You are on page 1of 4

Sa Tabi Ng Dagat ni Ildefonso Santos

by whoopeeyoo on January 10, 2011

Sa Tabi Ng Dagat

Ildefonso Santos

Marahang-marahang

manaog ka, irog, at kata’y lalakad,

maglulunoy katang

payapang-payapa sa tabi ng dagat;

di na kailangang

sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,

ang daliring garing

at sakong na wari’y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,

habang maaga pa, sa isang pilapil

na nalalatagan

ng damong may luha ng mga bituin;

patiyad na tayo

ay maghahabulang simbilis ng hangin,

ngunit walang ingay,

hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…


Pagdating sa tubig,

mapapaurong kang parang nangingimi,

gaganyakin kita

sa nangaroroong mga lamang-lati;

doon ay may tahong,

talaba’t halaang kabigha-bighani,

hindi kaya natin

mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,

kata’y magbabalik sa pinanggalingan,

sugatan ang paa

at sunog ang balat sa sikat ng araw…

Talagang ganoon:

Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,

lahat, pati puso

ay naaagnas ding marahang-marahan…

Ang tulang ito ay tumatalakay sa buhay ng tao pati na rin sa


pag-ibig.Naipakita rin dito ang isang masayang samahan o
relasyon.Ginamit ang kapaligiran sa pagpapahayag niya sa
kanyang mga nararamdaman.
Ang buhay ng tao ay masasabi nating ito'y masaya dahil
mayroon mga bagay na nagpapasaya sa atin.Pero minsan ito rin
ang dahilan ng ating kalungkutan.Tulad ng pag-ibig sa umpisa
akala natin puro kasiyahan lang ang ating mararamdaman pero
kalaunan itoy unti unting nawawala at napapalitan ng
paghihinagpis.Hindi natin maiiwasan at mapipigilan na ang pag-
ibig talaga ay hindi nagtatagal at itoy naglalaho rin.Maraming
mga bagay na nagiging dahilan ng paghihiwalay ng isang
samahan.at ang isang masayang samahan ay hindi basta basta
matatapos ng isang araw lang kundi binubuo ito ng mahabang
oras at panahon.:)

Ang tulang sa tabi ng dagat ay patungkol sa bawat panahon ng pag-iibigan ng magsing-irog. Mula sa
umaga na sinusuyo ng binata ng dalaga hanggang sa pagsapit ng hapon na ang ibig sabihin na kung
minsa'y sa huli ay maaaring mawala ang damdamin nila sa isa't-isa.

Ang persona ng tula at ang kanyang kausap ay may isang payak na asam: Ang susi sa
kagandahan, na makakamtan lamang kung ang pag-ibig ay sinlalim ng dagat.

Ibig sabihin, kung dalisay ang pag-ibig ng kapwa sa kanyang kapwa, mananaig ang magandang
buhay, ang magandang daigdig. Maaaring ang hangad ng persona at ng kanyang kausap ay para
lamang sa kanilang dalawa, o kaya'y para rin sa sangkatauhan.

Kung para sa sangkatauhan, utopia ang hangad ng persona at ng kanyang kausap. Isa itong
masidhi at dambuhalang pangarap na tila imposible nang makamit ng tao, dahil ang tao'y tao:
palalo at sakim. At ang kailangan ng tao upang makamit ito ay hindi magmumula sa kanya
mismo, kundi sa isang kapangyarihang higit na mataas at higit na malakas sa kanya: Halimbawa
na'y ang makalangit na kapangyarihan (divine powers).

Kung para nga sa sangkatauhan, isang magandang kilusan ang nais ng persona at ng kanyang
kausap. Ngunit tao lamang sila. Wala silang makalangit na kapangyarihan upang mailatag sa
lupa ang susi sa kagandahan.

Gayumpaman, ang bawat kilusan patungo sa anumang mabuting gawa o pagbabago ay


nagbubúhat sa bawat isa. Kaya, wagi ang tula. Kapulot-pulot kasi ang mensahe't aral na nais
ipaturol ng makata.

Tigib din ng diwa ng pakikibaka ang tula mong ito, dahil sa mga linyang gaya ng mga ito:

Sabay nating nilakad


Ang daan patungo sa buwan

Sa liwanag natin natagpuan

Ang susi sa kagandahan

Magkasabay na tinugpa ng persona at ng kanyang kausap ang daan patungo sa buwan, kung saan
sa liwanag niyon ay nakita nila ang susi sa kagandahan.

Iya'y ang tamang hakbang patungo sa mabuting pakikihamok, na siyang dapat isagawa ng mga
táong nangakataas ang mga kamao at nagpapakilalang may malasakit daw para sa kapwa at
bayan.

You might also like