You are on page 1of 2

Narito ang ilang mga halimbawang entri sa mga nabuong glosari:

GLOSARI SA EDUKASYON (Reyes-Otero et al. 2002)

 abstraktong pag-iisip (abstract thinking) – pag-iisip sa pamamagitan ng konsepto at


pangkalahatang prinsipyo.
 bahagyang bingi (hard-of-hearing) – taong nawalan ng pandinig kaya hirap
maunawaan ang sinasabi ng iba.
 daluyan ng komunikasyon (channel of communication) – ang landas na sensori-
motor na sa pamamagitan ng pananalita nailipat, halimbawa, pakikinig-pagsasalita,
pagkita-paggalaw, at iba pang mga posibleng kombinasyon.
 dimensiyong olfaktori (olfactory dimension) – tumutukoy ang aspektong ito ng
komunikasyon sa pagbibigay ng kahukugan sa amoy ng kausap. Nagpapahalaga ang
ibang kultura sa amoy ng tao.
 etratehiya sa pagtuturo (strategy of teaching) – malawak na pamamaraan sa
pagtuturo.
 hyu (hue) – pagtaya s apangalan ng kulay upang maipakita ang posisyon nito sa
ispektrum o sa color wheel.
 madaling paglilipat ng natutuhan (low-road transfer of learning) – tumutukoy sa
tuloy-tuloy at awtomatikong paglilipat ng mga kakayahang lubhang pinagsanayan.
 open-minded item – tanong na nagbibigay sa respondent ng Kalayaan sa pagsagot.
 retroaktibong inhibisyon (retroactive inhibition) – huminang kakayahan na
alalahanin ag dating natutuhang impormasyon dahil sa pagkatuto ng bagong
impormasyon.
videotele-conferencing – tekonolohiyang pang-distance education na nag-uugnay
ng one-way video at two-way audio sa pamamagitan ng telepono mula sa
nagpapadala ng video at ng mga lugar na tumatanggap ditto.

GLOSARI SA MGA SALITA SA PAGPAPALANONG URBAN AT REHIYUNAL (Gomez et al.


2013)

 abattoir – lugar ng katayan ng mga baboy, baka, at iba pang nakakain na hayop, na
maaaring pinapatakbo ng pamahalaang-lokal.
 access management – proseso ng pamamahala sa pagpapaunlad ng lupa kasabay
ng pagpapanatili sa kaayusan kaugnay ng kaligtasan, dami, at bilis ng daloy ng
trapiko.
 bahura – umbok na bato, buhangin o tangrib, gaya ng matatagpuan sa baybayin, na
maaaring sadsaran ng maliliit na sasakyang pandagat.
 gubat – likas at malawak na sukat ng lupa na puno ng mga punongkahoy at ilahas
na halaman at hayop.
 hubog-lupa – proseso o arte ng pagsasaayos ng anyo, itsura, at mga bagay na
nakaugat o nakapatong sa isang nakatakdang lupa upang maging higit na kapaki-
pakinabang at kaaya-aya ito sa mga taong gagamit.
 isahang biyahe – isang pampasaherong biyahe gamit ang isang sasakyan lamang
tulad ng isang biyahe ng kotse o bus.
 intermodal transportation – paglilipat ng tao o bagay o gamit sa iba’t-ibang paraan,
gaya ng sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pandagat.
 komprehensibong planong pangkaunlaran (comprehensive development
plan/CDP) – pangkalahatang plano sa mga gawaing pangkaunlaran ng isang
komunidad at ng pamahalaang-lokal.
 paisahe (landscape) – tanawing pangkalikasan tulad ng bundok, parang, at
kagubatan.

You might also like