You are on page 1of 10

Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapones noong 1941 hanggang 1945.

Nabalam ang umuunlad na ang panitikang Pilipino sa dahilanang


ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan at dahil dito ay
pansamantalang nahinto sa pagsulat ang mga manunulat.

 Sa panahong ito pinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng


Tribune at Free Press, ang mga manunulat sa Ingles ay nagsisulat sa
Filipino.

 Ang panahong ito ang nag dulot ng malaking pagbabago sa pamamaraan


ng mga manunulat.
Ang Panulaan sa Panahon
Ng
Mga Hapones
 Isang sangay ng panitikang Pilipino na
naaapektuhan ng kahirapan ng papel noong
panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan
ng papel, lumabas sa panahong ito ang
napakaiksing tulang tinatawag na “haiku” at ang
muling binuhay na tinatawag na “tanaga”
Haikku

Isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na


nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may
limang pantig, ang ikalawang taludtod naman ay may
pitong pantig at ang ikatlong taludtod ay may limang
pantig tulad ng unang taludtod.
“Tutubi”
Hila mo’y tabak…
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
-Haikku ni Gonzalo K. Flores
 Tanaga

Binubuo ng apat na taludtod na may


pitong pantig ang bawat isang taludtod,
may sukat at may tugma.
“Haraya”
Ano man sa daigdig,
Maaring magamit
Ano mang nasaisip
di-sukat maiipit.
-
“Tag-init”

Alipatong lumalapag

Sa lupa nagkabitak

Sa kahoy nalugayak

Sa puso naglalagablab.
Katangian ng mga Tula

Maikli

 Namayani ang mga tulang may malayang taludtudan,


walang sukat at kadalasa’y walang tugma.

 Marami ang gumagamit ng haiku.

 Nagtataglay ng talinhaga.
Uri ng Tula

 Karaniwang anyo

Malayang taludturan na ang pinakamarami ay


haiku

Tanaga

You might also like