You are on page 1of 29

i

ii
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: GILBERT T. SADSAD


Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MARITESS S. TIMBAL- Teacher III (Catanduanes NHS)

Editor: TERESA T. CAMU- Head Teacher III (Catanduanes NHS)


JUPITER L. TORNO- Teacher III (Catanduanes NHS)
AUGUSTO R. VARGAS- Master Teacher II (VPES-SSES)

Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA- Education Program Supervisor I

Tagaguhit:
Tagalapat: JOHN ANTHONY F. ROMERO- Teacher II (Catanduanes NHS)
KEVIN M. ESCOBIDO- Teacher III (Calatagan HS)

iii
TALAAN NG NILALAMAN

IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-UNLAD NG MGA


SINAUNANG KABIHASNAN

Panimula…………………………………………….. iii

Mga aralin at sakop ng module……………………. 1

Aralin 1.1 Katuturan ng Heograpiya..…………. 1


Pagsasanay 1………………………………… 3
Pagsasanay 2………………………………… 4
Pagsasanay 3………………………………… 7

Aralin 1.2 Impluwensiya ng Heograpiya


Sa Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan (Kabihasnang
Mesopotamia at Indus)….…………... 9
Pagsasanay 1………………………………… 11
Pagsasanay 2………………………………… 11
Pagsasanay 3………………………………… 14

Aralin 1.3 Impluwensiya ng Heograpiya


Sa Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan (Kabihasnang
Tsino, Aprika at Mesoamerica)……. 17
Pagsasanay 1………………………………… 19
Pagsasanay 2………………………………… 20
Pagsasanay 3………………………………… 23

iv
Unang Markahan – Modyul 8 – Linggo 8
IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-UNLAD
NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Naging lundayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ang
mga lambak ilog. Dahil sa kasalatan sa teknolohiya sa
panahong ito, sa mga lambak ilog nanahan ang mga sinaunang
tao dahil ginamit nila ito bilang ruta ng transportasyon.

Ang heograpikal na katangian ng isang lugar ay may malaking bahaging


ginagampanan sa paghubog at pag-unlad nito. Ang kalagayan ng pamumuhay
ng mga tao sa iba’t-ibang aspeto ay nakasalalay din sa katangiang heograpikal
ng lugar. Halimbawa na lamang ay ang aspeto ng kultura, ang mga lugar na
mayroong natural na mga hangganan tulad ng mga natataasang kabundukan
ay mahihirapang mapasok ng mga dayuhan, dahilan upang mapreserba ang
natatanging kultura nito,

Sa modyul na ito ay higit mong mauunawaan ang katuturan ng


heograpiya, ang kaugnayan nito sa pag-aaral ng kasaysayan at kung paano
nito binago at pinaunlad ang mga sinaunang kabihasnan.

Aralin 1.1
KATUTURAN NG HEOGRAPIYA

SIMULAN NATIN!
Isa ang heograpiya sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng
kasaysayan.Sa katunayan malaki ang bahaging ginagampanan
ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang
kabihasnan.Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa
pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.Dahil sa
kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang
pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na
kabihasnan.

1
MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naibibigay ang kahulugan ng heograpiya.


2. Natutukoy ang kaugnayan ng heograpiya sa pagaaral ng kasaysayan.
3. Napahahalagahan ang kaalaman tungkol sa heograpiya

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Heograpiya- nagmula sa salitang Griyego na heo na nangangahulugang


lupa at graphien na nangangahulugang sumulat. Tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
b. Pandaigdigang Phenomenon- kaganapang pangkapaligiran na
nakaaapekto saan mang dako ng daigdig.

PANIMULANG PAGSUBOK
Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang pag-aral sa agham panlipunan ay may kaugnayan sa ibat’t-ibang


disiplina. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya C. Antropolohiya
B. Sosyolohiya D. Agham Pampolitika

2. Si Herodotus ay nagpasimuno ng pagsusulat ng mga pangyayari sa


nakaraan dahil dito siya ay tinaguriang ___?
A. Ama ng Ekonomiya C. Ama ng Antropolohiya
B. Ama ng Sosyolohiya D. Ama ng Heograpiya/Kasaysayan

3. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang


maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.
A. Heograpiya C. Kasaysayan
B. Sosyolohiya D. Antropolohiya

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mahalagang layunin ng pag-aaral ng


heograpiya ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan

2
5. Ano ang pagkakatulad ng mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,
Egypt, Indus, Mesoamerica at China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
B. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
C. Itinatag sa mga disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
D. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Maaari nang magtungo sasusunod na bahagi ng aralin. Sa
yugtong ito, inaasahang matututuhan mo ang mahahalagang
konsepto tungkol sa katuturan ng heograpiya, kaugnayan ng
heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan at ilan pang
mahahalagang kaalaman tungkol sa heograpiya gamit ang mga teksto,
larawan, chart at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

PAGSASANAY 1
TUKOY-SURI!
Kilalanin ang larawan na nasa ibaba at tukuyin kung sino ito.
Pagkatapos ay sagutan ang pamprosesong mga tanong.

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=608&tbm=isch&sa=1&ei=8Bx
ZXLK5AprorQHowI6oBA&q=herodotus&oq=HERO&gs_l=img.3.0.35i39j0i19l.
900651.901155..902873...0.0..0.199.733.0j4......1....1..gwswizimg.NfPHK_Z94
Mo#imgrc=mr_E0ttbgtNHM: (Feb. 5, 2019, 5:30 PM)

Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang nasa larawan?
2. Bakit siya tinaguriang "Ama ng Kasaysayan”?

3
PAGSASANAY 2
MAGBASA AT MATUTO:
Basahin at unawain ang nakasaad na teksto tungkol sa katuturan
ng heograpiya at kaugnayan nito sa pag-aaral ng kasaysayan.
Maari mo ring gamitin ang modyul para mabatid mo ang mga
impormasyon at datos tungkol sa nasabing paksa. Para sa karagdagang
impormasyon na makatutulong saiyong mapalalaim pa ang kaalaman, maari
kang ring maghanap sa internet o sa iba pang babasahin.

ANG KONSEPTO NG HEOGRAPIYA

Sa tulong ng organizer na nasa ibaba pag-aralan mo ang mga


nakapaloob na konsepto.

Ano ang Heograpiya?


• Ang salitang heograpiya ay hango sa salitang "geo" na ang ibig sabihin ay
lupa at ang "graphien" ay sumulat
• Ito ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian,
naninirahan, at karaniwan o hindi karaniwang bagay sa daigdig.

“HEO” -LUPA

HEOGRAPIYA
“GRAPHIEN- SUMULAT

Ano ang Heograpo?


• Tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya.
• Sumusuri ng pagbabago sa daigdig at ang kaugnayan at interaksiyon nito
sa mga taong naninirahan dito.

HEOGRAPIYA

KATANGIAN LUPAIN NANINIRAHAN

KAUGNAYAN O KAHALAGAHAN NG HEOGRAPIYA SA PAG-AARAL NG


KASAYSAYAN

Ang Heograpiya ay ang humuhubog sa Kabihasnan- Kung


mapapagmasdan mo ang kagandahan ng daigdig mula sa kalawakan, marahil
ay maiisip mo na may malaking impluwensiya ang pisikal na kaanyuan ng
daigdig sa paghubog ng kabihasnan ng mga taong nakatira dito. Tama ka. Ang

4
heograpiya ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng
daigdig. Sinasaklaw din sa pag-aaral ng heograpiya ang pag-unawa at
pagbibigay-paliwanag kung paanong ang kapaligiran ay nakatutulong sa
paghubog ng kabihasnan at sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao sa
isang lugar. Ang mga nakaraang pangyayari at mga pagbabago sa daigdig o
kasaysayan ay naipaliliwanag din sa pamamagitan ng pag-unawa sa pisikal na
katangian ng mga bansa sa daigdig. Isang halimbawa ang mga Phoenician.
Habang namumuhay ang sinaunang tao sa pagtatanim, naging magagaling
namang mandaragat ang mga Phoenician dahil ang lokasyon ng kanilang lugar
ay nakaharap sa Dagat Mediterranean. Gayundin, dahil sa mga ruta at daan
sa pagitan ng mga karagatan at mga kontinente, ang mga makapangyarihang
bansa ay nakapagpalawak ng kanilang teritoryo.

Ang Heograpiya ang humuhubog sa kultura at kabuhayan- May malaking


impluwensiya sa kultura ng tao ang kanilang kinalalagyan sa ibabaw ng
daigdig. Halimbawa, dapat magsuot ang mga Eskimo sa Alaska ng makakapal
na damit at tumira sa igloo upang malabanan nila ang lamig sa bahaging ito ng
daigdig. Kailangan namang magsuot ng makakapal na putong sa ulo ang mga
Indian sa mainit na lugar sa Kapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang
malabanan ang init dahil sa mainit na klima sa kanilang lugar. Ang mga istilo
ng mga bahay sa pook na nagyeyelo kung taglamig ay kakaiba sa mga tahanan
ng mga tao sa tropikal na mga bansa. Pangingisda ang ikinabubuhay ng
maraming nakatira sa mga peninsula o hindi kaya ay paglalayag o
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na maunlad ang kabuhayan ng mga
bansang sagana sa likas na yaman kaysa mga bansang salat dito. May
kinalaman din ang heograpiya sa paniniwala o relihiyon ng mga tao.

Ang Heograpiya ang humuhubog sa kalagayang Pulitikal ng mga bansa-


Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa.
Naging makapangyarihan ang Carthage noong sinaunang panahon dahil nasa
teritoryo nito ang Dagat Mediterranean. Subalit nang mapasakamay ng mga
Romano ang nabanggit na dagat, bumagsak ang Carthage, nawalan ito ng
halaga sa daigdig at naging matatag naman ang Imperyong Roma. Mahalaga
ang Dagat Mediterranean sapagkat ito ang nag-uugnay sa mga bansa sa
Europa, Asya, at Aprica. Ang mga bansang nakatuklas ng ibang lupain sa
ibang kontinente, gaya ng Espanya at Portugal noong ika-14 na siglo, ay
nakaungos sa ibang bansa dahil sa kaalaman sa heograpiya at naging mga
mananakop at maunlad na bansa. May mga bansa ring naging maunlad dahil
pinag-aralan nila ang paggamit ng mga yamang-likas ng kanilang teritoryo o
kaya'y tumuklas at gumamit ng mga yamang-likas ng ibang lupain upang
manguna sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong daigdig, kagaya
ng Inglatera at Amerika.

KAUGNAYAN NG HEOGRAPIYA SA MGA PANDAIGDIGANG PHENOMENA

Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena


tulad ng El Niño, global warming, greenhouse effect, bagyo, sandstorm,
tornado, lindol, tsunami, La Niña at iba pa. May iba't ibang epekto ang
pagkakaiba-iba ng klima, elebasyon, porma ng kalupaan, katubigan,
behetasyon o sistema ng halaman, uri ng lupa, at mineral.

5
• Ang porma o elebasyon ng lupa ay nakakaimpluwensiya sa klima.
Naaapektuhan ng elebasyon ang temperatura at patak ng ulan, ang
epektong tinatawag na rainshadow sa mga bulubundukin, ang pababang
pag-agos ng malamig na hangin sa gabi, mga ihip ng hangin sa lambak at
kabundukan, ang lakas at direksyon ng hangin, at iba pa.
• Naaapektuhan din ng porma at elebasyon ng lupa ang mga katubigan. Ang
presipitasyon, distribusyon ng katubigan, pagkawala ng tubig sa mababang
lugar, distribusyon ng karagatan, ilog at mga lawa ay nakasalalay sa taas o
baba at anyo ng lupa.
• May epekto rin ang porma ng lupa sa behetasyon o sistema ng halaman.
Dahil sa epekto nito sa lupa at klima, iba-iba ang uri ng mga halamang
tumutubo sa bawat lugar.
• Kaiba ang lupa na nabubuo sa malapit na bundok sa mga kapatagan kaysa
doon sa malapit sa dagat. Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at
mga gawaing pang-ekonomiya sa bawat lugar. Ang mga lupang sagana sa
mineral ay nakapagbibigay ng ginto, pilak, tanso, at iba pang uri ng mineral
na magagamit at nagpapaunlad sa mga pamayanan. Ang mga
bulubunduking may minahan ng mga ginto at mineral ay matatag na
sandigan ng maunlad na ekonomiya. Dahil dito, maraming mga lupaing
mayaman sa mineral ang nasakop noong panahon ng kolonyalismo at
pagpapalawak ng teritoryo.
• Sa isang banda, ang klima rin ay may malaking epekto sa pag-iiba-iba ng
temperatura, pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sa pagkabuo at pagkasira
nito. Reponsable ang klima sa sukat ng ulan at dami ng tubig na nasa
kalupaan. Dahil sa klima, iba-iba ang uri ng lupa sa maiinit at malalamig na
lugar. Iba-ibang halaman ang tumutubo sa iba’t ibang lugar batay sa lamig o
init ng panahon. Dahil dyan, iba’t iba rin ang uri ng mga kalakal na ipinagbibili
ng mga bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Pamprosesong Tanong:
1. Gamit ang mga konsepto sa graphic organizer, ano ang iyong sariling
pakahulugan sa salitang heograpiya? Ipaliwanag ang sagot
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya? Ano ang kaugnayan nito sa
pag-aaral ng kasaysayan?
3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pagbuo at pagtaguyod ng ating
kabihasnan, kultura at kabuhayan at maging sa larangan ng pulitika sa kabila
ng mga hamong kinaharap? Ipaliwanag ang sagot.

6
PAGSASANAY 3
CONCEPT MAP
Sa pamamagitan ng concept map na nasa ibaba ay masusukat
ang iyong kaalaman tugkol sa mga paksang tinalakay. Lagyan ng
tamang impormasyon o datos tungkol sa heograpiya ang concept
map.

HEOGRAPIYA

KAHULUGAN NG KAHALAGAHAN NG
HEOGRAPIYA HEOGRAPIYA SA
KASAYSAYAN

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang heograpiya?
2. Bakit mahalaga ang heograpiya sa kasaysayan?

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang pag-aral sa agham panlipunan ay may kaugnayan sa ibat’t-ibang


disiplina. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya C. Antropolohiya
B. Sosyolohiya D. Agham Pampolitika

2. Si Herodotus ay nagpasimuno ng pagsusulat ng mga pangyayari sa


nakaraan dahil dito siya ay tinaguriang ___?
A. Ama ng Ekonomiya C. Ama ng Antropolohiya
B. Ama ng Sosyolohiya D. Ama ng Heograpiya/Kasaysayan

7
3. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang
maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.
A. Heograpiya C. Kasaysayan
B. Sosyolohiya D. Antropolohiya

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mahalagang layunin ng pag-aaral ng


heograpiya ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan

5. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag tungkol na kaugnayan ng


heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan?
A. Ang heograpiya ang dahilan ng pagbagsak ng mga kabihasnan.
B. Ang heograpiya ay walang kinalaman sa pag-aaral ng kasaysayan.
C. Ang heograpiya ang humubog sa kabihasnan, kultura, at kabuhayan.
D. Ang heograpiya ang nagbibigay hadlang sa pag-unlad ng kabihasnan.

KARAGDAGANG GAWAIN
Sa loob ng limang pangungusapMagbigay ng paliwanag o
halimbawa ng kaugnayan at kahalagahan ng heorgrapiya sa
mga sumusunod:

1. Paghubog ng Kabihasnan
2. Paghubog ng Kultura at Kabuhayan

MGA SANGGUNIAN:
• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 6 - 9
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. p.11 - 15, EASE III, Modyul I
• Kasaysayan ng Daigdig pahina 18-23
• https://www.google.com/search?biw=1366&bih=608&tbm=isch&sa=1&ei=8BxZ
XLK5AprorQHowI6oBA&q=herodotus&oq=HERO&gs_l=img.3.0.35i
39j0i19l9.900651.901155..902873...0.0..0.199.733.0j4......1....1..gws-
wizimg.NfPHK_Z94Mo#imgrc=lmr_E0ttbgtNHM: (Feb. 5, 2019, 5:30 PM)
• https://www.google.com/search?hl=fil&authuser=0&biw=1366&bih=657&tbm=
isch&sa=1&ei=NJ1iXO3zKJeavQSrvID4Bw&q=globe+earth&oq=glob
e+ear&gs_l=img.3.0.0i19l10.20942.33192..34895

8
Aralin 1.2
IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-
UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
(KABIHASNANG MESOPOTAMIA AT INDUS)

SIMULAN NATIN!
Maglalakbay tayo sa nakaraan tatahakin natin ang landas ng mga
sinaunang tao sa tinatawag na Fertile Crescent at Mesopotamia
tulad ng mga Sumerian, Babylonian, Hittite, Hebreo, Phoenician,
Assyrian, at Chaldean. Matutuklasan mo rin ang unang
kabihasnan ng Mohenjo-Daro at Harappa sa India. Mahalagang pagtuunan mo
ng pansin ang mga kalakip na babasahin upang higit mong maunawaan ang
katangian ng bawat kabihasnan mula sa pag-usbong nito hanggang sa
pagkakatatag ng mga imperyo na siyang higit na nagpayabong ng bawat
kabihasnan.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga impluwensiya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad


ng mga sinaunang kabihasnang Mesopotamia; kabihasnang Indus.
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnang Mesopotamia; kabihasnang Indus.
3. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnang Mesopotamia at
kabihasnang Indus.

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Lambak Ilog- patag na lupain sa mga lugar malapit sa ilog.


b. Uruk- itinuturing na kauna unahang lungsod estado sa daigdig.
c. Khyber Pass-isang daanan sa hilagang-kanluran ng India na nagging
daanan ng mga dayuhan.

9
d. Banlik- ito ay kulay dilaw na lupang naiiwan sa lupain matapos ang
pagbaha na nagsisilbing pataba sa mga pananim.

PANIMULANG PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang lunduyan ng unang kabihasnan na nangangahulugang lupain sa


pagitan ng dalawang ilog.
A. Indus C. Mesoamerica
B. Tsino D. Mesopotamia

2. Mga unang lungsod sa lambak ng Indus na natuklasan ng mga sinaunang


sentrong kabihasnan.
A. Ur at Uruk C. Yangshao at Lungshan
B. Catal huyuk at Hacilar D. Harappa at Mohenjo Daro

3. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag


ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Aryan C. Hittite
B. Shiite D. Dravidian

4. Ang mga ilog ay nagbigay ng pakinabang sa mga sinaunang kabihasnan sa


larangan ng agrikultura dahil sa patabang dulot nito sa tuwing may pagbaha
Ano ang tawag sa elementong ito na nagsisilbing pataba sa mga pananim.
A. lupa C. banlik
B. puno D. dumi ng hayop

5. Ang pagtatanim ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga


sinaunag tao. Sa kabihasnang Mesopotamia, maliban sa kambal na ilog ng
Tigris at Euphrates alin pa ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon sa
masaganang ani?
A. Fertile Arc C. Fertile Islet
B. Fertile Soil D. Fertile Crescent

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Maaari nang magtungo sasusunod na bahagi ng aralin. Sa
yugtong ito, inaasahang matututuhan ang mahahalagang
konsepto tungkol sa Kabihasnang Mesopotamia at Indus gamit
ang mga teksto, larawan, chart at mga gawaing higit na
magpapayabong sa iyong kaalaman.

10
PAGSASANAY 1
I-HASHTAG MO!
Suriing mabuti ang mga larawan. Ano ang iyong nakikita sa
mga larawan? Ano sa palagay mo ang kauganayan ng mga ito
sa sinaunang kabihasnang Mesopotamia at kabihasnang Indus? I-Hashtag
Mo!

#_________________________ #_________________________
#_________________________ #_________________________

PAGSASANAY 2
MAGBASA AT MATUTO

ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso


“pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”.na inaakalang
lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t
ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang
lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba
pang mga kabihasnan.

11
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA

Nagsimula sa malawak na lupaing


dinadaluyan ng mga ilog Tigris at
Euphrates ang kauna-unahang mga
lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia ang lupaig matatagpuan
sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at
bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan
ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile
Crescent, isang paarkong matabang
lupaing nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng
Mediterranean Sea. Ang regular na
pagapaw ng ilog Tigris at Euphrates ay
nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba
ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa
pagtatanim.

Mapa ng Mesopotamia
http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/exp set.html

Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap


ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito
ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar.

Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang


sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-
ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng
pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga
pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot
ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na
isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.

ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa


kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung


ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo
na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan
ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at
Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang
wikang ginagamit sa rehiyong ito.
12
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,
nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang
mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.

Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan


ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit
ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng
mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan
ng India.

HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS

Ang mga lungsod ng Harappa


at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus
ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon. Natagpuan
ng mga arkeologo ang mga labi ng
dalawang lungsod noong 1920 ang
mga lugar na ito. Gayon din ang
lipunang nabuo rito, ay kasabay halos
ng pagsisimula ng Sumer noong 3000
B.C.E. Mas malawak ang lupain
sa Indus kung ihahambing sa
sinaunang Egypt at Mesopotamia.
Sakop nito ang malaking bahagi ng
hilagang-kanluran ng dating India, at
ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan
sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na
itio ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang
matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
http://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-civilization.html

Nagsimula ang kabihasnan sa Indiasa paligid ng Indus River. Ang tuktok


ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
km. (1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng
Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay
naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India.
Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay
nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng
3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan
at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng
mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya.


Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan
ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

13
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ilarawan ang heograpiya ng kabihasnang Mesopotamia; kabihasnang
Indus. Ano ang kanilang pagkakatulad o pagkakaiba?
2. Bakit sa mga lambak ng ilog umusbong ang kabihasnang Mesopotamia at
kabihasnang Indus?
3. Paano nakatulong sa pamumuhay ng mga taga Mesopotamia ang Fertile
Crescent at ang Ilog Indus sa kabihasnang Indus?

PAGSASANAY 3
DATA RETRIEVAL CHART
Punan ang Data Retrieval Chart ng mga kinakailangang
impormasyon tungkol sa Heograpiya ng mga Sinauanng
Kabihasnang Mesopotamia at Kabuhasnang Indus.

Pagkakatulad Impluwensiya ng
at Pagkakaiba Heograpiya sa
Mga Sinaunang Heograpikal ng Heograpikal pagbuo at
Kabihasnan na Katangian na katangian pagtaguyod ng
kabihasnan

MESOPOTAMIA

INDUS

Pamprosesong mga Tanong:


1. Batay sa tekstong iyong binasa, ilarawan mo ang heograpikal na katangian
ng mga sinaunang kabihasnang Mesopotamia at Indus?
2. May pagkakatulad ba o pagkakaiba sa heograpikal na katangian ang
kabihasnang Mesopotamia at kabihasnang Indus?
3. Paano nakaapekto ang heograpiya sa pagkabuo at pagtaguyod ng mga
sinaunang kabihasnang Mesopotamia at kabihasnang Indus? Ipaliwanag
ang sagot

14
PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang mga lungsod-estado ng Harappa at Mohenjo Daro sa kabihasnang


Indus ay hinangaan dahil sa anong sistema?
A. Pagkakaroon ng organisadong pamilihang bayan.
B. Pagkakaroon ng sistemang pabahay para sa mga mahihirap.
C. Pagkakaroon ng organisadong bulwagan at mga pampublikong gusali.
D. Pagkakaroon ng organisadong lungsod na mayroong malalapad na
kalsada at sewerage system.

2. Ito ang lunduyan ng unang kabihasnan na nangangahulugang lupain sa


pagitan ng dalawang ilog.
A. Indus C. Mesoamerica
B. Tsino D. Mesopotamia

3. Dahil sa biyayang dulot ng Indus River, ang kabihasnang Indus na namuhay


sa pamamagitan ng anong paraan?
A. Paghahabi C. Pagsasaka
B. Pagmimina D. Pangangaso

4. Ang mga ilog ay nagbigay ng pakinabang sa mga sinaunang kabihasnan sa


larangan ng agrikultura dahil sa patabang dulot nito sa tuwing may pagbaha
Ano ang tawag sa elementong ito na nagsisilbing pataba sa mga panani.
A. lupa C. banlik
B. puno D. dumi ng hayop

5. Ang pagtatanim ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga


sinaunag tao. Sa kabihasnang Mesopotamia, maliban sa kambal na ilog ng
Tigris at Euphrates alin pa ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon sa
masaganang ani?
A. Fertile Arc C. Fertile Islet
B. Fertile Soil D. Fertile Crescent

KARAGDAGANG GAWAIN
Pansinin ang iyong komunidad. Magsulat ng isang Fearture
Article na may tatlong talata. Ang bawat talata ay mayroong
tatlong pangungusap. Itampok ang iyong sariling komunidad.

1. Ano ang heograpikal na katangian nito?


2. Paano ito nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao?

15
Gamiting gabay ang rubrik sa pagbuo ng Feature Article.

RUBRIK
Kaisahan ng Diwa 30%
Kaugnayan sa Paksa 50%
Kaangkupan ng salita at bantas 20%
KABUUAN 100%

MGA SANGGUNIAN:
• Project EASE III- Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig pahina 25-40
• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 6 - 9
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. p.11 - 15, EASE III
Modyul 1
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012. pp.19 - 20
• https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=
dBxZXM2HpnXhwO4s6OICg&q=+mesopotamia&oq=+mesopotamia&gs_l
=img.3..0i19l10.121306.121306..122228...0.0..0.391.391.31......1....1..gws
-wizimg.iT8mITNoASw#imgrc=OIovNfkk42YM_M: (Feb.5, 2019, 5:13PM)
• https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=
dBxZXM2HpnXhwO4s6OICg&q=+mesopotamia&oq=+mesopotamia&gs_l
=img.3..0i19l10.121306.121306..122228...0.0..0.391.391.31......1....1..gws
wizimg.iT8mITNoASw#imgdii=NukpDmI1dVYJhM:&imgrc=rbmxgsuq6xc9
hM: (Feb.5, 2019, 5:13PM)
• https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=
dBxZXM2HpnXhwO4s6OICg&q=+mesopotamia&oq=+mesopotamia&gs_l
=img.3..0i19l10.121306.121306..122228...0.0..0.391.391.31......1....1..gws
-wizimg.iT8mITNoASw#imgrc=rbmxgsuq6xc9hM: (Feb. 5, 2019, 5:15PM)

16
Aralin 1.3
IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-
UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
(KABIHASNANG TSINO, APRIKA AT
MESOAMERIKA)

SIMULAN NATIN!
Ang mga sinaunang kabihasnang Tsino, Afrika, at Mesoamerika
ay may sariling kakanyahan kung ang pag-uusapan ay ang
heograpikal na katangian ng mga ito ngunit nagkakapareho sa
lugar kung saan umusbong ang mga lungsod-estado nito sa mga
lambak ilog. Ang kabihasnang Tsino ay sa lambak ilog ng Huang Ho o Yellow
River. Ang lambak ilog ng Nile River o ilog Nilo naman ang naging panahanan
ng sinaunang kabihasnang Afrika. Samantala, ang sinaunang kabihasnang
Mesoamerika naman ay umusbong sa mga lambak ilog ng Sinaloa River at
Gulf of Fonseca.

Sa araling ito ay matutuhan mo kung paano naapektuhan ng katangiang


heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at kung paano nito
binago at pinaunlad ang mga ang pamumuhay ng tao.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga impluwensiya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad


ng mga sinaunang kabihasnang Tsino, Africa, at Mesoamerica.
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnang Tsino, Africa, at Mesoamerica.
3. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnang Tsino, Africa, at
Mesoamerica.

17
TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Delta- matabang lupa na naipon sa bunganga ng ilog dulot ng pagbaha na


nagsilbing taniman ng mga sinaunang tao.
b. Yellow River- ibang katawagan sa Ilog Huang Ho dahil sa kulay dilaw na
putik na dumadaloy sa ilog tuwing may pag-baha.
c. Zhongguo-nangangahulugang Middle Kingdom, tawag ng mga Tsino sa
kanilang lupain sa paniniwalang sila ang sentro ng daigdig.
.

PANIMULANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Ang mga sinaunang kabihasnan ay may sariling pagkakakilanlan. Bakit


tinawag na The Gift of Nile ang kabihasnang Egypt?
A. Dahil ito ang sentro ng kalakalan
B. Dahil ito ang nagbibigay pagkain sa buong kabihasnan.
C. Dahil ito ang tirahan ng maraming nilalang na may buhay.
D. Dahil kung wala ang ilog ay magiging disyerto ang buong lupain nito.

2. Sa mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnan dahil sa


ginhawang dulot nito sa kanilang pamumuhay. Sa anong lambak-ilog
umusbong ang sinaunang kabihasnang Tsino, Afrika, at Mesoamerika?
A. Huang Ho, Indus, at Silanoa
B. Huang Ho, Nile, at Euprhates
C. Huang Ho, Tigris, at Euprhates
D. Huang Ho, Nile,Sinaloa, at Gulf of Fonseca

3. Dahil sa pag-baha, ang Nile River ay nadudulot ng banlik o matabang lupa


na naiipon sa bungang ilog na nagsisilbig taniman ng mga sinaunang tao.
Ano ang tawag sa naubuong lupain sa bunganga ng Ilog Nilo?
A. Isla C. Aplha
B. Delta D. Chinampas

4. Ang pagbahang dulot ng Nile River ay natigil lamang noong 1970 dahil sa
pagkakatayo ang Aswan High Dam. Ano pa ang ibang benepisyong dulot
ng pagkakatayo ng Dam?
A. Nagsilbing paliguan ng mga tao.
B. Nagsilbing patubig sa mga taniman.
C. Nagsilbing pinakukunang inumang tubig
D. Nagsaayos ng suplay ng tubig at elektrisidad.

18
5. Ang kabihasnang Mesoamerica ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Dahil sa kaibahan ng elebaston ng lupa at dalas ng pag-ulan ano ang
nagging dulot nito sa rehiyon?
A. Kaibahan sa klima at ekolohiya
B. Kaibahan sa pagkain at pananamit
C. Kaibahan sa uri ng halaman at hayop
D. Kaibahan sa kalagayan ng pamumuhay

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Maaari nang magtungo sasusunod na bahagi ng aralin. Sa
yugtong ito, inaasahang matututuhan ang mahahalagang
konsepto tungkol sa Kabihasnang Tsino, Aprika at Mesoamerica
gamit ang mga teksto, larawan, chart at mga gawaing higit na
magpapayabong sa iyong kaalaman.

PAGSASANAY 1
MAPA SURI!
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. I-trace ang mapa sa inyong
kwaderno. Matapos nito ay kulayan ang mga mga lugar kung
saan umusbong ang sinaunang kabihasnang Tsino, Africa, at
Mesoamerica. Sundan ang legend sa ibaba.

Legend:

Kabihasnang Tsino - Dilaw


Kabihasnang Africa - Kayumangi
Kabihasnang Mesoamerica - Pula
19
PAGSASANAY 2
MAGBASA AT MATUTO!

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na


pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa
man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala..
Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa
aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at
pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at
mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.

HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO

http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay


umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito
ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000
milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay
nagpabago-bago nang makailang ulit sa smahabang Ito ay dumadaloy patungo
sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit
samahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang mapa ng
Kabihasnan sa China malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-
apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng patasba sa lupa ngunit dahil sa pagiging
patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar
na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-
unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng
ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno
ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol
ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-
daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang
mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na

20
tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.
Tinawag din nila ang kanilang lupain naZhongguo na nangangahulugang
Middle Kingdom.

ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa


Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa
Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging
matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay
nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa
loob halos ng tatlong milenyo.

Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt


bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar
tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo,
natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa
timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E.
Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng
Nile.

HEOGRAPIYA NG EGYPT

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang


tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o
kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694
kilometro ang haba ay Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil
kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile
ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang
idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan
High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng
tubig.

21
Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-
daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-
baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwan ng matabang
lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad
nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting
naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na
delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring
gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.

Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng
mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang
ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga
manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya
ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din
sa mga panahong ito.

Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing


mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong
mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng
ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog
ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang
mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang
mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga


mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North
America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang
kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng
mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South
America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang
pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA

http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations

22
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na
nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa
America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El
Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco
at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng
Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa
tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica
ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang
bahagi ng Honduras.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas


ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang
bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang
unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng
agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.

Pamprosesong Tanong:
1. Saang mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnang Tsino,
Afrika, at Mesoamerika?
2. Bakit tinaguriang Yellow River and Huang Ho?
3. Bakit tinaguriang The Gift of the Nile ang Egypt?

PAGSASANAY 3
DATA RETRIEVAL CHART
Punan ang Data Retrieval Chart ng mga kinakailangang
impormasyon tungkol sa Heograpiya ng mga Sinauanng
Kabihasnan.

Impluwensiya ng
Pagkakatulad
Heograpiya sa
Mga Sinaunang Heograpikal at Pagkakaiba
pagbuo at
Kabihasnan na Katangian ng Heograpikal
pagtaguyod ng
na katangian
kabihasnan
TSINO

EGYPT

23
MESOAMERICA

Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang heograpiya ng sinaunang kabihasnang Tsino, Egypt, at
Mesoamerica.
2. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kabihasnan sa isa’t-isa.
3. Paano nakaimpluwensiya ang heograpiya sa pagkabuo at pagtaguyod ng
mga sinaunang kabihasnang Tsino, Egypt, at Mesoamerica? Ipaliwanag
ang sagot

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Ano ang pagkakatulad ng mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,


Egypt, Indus at China?
A. magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
B. naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
C. itinatag sa mga disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
D. umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan

2. Isa sa mga dumadaloy na ilog sa bansang ito ay ang Ilog Nile na kinilala
bilang “The Gift of the Nile”
A. India C. China
B. Egypt D. Mesoamerica

3. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa


Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang maunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
C. Dahil higit na mataas ang antas ng paumuhay ng mga taga
Mesoamericakaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na
pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.

4. Ang kabihasnang ito ay umusbong sa tabing – ilog malapit sa Yellow River


o Ilog Huang Ho.
A. India C. Mesopotamia
B. China D. Mesoamerica

24
5. Ang kabihasnang Mesoamerica ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Dahil sa kaibahan ng elebaston ng lupa at dalas ng pag-ulan ano ang
nagging dulot nito sa rehiyon?
A. Kaibahan sa klima at ekolohiya
B. Kaibahan sa pagkain at pananamit
C. Kaibahan sa uri ng halaman at hayop
D. Kaibahan sa kalagayan ng pamumuhay

MGA SANGGUNIAN:
• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 6 - 9
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. p.11 - 15, EASE III,
Modyul
• Kasaysayan ng Daigdig pahina 18-23
• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 6 - 9
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. p.11 - 15, EASE III
Modyul
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012. pp.19 - 20
• Open High School Contextualized Modules ( Grade 7 -10 )
https://bit.ly/3d1JgCf pahina 6 - 12
• Project EASE III – Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig pahina 25 – 30
• https://www.slideshare net.Pag-aaral ng Heograpiya
• https://www.slideshare net. Heograpiya ng Daigdig

25

You might also like