You are on page 1of 26

UNANG MARKAHANG MGA ARALIN

YUNIT I – HEOGRAPIYA AT MGA


SINAUNANG KABIHASNAN SA
DAIGDIG

Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig


I. KASAYSAYAN
A. KAHULUGAN: sangay ng kaalaman na nakatuon sa pag-aaral ng nakalipas
na karanasan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran dito sa mundo. (Making
Sense of World History, Poe et.al 2001)
B. PINAGMULAN NG SALITANG KASAYSAYAN
1. Sa lenggwaheng Filipino ang salitang kasaysayan ay nagmula sa salitang
ugat nito na “saysay” nangangahulugang mahalaga o makabuluhan at
gayundin ang “salaysay” na ibig sabihin naratibo, kuwento, paglalahad at
pag-uulat.
2. Samakatuwid, ang kasaysayan ay salaysay na may saysay o kabuluhan
para sa isang grupo o kalipunan ng mga tao na pinatutungkulan nito.
(Villan, 2007)
C. PINAGMULAN NG SALITANG HISTORY
1. Historia – salitang Griyego na nangangahulugang: learning by inquiry or
investigation.
2. Herodotus – isang Griyegong historyador na tinaguriang “Ama ng
Kasaysayan”, nangalap ng impormasyon tungkol sa Digmaang Persiano.
3. Thucydides – isang Griyegong Historyador na itinuturing na nagpasimula
ng modelo ng pagsusulat ng kasaysayan na nakabatay sa mga aktuwal na
mga pangyayari.
D. SANGAY NG KASAYSAYAN
1. History – pag-aaral ng kasaysayan batay sa mga sulatin o panahon na
nakaimbento ang tao ng sistema ng pagsusulat.
2. Prehistory – pagsisiyasat sa nakalipas na nakadepende sa mga labi o
fossils at artifacts o mga kagamitan na nagawa noong unang panahon,
kabilang din ang kasaysayang pasalita o oral history.
E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KASAYSAYAN
1. Ang kasaysayan ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa nakalipas na
magagamit naman upang:
 masmaunawaan ang nakalipas na mga pangyayari at
maiugnay sa kasalukuyan.
 magsilbing gabay o modelo sa mga gagawaing hakbangin sa
kasalukuyan.
 mapaghandaan ang hinaharap mula sa aral sa nakalipas.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
2. Itinataguyod ng pag-aaral ng kasaysayan ang pagrespeto at pag-unawa
sa ibang tao at kultura.
3. Ang kaalaman natin sa kasaysayan ay nagdudulot ng paghanga sa ating
sariling kultura at pamana.
Pag-isipan:
Magbigay ng komento sa pahayag: “Those who do not remember the past are
condemned to repeat it.” – George Santayana
II. HEOGRAPIYA
A. HEOGRAPIYA – ito ang sangay ng agham na nag-aaral sa daigdig at sa mga
pisikal na katangian, lupain, naninirahan at phenomenon dito. May dalawang
sangay ito ng pag-aaral:
1. Heograpiyang Pisikal – sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-aaral ng
mga katangian at proseso o mga gawi sa likas na kapaligiran.
2. Heograpiyang Pantao - sangay na nakatuon sa pag-aaral ng interaksyon
ng mga tao sa kanyang pisikal na kapaligiran. Pinagtutuunan ng pansin
nito ang mga pamayanan, kultura, ekonomiya, wika, relihiyon, lahi at
pangkat etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. ANG MGA PISIKAL NA KATANGIAN NG MUNDO
1. Anyong Lupa
a. Kontinente – mayroong pitong kontinente ang mundo
Mga Teorya sa Pagkakabuo ng Kontinente
 Wegener’s Thesis o Continental Drift Theory - ang mga kontinente
ay produkto ng pagkawatak-watak ng PANGAEA na naganap 200
milyong taon na ang nakakaraan.
 Plate Tectonics Theory – nabuo ang mga kontinente dala ng
paggalaw ng mga crustal plates na nakapatong sa astenosphere.
Isang itinuturong paliwanag ng paggalaw ng mga kontinente batay
Wegener’s Thesis.
b. Iba pang anyong lupa: Hanay ng bulubundukin, bundok, burol, bulkan,
tangway, tangos, kapatagan, talampas, tundra, steppe, prairie,
pampas, llano, savanna, disyerto, lambak, pulo at kapuluan.
2. Anyong Tubig
Mga halimbawa ng anyong tubig: ilog, dagat, karagatan, kipot, golpo,
look, fjord, lawa at iba pa.
3. Klima – ito ay tumutukoy sa kalagayang pang-atmospera sa matagal na
panahon, sumasakop ito sa kalagayang temperatura, kahalumigmigan
(humidity), athmospheric pressure, hangin, ulan at iba pang
meteorological elements. May mga salik na nakakaapekto sa uri ng klima
na nararanasan ng isang lugar at ito ay ang mga sumusunod:
a. Mga salik na nakakaapekto sa uri ng klima:
 Lokasyon sa mundo o latitude
 Porma ng lupa (terrain)
 Taas (altitude)
 Snow o ice cover
 Karagatan at ang agos nito (ocean currents)
 Direksyon ng hangin
4. Likas na yaman – flora at fauna
5. Yamang Mineral

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
6. Yamang Tao
Pakatandaan na ang mga katangiang ito ay nakakaapekto sa isa’t isa.
Pag-isipan:
 Paano nakakaapekto ang anyong lupa sa uri ng trabaho ng isang tao?
 Bakit hindi puwedeng mamunga ang strawberry sa maiinit na lugar?
 Bakit malamig ang klima sa baguio gayong tayo ay nasa sonang tropical?
C. Ilang Salik ng Pag-aaral sa Heograpiyang Pantao
1. Wika
 Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan, ito ay may kalipunan ng
mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.
 Mayroong 7, 105 na buhay na wika sa buong mundo.
 Mayroong 136 language family sa mundo at ilan sa mga ito ang
sumusunod: Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger-Congo at
Sino-Tibetan.
2. Relihiyon
 Ito ang kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng
mga tao tungkol sa Diyos.
 Ang organisado at sistematikong mga doktrina nito ay nagsisilbing
gabay sa pamumuhay ng tao.
 Ilang pangunahing Relihiyon sa Daigdig: Kristiyanismo, Islam,
Hinduismo at Budismo
3. Lahi/Pangkat Etniko
 Lahi o Race – tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng
mga tao, gayundin ang pisikal o biyolohikal na katangian ng pangkat.
 Pangkat Etniko – ang pagkakakilanlan ng pangkat ay batay sa
pagkakatulad ng kultura, pinagmulan, wika at relihiyon.
D. Mga Tema sa Pag-aaral ng Heograpiya
1. Lokasyon – tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig,
maaaring lokasyong absolute o lokasyong relatib o bisinal.
2. Lugar – tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
3. Rehiyon – pagbabahagi sa daigdig batay sa pagbubuklod ng mga
magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran – ang kaugnayan ng tao sa pisikal na
katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan.
5. Paggalaw – ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar; kabilang din ang paglipat ng mga bagay o produkto;
gayundin ang likas na pangyayari tulad ng hangin o ulan. Tatlong uri ng
distansya sa paggalaw:
 Linear: ang pisikal na layo mula sa isang lugar.
 Time: ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang lugar.
 Psychological: paano tinitingnan ang layo ng isang lugar.
E. Ang Ugnayan ng Heograpiya at Kasaysayan
1. Ang heograpiya ang isang salik na humuhubog sa kasaysayan.
Halimbawang situwasyon
2. Ang heograpiya ay nakakaapekto sa kultura ng mga tao.
3. Ang heograpiya ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mga tao.
4. Ang heograpiya ay nakakaapekto sa kalagayang pulitikal ng mga bansa.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
5. Ang mga pandaigdigang phenomenon ay nakakaapekto sa pamumuhay
ng mga tao. Magandang halimbawa nito ay ang nararanasan nating global
warming.
Pag-isipan: Paano ka naapektuhan ng global warming? Anong mga hakbang na
nagagawa mo sa harap ng mga isyung pangkalikasan.
III. MAPA at GLOBO
A. MAPA – isang representasyong grapikal ng lahat o bahagi ng mundo sa isang
patag na ibabaw o flat surface.
B. GLOBO – isang maliit na modelo ng mundo.
C. MGA ELEMENTO NG ISANG MAPA O GLOBO
1. Titulo – nagsasabi kung ano ang nilalaman nito at kung ano ang uri nito.
2. Legend – nagpapaliwanag sa iba’t ibang simbulo o palatandaan na
ginagamit ng isang mapa.
3. Iskala o Scale – nagpapakita ng pag-uugnayan sa pagitan ng sukat o
distansya sa mundo.
- ang iskala ang siyang nagbibigay sa atin ng tumbasan para magkaroon
tayo ng ideya ng tunay na sukat ng mga nakaguhit sa mapa.
4. Direksyon – ipinapakita nito ang oryentasyon ng mapa, ang karaniwang
batayang oryentasyon ng mapa ay ang direksyong hilaga.
5. Longhitud at Latitud – ito ay nagpapakita ng heograpikal na lawak ng
lugar na saklaw ng mapa.
D. MGA GUHIT AT LINYA
Lahat ng mga linya at guhit na nasa mapa at globo ay mga likhang-isip
lamang.
1. PARALLEL - mga linya ng latitud na tumatakbo sa silangan-kanluran o sa
palibot ng globo na napapanatili ang distansya sa lahat ng dako (linyang
horizontal). LATITUD – ito ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel.
2. MERIDIAN – linya ng longhitud na tumatakbo mula sa hilaga hanggang
timog at nagsasalubong sa mga polo (linyang vertical). LONGHITUD –
distansya sa pagitan ng dalawang meridian.
- ang mga linya ay tinatawag na parallel at meridian gingamit natin itong
batayan ng paghanap ng lokasyon ng mga bansa at sa pagtukoy ng mga
lokasyon ginagamit natin ang mga distansya nito na latitud at longhitud.
3. MGA ESPESYAL NA PARALLEL
a. Ekwador – 0 digri latitud, hinahati nito ang mundo sa hilaga at timog
hemispero.
b. Tropiko ng Kanser – parallel na nakalatag sa 23 ½ digri latitud
hilaga ng ekwador. Ito ang pinakahilagang hangganan na naaabot ng
bertikal na sinag ng araw sa hilagang hemispero.
c. Tropiko ng Kaprikorn – parallel na nakalatag sa 23 ½ digri latitud
timog ng ekwador. Ito naman ang katimugang hangganan ng bertikal
na sinag ng araw.
d. Bilog Arktiko – nasa 66 ½ digri latitud hilaga ng ekwador –
pinakahilagang hangganan ng pahilis (slanting) na sinag ng araw.
e. Bilog Antarktiko – nasa 66 ½ digri latitud timog ng ekwador. Sa
katimugang bahagi ng mundo ito namn ang hangganan ng pahilis na
sinag ng araw.
- mahalagang malaman natin ang mga ito dahil kung susuriin ninyo
ang mga hangganan na ito ang batayan ng mga klima ng mga
bansa.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
Sonang Tropikal – napapaloob sa Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikorn.
 Sonang Gitnang Latitud – pahilaga ng T. ng Kanser hanggang sa
Bilog Arktiko at patimog naman ng T. ng Kaprikorn hanggang sa
Bilog Antarktiko.
 Sonang Matataas na Latitud – mula Bilog Arktiko hanggang
Hilagang Polo at Bilog Antarktiko hanggang Timog Polo.
4. Espesyal na Meridian
a. PRIME MERIDIAN – 0 digri longhitud o ang Greenwich Meridian, ito
naman ang linyang nagsisilbing reperensya ng silangan at kanlurang
hemispero ng mundo.
b. INTERNATIONAL DATE LINE – ito ang 180th Meridian.
E. PAGHAHANAP NG DIREKSYON
1. Pagsikat ng araw – ang ating anino ang siyang magtuturo ng kanluran
(kaliwa), ang kanan naman natin ang siyang silangan, ang ating hinaharap
ang Hilaga at ang ating likuran ang Timog.
2. Paggamit ng kompas – ang apat na direksyong kardinal: hilaga, timog,
silangan at kanluran.
F. PAGBIBIGAY NG LOKASYON
1. Grid Location o Absolute Location – pagtatakda ng eksaktong
lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longhitud at latitud. Ito ang
interaksyon ng mga parallel at meridian.
2. Lawak na Heograpikal o Geographical Extent - magagamit natin ang
mga longhitud at latitud sa pagbibigay ng lawak ng isang bansa
halimbawa:
Pilipinas – 4 digri 23’ hanggang 21 digri 25’ hilagang latitud
116 digri hanggang 127 digri silangang longhitud
3. Relative Location o Bisinal – pagtatakda ng lokasyon sa pamamagitan
ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katawang tubig.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Hilaga ng Dagat
Celebes
Timog ng Taiwan
Silangan ng Philippine West Sea
Kanluran ng Karagatang Pasipiko

IV. PAGSUBOK SA NATUTUNAN - ANG MUNDO

Pangalan: ______________________ Petsa: _____________


Baitang at Seksyon:______________ Iskor: ____________

I. Pagkilala - Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag, isulat ang sagot sa


patlang na nakalaan.
1. Ang kasaysayan ay sangay ng kaalaman na nakatuon sa mga
________________________ na karanasan ng tao.
2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Kasaysayan”. _______________________
3. Pag-aaral ng kasaysayan na nakabatay sa mga fossils o artifacts.
________________________

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
4. Isang kahalagahan ng kasaysayan ay upang mamulat, maintindihan at
respetuhin ang ______________________ ng ibang lahi o bansa.
5. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay naghihikayat ng paghanga at pagpapahalaga sa
ating nakaraan at pamana. Anong pagpapahalaga ang bumubuod sa pahayag.
_________________________
6. Siya ang scientist na nagpanukala ng teoryang Big Bang ________________________
7. Batay sa teorya ng Espesyal na Paglalang anong araw nilikha ng Diyos ang tao.
_____________________
8. Sangay ng heograpiya na nakatuon sa pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang
lugar sa mundo. ______________________
9. Anong teorya sa pagkabuo ng mga kontinente ang may batayang ideya na ang
mga kontinente ay dating magkakasama. ___________________
10. Ang mga taga-Alaska ay may makakapal na damit dahil na rin sa nararanasan
nilang klima. Ang sitwasyon na nabanggit ay nagpapakita ng kaugnayan ng
heograpiya sa ______________________.
11. Ito ay tumutukoy sa pangkasalukuyang kondisyon ng atmospera para sa isang
lugar. ______________________
12. Ito ang uri ng anyong lupa ng ating bansa. _______________________
13. Ito ang distansya ng dalawang parallel. _________________________
14. Sa pamamagitan ng mga linya sa mapa nalalaman natin ang lawak ng isang
bansa o lugar. Ang katawagan sa lawak na ito ay _______________
15. Ang Pilipinas ay nasa timog o hilagang hemispero ng mundo?
_____________________
16. Sa pamamagitan ng mga longhitud at latitude nalalaman natin ang lokasyon ng
isang bansa o lugar. Ano ang katawagan sa lokasyong ito? _____________________
17. Katawagan sa pinagmulan ng lahat ng kalawakan ayon sa Teoryang Big Bang.
_______________________

II. Pagsusuri: Suriin ang bawat pahayag, alamin kung wasto o di-wasto
ang kaisipan ng bawat pahayag. Kung wasto isulat ang salitang TAMA sa
patlang na nakalaan, MALI naman kung ito ay di-wasto.
________18. Ang kasaysayan ay nakakatulong sa pag-unawa natin sa mga
kasalukuyang pangyayari.
________19. Si Thucydides ay nagsilbing modelo ng pagsusulat ng heograpiya dahil
ibinabatay niya ito sa mga nakalapa niyang makatotohanang mga impormasyon.
________20. Isang batayan ng Teoryang Big Bang ay ang Cosmic Microwave
Background Radiation na matatagpuan sa buong mundo.
________21. Sumibol ang mga sinaunang kabihasnan sa mga lambak malapit sa ilog
dahil sa mga lugar na ito nasasagot ang kanilang mga pangangailangan. Ang
pahayag ay nagpapakita ng ugnayang heogapiya at kabuhayan.
________22. Tama o mali? Sa loob ng mahabang panahon hindi nakaranas ang mga
Sinaunang Romano ng pag-atake mula sa ibang lugar dahil na rin sa kanilang
kinalalagyang lugar, napapalibutan ito ng dagat at matataas na kabundukan. Ang
nabanggit na senaryo ay nagpapakita ng uganayan ng heograpiya at katatagang
pulitikal.
________23. Upang matukoy ang lokasyong relatib ng isang bansa kailangang
maibigay ang mga longhitud at latitud ng hinahanap na bansa.
________24. Dahil diretso ang International Dateline napapadali nito ang pagbibigay
ng oras ng mga bansa.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
________25. Tama o mali? Dahil sa distansya ng Taiwan at Pilipinas nahuhuli tayo ng
isang oras kumpara sa oras nila.

III. Map Reading: Gamit ang inyong mapa, ibigay ang hinihingi ng bawat
pahayag.
26. Ang Sri Lanka ay nasa timog ng anong bansa? ____________________
27-28. 45 digri Hilagang Latitud at 15 digri Silangang Longhitud.
_____________________
29-30. 30 digri Silangang Longhitud at 30 digri Timog Latitud. _____________________
31. Ito ay nasa timog ng Bolivia, silangan ng Chile at kanluran ng Uruguay.
_____________________
32-33. Lokasyong grid ng Algeria._______________________________
34-35. Lokasyong grid ng Iran. _________________________________

Aralin 2 – Ang Mga Sinaunang Tao

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
I. PAGSISIMULA NG MUNDO
A. TEORYA NA NAKABATAY SA RELIHIYON - Pokus: Ang Espesyal na
Paglalang - batay sa teoryang ito ang mundo ay ginawa ng Diyos sa loob ng
anim na araw (Genesis 1:1-31).
B. TEORYA NA NAKABATAY SA AGHAM - Pokus: Ang Teoryang Big Bang –
batay sa teoryang ito ang mundo at sansinukob ay nagmula sa isang
pagsabog o paglawak ng primordial atom o cosmic egg mga 15-20 bilyong
taon na ang nakakaraan.
 Ang obserbasyon ni Edwin Hubble noong 1929 na ang sansinukob ay
patuloy na lumalawak.
 Mula dito nabuo ni Georges Lemaitre ang teorya na ang mundo ay
nagmula sa isang pagsabog.
 Noong 1964-1965 natuklasan ng dalawang scientist na si Arno Pernias at
Robert Wilson ang Cosmic Microwave Background Radiation sa kalawakan
na sinasabing ang enerhiya na nagmula pa sa pagsabog.
C. PALIWANAG NA NAKABATAY SA MGA ALAMAT – mga kathang isip na
kuwento ng ilang grupo ng tao na nagpapaliwanag sa pagsisimula ng mundo.
Ang mga ito, noong sinaunang panahon, ay naging batayan din ng kanilang
paraan ng pagsamba.
Pag-isipan: Ang mundo ba ay batay sa isang plano o produkto ng mga
pagkakataon?
II. ANG PAGSISIMULA NG TAO
A. TEORYA NG ESPESYAL NA PAGLALANG – nakasaad dito na ang Diyos
ang lumikha sa unang lalake at babae.
B. TEORYANG ATHEISTIC MATERIALISM – ipinapanukala nito na ang mga tao
ay produkto ng isang mahabang panahon ng ebolusyon na lahat ng mga
organismo at tao ay nagmula sa isang “one-celled organism”.
 Charles Darwin – sumulat ng librong “On the Origin of Species” -
nagsasaad ng paliwanag ukol sa ebolusyon.
 Mga panukala ni Darwin:
 Natural Selection o Survival of the Fittest
 Dahilan: upang maipagpatuloy at maparami ang lahi ng organismo
(survival)
 Paraan: pagkakaroon ng mga “adaptive characteristics” upang
mabuhay batay sa mga pagbabago o pagsubok ng kanyang
kapaligiran
 Batayan: ebolusyon o pagbabago ng anatomiya ng tao mula sa
mababang hayop
 Mga Isyu tungkol sa pananaw ng Atheistic Materialism
 Tanong tungkol sa kung anong kemikal ang pinagmulan ng tao.
 Tanong tungkol sa bakit hindi muli nauulit ang proseso ng ebolusyon
at paghahanap sa missing link
 Atmospheric composition nang mabuo ang selula.
 Tanong tungkol sa nilalaman ng oceanic soup complex – tumutukoy
sa nilalaman ng karagatan na nagbunsod sa pagkakabuhay ng isang
one-celled organism.
 Pagsalungat ng proseso sa mga batas ng biogenesis at batas
thermodynamics.
C. Ebolusyong Theistic – ipinapanukala nito na ang Diyos ang

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
nagsagawa ng proseso ng ebolusyon.
D. Mga paliwanag na batay sa alamat
Pag-isipan: Ano ang pinaniniwalaan mo at bakit?
III. ANG MGA SINAUNANG TAO
Batay sa ebolusyon ang mga primates at modernong tao ay may kaparehong
ancestor o pinagmulang organismo.
A. Mga batayang pagkakatulad ng mga sinaunang fossils at mga tao.
 Pagkakaroon ng limang daliri o pentadactylism.
 Katangian ng paningin o 3d vision.
 Kakayahang makagawa at makahawak ng mga kagamitan dahil sa
hinlalaki o apposable thumb.
 Kakayahang makatayo at makalakad ng tuwid.
 Pagkakapareho ng genes.
 Kakayahang gamitin ang isip sa paghahanap ng solusyon sa mga
suliranin.
B. Pinaniniwalaang mga 6 na milyon taong nakakaraan o mtn
 Nagmula ang tao mula sa kaparehong pinagmulan ng mga African ape
tulad ng gorilla at chimpanzee.
 Sinaunang specie ng hominid na nabuhay 14 milyong taon na ang
nakakaraan, nagsilbing ancestor ng mga sinaunang tao.
C. Mga Grupo ng Fossils
 Australopithecine – may pagkakahawig sa tao
 Homo habilis – may kakayahang gumawa ng kagamitan
 Homo erectus – may kakayahang lumakad ng tuwid
 Homo sapiens – may kakayahang mag-isip
D. Homo sapiens sapiens (ang modernong tao)
 Nakatira sa mga kuweba at gumuguhit ng larawan sa mga dingding nito
 Natutong manirahan sa iisang pook at mag-alaga ng mga hayop at
masmaunlad na mga gamit.
 Fossil: Taong Cro-Magnon
E. Mga Approximation ng Panahon ng mga Hominids
Species Panahon na nabuhay
Ardipithicus ramidus 5 - 4 milyong taon ang nakakaraan
(mtn)
Australopithecus anamensis 4.2 - 3.9 mtn
Australopithecus afarensis (Oldest 4 - 2.7 mtn
Ancestor)
Australopithecus africanus 3 - 2 mtn
Australopithecus robustus 2.2 - 1.6 mtn
Homo habilis 2.2 - 1.6 mtn
Homo erectus 2.0 - 0.4 mtn.
Homo sapiens archaic 400 - 200 libong taon na
nakakaraan (ltn)
Homo sapiens neandertalensis 200 to 30 ltn
Homo sapiens sapiens 200 ltn - kasalukuyan
Pag-isipan: Ihambing ang mga fossils na ito sa modernong tao.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
IV. ANG YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG TAO
A. KULTURA: ito ay tumutukoy sa materyal at di-materyal na gawa ng tao
sa kanyang pamumuhay sa daigdig. Sumasakop ito sa kabuuang
pamumuhay ng tao mula sa materyal tulad ng pananamit, kagamitan
hanggang sa mga di-materyal tulad ng batas, paniniwala at marami
pang iba.
B. EBOLUSYON NG KULTURA – ito ay nakabatay sa pag-unlad ng mga
kagamitan at nakagawian ng tao mula noon hanggang ngayon
1. Panahong Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato (2
milyong taon na ang nakakaraan)
a. Katangian ng Panahon – Pamumuhay
 Nomadic o lagalag
 Pananahan sa loob ng kuweba o tent na gawa sa sanga ng
kahoy at balat ng hayop.
 Pangangaso - pagsasama-sama ng 20-30 katao
 Pangangalap ng mga halamang makakain
 Kaalaman sa sining pinaniniwalaang ritwal sa matagumpay na
pangangaso
 Pagkabuo ng wika – nagging mahalaga sa pagplaplano at
pakikipagtulungan
 Relihiyon – animismo paniniwala ng mga espiritu nanahan sa
kapaligiran, mga ritwal para sa matagumpay na pangangaso,
paniniwala sa kabilang buhay
b. Katangian ng Panahon – Teknolohiya
 Mga simpleng kagamitan na yari sa bato: Stone chopper ng
mga homo habilis, hand axe ng mga homo erectus, punyal,tulis
ng sibat, palakol, pantadtad ng karne at pangkaskas ng karne,
panghukay ng ugat, pagbabalat ng kahoy at pagtanggal ng
balat
 Kahalagahan ng mga gamit
1) ang pagpapatunay ng angking kakayahan ng tao –
katalinuhan
2) upang gumaan ang kanilang gawain
3) may kakayahan ang tao na matugunan ang kanyang
pangangailangan.
 Paggamit ng apoy – proteksyon, nakakapagbigay ng init at
liwanag, pagluluto ng karne
c. Pagkakahati:
 Mababa – pamumuhay ng mga Australopith at Homo habilis,
 Gitna – pamumuhay ng mga Neanderthal o kulturang
Mousterian
 Mataas na Paleolitiko – pamumuhay ng mga Homo sapiens
sapiens - Taong Cro Magnon.
2. Panahon ng Mesolitiko (10,000 - 7,000 BCE)
a. Katangian ng Panahon – Pamumuhay

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
 Paninirahan sa mga gilid ng ilog o tabing dagat
 Pangangaso, pangingisda, pag-aalaga ng hayop at
pagsisimula ng pagtatanim
 Pagkakaroon ng labis na pagkain – paglaki ng populasyon
b. Katangian ng Panahon - Teknolohiya
 Pag-iimbak ng pagkain
 Microliths
 Paggamit ng luwad o sa pag-iimbak
3. Panahong Neolitiko o Bagong Bato
a. Katangian ng Panahon - Pamumuhay:
 Agrikultura – nanatili sa isang lugar ang mga tao para
makapamuhay
 Pag-aalaga ng mga hayop
 Pamumuhay sa iisang pook at pagbuo ng mga pamayanan o
villages
 Pagpapalitan ng mga kagamitang pambahay o sobrang
produkto
 Pagkakaroon ng espesyalisasyon ng mga gawain
 Pagsisimula ng mga sibilisasyon o kabihasnan
 Hal.: Catal Huyuk, Turkey (7500 – 5700 BCE)
1) Unang bayan sa Kanlurang Asya
2) May 3000-6000 tao ang naninirahan
3) Mga kabahayang gawa sa ladrilyo o bricks,
kalsada, palengke at sistema ng kanal
4) Pagkakaroon ng 12 na klaseng pananim,
paglalaan ng trabaho, kalakalan, sistema ng relihiyon at
maliit na hukbo Teknolohiya: pinakinis na mga batong
kagamitan at mga kagamitan gawa sa luwad o clay, tela at
kahoy.potters wheel, imbensyon ng mahahalagang
kagamitan tulad ng mga araro, gulong o layag
4. Panahon ng Metal
 Higit na maunlad na pamumuhay
 Maunlad na kalakalan
 Pagkatuklas ng paraan ng pagsusulat sa Mesopotamia at
hipto
a. Panahon ng Tanso – unang ginamit na metal
b. Panahon ng Bronse - unang natuklasan sa iba’t ibang bahagi
ng Asya at Europa, unang ginamit 5000 taon nakakaraan sa
may bahaging Timog-kanlurang Asya
 Katangian ng Panahon - Pamumuhay
1) Pagdami ng iba pang kagamitan gawa sa metal
2) Palamuting ginto at pilak
 Katangian ng Panahon - Teknolohiya: paghalo ng lata at
tanso, masmatibay kumpara sa tanso.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
c. Panahong ng Bakal
 Katangian ng Panahon - Pamumuhay
1) Masmatibay na mga kagamitan at mga armas
2) Pagparami pa ng iba pang kagamitan.
 Katangian ng Panahon - Teknolohiya: Ang mga Hittite ang
unang grupo ng tao na nakatuklas sa paggamit ng bakal.
Pag-isipan:
 Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa kultura ng tao?
 Ikumpara ang mga pagbabago ng kultura sa kasalukuyang panahon at
noong sinaunang panahon.
 Ilarawan ang epekto ng mga pagbabago sa kultura.
 Bakit mahalaga ang sinimulan ng mga sinaunang tao sa kasalukuyan?

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
V. PAGSUBOK SA NATUTUNAN - TEORYA SA
PAGSISIMULA NG TAO AT TEORYA SA PAG-UNLAD NG
KULTURA NG TAO

Pangalan: ______________________ Petsa: _____________


Baitang at Seksyon:______________ Iskor: _____________

I. Pagkilala: Basahin ng mabuti ang bawat tanong, alamin ang


hinihingi nito at isulat ang letra ng tamang kasagutan sa patlang
na nakalaan.
____ 1. Alin sa mga sumusunod ang may kinalaman sa teorya ng Espesyal na
Paglalang.
a. Ang lahat ng organismo ay mula sa disenyo ng Panginoon.
b. Ang lahat ng organismo ay nagmula sa one-celled organism.
c. Wala sa mga ito.
____ 2. Kung pagbabasehan ang teoryang ebolusyon, bakit nagbabago ang
katangian ng mga organismo?
a. Upang mabuhay at maipagpatuloy ang lahi nito.
b. Upang maka-angkop sa kanyang kapaligiran.
c. Lahat ng mga nabanggit.
____ 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumusuporta sa teorya ng
ebolusyon.
a. Pagbabago ng anatomiya ng tao para makaangkop sa kanyang
kapaligiran.
b. Ang mga kemikal na bumubuo sa karagatan para mabuo ang buhay.
c. Ang mga fossil ng sinaunang tao.
____ 4. Alin sa mga sumusunod na katangian ng tao na makakatulong sa
paggamit ng tools.
a. Apposable thumb b. tuwid na lakad c. maliit na panga
____ 5. Ano ang mahihinuha sa cave painting na natuklasan sa Lascaux,
France.
a. Noon pa man ay may kaalaman na ang tao sa sining.
b. Ito ay pagpapakita na hindi malikhain ang mga sinaunang tao.
c. Noon pa man ay lagalag na ang pamumuhay ng tao.
____ 6. Bakit nagbabago ang kagamitan ng mga tao?
a. Dahil sa makabagong kapaligiran.
b. Dahil nais ng tao na mapaunlad ang kanyang gawain at kaalaman.
c. Dahil sa ito impluwensya ng kasaysayan at kultura.
____ 7. Bakit mahalaga ang wika sa pag-unlad ng kultura ng tao.
a. Nakatulong ito sa komunikasyon
b. Nakatulong ito sa pagpla-plano
c. Lahat ng mga nabanggit.
____ 8. Paano nakaapekto ang pagsasaka sa dating pamumuhay ng tao?
a. Mula sa pagiging lagalag nananatili ang tao sa iisang lugar.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
b. Mula sa pananatili ng tao sa iisang lugar naging lagalag ang
pamumuhay.
c. Maslalong naging kaunti ang nakasama ng mga tao sa kanyang lugar.
____ 9. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan sa isang lagalag na
pamumuhay.
a. Nanatili ang grupo sa isang lugar lamang.
b. Nagsasama ang iba’t ibang pamilya para makapagtanim.
c. Kinakailangan mong likhain ang lahat ng iyong pangangailangan.
____ 10. Noong mabuo ang mga pamayanan dala ng pagsasaka, nagkaroon
din ng iba’t ibang gawain ang mga tao. Ano ang konklusyon sa mga ito?
a. Dala ng pagsasaka, nagtuon ang mga tao ng kanya-kanyang gawain.
b. Dala ng pagsasaka, lahat ng mga gawain ay ginagawa ng mga tao.
c. Dala ng pagsasaka, nakapagdulot ito ng hindi pagdepende sa iba.

II. Pagsusuri: Suriin ang bawat pahayag, alamin kung wasto o di-
wasto ang kaisipan ng bawat pahayag. Kung wasto isulat ang
salitang TAMA sa patlang na nakalaan, MALI naman kung ito ay
di-wasto.
______ 11. Dahil pangangaso ang naging kabuhayan ng mga sinaunang tao
natuto silang tumira at manatili sa isang lugar.
______ 12. Noong panahon ng Lumang Bato nakaimbento ang mga tao ng
masmatibay at na kagamitang pandigma na yari sa bakal.
______ 13. Malaki ang naitulong ng pagpapaamo ng aso sa pag-unlad ng
pagtatanim.
______ 14. Dahil sa kagamitan ang mga mahirap na gawain ay napadali ng
tao.
______ 15. Ang paliwanag ng teorya ng ebolusyon ay ang tao at mga unggoy
ay may parehong pinagmulang species.
______ 16. Ang mga Australopithecine ay tinaguriang “handy man” dahil sa
mga kagamitang natagpuan malapit kung saan nahukay ang mga labi nito.
______ 17. Isang itinuturong katangian ng tao na nagtulak para mapanatili
niya ang kanyang lahi ay ang kakayahang gumamit at gumawa ng mga
“tools”.
______ 18. Batay sa Espesyal na Paglalang ang tao ay nalikha noong unang
araw ng paglikha.
______ 19. Ang ideya ng “Natural Selection” ay ang mga organismong may
katangian na makasabay sa pagbabago ng kapaligiran ang
makakapagpatuloy ng kanyang lahi.
______ 20. Ang mga labi ng Homo erectus – Taong Java at Taong Peking - ay
natagpuan sa Africa lamang, nangangahulugan nito na sila ay nanirahan
lamang sa Africa.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
Aralin 3 – Ang Mga Sinaunang Tao
I. ANG KABIHASNAN
A. KAHULUGAN – tumutukoy ito sa baitang mg maunlad o mataas na
kultura.
1. Civilization – mula sa salitang Latin na “civitas” na
nangunguhulagan ng isang lungsod. Samakatuwid, ang naging
basehan ng pananaw na ito ay ang yugto na kung saan ang isang
grupo ng tao ay nakapagtatag ng isang lungsod.
2. Kabihasnan – mula sa salitang ugat “bihasa” na ang ibig sabihin ay
sanay o kasanayan. Nangangahulugan na isa itong yugto na kung
saan kinakitaan ng pagkadalubhasa ang mga tao sa isang kulturang
kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang
tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o
kapaligiran. (mula sa Wikipedia)
B. ELEMENTO NG KABIHASNAN

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
1. Matatag na pamahalaan
2. Organisadong relihiyon
3. Istruktura o paguuri-uri ng mga tao sa lipunan.
4. Espesyalisasyon ng mga miyembro ng lipunan.
5. Sistema ng panulat
C. DALOY NG PAGBABAGO (mula sa www.flowofhistory.com)
1. KABUHAYAN BATAY SA PANGANGASO
 Pagsasama sa isang grupo at palilipat-lipat ng tirahan, sapat
lamang ang produksyon o subsistence economy.
 Ang mga kalalakihan ay nangangaso habang ang mga
kababaihan ay nangangalap ng mga halaman habang nag-
aaruga ng mga bata.
 Lahat ay pantay-pantay, nakadepende sa isa’t isa ang miyembro
kaya’t ibinabahagi ang lahat sa grupo; walang pribadong
pagmamay-ari.
 Mabagal ang pag-usad ng teknolohiya.
2. IMBENSYON NG AGRIKULTURA (8000 BCE)
 Pananatili sa isang lugar at pagkaroon ng sobrang
produksyon o surplus production.
 Pagsisimula ng pribadong pagmamay-ari na nagbunsod sa
paguuri-uri ng mga miyembro ng lipunan batay sa yaman.
 Nagbunsod sa mga alitan sa lipunan dala ng yaman at
nagtaguyod sa kalalakihan bilang mga pinuno.
3. SIBILISASYON BAGO ANG PANAHON NG INDUSTRIYALISASYON (3000
BCE)
 Paglawak ng paguuri-uri at alitan sa lipunan.
 Pagkatuklas sa paggamit ng metal na nagtulak sa pag-usbong
ng bagong tanda ng yaman at sandata.
 Pagkaimbento sa pagsusulat ay nakatulong sa pagtatala ng
yaman at kaganapan.
 Ang paglawak ng yaman ay nagbunsod sa masmalawak,
masmadalas at masmalalang alitan, isama pa ang pagbaba
ng katayuan ng kababaihan.
4. PANAHON NG REBOLUSYONG INDUSTRIYALISASYON (circa 1750)
 Mabilis at patuloy na pag-unlad at paglawak ng teknolohiya.
 Pagtaguyod sa masmataas na katayuan ng kababaihan.
Pag-isipan: Maituturing ba na kabihasnan ang ating pangkasalukyang
panahon?
II. KABIHASNANG MESOPOTAMIA
A. HEOGRAPIYA
1. Bahagi ito ng Fertile Crescent – isang mayamang lupain mula sa
Golpo ng Persia hanggang sa silangang bahagi ng Dagat
Mediterranean.
2. Isang malawak na kapatagan na may mainit at tuyong klima.
3. Matabang lupain dala ng pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
B. KASAYSAYAN
1. Panahong Neolitiko – nanirahan ang mga lagalag na magpapastol sa
katimugang bahagi ng Mesopotamia.
2. Upang makapamuhay sa kanilang kapaligiran nagtayo sila ng mga
dam, kanal at dike na kanilang ginagamit sa pagsasaka.
3. Nakapagtatag sila ng 13 pangunahing lungsod-estado, Malaya sa
bawat isa at kadalasan ay naiipit sa mga digmaan (4100-2900 BC).
4. Dala ng kanilang kinalalagyan na kapatagan madalas ang mga
digmaan para makontrol ang iba pang lungsod estado kaya naman
sumailalim ang Mesopotamia sa kamay ng iba’t ibang imperyo.
a. Imperyong Akkadian (2350-2250 BC) – kilalang hari: Sargon ng
Kish
b. Ikatlong Dinastiya ng Ur (2100-2000 BC)
c. Imperyong Babylonia (1750-1600 BC) – kilalang hari:
Hammurabi.
d. Unang Imperyong Assyrian (1365-1100 BC)
e. Ikalawang Imperyong Assyrian (911-612 BC) – kilalang hari:
Ashurbanipal – nagpatayo ng unang silid-aklatan
f. Imperyong Chaldean o Bagong Babylonia (612-539)
g. Imperyong Persian (539 BC)
C. PAMAMAHALA
1. Ang bawat lungsod estado ay pinamumunuan ng iisang hari o
tinatawag din na LUGAL.
2. Katungkulan ng lugal: a) pamunuan ang mga sundalo b) ipamahagi
ang tubig c) pinunong pampulitika at panrelihiyon.
3. Ang bawat lungsod estado ay malaya, pinalilibutan ng pader at
tinitirhan ng 10,000 – 40,000 katao.
4. Kodigo ni Hammurabi (1790 BK) – ay kalipunan ng 282 na batas na
ipinatupad ni Hammurabi, hari ng Babylonia, sa mga nasakop nito.
D. RELIHIYON
1. Ang kanilang sinaunang relihiyon ay politeistiko (pagsamba sa
maraming diyos)
2. Ang bawat lungsod ay may pangunahing diyos o diyosa na
nangangalaga sa kanilang kabuhayan.
3. Layunin ng mga mamamayan na huwag lapastanganin ang kanilang
mga diyos upang huwag silang maparusahan. Nagsasagawa ang
mga pari ng mga ritwal at kapistahan para dito.
4. Iba pang relihiyon na nagmula sa Mesopotamia:
a. Judaismo – monoteistikong relihiyon mg mga Hebreo na naging
sandigan ng relihiyong Kristiyanismo at Islam.
b. Zoroastrianismo – relihiyon ng mga Persiano.
E. LIPUNAN
1. Pag-aantas sa lipunan:
a. Mataas: opisyal ng pamahalaan, kaparian at mandirigma.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
b. Malalayang pangkat: negosyante, artisano at mayayamang
magsasaka.
c. Pangkat ng mga Alipin: kadalasan mga nahuhuli sa digmaan o
mga kriminal.
2. Napakahalaga ng kooperasyon ng mga mamamayan upang
makapamuhay ang mga tao sa kanilang kapaligiran at sa
pagpapatayo ng mga imprastraktura.
3. Ang mga templo o ZIGGURAT ay sentro ng mga gawaing
panrelihiyon at kalakalan.
4. Ang kanilang pananaw sa buhay ay puno ng pangamba sa
kalamidad o digmaan.
5. Ang mga kababaihan ay nabibigyan ng ilang karapatan ngunit hindi
kapantay ng mga kalalakihan.
F. SISTEMA NG PANULAT
1. Ang kanilang sistema ng panulat ay nabuo dala ng pangangailangan
sa pakikipagkalakalan.
2. Sistemang cuneiform – ito ay pagsusulat sa basang clay tablets sa
pamamagitan ng reed stylus at di-kalaunan pinatutuyo.
3. Behistun Rock – nagsilbing susi upang maintindihan ang cuneiform
ng mga Mesopotamians.
G. TEKNOLOHIYA AT AMBAG
1. Imbensyon: dike, kanal, Matematika: geometry, multiplication at
division table, 360 digri sa isang bilog, 60 minuto sa isang oras
2. Agham: pag-aaral ng astronomiya para sa zodiac signs ng
horoscope.
3. Alpabeto – mula sa mga Phoenicians
4. Torah – banal na aklat ng mga Hebreo, ito ay bahagi ng Lumang
Tipan ng Bibliya.
5. bangkang may layag, gulong, kalendaryo
III. KABIHASNANG EHIPTO
A. HEOGRAPIYA
1. Ito ay nasa hilagang-silangan ng kontinenteng Africa.
2. Ang klima ay tuyot at mainit. Sumibol ang kabihasnan sa gilid ng
matabang lupain ng Ilog Nile.
3. Ang Dagat Mediterranean sa hilaga, Sahara desert sa kanluran, Red
Sea sa silangan at makapal na kagubatan sa timog ay nagsisilbing
natural na depensa laban sa mananakop. Dala nito mas naging
matatag ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng mahabang
panahon hindi tulad ng sa Mesopotamia.
4. Ang pag-apaw at pagbaba ng tubig ng Nile ay batayan ng
pamumuhay ng Egyptians.
B. KASAYSAYAN
1. Nagsimulang mabuo ang ilang komunidad sa mga matabang lupain
ng ilog Nile mga 5500 BC.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
2. Bandang 3200 BC napag-isa ni Menes ang kaharian ng Upper at
Lower Egypt, ito na rin ang simula ng pamumuno ng mga dinastiya
sa Ehipto.
3. Pagkakahati ng kasaysayan ng Ehipto ay nakabatay sa dinastiyang
namuno.
C. PAMAMAHALA
1. Pharaoh – ang pinakapinuno ng buong kaharian, pinaniniwalaan na isang
diyos at may sumusunod na katungkulan: a) tiyaking maayos ang
irigasyon b) mamamahala sa mga sundalo c) panatilihin ang kapayapaan
d) magtakda ng mga batas e) namamahala sa kalakalan, gawaing
imprastraktura at ekonomiya.
2. Ang pamamahala ay nahahati-hati sa mga masmababang opisyal
hanggang sa mga probinsya, tulad ng mga vizier, gobernador, mayor at
mga nangongolekta ng buwis.
3. Dinastiya - ang pamumuno ay naipapasa sa loob ng pamilya.
D. RELIHIYON
1. Politeistiko – maraming sinasambang diyos na sumisimbolo sa mga
element ng kalikasan. Ang pangunahing diyos ay ang araw at
tinatawag na Amon-Ra.
2. Ang mga pharaoh ay pinaniniwalaang mga diyos at koneksyon ng
mga tao sa kanilang mga diyos sa pamamagitan ng mga ritwal at
pag-aalay.
3. May paniniwala sila tungkol sa reinkarnasyon ang pagbabalik ng
ispiritu na tinatawag na Ka sa katawan ng namatay.
4. Book of the Dead – banal na aklat ng mga taga-Ehipto, ito ay
naglalaman ng mga himno, mahika at ritwal.
E. LIPUNAN
1. Istruktura ng Lipunan – pag-aantas batay sa pinakamataas at
pinakamababa.
a. Pharaoh at ang pamilya nito
b. Mga maharlikang opisyal (karaniwang may malalawak na lupain)
at mga matataas na pari.
c. Mga propesyonal tulad ng mga doktor at inhinyero at mga pari.
d. Mga scribes – pangkat na marunong magsulat at magbasa at
kadalasang mga kawani ng pamahalaan.
e. Mga Magsasaka at mga alipin.
2. May maskaiga-igayang pananaw sa buhay kumpara sa mga taga-
Mesopotamia.
3. Estado ng kababaihan – sa ilalim ng batas ang mga kababaihan ay
nabibigyan ng patas na karapatan na katulad sa mga kalalakihan.
F. SISTEMA NG PANULAT
1. Hieroglyphic o Hiroglipiko – sistema ng pagsulat, karaniwang
ginagamit ang papyrus scrolls at tinta.
2. Nabuo ang sistema ng panulat para sa mga gawaing panrelihiyon,
di-kalaunan naging mahalaga ito sa pamamahala at kalakalan.
3. Rosetta Stone – nagsilbing susi sa pag-unawa ng hieroglyphs.
G. TEKNOLOHIYA AT AMBAG

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
1. Mummification – malaking papel sa paglalakbay ng ispiritu sa
susunod na buhay at reinkarnasyon.
2. Inhinyera at matematika – mga prinsipyo ng matematika sa mga
piramide at iba pang imprastraktura.
3. Kalendaryong nahahati ng 365 na araw, 12 buwan, 30 araw at 5 araw sa
katapusan ng taon.
4. Kaalaman sa medisina.
IV. KABIHASNANG INDUS
A. HEOGRAPIYA
1. Ito ay nagsimula sa bahagi ng Pakistan, hilagang-kanluran ng
modernong India, at kalapit na bahagi ng Afghanistan at Iran.
2. Umusbong ang sibilisasyon sa kapatagang bahagi ng ilog Indus.
B. KASAYSAYAN
1. Nagsimulang maitatag ang sibilisasyon noong panahon ng bronse at
ang pinakamaunlad na bahagi nito ay naganap noong 2600-1900
BC, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin matibay ang paliwanag
kung paano ito naglaho.
2. Noong 1500 BC sinakop ng mga Aryans (isang grupo ng mga
lagalag na magpapastol mula pa sa Europa at Iran) at
pinangibabawan ang mga dating nakatira na Dravidians – Vedic
Civilization.
C. PAMAMAHALA
1. Nakapagtatag ng maraming lungsod (mahigit 1000) na ang sentro
ay ang mga templo na pinaniniwalaang pinamumunuan ng paring
hari.
2. Ilan sa mga kilalang lungsod ay ang Mohenjo-daro, Harappa at
Dholavira.
3. Nakapagtatag sila ng mga imprastraktura upang makontrol ang
katubigan at magamit sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
4. Sa huling bahagi ng sibilisasyon ay nakapagtatag sila ng kalakalan
sa mga taga-Mesopotamia.
D. RELIHIYON
1. Ang sinaunang relihiyon ay may kinalaman sa pagsamba sa isang
mother goddess at koneksyon sa mga element ng kalikasan.
2. Ibang relihiyon na umusbong sa India:
a. Hinduismo – isang politeistkong relihiyon na na may ugat sa
sinaunang relihiyon ngunit mas itinaguyod ng mga mananakop
na Indo-Aryans.
b. Budismo – pinaniniwalaang ang buhay ay batbat ng paghihirap at
upang makalaya sa siklo ng kahirapan ay kinakailangan makamit
ng tao ang nirvana sa pamamagitan ng 8-Fold Path.
E. LIPUNAN
1. Pinaniniwalaang ang sinaunang lipunang naitatag sa mga lungsod
ay may mataas na pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng
mga mamamayan.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
2. Ang mga mamamayan ay may mataas na kaalaman sa urban
planning at pagpapatayo ng mga imprastraktura sa pagkontrol ng
tubig tulad ng dam, reservoir at sewages.
3. Ang Sistemang Caste ay istriktong pag-aantas sa lipunan na
naitatag na lamang noong panahong Vedic, ito ay may malaking
bahagi sa relihiyong Hinduismo.
a. Brahmin – pangkat ng mga pari, guro at iskolar.
b. Kshatriyas – pangkat ng mga mandirigma at hari.
c. Vaishyas – pangkat ng mga mangangalakal at magsasaka.
d. Shudras – trabahador, artisano at nagbibigay-serbisyo.
e. Outcaste – karaniwang mga mamamayan na hindi kabilang sa
sistema.
4. Ang bawat pangkat ay may kanya-kanyang dharma na dapat sundin
at ipatupad. Ang Karma – ay ang kalagayan ng isang tao dala ng
kanyang nakaraang buhay.

F. SISTEMA NG PANULAT
1. Ang sistema ng panulat ng sinaunang sibilisasyon ay nakasulat sa
mga luwad o clay tablets ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa
ring pag-uunawa dito.
G. TEKNOLOHIYA AT AMBAG
1. Sinaunang sibilisasyon: kaalaman sa urban planning, inhinyera,
sistema ng mga pabigat (weights) at sukat, at mataas na kaalaman
sa pagproseso ng metal o metallurgy.
2. Kabihasnang Indo-Aryan o Vedic – librong Vedas, relihiyong
Hinduismo at Budismo, lengguwaheng Sanskrit, ambag sa
matematika tulad ng Hindu-Arabic Numerals at sa arkitektura tulad
ng Taj Mahal.
V. KABIHASNANG TSINA
A. HEOGRAPIYA
1. Nagsimula ang kabihasnan sa mga lambak malapit sa Ilog Huang
Ho na nagdadala ng matabang lupa na tinatawag na loess.
2. Dala ng kalakihan nakakaranas ito ng iba’t ibang klima.
B. KASAYSAYAN
1. Noong panahong Neolitiko (bandang 7000 BC) umusbong na ang
ilang komunidad na nakadepende sa pagsasaka sa iba’t ibang
bahagi ng Ilog Huang Ho.
2. Nahahati-hati ang sa mga dinastiya ang kasaysayan ng China, ang
unang Dinastiya ng Xia bandang 2200 – 1750 BC.
3. Sunod-sunod na dinastiya ang namuno sa China at isa sa mga
naging pinakamakapangyarihan ay ang Dinastiyang Ch’in o Qin na
naging sandigan ng imperyo na tumagal hanggang ika-20 siglo.
C. PAMAMAHALA
1. Ang pamumuno ay nasa ilalim ng emperador na naipapasa ang
kapangyarihan sa linya ng pamilya - Dinastiya.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
2. Mandate of Heaven – paniniwala ang mga emperador ay napili ng
diyos upang mamuno sa Tsina. (Dinastiyang Shang)
3. Dynastic Cycle – ay siklo ng pagpapalit ng pamumuno ng mga
dinastiya dala ng pagtutol ng mga mamamayan.
4. Sistemang Piyudalismo – sistemang pampulitika na na nakadepende
sa kasunduan ng emperador at mga nabahagian ng lupain nito.
D. RELIHIYON
1. Felial Piety - Pagsamba sa mga ninuno
2. Budismo – nagmula sa India.
3. Iba pang paniniwala o pilosopiya
a. Taoismo – naniniwala is Lao Tzu na ang tao ay pagtaguyod ng
isang pamumuhay na nakabatay sa pagbalik sa paraan ng
kalikasan
b. Confucianismo – naniniwala si Confucius na napakahalaga ang
mabuting pakikitungo at pagsunod ng tao sa awtoridad.
c. Legalismo – pangingibabaw ng batas sa lipunan.
E. LIPUNAN
1. Antas sa Lipunan – ito ay nakabatay sa hawak na lupa.
a. Gentry – 15 porsiyento ng lipunan at may kontrol sa yaman ng
lipunan.
b. Pesante – halos 80 porsyento ng lipunan at gumagawa sa
malaking trabaho ng lipunan.
2. Napakahalaga ng pamilya, at ang pinakamatandang lalaki ang
siyang nasusunod at nagunguna para sa pamilya.
3. Pinahahalagahan ang pag-aaral ng mga anak para sa pag-angat ng
estado sa buhay.
4. Estado ng kababaihan ay nakadepende sa lokasyon at
kinabibilangang antas, gayunpaman inaasahan ang mga
kababaihan na sumunod sa alituntunin ng pamilya.
F. Sistema ng Panulat
1. Oracle Bone Reading – paraan ng panghuhula at pinagmulan ng
pagsusulat.
2. Chinese Calligraphy – ideographic script – mga simbulo ng kaisipan,
may 6000 na karakter.
G. Teknolohiya at Ambag
1. Pilosopiya: Confucianismo, Taoismo at Legalismo
2. Pagsusulit ng Serbisyo Sibil, teknolohiya ng paggawa ng silk at
porcelain
3. Imprastraktura – paggawa ng mga dike, kanal, pader at dam. Mga
halimbawa: Great Wall of China, Grand Canal
4. Imbensyon: seismograph, blast furnace, gun powder, papel
Pag-isipan - Anu-ano ang mga mabubuo mong konklusyon sa mga
naiambag at nilikha ng mga tao sa panahon ng mga sinaunang sibilisasyon?

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
VI. PAGSUBOK SA NATUTUNAN - ANG PAGSISIMULA NG
MGA SINAUNANG KABIHASNAN

Pangalan: ________________________ Petsa: __________


Baitang at Seksyon: ________________ Iskor: ___________

I. Pagkilala: Basahin ng mabuti ang bawat tanong, alamin ang


hinihingi nito at isulat ang letra ng tamang kasagutan sa patlang na
nakalaan.
___1. Alin sa mga sumusunod na pananaw ang sumusuporta sa pananaw ng
Sibilisasyon bilang pamantayan ng maunlad na kultura?
a. pagtatag ng mga lungsod b. pagiging bihasa sa isang gawain
o teknolohiya
___2. Alin sa mga sumusunod na pananaw ang sumusuporta sa pananaw ng
kabihasnan bilang pamantayan ng maunlad na kultura?
a. pagtatag ng mga lungsod b. pagiging bihasa sa isang gawain
o teknolohiya
___3. Paano nakatulong ang sistema ng pagsusulat sa pag-unlad ng
sinaunang kabihasnan.
a. Sa pamamagitan nito masnapadali ang pagpapalitan ng imporamasyon.
b. Sa pamamagitan nito masnapadali ang transportasyon at pakikidigma.
___4. Bakit naging mahalaga ang pakikipagkalakalan sa pag-unlad ng mga
sibilisasyon.
a. Sa pamamagitan nito naikalat ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng
mundo.
b. Sa pamamagitan nito lumawak ang kaalaman sa digmaan at pananakop.
___5. Ano ang kahalagahan ng matatag na pamumuno sa pag-unlad ng
kabihasnan?
a. Ang lider ay sinasamba ng mga tao at kinatatakutan.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
b. Ang lider ang siyang nagbibigay direksyon tungo sa kapayapaan,
kaayusan at kaunlaran.
___6. Bakit may pag-aantas sa lipunan, katulad ng sistemang caste sa India?
a. Upang magkaroon ng pagkakatulad ang mga mamamayan sa lipunan.
b. Upang maitaguyod ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga
miyembro ng lipunan.
___7. Ang lugar-paliguan sa Indus, ziggurat, piramide at libingan ni Shi Huang
Di ay may kaugnayan sa aling aspeto ng maunlad na kultura?
a. Relihiyon b. Maunlad na Ekonomiya
___8. Ano ang pagkakapareho ng mga apat na naunang kabihasnan?
a. Lahat ay umusbong sa lambak malapit sa dagat.
b. Lahat ay umusbong sa lambak malapit sa ilog.
___9. Ano ang kahalagahan sa atin ng mga teknolohiya na pinasimulan ng
mga naunang kabihasnan?
a. Ito ang naging basehan ng mga pangkasalukuyang pag-unlad.
b. Ito ang naging basehan ng pag-unlad ng kanilang kaalaman.
___10. Upang maiwasan ang mga pagkasawi dahil sa pagbaha nagpatayo
ang mga unang kabihasnan, nagtatag sila ng mga dike at kanal, nag-
imbento rin sila ng kalendaryo. Ano ang mahihinuha sa pahayag.
a. Ang tao ay walang magagawa sa mga kalamidad bunsod ng kalikasan.
b. Nagagawan ng paraan ng mga tao masolusyonan ang ilang problema
bunsod ng kalikasan.
II. Missing Letters – Kumpletuhin ang missing letters upang mabuo
ang mga mahahalagang detalye tungkol sa apat na kabihasnan.
11. K___ ___I___A ___N ___ N – maunlad na kultura
12. F___R___ ___LE CR___ ___C___ ___T – matabang lupain
13. T___G___I___ AT E___P___R___T___S – kambal na ilog ng Mesopotamia
14. Z___G___U___AT – templo ng Sumer
15. H___R___P___A – isa sa mga lungsod ng Kab. Indus
16. ___U___N___ HO – Yellow River
17. P___A___A___H – lider ng mga Egyptians
18. D___N___S___I___A – pamumuno ng pamilya
19. H___N___U___S___O – relihiyon sa India
20. J___D___I___M___ - relihiyon ng mga Hebreo
III. Pagsusuri: Suriin ang bawat pahayag, alamin kung wasto o di-
wasto ang kaisipan ng bawat pahayag. Kung wasto isulat ang
salitang TAMA sa patlang na nakalaan, MALI naman kung ito ay di-
wasto.
______21. Malaki ang papel ng heograpiya sa pag-unlad ng kabihasnan.
______22. Nagsusulat ang mga taga-Egypt sa papyrus scrolls.
______23. Nanatili ang mga taga-Sumer sa mga lambak malapit sa ilog dahil
sa pagtatanim.
______24. Isang katangian ng mga lungsod sa Ilog Indus ay maganda ang
pagkakaplano sa mga ito.
______25. Ang mga piramide ay pinatayo para sa mga sundalo ng Egypt.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
______26. May malaking papel ang malabuhangin na lupang LOESS sa
kabuhayan ng mga taga-Sumer.
______27. Naniniwala ang Budismo na ang tamang pamumuhay ay nakabatay
sa moderasyon.
______28. Naging mahalaga ang Ilog Nile sa pagkakaisa ng mga Egyptians.
______29. Pinagkaisa ni Shi Huang Di ang China dahil sa malaki nitong
hukbong pandigma.
______30. Batay sa Rubber Band Theory ang pagbabago sa isang aspeto ng
ating kultura ay hindi nakakaapekto sa ibang aspeto ng ating kultura.
IV. Matching Type – Kilalanin kung aling kabihasnan ang may
kaugnayan sa Hanay A sa mga pagpipilian sa Hanay B. Isulat ang
letra ng sagot sa patlang na nakalaan.
Hanay A Hanay B
_____ 31. Kodigo ni Hammurabi a. Mesopotamia
_____ 32. Cuneiform b. Tsino
_____ 33. Papyrus c. Indus
_____ 34. Stylus d. Ehipto
_____ 35. Taoism
_____ 36. Dholavira
_____ 37. Great Wall
_____ 38. Pi (3.14)
_____ 39. Mohenjo-daro
_____ 40. Piramide
V. Ayusin batay sa lohikal nitong pagkakasunod. Gumamit ng 1-5,
1 bilang pinaka-una at 5 bilang pinakahuli. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.
UNANG SENARYO
____41. Nagpatayo sila ng mga kanal pang-irigasyon upang maslalong
mapalawak ang matatamnan.
____42. Hanggang sa manatili sila sa mga lambak malapit sa mga ilog.
____43. Nagbunsod ito sa pagtaguyod ng isang sentralisadong pamahalaan
na mamumuno sa pagkontrol ng mga kanal, pagbubuwis at pati na sa
kaayusang panlipunan.
____44. Ang pamumuhay noong unang panahon ay nakadepende sa
pangangaso.
____45. Ang kaangkupan ng lugar ay nagpasimula sa pagsasaka na
nagbunsod sa paglaki ng populasyon
IKALAWANG SENARYO
____46. Ang maunlad na agrikultura ay nagbigay ng sobrang ani na
nagpasimula sa pakikipagpalitan ng produkto at di-kalaunan ay
magbubunsod sa malawak na kalakalan
____47. Dala ng mga pagbabagong ito ang simpleng pamumuhay ng mga tao
ay naging komplikado.
____48. Ang pagkakaroon ng mga ganito na komplikadong elemento sa
lipunan ay tinatawag na kabihasnan, yugto ng maunlad na kultura ng tao

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza
____49. Dahil din sa pakikipagpalitan ng produkto nangailangan ang tao ng
kaalaman sa pagsusulat upang maitala ang mga transaksyong
pangkalakalan.
____50. Isa pang mahalagang bunga ng kalakalan ay ang pagkalat ng
kaalaman at teknolohiya ng lugar sa iba pang lugar.

MGA GINAMIT NA SANGGUNIAN

Butler, Chris. 2007. http://www.flowofhistory.com/.


Department of Education. 2005. Project EASE Araling Panlipunan III Modyul. Pasig City:
Department of Education.
Foe, Jonathan C., Corazon B. Parco, and Manolito B. Conrado. 2001. Making Sense of World
History; Tracing the Path of Western Civilization. Quezon City: Bookmark Inc.
Grace Mateo, Ricardo Jose, Ma Luisa Camagay, Evelyn Miranda, Celestina Boncan. 2008.
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Batayang Aklat sa AP Ikalawang Taon. Quezon City:
Vibal Publishing House.
Juan, Zara, Shiela Villafuerte, Alexie Zotomayor, Dante Ambrosio, and Helen Gubat. 2005.
Panahon, Kasaysayan at Lipunan. Quezon City: Diwa Textbook.
Perry, Marvin. 1980. Unfinished Journey. New York: Houghton Mifflin.
Ramon Guillermo, Sofia Guillermo-Almirante. 1998. Ang Kasaysayan ng Daigdig . Quezon
City: Ibon Foundation Inc.
Spielvogel, Jackson J. 2006. World History: Journey Across Time. New York:
Glencoe/McGraw-Hill.
United Nations. 2018. www.un.org.
Vivar, Teofista L., and et.al. 2007. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City.
World Atlas. 2016. What is geography? http://www.worldatlas.com/geography.html.
Zaide, Gregorio. 1985. World History. Quezon City: Rex Bookstore.

Baguio City National High School – Araling Panlipunan Department – Esti Mendoza

You might also like