You are on page 1of 4

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

“Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kusang loob na kaparaanan na lumikha ng tunog,” - Edward Sapir

“Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa pamamaraang arbitraryo.”- Henry


Gleason

Katangian ng Wika

1. Ang wika ay mga tunog na pinipili at isinasaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong
gumagamit nito.
2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan.
3. Ang wika ay isinatinig na mga tunog.
4. Ang wika ay may kani-kaniyang katangian at kalikasan.

Kahalagahan ng Wika

1. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. Ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa:
pasalita: pangangamusta pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.


halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.


halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.


halimbawa:
pasalita: pagtatanong ` pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.


halimbawa:
pasalita: pag-uulat pasulat: balita sa pahayagan

Antas ng Wika

1. Balbal – ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Tinatawag din
itong salitang pangkalye o pangkanto. Ito rin ang wikang pinakamabilis magbago ang bokabularyo.
2. Kolokyal – Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Karaniwang pinaikli ito mula sa mga pormal na salita.
3. Lalawiganin – Ito ang mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
4. Pambansa – Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.
Ito rin ang ginagamit sa mga paaralan at pamahalaan.
5. Pampanitikan – Ito ang pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika. Ginagamit ito sa mga
akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at iba pa. Masining at matalinhaga ang
pagpapahayag.

Mga Uri ng Barayti ng Wika

 Idyolek – Pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik


 Dayalek – Nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan
3 uri ng dayalek
1. Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
2. Dayalek na tempora (batay sa panahon)
3. Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
 Sosyolek – pansamantalang barayti
 Etnolek – nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo
 Ekolek – kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay
 Pidgin – wikang wala pormal na estruktura
 Creole – nadedebelop ang pormal na estruktura
 Rejister – wikang espesyalisadong nagagamit sa isang particular na domeyn
3 uri ng dimension.
1. Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
2. Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
3. Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Komunikasyon

 Webster – ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan


 Gray at Wise – kung ang tao ay walang metodo ng komunikasyon, wala sa mga institusyong
pantao – industriya, relihiyon, gobyerno, edukasyon – ang magiging possible
 Atienza, et. al – tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na
kapwa nakikinabang nang walang lamangan
 L.T. Ruben, et. al – ang masining at mabisang pakikipagtalastasan/ komunikasyon ay ang maayos,
maganda, malinis, tama at epektibong pagpapahayag ng anumang maisip, madarama at nakikita
sa paraang pasalita at pasulat
 E. Cruz, et. al – ang pakikipagtalastasan/ komunikasyon ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap,
nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at
damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
 Bernales, et. al – proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo
na maaring verbal o di-verbal.

KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
1. Tagahatid ng Mensahe – Ang tagahatid ang kadalasang pinagmumulan ng mensahe o tagagawa
ng mensahe.
2. Mensahe – Tumutukoy naman ito sa impormasyong nais ipahatid ng pinanggagalingan ng
mensahe.
3. Hadlang – Anumang bagay o pangyayari na maaring makapagpabago ng kahulugan ng isang
usapan ay itinuturing na hadlang.
4. Tsanel – Ang tsanel ang nagsisilbing daanan ng mensahe patungo sa tagatanggap nito.
5. Tagatanggap – Ang tagatanggap naman ang tumatanggap ng mensaheng hatid ng tagahatid ng
mensahe.
6. Tugon – Ito ay tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula sa mensaheng tinanggap mula sa
tagahatid.
7. Kapaligiran – Ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan kung saan nagaganap
ang komunikasyon.
8. Konteksto – Sitwasyon ng komunikasyon ang tawag ng ilang mga iskolar sa larangan ng wika at
komunikasyon. Malaki ang kaugnayan ng mabisang komunikasyon. Malaki ang kaugnayan ng
mabisang komunikasyon kaugnay sa pormalidad o pormalidad ng sitwasyon kung saan nagaganap
ang palitan ng mensahe.

Mga uri ng komunikasyong di-berbal:


Chronemics – tinutukoy nito ang oras at ang kahalagahan nito. Halimbawa, ang madalas na
pagtingin sa orasan.
Proxemics – tinutukoy nito ang espasyo sa komunikasyon. Halimbawa, ang pagturo gamit ang
hintuturo sa lugar na hinahanap.
Kinesics – tinutukoy nito ang galaw ng katawan; sa Ingles, body language. Bahagi nito ang
pananamit, tindig, at paraan ng pag-upo at paglakad, kumpas ng kamay, at iba pang mga gawi.
Halimbawa, ang pagtango ng ulo ay pagsang-ayon; ang pagkamot ng ulo ay senyales na hindi
alam ang sagot.
Haptics – tinutukoy nito ang paggamit ng pandama (sense of touch) upang magpahiwatig ng
mensahe. Halimbawa, ang pagmano ay simbolo ng paggalang; ang pagtapik sa balikat ay
simbolo ng mabuting trabaho.
Iconics – tinatawag din itong pagpapakahulugan sa mga simbolo o larawan. Halimbawa, ang
mga imahen ng batas trapiko tulad ng imahen ng bawal pumarada at bawal bumusina.
Oculesics – tumutukoy ito sa iba’t ibang galaw ng mata at ang mga kahulugan na iniuugnay rito.
Halimbawa, ang panlalaki ng mata ay nagpapahiwatig ng pagkagulat; ang panlilisik ng mata ay
nagsasaad ng galit.
Pictics – tinutukoy nito ang samo’t saring ekspresyon ng mukha na ating nililikha tuwing
nagsasalita o nakikinig. Maging ito ay may mensaheng ipinapahiwatig sa ating kausap , hindi
man natin buksan ang ating bibig. Halimbawa, ang paghihikab ay nagpapahiwatig ng pagkabagot
o pagkaantok.
Vocalics – tumutukoy ito sa paggamit ng mga tunog. Halimbawa ay ang pagsutsot at pagpito.

You might also like