You are on page 1of 1

Bitaw

Ang pag-ibig nating ito’y masyado nang masakit

Mahal kita — alam mo ‘yan — pero kailangan natin ‘tong tigilan

Kailangan nating maghiwalay at bumitaw sa pagkapit.

Di siguro talaga sapat ang pag-ibig at ganto ang ating sinapit

Ang dating masayang nagmamahalan, ngayo’y nahihirapan

Ang pag-ibig nating ito’y masyado nang masakit.

Mga ngiti at tawanan nati’y sa isip ko’y paulit-ulit

Tiyak na di ko malilimutan kahit pilit kong subukan

Ngunit kailangan nating maghiwalay at bumitaw sa pagkapit.

Hindi ko malaman kahit isipin kong pilit

Kung dapat ko bang ipagpatuloy na ika’y ipaglaban

Ngunit ang pag-ibig nating ito’y masyado nang masakit.

Mahirap ngunit ang mata ko na lang ay ipipikit

Upang di makita ang mata mong nagmamakaawang wag kang iwan

Dahil kailangan nating maghiwalay at bumitaw sa pagkapit.

Marahil balang araw ay magmamahalan tayong ulit

Ngunit ngayon ang kamay mo’y kailangan ko nang bitawan.

Ang pag-ibig nating ito’y masyado nag masakit;

Kailangan nating maghiwalay at bumitaw sa pagkapit.

You might also like