puristang paniniwalang ito, ayon
pambansa para ito ay ituring o sa may akda, ay resulta ng malaking
kilalaning tunay na wikang ignoransya at ilusyon sa wika. Aniya,
pambansa. “walang buhay na wika na hindi
nanghihiram”. Ang purismo ay lason
sa anumang buhay na wika at
maituturing na isa sa mga dahilan ng
pagkabigo ng wikang Pilipino bilang
wikang pambansa.
Ang wikang pambansa ay dapat Higit sa pagiging simbolo lamang, ang
gamiting simbolo lamang (simbolo ating wikang pambansa ay dapat
ng kalayaan at pagkakaisa ng ating gamitin bilang pangunahing
bansa, simbolo ng ating aydentiti, instrumento sa ating debelopment lalo
ng ating pagiging “nasyonalistiko,” na sa larangan ng komunikasyon at
atbp.) edukasyon. Ang wikang pambansang
hindi ginagamit o magagamit para sa
ganitong tungkulin ay hindi dapat
ituring na wikang pambansa.

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 2


b. Ano-ano ang ilusyon sa wikang panturo ang tinukoy naman ng may-akda?
Paano ito napabulaanan? Ilahad ang sagot sa talahanayan.

Mga Lingguwistik na Ilusyon Pagpapabulaanan


Hindi maaari o mabuting gamiting Hindi totoo na hindi debelop ang
wikang panturo ang ating wikang ating wikang pambansa o ang
pambansa o alinman sa mga wika alinman sa mga wika natin. Tiyak na
natin. Hindi pa raw “debelop” ang hindi ang wika natin ang hindi
wikang ito. debelop kundi ang kakayahan, interes
at kaalaman natin dito.
Ang Ingles ang pinakamabuting Ang wikang Ingles at ang mga
wika para sa ating edukasyon. nilalaman nito ay hindi bahagi ng
ating kultura at sosyal na buhay.
Sapagkat isang banyagang wika sa
atin ang wikang Ingles, hindi tayo
maaaring maging tunay na edukado
sa wikang ito. Hindi maibibigay ng
wikang ito ang mga kaalaman, pag-
iisip, damdamin, atityud at
oryentasyon na angkop para sa
tamang edukasyon ng mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay isa sa mga Napakakonti ang mga Pilipinong
“English-speaking countries” o tunay na nakapagsasalita ng Ingles.
mga bansang nagsasalita ng Walang matatagpuang bayan, baryo,
Ingles. barangay, sitio, distrito o purok, o
anumang komunidad sa ating bansa
na Ingles ang katutubong wika ng
mga tao.
Madaling maisakatuparan ang Iilan lamang ang natuto noong Ingles
Bilingguwal na palisi sa edukasyon pa lamang ang pinag-aaralang wika
ng mga Pilipino sa wikang ng mga Pilipino, isang patunay na
pambansa at sa wikang Ingles. hindi magiging madali ang
Bilingguwal na palising ito.

c. Sa inyong palagay, laganap pa rin ba ang mga ilusyong nabanggit sa teksto sa


kasalukuyang pananaw ng mga Pilipino? Ipaliwanag.

Sa aking palagay, hindi na laganap ang ilan sa mga ilusyong nabanggit sa


teksto. Isang halimbawa nito ay ang pagtanaw ng mga Pilipino sa kasalukuyan
sa ating wikang pambansa bilang instrumento upang magkaunawaan. Hindi na

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 3


itinuturing na salot ang wikang Filipino sa ating mga katutubong wika na ‘di
umano’y magdudulot ng pagkalusaw ng mga ito. Dahil sa globalisasyon, naging
mas bukas din ang ating henerasyon sa pagbabago kung kaya’t masasabi kong
napakaliit na lamang ng porsiyento, kung mayroon man, ng mga Pilipinong
naniniwala at nagsusulong ng purismo sa ating wika.

Sa kabilang banda, hindi ko rin maitatanggi na mayroon ding mga ilusyong


nabanggit si Constantino sa kaniyang sanaysay na laganap pa rin sa ating
lipunan. Marami pa rin sa atin ang tumitingin sa ating wikang pambansa bilang
simbolo lamang. Ingles pa rin tayo ng ingles kahit kapuwa Pilipino naman natin
ang ating kausap. Ang taunang pagdaraos ng buwan ng wika ay mistulang
rituwal na lamang upang masabi na tayo ay mga Pilipino. Malakas pa rin ang
ating pagkiling sa wikang Ingles, at marami pa rin ang hindi sang-ayon sa MTB-
MLE dahil ayon sa mga magulang, higit na mainam pa rin ang Ingles sa
pagkatuto ng mga bata.

d. Ano ang pananaw mo sa nabasang lingguwistik na ilusyon hinggil sa wikang


pambansa? Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit oo, bakit hindi?

Hindi ako sumasang-ayon sa mga lingguwistik na ilusyon hinggil sa ating


wikang pambansa. Para sa akin, may kakayahang madebelop ang wikang
Filipino dahil sa pagiging dinamiko ng wika. Hindi maituturing na
“pambababoy” sa ating wikang pambansa ang panghihiram ng mga salita. Sa
halip, ito ay nagpapakita ng pagiging bukas nito sa pagbabago na siyang
nagiging dahilan ng pag-unlad ng isang wika.

Wala ring katotohanan na ang wikang Filipino ang papatay sa ating mga
katutubong wika sa Pilipinas. Sa katunayan, ito ang nagsisilbing tulay upang
magkaunawaan ang mga Pilipinong may magkaibang katutubong wika. Bilang
isang Pilipino, dapat nating isulong ang mas komprehensibo at mas
makabuluhang paggamit sa ating wikang pambansa. Hindi dapat natin ito
tinatanaw bilang basta-bastang simbolo lamang sapagkat ito lang ang bukod-
tanging wikang may kakayahang magbigay sa atin ng lubos na pagpapayabong
sa ating mga sarili.

e. Ano ang panawagan ng may-akda sa mga sosyal sayantist?

Ang panawagan ni Ernesto A. Constantino para sa lahat ng mga Pilipino, lalo na


sa mga sosyal sayantist, ay ang agarang pagkakasundo at pagkakaisa tungkol
sa wikang pambansa upang agad itong madebelop at magamit bilang tunay na
pangunahing wika ng ating bansa at ng mga Pilipino lalo na sa edukasyon.

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 4


Aniya, "mahalagang magkaisa tayo sa ating wikang pambansa sapagkat ito
lamang ang wikang makakaganap sa mga tungkuling pilit na ipinagaganap sa
wikang Ingles."

f. Paano mo ilalarawan ang kasalukuyang polisiyang pangwika ng ating sistemang


edukasyonal sa bansa? Naging mabisa ba ang polisiyang ito sa pagtuturo sa
mga Pilipino? Pangatwiranan.

Mailalarawan ang kasalukuyang polisiyang pangwika ng ating sistemang


edukasyonal bilang hindi pa ganap na nakatutulong sa kalidad ng pagkatuto
ng mga estudyante. Bagaman multilingguwal na ang pagtuturo sa mga
paaralan, naiulat pa rin na nasa 94% na mga estudyanteng nasa 15 taong
gulang ang gumagamit ng wika sa kanilang mga tahanan na iba sa ginagamit
sa mga eskuwelahan (Programme for International Student Assessment, 2018).
Kaakibat ng nasabing assessment ang resulta na naglalagay sa Pilipinas bilang
bansang may pinakamababang marka sa reading o pagbasa.

Ang Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) na
nagpapatupad sa Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE ay
humaharap pa rin sa mga hamon sa kasalukuyan. Sa katunayan, kulang ang
mga aklat na nakasulat sa mother tongue at maging ang mga pormal na
training para sa pagtuturo nito ay mabibilang lamang sa daliri. Dahil dito,
masasabi kong hindi pa gaanong mabisa ang mga polisiyang pangwika sa ating
bansa. Hindi pa rin natin nakakamit ang ganap na potensiyal ng mga ito dahil
sa kawalan natin ng sapat at tamang mga resources.

IV. Impresyon sa Teksto

Para sa akin, hindi lamang mga lingguwistik na ilusyon at mga paglilinaw sa mga ito
ang nabigyang-diin sa teksto ni Ernesto Constantino. Inilantad din nito ang isa sa mga
hindi mapuksa-puksang ideolohiya ng mga Pilipino patungkol sa wikang Ingles—na
ito ay superyor at pamantayan ng katalinuhan. Bagaman hindi tahasang nasabi,
mahuhugot mula sa teksto ang isa sa mga kahinaan nating mga Pilipino: ang
kakulangan sa kakayahang umunawa nang mas malalim at mas kritikal o ang
kahinaang umases sa mga bagay-bagay. Isang patunay nito ay ang paniniwalang
walang masamang maidudulot ang wikang Ingles sa atin.

Mabigat man sa aking loob, hindi ko ikakailang mula noon at hanggang ngayon, labis
pa rin ang pagkiling ng ating lipunan sa wikang banyaga na ito sa pag-aakalang ito
ang natatanging susi sa maalwang pamumuhay. Kasabay nito ang lumiliit na
oportunidad ng pagdebelop sa ating wikang pambansa dahil sa lumalakas na puwersa

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 5


ng pagsasantabi rito. Tunay ngang hindi pa tayo ganap na malaya dahil sa ating
kolonisadong kaisipan at mahaba pa ang ating lalakbayin upang ito’y matuldukan.

- Althea M. Rosario

Sa aking nabasang sanaysay ni Ernesto A. Constantino, nabatid ko ang maraming mga


ilusyon at mga maling pananaw na umusbong tungkol sa ating wikang pambansa at
ganoon din sa ating wikang panturo. Sinasabi ng isa sa mga ilusyon sa teksto na hindi
raw nadedebelop ang ating wikang pambansa ngunit ito ay isang malaking
pagkakamali dahil ang ating wika ay nadedebelop kasabay ng paglipas ng panahon.
Patungkol naman sa ating wikang panturo, mahalagang gamitin natin ang wikang
pambansa maging ang wikang Ingles. Sa pamamagitan ng paggamit natin ng wikang
Filipino, higit na madedebelop at mapalalawak ang ating kaalaman patungkol sa ating
wika. Ang Ingles naman bilang wikang panturo ay mahalaga rin sapagkat may ilang
mga asignaturang kinakailangang gamitan nito dahil na rin sa mga salitang mahirap
tumbasan sa ating wika.

- Jeramie J. Abalos

Batay sa tekstong aking binasa, mahihinuha ko ang ideya o kaisipan na ang ilan sa
mga Pilipino ay patuloy pa ring ligaw sa mga ilusyon at maling pananaw ukol sa ating
wikang pambansa. Sa mga panahong ito ay patuloy pa ring lumalaganap at
nagpapatuloy ang mga ilusyong ito na pumipigil sa atin upang lubos na matamo ang
pagkakaroon ng sapat at ganap na kahusayan sa ating wikang pambansa. Sa kabila ng
pagiging maunlad at debelop ng wikang Filipino ay hindi pa rin nabibigyang halaga at
pansin ang taglay nitong katangian at potensiyal na kung higit na malilinang ay
malaking bagay upang mapagtibay ang pagkakakilanlang Pilipino sa puso, isip, at
diwa.

- Jolina C. De Guzman

Pagkatapos kong mabasa ang sanaysay ni Ernesto Constantino na, “Mga Lingguwistik
na Ilusyon sa Pilipinas”, napagtanto ko na dapat ay huwag nating kalimutan ang ating
unang wikang kinagisnan at patuloy natin itong pagyamanin at payabungin sa paglaon
ng panahon. Magkaroon tayo ng pagbabalanse sa paggamit ng wika, ipagmalaki sa
lahat ang wikang Filipino, at bigyan ito ng higit na importansiya kaysa sa anumang
wikang banyaga.

- Lauren Joy F. Solomon

Puno ng mga ilusyon patungkol sa ating wikang pambansa at wikang panturo ang
teksto. Sa mga ilusyong nabanggit, tumatak sa akin ang paniniwalang walang
kakayahang madebelop ang ating wika na siyang itinanggi ng may-akda. Samantala,
ang paggamit ng wikang ingles bilang ating wikang panturo ay mahalaga rin sa ating

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 6


pagkatuto sapagkat mayroong mga asignaturang mahirap isalin o intindihin kung ito
ay ituturo sa ating sariling wika. Gayunpaman, huwag nating kalimutan at pabayaan
na matabunan ang ating sariling wika dahil lang sa paggamit ng wikang Ingles.
Kailangan pa rin natin ito dahil tayo ang pinakamahalagang parte upang lalo itong
madebelop.

- May Ann E. Ventura

Sa aking pagbabasa ng sanaysay ni Constantino tungkol sa limang maling paniniwala


o ilusyon sa wikang pambansa, nalaman ko na hindi naman talaga nawawala ang
katutubong wika kahit pa marunong ng Filipino at iba pang lengguwahe ang isang
tao. Hindi totoo ang akalang hindi maaaring dumebelop ng isang wikang pambansa
mula sa dalawa o higit pang wika at hindi rin posible ang pagiging puro ng isang wika,
dahil ito ay nadedebelop sa mahabang panahon ng paggamit, panghihiram, at
pagkikipag-ugnay sa iba pang mga wika. Kaya naman, mahalagang ibahagi natin sa
iba ang ating kaalaman sa tekstong ito upang mamulat tayong lahat sa yaman at
potensiyal ng Filipino at nang sa gayon ay mas lalo pang umunlad ang ang ating
kaalaman sa ating wikang pambansa.

- Marinella J. Lucas

Ako ay nalungkot sa mga nabasa kong ilusyon patungkol sa ating wikang pambansa,
partikular na ang paggamit nito sa mababang lebel na kurso habang ang wikang
Ingles naman sa mataas na kurso. Sinabi ring maaari lamang gamitin ang ating wikang
pambansa sa mga walang kabuluhang bagay. Bilang nagpapakadalubhasa sa Filipino,
masakit na mabasa o marinig ang mga ganitong paniniwala na tila ikinahihiya at
itinatakwil natin ang wikang Filipino. Kaya naman, mahalagang maitatak sa isipan ng
bawat Pilipino na ang ating wikang pambansa ay napakahalaga sapagkat ito ang
nagdudugtong sa atin sa kabila ng ating pagkakaiba.

- Mary May B. Matabang

Isang kahibangan ang mga maling paniniwala hinggil sa ating wikang pambansa
sapagkat ito ay lalo pang nadedebelop sa kasalukuyan at patuloy na nagbibigay ng
karunungan. Maraming mga hiram na salita sa Ingles ang namamayani sa wikang
Filipino na siyang dahilan ng pagsupil sa lason sa ating wika na tinatawag na “purismo.”
Sa aking palagay, kinakailangang paigtingin ang pagpapahalaga sa ating wikang
pambansa sapagkat dito natin maipapakita ang ating tunay na pagmamahal sa bayan.
Bilang isang Pilipino, dapat pa nating payamanin ang ating kaalaman tungkol sa ating
wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito sa bawat aspekto ng ating
buhay. Napakahalaga ng ating wikang pambansa sapagkat ito ang nagpapakita kung
saan tayo nagmula. Ipinapakita rin nito ang ating pagiging Pilipino—na tayo ay hindi
nagpapatinag at lalo pang nagiging malakas para ipaglaban ang ating kalayaan. Nawa

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 7


ay magkaisa tayo sa pagpapalawak ng ating kaisipan sa paggamit ng wikang
pambansa upang ito ay patuloy na lumago.

- Carla V. Celzo

Sa pagbabasa ng teksto ni Ernesto A. Constantino, napansin ko na ang akda ay


naglalaman lamang ng mga negatibong pananaw at paniniwala hinggil sa wikang
pambansa. Para sa akin, hindi masama ang maniwala sa mga ilusyong ito kung may
sapat na batayan at pagpapatunay dahil naniniwala ako na sa bawat argumento hindi
puwedeng walang basehan ang nais patunayan. Gayunpaman, hindi ko sinasang-
ayunan ang mga paniniwalang gaya ng ilusyong hindi kayang madebelop ng ating
wika sapagkat nararapat lamang na ito ay umunlad para sa pagbubuklod ng mga
rehiyon sa bansa na may iba’t ibang wika. Dapat lamang na patuloy na madebelop ang
ating wikang pambansa upang ganap na matamo ang tunay na pagkakaisa,
edukasyon, kaunlaran at kalayaan.

- Rodilio C. Quinto

Kahit pa mahaba ang kasaysayan ng ating wikang pambansa, kinakailangan pa rin


natin itong pahalagahan na parang kahapon lamang natin ito nakamtan. Batay nga sa
sinabi ni Constantino, mahigit pitumpong taon na ang kilusan hinggil sa wikang
pambansa at meron nang dalawang wikang panlahat ang dumaan sa atin. Subalit,
marami pa rin sa atin ngayon ang halos walang alam at walang interes sa kilusang ito.
Kaya naman, mahalagang mapuksa ito dahil maraming tao ang naglaan ng buhay at
panahon upang ipaglaban ang wikang Filipino.

- John Paulo R. Hessan

V. Paglalapat sa Nadalumat
Magsagawa ng maikling saliksik tungkol sa mga kasalukuyang kinakaharap na isyu
ng ating edukasyon sa bansa na maaaring may kinalaman sa mga polisiyang
pangwika na pinaiiral sa kasalukuyan. Itala ang mga nasaliksik at magbigay ng mga
mungkahing solsuyon para sa mga naitalang isyu. Gawan ito ng slide show
presentation at ibahagi sa klase. Tasahin ang slide show presentation gamit ang
rubrik sa ibaba:

Naisagawa Medyo Naisagawa Hindi Naisagawa


3 2 1
Nakalap na mga Siksik at mayaman sa Hindi gaanong sapat Kulang ang mga
isyung pangwika mga nakalap na isyung ang mga nakalap na nakalap na isyung
edukasyonal isyung edukasyonal pangwika

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 8


Organisasyon Naihahanay nang Bahagyang Hindi organisado ang
maayos at lohikal ang naihahanay ang mga paghahanay ng mga
isyu isyu isyu
Kalinawan ng Malinaw at madaling Hindi gaanong Mahirap unawain at
presentasyon maunawaan ang malinaw at madaling sundan ang daloy ng
presentasyon unawain ang presentasyon
presentasyon
Kahandaan Nagpapakita ng lubos Handa sa Hindi lubos ang
na kahandaan; presentasyon subalit kahandaan at hindi
naipaliliwanag at hindi gaanong nasasagot nang
nasasagot nang naipaliliwanag ang maayos ang tanong ng
mabuti ang tanong ng sagot sa tanong ng mga kaklase
mga kaklase mga kaklase
Mga ibinigay na Makabuluhan, angkop, Hindi gaanong angkop Walang naibigay na
mungkahing at realistiko ang mga at realistiko ang mga mga mungkahing
solusyon mungkahing solusyon naibigay na solusyon
mungkahing solusyon

Kakulangan ng Bisa ng MTB-MLE sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Sa mandato ng Republic Act No. 10533 o mas kilala bilang K to 12 law, nagkaroon ng
katuparan ang Mother Tongue-Based Multilingual Education. Nakasaad dito na ang
unang tatlong taon ng pagtuturo sa elementarya ay nangangailangang isagawa sa
lokal o wikang rehiyonal ng mga mag-aaral. Ayon kay Dr. Ricardo Nolasco,
tagapagtaguyod ng MTB-MLE, ang polisiyang nabanggit ang pinakamainam na
paraan upang makamit sa ating bansa ang pinakamataas na kalidad ng edukasyon. Sa
ganitong paraan, mas mahahasa ang ating kritikal na pag-iisip hinggil sa mga aralin sa
eskuwelahan at maging sa mga isyung panlipunan. Ngunit sa kasamaang palad, hindi
ito ang sinasabi ng mga datos.

Base sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science International


Student Assessment Test noong 2019, nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa pagbasa,
matematika, at agham at teknolohiya. Ang pangungulelat ng ating bansa sa mga
international test ay dahil umano sa polisiyang MTB-MLE. Bilang mga
nagpapakadalubhasa sa Filipino, iminumungkahi ng aming grupo ang pagrerepaso sa
K to 12 curriculum, partikular na ang probisyon hinggil sa MTB-MLE. Sa halip na isulong
ang pagkalusaw nito sa ating edukasyon, higit na mainam kung maghahanap tayo ng
paraan upang ganap na maging maayos ang pagpapatupad nito.

Ang ilan sa mga hakbang na ito ay maaaring mag-umpisa sa paglalaan ng panahon


upang maglimbag ng mga dekalidad na textbooks na nakasulat sa mother tongue.
Dahil sa malaki ang papel ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral, mabisa rin

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 9


na magkaroon ng iba't ibang seminar o symposium tungkol sa kung papaano
maisasagawa nang mahusay ang pagtuturo gamit ang lokal na wika. Kung
pahihintulutan ng pagkakataon, nawa ay magpatupad din ang Kagawaran ng
Edukasyon ng pormal na training para sa mga guro ng MTB-MLE nang sa gayon ay
madebelop ang kanilang propesyonal na kakayahan sa paggamit ng mother tongue
bilang wikang panturo.

USISA: Ulat sa Masinsinsing Pagbasa | 10

You might also like