You are on page 1of 2

I love you Ma!

John Mark D. Marces

3 salita para sa 2 letra,


Babaeng mahalaga sa buhay ko ng sobra.
Kung sa tingin nyo tinutukoy ko dito’y aking nobya,
Aba! Mali kayo at ito’y aking Ina.

Nag-iisip, nalilito
At ako’y gulong-gulo
Gulong-gulo sa kakaisip kung paano sisimulan ang tulang ito
Ang tula na isusulat ko para sayo.

Sinubukan ko balikan ang nakaraan,


Ang nakaraan na hindi na muling mababalikan.
Ang pananabik ninyo sa akin,
Noong ako’y nasa iyong sinapupunan.

Ibang ligaya ang hatid ko sa inyo,


Kuwento sa akin yan ng aking lolo.
Kuwentong nagpapa-alala,
Nang minsa’y ako’y nagkasala.

Piniling mapag-isa,
Ayaw munang marinig ang boses niya.
Boses na laging nagpapaalala.
Boses na nagsasabing, “anak, lumayo ka sa barkada.”
“Sa pag-aaral mo’y huwag magpapabaya.”
“Huwag kang magbisyo, sa pag-inom lalo na sa droga.”
“Kung ika’y mamimili ng mapapangasawa, kailangan ko siyang makilala.”
Boses na minsa’y nakakarindi na.

Boses na nagsasabing,
“Isa kang burara! Tumayo ka na dyan at ika’y magbasa. Halika dito’t matutong maglaba.
Magluto ka. Magsaing ka. Maghugas ng plato’t kutsara. Huwag puro cellphone ang dala-dala.
Huwag puro facebook ang binabasa. Huwag sa iyong kaibiga’y laging nakikibalita. Dinggin ang
aking mga salita, hindi ang mga bagong kanta ng iyong paboritong banda. Itigil ang paglalaro
ng ML na ipopost din sa social media. Ang aking mga utos sana’y bigyan ng halaga.”
Mga salitang paulit-ulit, na para bang isang sirang plaka.

Kaya naman napag-isipan ko muna lumayo.


Sa iyong paningi’y mawala at magtago.
Na kahit isang araw lang sa paningin mo’y ako’y maglaho.
Ngunit sa aking pag-iisa’y, maraming napagtanto.

Napagtantong kailangan kita.


Sa pag-iisa’y ako sa’yo’y nangungulila.
Ika’y mag-isang nakaupo sa kama at pinupunasan ang mga luha.
Noong nakita kita, napuno ang dibdib ng pagdurusa.

Kaya aking Ina, ako’y babalik sa iyong presensya.


Patawarin mo ako sa aking pagkakamali at pagwawalang-bahala.
Sa aking hindi pagdinig ng iyong mga bilin at salita.
Sa aking isip, ay naging klaro na, na ikaw ay tama.

Hayaan mo bumawi ako sayo


Ikaw ang nag-iisa kong Ina dito sa mundo.
Matigas man ang aking ulo,
I Love You Ma!

You might also like