You are on page 1of 57

Benedicite!

Bb. Gelian Mae V. Orfilla


Guro sa Filipino
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
ARALIN 1:
Mga Batayang
Kaalaman Sa Wika
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagwa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan


ng wika;

2. nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng PIlipinas


Matapos ang aralin, inaasahang maisasagwa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:

3. nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

4. nakapagtatala ng mga sitwasyong nagpapakita ng


magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng
Pilipinas.
Ano ang Wika?
“Proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe na
maaaring berbal at di-berbal.”
(Bernabe et. al).
“Midyum na ginagamit sa maayos
na paghahatid at pagtanggap ng
mensahe.” (Mangahis et. al).
“Ang ay isang kalipunan ng mga
salita at mga pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap
ang isang grupo ng mga tao.” (Zafra
2000)
“Ginagamit ang wika para kamtin
ang lahat ng pangangailangan ng
mga tao.” (Lumbera, 2007)
“Ayon kay Henry Gleason, ang
wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.”
(Austero et al., 2007)
Sa pangkalahatan, batay sa
mga kahulugan ng wika na
nabanggit, masasabi na ang wika
ay kabuuan ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at ng mga
simbolong isinusulat.
Sa wika, nasasalamin ang kultura
at pinagdaanang kasaysayan ng
isang bansa.
Mahalaga ba ang
Wika?
 instrumento sa komunikasyon.

 pagpapanatili, pagpapayabong,
at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao.
 pagpapanatili ng pambansang
kamulatan at pagkakakilanlan.

 wika ang nagsisilbing tagapag-


ingat at tagapagpalaganap ng
mga karunungan at kaalaman.
Mahalaga ba ang
Wika?
Paano kaya magkakaintindihan ang
dalawang nag-uusap na may
magkaibang etnolingguwistikong
grupo?
Ang wikang ginagamit sa
komunikasyon ng
dalawang taong may
magkaibang wika.
Nagsisilbing tulay ng
komunikasyon ng bawat
isa.
Lingua Franca
Ano ang lingua
franca ng
Pilipinas?
FILIPINO
Mga Kalikasan ng Wika
“Ayon kay Henry Gleason, ang
wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.”
(Austero et al., 2007)
Hindi maaaring
paghiwalayin ang wika
at kultura
Ang kultura ang
nagpapayaman sa wika
samantalang ang wika naman
ang nagbibigay ng ngalan o
salita sa lahat ng gawaing
nakapaloob sa kultura.
Ang wika ay buhay o
dinamiko. Namamatay ang
wika kapag hindi nakasabay sa
pagbabago ng panahon o hindi
tumanggap ng mga
pagbabago.
HALIMBAWA:
“hataw”
“ hinataw si Juan ng kaniyang ina gamit
ang bitbit nitong payong dahil sa kapilyuhan”

“pagpalo”
HALIMBAWA:

“ humataw sa takilya ang pelikula ng


bagong tambalan”

-nangangahulugang mabili o nagustuhan


ng marami kaya kumite nang Malaki.
Ang wika ay unique o natatangi. Walang
wikang superior sa isa pang wika. Lahat ng
wika ay pantay-pantay sapagkat mayroon
itong kani-kaniyang katangiang taglay na
natatangi sa isa’t-isa.
Gayundin, hindi dahil mas mayaman,
malakas, at mas maunlad ang isang bansa
ay mas superior o mas makapangyarihan na
ang wika ng bansang ito kaysa sa ibang
mas mahirap na bansa.
180 na wika ang
sinasalita sa Pilipinas.
May bentahe ba
ang pagkakaroon
ng maraming
wika?
Ayon sa lingguwistang si
Ricardo Ma, Nolasco, dating
tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)

“Linguistically diverse at culturally


diverse ang ating bansa”
Heterogenous ang sitwasyong
pangwika sa Pilipinas dahil
maraming wika ang umiiral dito at
may mga diyalekto o varayti ang
wikang ito.
Homogenous ang sitwasyong
pangwika sa isang bansa jung iisa
ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan nito.
WIKA

DIYALEKTO
WIKA
Pangunahing wikang
sinasalita sa buong
kapuluan.
Ilocano Bicolano
Pangasinan
Cebuano
Kapampangan
Tagalog Filipino

Waray-waray Hiligaynon
DIYALEKTO
Varayti ng wika
pagkakaiba ng bahagya
sa bigkas, paggamit ng
panlapi, o ayos ng
pangungusap.
Tagalog-Bulacan

Tagalog-Cavite

Tagalog-Metro Manila
Bilingguwalismo
Tumutukoy sa dalawang wika.
Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng dalawang
wika nang may pantay na
kahusayan.
Multilingguwalismo
Tumutukoy sa pantay na kahusayan
sa paggamit ng maraming wika ng
isang tao o ng grupo ng mga tao.
Anong wika ang
unang mong
natutuhan?
Unang Wika
Tinatawag ding “inang wika”
ang unang wika dahil ito ang
unang wikang natutuhan ng
isang bata.
Kautusan Blg. 74, Serye 2009
ng Kagawaran ng Edukasyon
Mother Toungue-Based
Multilingual Education (MTB-MLE).
Ang paggamit ng unang wika
bilang panturo mula preschool
hanggang ikatlong baitang sa
elementarya.
Pangalawang
Wika
Ang wikang natutuhan ng isang
tao pagkaraang matutuhan ang
unang wika.
Wikang Pambansa
Batay sa Artikulo XIV,
Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng
1987, FILIPINO ang
wikang pambansa ng Pilipinas.
Bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng
wikang pambansa?
“Ang wikang pambansa ang
sumisimbolo sa kalayaan ng
isang bansa.”
FILIPINO
Konstitusyon ng 1987 Konstitusyon ng 1987
Artikulo XIV, Seksiyon 6 Artikulo XIV, Seksiyon 7

Lingua
Franca
“ang wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at Ingles.Gagamitin
ang Filipino sa pag-akda ng
mga batas at dokumento ng
“Filipino bilang midyum ng tulay ng pamahalaan at ang wikang
oipisyal na komunikasyon at komunika gagamitin sa komunikasyon sa
bilang wika ng pagtuturo sa -syon ng loob ng bansa. Samantalang,
sistemang pang-edukasyon. bansa gagamitin naman ang Ingles sa
pakikipagkomunikasyon s amga
banyaga sa loob at labas ng
bansa”
kung halimbawa, ang taong
gumagamit nito ay may iisang
HOMOGENOUS NA bigkas sa mga salita, pare-
WIKA pareho ang tono at
intonasyon sa pagsasalita, at
iisa ang pagpapakahulugan
sa mga salitang ginagamit.

may varayti at pagkakaiba-


HETEROGENOUS iba ang bawat wika.
Tinatawag din itong
NA WIKA lingguwistikong varayti ng
wika.
FILIPINO at INGLES ang
opisyal na wika ng
Pilipinas.
Gawain 1

POSTER MO, I-POST MO!


Panuto:
1. Gamit ang ikaapat na bahagi ng kartolina, gumawa ng poster na nagpapakita
kung ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging malikhain sa paggawa ng iyong
poster.
2. Kuhanan ang sarili ng “video” hawak ang poster na ginawa at magbigay ng
maikling pagpapaliwanag na hindi lalampas sa 1 minuto lamang.

3. I-post ang video sa facebook na may caption na #WikangFilipinoWikako.


Pagkatapos ay i-tag ako sa sa aking facebook account na
https://web.facebook.com/gelianmae.orfilla bago o sa mismong araw ng
biyernes, Agosto 28, 2020. Ang makukuhang bilang ng Facebook likes ay may
karagdagang puntos.
Rubrik sa Pagtataya
Pamantayan Deskripsiyon Puntos

 Malinaw ang pagpapakahulugan


Nilalaman  Orihinalidad ng kahulugang ibinigay 20
 Organisado ang Ideya

 Malikhain/Nakaaakit ang disenyo ng


Pagkamalikhain poster 10
 Malinis ang pagkakagawa ng poster

 Kalinawan ng pagpapaliwanag
Kabuuang Presentasyon  Wastong gamit ng wika sa pagsasalita. 10
 Maayos na pananamit

Dami ng facebook likes 10

Kabuuan 50
Paalam mga
mag-aaral!

You might also like