Professional Documents
Culture Documents
T E A C H E R ‘S L E A R N I N G P L A N I N
ARALING PANLIPUNAN 8
Teacher’s Name: Christine Joy D. Tubal Lesson #: 4 Topic: Mga Kultura ng iba’t-ibang Rehiyon sa daigdig
Content Standards: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng
kasalukuyang henerasyon.
Performance Standards: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
Learning Competencies: Ang mga mag-aaral ay:
1. Nasusuri ang kahalagahan ng mga Kultura ng iba’t ibang Rehiyon sa daigdig sa pamamagitan ng talakayan
2. Nakagagawa ng komprehensibong Triple Venn Diagram tanda ng pagkatuto sa paksa; at
3. Napahahalagahan ang iba’t ibang kultura ng Rehiyon sa daigdig sa pamamagitan pangkatang gawain.
Reference/s: Soriano, Celia D., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M., Samson, Maria
Carmelita., (2016) Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
REX Book Store,Inc.
Values: Pagkamakakalikasan
INTRODUCTION
Gawain 1. KWL Chart
Punan ng mga impormasyon ang sumusunod; sa hanay ng Know, Ilagay ang mga imporamsyong alam mo na; sa
hanay ng Want, ilagay ang mga nais mo pang matutuhan; at sa hanay ng Learn, inaasahang mailalagay mo ang iyong
mga natutuhan.
Know Want Learn
1. Heograpiya
2. Klima
3. Pisikal na Heograpiya
4. Kultural na Heograpiya
5. Sinaunan tao
6. Sinaunang kabihasnan
Pamprosesong Tanong
Paano nakakaapekto ang mga salik heograpikal sa buhay political, panlipunan, pang-ekonomiko, at kultural
ng mga Lipunan at kabihasnan, at sa mga pangyayari sa kasaysayan?
INTERACTION
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
Ang salitang “heograpiya” ay hango sa salitang Griyego mula sa ‘geo’ na nangangahulugang “lupa” at ‘graphein’ na
ibig sabihin ay “pagsusulat”.
Rehiyon- Nagsasaad ito sa mga bahagi ng daigdig na pinag-iisa dahil sa pagkakapareho ng mga katangiang
pisikal at kultural.
- Hal. Great Plain ng Estados Unidos, Sentral at Timog Amerika, Fertile Crescent, Gitnang
Silangan.
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran- Ito ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa pisikal at katangian na may
angkin ng kaniyang kinaroroonan.
Paggalaw ng Tao- Nagsasaad ito ng pag-alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar; kasama rin
dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
- May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar.
- Linear -gaano kalayo ang isang lugar; Time -gaano katagal ang paglalakbay;
Psychological -paano tinatanaw ang layo ng lugar.
Topograpiya- ay ang salitang naglalarawan sa pag-aaral sa ibabaw ng lupa. Binubuo ito ng mga pagbabago
sa mga kabundukan at mga lambak at maging sa mga katangian ng mga ilog at mga daan. Malaki ang
epekto ng topograpiya sa isang rehiyon o lugar. Ang mga kabundukan ay nagsisilbing pananggalang na
nakapagpapabago sa takbo ng hangin.
Istruktura ng Daigdig
Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa
katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao ay
gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng
eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng
paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.
Napakahina ng paggalaw ng mga plates na ito at umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
Gayunpaman, ang paggalaw at ang paguumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagiging sanhi ng mga
paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang
makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay
nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon.
2. Ipinanukala naman ni Alexander Von Humboldt, isang Prussian geographer, naturalist, at explorer,
na ang mga kontinenteng nakapaligid sa Karagatang Atlantiko ay dating magkarugtong.
3. Ang Plate Tectonics Theory. Nabuo ang teoryang ito noong 1960, at ayon dito ang mga kontinente
ay nakatuntong sa plates o malalaking tipak ng lupa na may kapal na 30 hanggang 60 milya na
nakalutang sa magma. Sa pag-alsa ng magma mula sa mantle, naitulak nito ang mga tipak ng lupa na
maaaring napunta sa tatlong direksiyon. Ang unang direksiyon ay ang pagbabanggaan ng dalawang
plates na maaaring nagdulot ng pagkakalikha ng kabundukan. Maaari ding papalubog ang pag-uumpugan
ng dalawang plates na siyang lumikha ng trenches tulad ng mga nasa karagatan. Sa ikalawang
direksiyon ay kikilos palayo ang dalawang plates. Ang pagkilos na ito ay magdudulot ng malaking puwang
sa lupa o dagat na bubuo ng lambak o kaya naman ay kapatagan. Sa ganitong pagkilos ay nabuo ang mga
anyong lupa at anyong tubig ng mundo.
INTEGRATION
INTERVENTION
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. BILUGAN ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
3. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na
katangiang pisikal o cultural?
a. Lokasyon b. Paggalaw c. Lugar d. Rehiyon
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silangan ng West Philippine
Sea
7. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ito ay patuloy na gumagalaw.
a. Pangaea b. Kontinente c. Plate d. Rehiyon
11.Tumutukoy ito sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran o silangan ng
Prime Meridian.
a. Longitude b. Grid System c. Latitude d. Tropics